Сhapter 1
NAKATAAS ang kilay na hinarap ko ang guwardiyang humarang sa akin sa pagpasok sa malaking building ng mga Vierco. Marahil ay iniisip nitong isa lamang akong naligaw na nilalang sa pangmayamang lugar na iyon. Bitch!
“Manong, sinabi ko naman sa iyo, ako po iyong magiging bagong assistant ni Mr. Vierco,” pigil ang pagtaas ng boses na sabi ko. Nakakapika na ha! Dahil ba sa napakasimple lamang ng ayos ko? Dahil ba sa halos maging ang mga janitors ay hindi ko mapantayan?! Eh gago pala siya eh! Naku talaga, kapag hindi talaga ako nakapagpigil may sapak sa akin ang damuhong ito.
“Ma’am, kailangan po muna naming makausap si Sir Flix. Masyado na po kasing luma ang style ninyo. Hindi n’yo po kami masisisi kung hinaharangan ka namin rito. Marami na ang nagsabi niyan sa buong linggo na ito.” Awtomatikong tumaas ang sulok ng labi ko. Hindi ba sila marunong magbasa?! Ilang beses ko na bang pinakita sa kanila ang dalang confirmation na nagsasabing tanggap na ako?! At ano bang klaseng kompaniya itong Merida Ent. Na ito? Hindi man lang sinabihan ang mga guwardiyang may bagong employee sila?
“Ronald, tama na iyan,” sabat ng isa pang guwardiya. “Ms. Keith Salvador, di po ba? Nasa loob na po si Sir Flix,” may ngiting sabi nito sa akin. Oh thank God, good to know that I am not going to punch this guard here. Kung nagkatao’y baka hindi pa ako makapasok sa unang araw ko pa lang.
Naiinis na pinandilatan ko ang guwardiyang may pangalang Ronald. “Bye,” mariin kong sabi bago taas-noong naglakad sa malawak na lobby.
“Keith, at last you’re here,” tila nakahinga nang maluwag na sabi sa akin ni Jane nang makarating ako sa top floor. Geez, why the hell these business men always wanted the top floor to be their offices? What if magkaroon ng power shortage? Eh di, mukha silang tangang tinatahak ang ilang daang baitang ng hagdan.
Kaibigan kong matalik si Jane na siyang papalitan ko sa puwesto. Naku naman kasi, kung hindi lang ito buntis baka hindi ako pumayag sa gusto nito. I swear, kapag talaga makahanap ako ng tiyempo, aalis talaga ako sa trabahong ito. I don’t want this job! No, I don’t need this job! Kung pera lang naman ang pag-uusapan, mayroon ako noon! Para saan pa ang pagtitipid ko? Para saan pa ang pagbebenta ko ng mga damit kong binili pa ni Kuya mula sa iba-ibang bansa?
Shit! Ito naman kasing si Jane, kilalang-kilala talaga ako. Alam na may kahinaan ako pagdating sa mga kambal. Hello? Minsan lang akong makakita ng kambal sa loob ng dalawampu’t apat na taon kong ito. At ito pa, parehong may hitsura ang magkapatid na Vierco. Hindi naman sa gusto kong mapansin nila ako. Ang akin lang, gusto ko silang makita, maging inspiration sa comics na ginagawa ko.
“Iyong mga guwardiya niyo, naku Jane, sinasabi ko sa iyo,” salubong ang kilay na sabi ko.
“Hayaan mo na sila. Hindi lang sana’y na tumanggap ng mga bagong employee. Lalo na’t matagal nang hindi nagkakaroon ng hiring sa Merida Ent.”
Pumasok kaming dalawa sa isang kuwarto. Mula sa kinatatayuan ko’y nakita ko ang isang lalaking masyadong nakakasilaw ang kagwapuhan. Brusko ako kung minsan, pero alam ko pa rin naman kung paano tumingin. Alam ko pa rin naman kung guwapo ang kaharap. Isa na roon si Mr. Vierco. Hindi ko lang alam kung ito ba ang cold, snob at batong si Colt Vierco. O ang mabait at palangiting si Flix Vierco.
Ayon kay Jane, na halos alam na yata ang buong pagkatao ng kambal, magkaibang-magkaiba raw ang dalawa. Kung si Flix Vierco ang crush ng buong bayan, ang kakambal naman ang kinatatakutan.
Firing employees even without doing anything wrong. Firing those people dahil lang sa gusto niya, ugh! I hate bastards like him. Napakawalang puso! Mabuti na lamang hindi sila pareho ni Kuya. At least my brother knows how to give credits sa mga employees niya. Kahit na ba minsan inaabot ng pagiging gago ang kuya kong iyon, iniintindi niya pa rin ang pinanggagalingan ng mga nasa ilalim niya. Unlike that bastard na pinaglihi yata kay satanas.
“Keith Salvador,” seryosong sabi ng magiging amo ko. Damn, he has the most sweetest voice. Sana ganoon rin ang mga labi niya. “Iwan mo muna kami Jane.”
Nang makalabas ang kaibigan ko’y kaagad akong nakaramdam ng lamig. Indeed, the CEO of Merida Ent. Is not just an ordinary leader. Mukhang may mali sa ibinigay na impormasyon sa akin ni Jane.
“I’m Flix Vierco, sit down Ms. Salvador,” seryoso niyang sabi na halos ikalunok ko. If this guy in front of me the kind Vierco, nah, mukhang walang kind sa vocabulary ng kambal. Paano pa kayang ugali meron ang isa pa?
“Thank—”
“Didiretsahin na kita,” malamig niyang putol sa sana’y pagpapasalamat ko. “I’m going to send you to Colt’s company.”
I gulped. The heck! Ano ba itong pinasok ko? “Why?” Tutal hindi naman siya ang magiging amo ko, wala naman sigurong masama kung sumagot akong kapantay ng tono niya.
“He needs help.” Maiksing sagot ni Flix Vierco habang nakasandal sa upuan niya. Nakalagay ang kamay sa baba habang ang daliri’y marahang dumadampi sa pisngi. His eyes were fixed on mine. Filled with amusement.
“Kung ipapadala mo ako sa kaniya, para maging laruan, thank you, but I decline,” malamig ko ring turan na lalong nagpangisi sa kaniya. “I’m sorry, I guess I need to go. Wala naman nang dahilan para magtagal ako rito.”
“I know Kairo Salvador,” sabi ni Flix na ikinatigil ko sa akmang paglabas ng kaniyang opisina. This asshole knows how to play his games. Mukhang mapipilitan akong pumayag.
“What do you want me to do, asshole?” mariin kong tanong. Talagang binigyan ko ng diin ang bawat salitang lumabas sa bibig ko. Para iparating sa taong nasa harapan ko ang pagiging marumi niya para lang pumayag ako sa gusto niyang mangyari.
“You do have a sharp mouth, Ms. Salvador. Ayaw ni Colt sa mabangis na tulad mo,” sabi ni Flix habang nakangisi. Bastard!
“I don’t like you too.” Matigas kong sabi na ikinahalakhak niya. Mukhang nabulag ng guwapo niyang mukha ang mga empleyadong nasa ilalim niya. Flix Vierco, of course, he’s a Vierco, malamang na magkatulad sila ng kapatid niya. I should’ve known that, after all marami na akong naging character na kapareho ng ugali nila. The bastard one, the cunning and the asshole. Peste! Lahat ng iyo’y bida sa mga ginawa kong comics. Fuck!
“Well then, let me test you. Para kahit papaano, kampante akong nasa mabuting kamay ang kapatid ko.” Wow, hindi ko naman alam na maalalahanin pala siya sa kapatid niyang iyon. “Invite Colt to come here, kailangan ko siyang makausap nang personal.”
“Why not go to him personally, mas madali iyon kaysa utusan mo pa ako.” Mataray kong sabi na ikinasalubong ng kaniyang mga kilay.
“Should I call Kairo, and tell him na ang kapatid niyang tumakas ay nasa nasasakupan ko?” Pananakot niya sa akin. Gago talaga, paano bang naging crush ito ng ilan? Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, hindi siya gwapo!
“Fine!” Malakas kong sagot bago padabog na lumabas.
To hell with this Flix Vierco?! Paanong hindi ko siya kilala? Ugh! Baka naman kasi dahil sa hindi ako palaging ipinapakilala ni Kuya sa mga nagiging kaibigan niya. And fuck, paanong magiging kaibigan siya ni Kuya? Di hamak na mas maganda naman ang ugali ni Kuya kaysa sa kambal na iyon.
Remind me to kill Jane pagkatapos nito.
Paano ko ring naging kaibigan ang isang iyon? God! I should’ve never told her about my whereabouts. Dahil tuloy doon baka matunton ako ni Kuya. Worst thing is, baka makulong pa ako.
Eh sino bang gago ang basta na lang magtangka sa akin? Sa pamamahay ko pa mandin?!
I’m pretty, yes. Pero hindi iyong ganda na kapag nakita’y pagnanasaan ka? Lalo na’t kilala ako ng mga empleyado ni Kuya bilang isang bihasa sa pakikipagbasag-ulo.
Yep, you read it right. I’m the stubborn, troublemaker Keith Salvador. I punches faces whenever I wanted to. Kaya nga nagtatago ako ngayon eh. Alam kong ipinapahanap na ako dahil sa ginawa kong pagsapak sa anak ng kasosyo ni Kuya. Pero may dahilan naman ako! He wanted to raped me, what do you expect me to do? Spread my legs and welcome him open arms? Hayop! Malamang hindi ako pakikinggan ni Kuya, dahil alam niyang maloko ako.
“Fuck this whole life!” Matigas kong sabi habang tinatahak ang mahabang pasilyo ng building ni Flix Vierco.
I heard na ang kompaniyang pinamamahalaan ni Flix ay isang kompaniya kung saan maraming artistang nasa ilalim niya. Kaiba sa hawak ng kakambal niyang si Colt.
May-ari ito ng isang security agency na kahit yata Pangulo ng bansa ay mas gugustuhin ang serbisyo ng damuho kaysa sa mga offers mula sa iba’t ibang bansa. People under Colt’s company was trained to do their best. Not just the best, sinanay rin silang makipaglaban para sa buhay nila. Agents, assassins o kung anu-ano pa’y hawak ni Colt. Geez, at kahit ganoon hindi man lamang nito naprotektahan ang namayapang asawa sa taong bumaril rito.
Tama nga ang ilan, you escaped death once, you can never escape the next one. Hay buhay, hindi mo alam kung kailan ang oras mo. Lalo na ako, malamang markado na ako sa mata ng demonyong si Mark Lorenzo. Hayop na iyon, napakalibog!
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock