Taming the Beast - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

Nang makalabas sa building ng halimaw ay kaagad kong tinungo ang kinapaparadahan ng aking lumang sasakyan. Hindi ako makakabili ng sasakyan na hindi ginagamit ang credit card ko, na malamang ay pinutol na ni Kuya. Napakawalang puso pagdating sa akin.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ni Colt Vierco. I heaved a sigh when I realized that I’m going to a stranger’s territory. Teritoryo ng mga halimaw.

Saglit na bumaling ang mga mata ko sa cellphone kong nasa katabing upuan. Unregistered number, but hell yeah, I answered it.

“Ms. Salvador, alam kong hindi mabini ang kilos mo. But, please, umakto kang parang ganoon sa harap ni Colt. You won’t like it when he gets mad. Ayaw niya sa matatalas ang dila,” paalala sa akin ng isang Flix Vierco.

“I know, so shut up your mouth, bago ko iyan paduguin,” inis kong sabi nang maalala ang banta niya sa akin kanina.

“If you’re going to obey me Ms. Salvador, I won’t say anything to Kairo. Isa pa, you need Colt’s protection. He can give you the safety you wanted. Hindi ka magagalaw ng mga Lorenzo as long as nasa poder ka ni Colt,” sabi niyang alam kong may ngisi sa mga labi.

“Oh so you think makukuha mo ako sa ganiyan. Anong akala mo sa akin, hindi kayang protektahan ang sarili? I’m sorry Mr. Vierco, I know your games,” seryoso kong balik habang nakatitig sa kulay pulang ilaw. Sana abutin ng isang taon ang traffic.

“Really, then, let’s have a deal.”

Tempting.

Nagtatago ako dahil sa mundong kinalakhan ko tapos mapupunta lang rin pala ako sa mas malalim na balon nito?

“What gives?”

“Pardon?” narinig kong sabi ni Flix. Awtomatikong umikot ang aking mga mata bago inapakan ang accelerator ng kotse.

“What do you want from me? Of course, hindi lang naman dahil sa gusto mong makausap si Colt kaya mo ito ginagawa. Alam kong may iba ka pang gustong makuha sa akin. And I’m pretty sure na hindi iyon ang virginity ko,” nakasimangot kong sabi. “Anong makukuha ko pabalik? I don’t need protection, I can do it myself.”

Malutong na pagtawa ang pinakawalan ni Flix Vierco. Tumagal iyon ng ilang segudo at sapat na para maging musika sa pandinig ko ang tawa niyang iyon. Pero hindi ako makukuha sa gwapo niyang mukha at boses. Marami pa ring nakatago sa likod ng halos perpekto niyang hitsura.

“You’re smart, like how my people described you.” Biglang uminit ang ulo ko. He investigated me. “We’ll talk about it when you get to ask Colt to come here.”

“Asshole!” Inis kong sabi bago pinatay ang tawag. Dumako ang mga mata ko sa waze ng kotse. Limang minuto na lang mararating ko na ang subdivision ng mga Fuentabella.

Hindi matanggal ang inis na nararamdaman ko. Mukhang nasisiyahan si Flix sa pangba-blackmail sa akin. Kung ganoon, I’ll play along.

“Ma’am Salvador?” Tanong sa akin ng guwardiya sa gate palang ng subdivision. Isang marahang pagtango ang isinagot ko bago muling pinaandar ang kotse. Rich people and their power. Gasino na lang para sa mga Vierco ang bigyan ng notice ang guwardiyang sumalubong sa akin. Flix and his games! Ugh, kung hindi lang ako naiipit sa sitwasyon hindi ko susuungin ang delikadong daan ng buhay ko.

Kaagad kong ipinarada ang sasakyan sa labas ng malaking gate ng bahay ni Colt Vierco. I won’t deny that the beast has a taste. Maganda ang structure ng bahay niya. Pinag-isipang mabuti.

I rang the doorbell. Walang sumagot, of course, baka nga tulog pa iyon. Ang sabi ni Flix, may pagkatamad ang kapatid nito simula nang pumanaw ang asawa. Locking himself alone in this house, anong utak meron ang Colt na iyon?

Alam kong nauunawan ko siya sa part na hindi pa rin siya makapagmove-on dahil sa pagkawala ng asawa. Pero hindi naman pwedeng habangbuhay siyang nakakulong. I bet his enemies love what he’s doing right now.

Muli kong pinindot ang button ng doorbell. Hayop, hanggang kailan ako paghihintayin rito sa labas?

Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. The bastard sent me a message. “Tame the Beast Ms. Salvador. I’ll give anything you want, just do what I said.”

I rolled my eyes, disbelief registered on my face. Anong akala niya sa akin? Galing ng safari na lahat ng mababangis na hayop roon ay napaamo ko kaya ako ang kinuha niya para pumunta sa den ng halimaw niyang kakambal?

Nang hindi talaga ako pagbuksan ng kung sino mang nasa loob ay kusa na akong pumasok. Tame the Beast he said, walang kwenta kung tutunganga lang ako sa labas.

I entered the beast’s den. Peaceful outside, but damn! Akala mo’y haunted house sa loob. Napakatahimik, nakakabingi. Pero ramdam ko ang awrang nagmumula sa kung saan. Para bang may lalapa sa akin anumang oras.

“You must be Zairene,” mahina kong sabi bago dinampot ang glass picture frame, sa loob niyon ang magandang picture ni Zairene. “Beautiful and innocent, yet, you tamed the beast. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi makamove-on ang isang Colt Vierco.” I smiled genuinely. Geez. Ang tagal na simula nang ngumiti ako ng ganito.

Halos manlaki ang mga mata ko nang dumulas ang hawak kong picture frame. Tuloy-tuloy iyong nahulog and fuck, I broke it. What the hell?

Mabilis kong dinampot ang nagkapira-pirasong salamin. And guess what, I cut myself. Tanga!

“Who the hell are you?!” Dumagundong ang boses na iyon sa buong kabahayan. A man in front appeared with a dog in his side. Damn, gorgeous as Flix. Mas mapanganib nga lang.

Sinupil ko ang daing na gustong kumawala sa aking bibig nang malakas niyang hatakin ang aking braso. Bitch. Wala naman siguro siyang balak na balian ako diba?

“S-Sir, I’m sorry po, hindi ko po sinasadya,” pag-aarte ko. Hayop kasing Flix na iyon, kung pwede ko lang sana kausapin nang pabalang ang kakambal niya ginawa ko na. “Sir, kailangan ko po kayong makausap, utos po ni Sir Flix,” sabi ko habang pilit na tumatayo. This asshole dared to push me? Now I’m pissed off.

“I don’t care about the company anymore! Hindi niya ba makuha na ayaw ko nang bumalik?! Get lost!” mariin niyang sabi bago ako sinaraduhan ng pinto.

“Sir! Sir, please, baka masesante ako kapag hindi ko kayo kasama pabalik!” Who cares kung matanggal ako, mas mabuti nga iyon. Hindi ko na sasakyan ang mga kagaguhan ni Flix Vierco.

Marahan kong pinagmasdan ang aking brasong namumula dahil sa malakas na paghatak sa akin ni Colt. Maging ang aking palad na nagasgasan. Pati na rin ang hiwa sa kamay kong nalagyan na ng alikabok. Kapag talaga naimpeksiyon ang kamay ko isusubo ko kay Flix at Colt ang parteng may sugat.

Muli, tumunog ang cellphone ko. Isinusumpa kong pumayag ako sa alok ni Jane!

“What do you want?!” asik ko kay Flix.

“Tama nga ang hinala ko,” sabi niyang kasabay ng pagak na tawa. “What did he do this time?” tila sa sarili lamang na tanong ni Flix.

“Your asshole brother pushed me! You two Vierco’s pissing me off. Remind me to kill you once I’m done with your twin beast.” Mariin kong sabi bago huminga nang malalim.

“Oh no, Keith, stop what you’re doing!”

“Pissed off Vierco!” malakas kong sabi bago ibinaba ang tawag.

Saan na nga ba ako?

Ahh.

Muli akong huminga nang malalim bago malakas na sinipa ang pinto. Not thinking about what’s going to happen after I broke the beast’s door.

Will he kill me?

Oh I doubt that.

Baka ako pa ang makapatay sa kaniya.

Oh dear God, help me tamed the beast.

Dahil ayaw kong umabot sa sobrang inis ang maramdaman ko. Ayaw kong masangkot na naman sa isang gulong pilit kong tinatakbuhan.

Hindi sa ayaw ko nang bumalik sa dating ako. Of course marami rin akong naiwan sa buhay kong iyon. My jerk friends.

I can deal with Lorenzo. Natatakot lang akong may madamay. At ngayon, nagtatago ako sa bagay na dapat isinasawalang bahala ko na lang.

And now.

Colt Vierco, magtutuos tayong dalawa!

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings