Steamy
Vergonio Phoebe Keith
17K
9K
Description
"One day, Ace." I said with a smile. "The day will come when I will get rid of you." "Why not now? I’m already giving you the chance to do that. Midnight is near. ” "You!" I said emphatically. He was playing with me! He knew a lot about me, but why hadn't he got rid of me yet? It was especially clear to him why we were together now. He knew my mission. He knew I would get rid of him.
1
Mar 10, 2022
“NO! Zairene!” malakas kong sigaw habang nasa mga bisig si Zairene na walang malay. Maigi sana kung wala lang talaga itong malay. Pero hindi eh. “Zairene, wake up! Babe!”
Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip. Ilang taon na ba akong dinadalaw ng panaginip na iyon? Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.
May tatlong taon na simula nang mangyari iyon. Tatlong taon na rin ang nakakalipas nang iwan niya ako.
She left me with nothing but a broken heart.
Masakit, mahal ko pa rin siya. Hindi na siguro iyon mawawala.
Pagtunog ng cellphone ang pumukaw ng aking atensiyon. It’s already nine in the morning. I still have thirty minutes to prepare para sa pagpunta sa bahay ni Mommy.
I went to the bathroom. Took a quick shower and head out to the kitchen. As usual, I cooked for myself. Nakakalungkot na ako na lang mag-isa. Nakakalungkot na kakain na naman akong mag-isa. Kailan ba ako masasanay?
“Zain,” banggit ko sa pangalan ng alaga kong aso. She’s a Siberian husky. Binigay siya sa akin ni Flix bilang regalo.
She wants me to touch her. Ganiyan naman siya palagi. Kapag nakikita niyang natutulala ako’y kaagad siyang lumalapit sa akin. I thank God for having Zain here, with me. Kahit papaano’y nababawasan ang pangungulila ko.
Habang kumakain ay biglang tumunog ang doorbell. I almost rolled my eyes, malamang isa na naman iyon sa mga tauhan ni Flix para pilitin akong bumalik sa trabaho.
Hindi ko iyon pinansin. Pasasaan ba’t aalis rin naman ang taong iyon. At hindi nga ako nagkamali, ilang minuto lamang ay natigil ang kung sino mang walang tigil sa pagpindot sa button ng doorbell.
Mabilis kong inilagay sa lababo ang mga pinagkainan ko. I made sure that Zain ate her food before I headed out of the kitchen.
Napakunot ang noo ko nang makarinig nang pagkabasag sa sala. Madali kong tinungo ang lugar na iyon nang may marinig naman akong malakas na pagsinghap.
“Who the hell are you?!” Dumagundong ang boses ko sa buong kabahayan. A lady in front were holding the broken picture frame. Mas lalo akong nakaramdam ng galit nang makitang litrato iyon ni Zairene.
Malakas kong hinila ang kaniyang braso. Wala akong pakialam kung masaktan man siya, dahil naman iyon sa katangahan niya. Ang gusto ko lang ay umalis siya sa pamamahay ko.
“S-Sir, I’m sorry po, hindi ko po sinasadya,” nakangiwi niyang sabi. Madilim ang ekspresiyong tinitigan ko siya bago tinulak palabas ng bahay. Dire-diretso siyang nasubsob. “Sir, kailangan ko po kayong makausap, utos po ni Sir Flix.”
“I don’t care about the company anymore! Hindi niya ba makuha na ayaw ko nang bumalik?! Get lost!” mariin kong sabi bago malakas na isinarado ang pinto.
“Sir! Sir, please, baka masesante ako kapag hindi ko kayo kasama pabalik!” Narinig kong sigaw ng babae habang kinakatok ang pinto.
Who cares about her getting fired?
Mabilis kong nilinis ang mga nagkalat na bubog. Fuck her for breaking my wife’s picture.
Isang pagtahol ang ginawa ni Zain nang mapansin ang kulay pulang likido sa tabi ng isang malaking parte ng salaming nabasag. “Ganiyan ang nakukuha ng mga katulad niyang pakialamera. She deserves that,” malamig kong sabi bago tuluyang nilinis ang kalat.
Muli akong bumalik sa kuwarto. Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako lalabas ng bahay, tatawagan ko na lang siguro si Mommy.
2
Mar 10, 2022
3
Mar 10, 2022
4
Apr 9, 2022
5
Apr 9, 2022
6
Mar 10, 2022
7
Mar 10, 2022
8
Mar 10, 2022
9
Mar 10, 2022
10
Mar 10, 2022
11
Mar 10, 2022
12
Mar 10, 2022
13
Mar 10, 2022
14
Apr 9, 2022
15
Apr 8, 2022
16
Apr 9, 2022
17
Mar 10, 2022
18
Mar 10, 2022
19
Mar 10, 2022
20
Mar 10, 2022
21
Apr 9, 2022
22
Apr 9, 2022
23
Apr 9, 2022
24
Apr 9, 2022
25
Mar 10, 2022
26
Mar 10, 2022
27
Mar 10, 2022
28
Apr 9, 2022
29
Apr 9, 2022
30
Mar 10, 2022
31
Mar 10, 2022
32
Mar 10, 2022
33
Mar 10, 2022
34
Mar 10, 2022
35
Mar 10, 2022
36
Mar 10, 2022
37
Mar 10, 2022
38
Mar 10, 2022
39
Mar 10, 2022
40
Mar 10, 2022
41
Mar 10, 2022
42
Apr 9, 2022
43
Mar 10, 2022