passion

My Passion

Library
searchsearch

Taming the Beast

/

Chapter 4

Chapter 3

May 9, 2025

ISANG hingang malalim bago ako pumasok sa loob. I don’t care if Colt gets mad, all I want to do right now is to punch his face. That way, magiging maayos ang pakiramdam ko. And I’ll leave his house, peacefully.

Wala na sa sahig ang basag na picture frame. Malamang ay nilinis na iyon ng demonyo.

I roamed my eyes around the house. Maraming pinto sa ikalawang palapag. Wala akong pakialam kung saan man sa mga iyon ang kuwarto ni Colt. Gigibain ko na lang ang lahat ng pinto para madali kong malaman ang kulungan niya.

Muli akong napahinga ng malalim. Gosh, for almost a year na nagtatago ako, ngayon na lang ulit ako makakasapak ng tao. Napapailing na inakyat ko na lang ang malaking hagdan.

“So which one is your room, beast?” mariin kong bulong bago sinipa ang unang pintong natapatan ko.

Ohh, such a nice room. Bulong ng aking isipan nang mapasukan ang malinis na kuwarto. It was painted with white and grey color. May ilan ring nakasabit na paintings sa wall. Well actually, hindi lang sa wall. It was all over the room. Marunong silang magpinta o binibili lang nila ang mga iyon?

Nang mabusog ang mga mata sa bawat paintings na nasa kuwarto’y kaagad na akong lumabas. Ano namang gagawin ko roon? Eh wala naman doon ang hinahanap ko.

Kaagad kong tinungo ang pinakadulong kuwarto sa aking kanan. Pinihit ko ang seradura at laking tuwa ko nang mapagtantong nakalocked iyon. Maybe the beast’s inside.

Kinuha ko ang credit card kong walang silbi sa aking pitaka. Mabilis ko iyong isinuksok sa gilid. Ganito ang napapanood ko sa tv eh. Card man o hairpin ay pwedeng magamit. Sana nga lang ay totoo iyon dahil kating-kati na ang kamao ko.

Nang marinig ko ang tunog, hudyat na nabuksan nga ang pinto’y napapangising binuksan ko iyon nang malakas. Kaagad napalis ang ngisi ko nang tumambad sa akin ang naglalakihang paintings. Maayos na maayos ang pagkakapinta sa mukha ni Zairene. Para bang pinag-isipan ang bawat detalye. Maging ang pilik-mata’y parang totoo. Kung hindi ko nga lang nilapitan ang mga larawa’y baka isipin kong kuha iyon ng isang camera.

Whoever paints these masterpiece, nakuha niya ang respeto’t paghanga ko. At least I know how to appreciate arts. Huwag lang sanang si Colt ang nagpinta nito dahil baka mabawasan ang paghanga ko sa mga paintings na nagkalat sa buong kuwarto.

“What the fuck are you doing here?!” Dumagundong ang boses na iyon sa buong kuwarto. I don’t know, but this time I feel my knees trembling. Maybe because of his loud voice or the fact that he caught me entering this precious room.

Pinilit kong patigasin ang ekspresiyon sa aking mukha bago humarap sa kaniya. He’s wearing the same expression. Para bang anumang oras lalapain niya ako.

“Well I forgot to give you this..” I said. Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa bago pinakawalan ang solidong suntok para kay Colt. Right before it hits his face, he quickly ducked and held my waist. Parang isang sakong bigas na binuhat niya ako palabas sa kuwartong iyon.

“Put me down!” I yelled at him. Walang sawa kong pinaghahampas ang kaniyang likod bago sapilitang kumawala sa pagkakabuhat niya sa akin.

Mula sa gilid ng aking mga mata’y nakita ko ang isang kuwartong bukas. Marahil ay iyon na ang kuwarto ng damuho. “Alright, I’ll leave, just put me down!” pamimilit ko kay Colt.

Iyon nga ang ginawa niya. Padabog niya akong binaba kaya tumama ang puwet ko sa sahig. It hurts! Matambok naman ang puwet ko pero dahil nga sa malakas ang pagkakababa sa akin ni Colt ay talagang masakit nang tumama iyon sa sahig.

“Now, leave!” Mariin niyang sabi.

Matalim ko siyang tiningnan bago marahang tumayo. Isang irap ang ginawa ko bago walang pasabing sinipa ang kaniyang tuhod. Nang mamilipit si Colt sa sakit ay mabilis akong tumakbo sa kuwartong nakabukas. Pero hindi ko kaagad iyon naisara dahil mabilis na naiharang ni Colt ang katawan niya sa pinto.

Tatakbo na sana ulit ako para pumasok sa banyo nang bigla akong hilahin ni Colt. Right then, he pinned me to the wall. His eyes were like darts.

“Alright, alright, I’ll leave, for real.” Sabi kong nakataas ang dalawang kamay. Akmang aalis na ako nang mahigpit na hawakan ni Colt ang aking mga balikat. “Asshole,” mariin kong bulong na hindi rin naman nakaligtas sa kaniyang pandinig.

“Talaga bang pinadala ka ni Flix para sunduin ako? O isa kang stalker?”

“Excuse me?!” malakas kong sabi nang marinig ang huling salitang lumabas sa bibig niya. Stalker? Ako stalker? Stalker niya?

“What? Defensive much?” sabi niyang may madilim na ekspresiyon sa mukha.

“Empleyado ako ni Flix. Totoong pinapasundo ka niya dahil gusto ka niyang makausap. Iyon lang!” mariin kong sagot. As if naman gusto kitang puntahan dito! Kung hindi nga lang dahil sa nalalaman ni Flix hindi ko susundin ang utos niya! At stalker? You’re handsome, I’ll give you that, but to stalk you like what you’re saying, nah, over my dead body. Hindi kita type!

“You’re aware that I’m still here, right? Lakasan mo pa ang boses mo para naman marinig na rin ng mga nasa labas.” Sabi ni Colt na ikinainit ng mga pisngi ko. Fuck! Mukhang naisabi ko yata ng malakas ang nasa isip ko. Pero hayaan na lang, para nga malaman niya na hindi lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kaniya.

“Aalis na ako.”

“I won’t let you leave without—,”

“Hindi ba’t gusto mo na akong umalis. Eh bakit ngayon pinipigilan mo ako?!” naiirita kong sabi. Kung hindi nga lang talaga alam ni Flix ang sekreto ko’y pinagtatadyakan ko na sa mukha ang kakambal niyang pinaglihi sa sama ng loob.

“Kanina iyon, pero sa ngayon, you need to stay here hanggang sa makarating ang mga pulis.”

“What?!” nanlalaki ang mga matang tanong ko. Ayos lang na ihagis niya ako palabas sa bahay niyang ito. Pero ang magtawag pa ng pulis?! Fuck! Kapag nalaman nilang isa akong Salvador, iuuwi nila ako sa bahay. O baka nga idiretso nila ako sa kulungan!

“What? Natatakot ka?” may ngisi sa mga labing tanong ni Colt.

“Don’t..,don’t call the police. Aalis na talaga ako.” Sabi kong pinipilit na makawala sa pagitan ng pader at ni Colt.

Shit! Bakit ba natatakot ako? Pulis lang naman ang mga iyon. Kahit galit sa akin si Kuya, hindi niya naman ako pababayaan! My brother loves me. Hindi niya lang talaga maatim na nadungisan ang pangalan namin dahil sa ginawa ko sa gagong si Mark Lorenzo.

Mabilis kong kinalma ang sarili bago mahinang napatawa. Malamig ang tinging humarap ako kay Colt.

“You’re crazy.” Mahinang sabi sa akin ni Colt.

“Napagtanto ko lang, I already dipped my feet in hell when I came here. Bakit hindi ko na lang sulitin bago ako tuluyang malunod.” Matapang kong sabi na ikinatiim ng kaniyang mga bagang.

Fuck, these Vierco’s. Lalo na ang gagong Flix na iyon! He forced me to do this! Pinilit niya akong bumalik sa mga bagay na pilit kong iniiwasan! Malaya na ako sa impyernong kinasadlakan ko dati, bakit kailangan ibalik niya ako roon?!

“Who are you?”

Isang mabining pagtawa ang ginawa ko. “I am your brother’s employee. Pinadala niya ako rito para sabihin sa iyong kailangan ka niyang makausap.”

Muling tumiim ang mga bagang ni Colt. “I already told you—,”

“I know.” Mabilis kong sabi. “Isang kahibangan na manatili pa ako rito. Bakit nga ba nag-aaksaya ako ng panahon sa isang katulad mo? Hindi ko na dapat problemahin kung hindi ka pupunta.” Naiinis kong sabi. Bakit nga ba pinag-aksayahan ko pa ng oras ang isang ito?! Ah, marahil ay dahil sa ginawa niya sa akin kanina. Pero ngayon, nalinawan na ako. They don’t deserve my precious time.

Muli’y akma akong aalis nang pigilan ako ni Colt. Masyadong malapit ang katawan niya sa akin. Pati ang kaniyang mukha’y ilang dangkal na lang sa mukha ko. “What? You want to kiss me?” mataray kong hamon kay Colt na ikinaigting ng kaniyang mga panga.

“May asawa na ako Ms. Salvador. Hindi ako madadala sa ginagawa mo.” Mariin niyang sagot na ikinalaki ng mga mata ko. He knew my name! Kilala niya ako!

“Get out of my house and go home.” Dagdag niya nang hindi ako nakaimik. “Hinahanap ka na ng kuya mo at ni Lorenzo.”

“Damn you!” mariin kong sabi bago ko siya tinulak. Naiiritang nilisan ko ang kuwarto niya. Nang makalabas ay halos panikipan ako ng dibdib.

Alam kong pinaghahanap ako ngayon ng mga Lorenzo. Pero ang kaalamang marami ang may alam ng pangyayaring iyo’y hindi ko kinakaya. Pakiramdam ko’y nanliliit ako.

I am the victim! Bakit parang ang lumalabas, ako ang may kasalanan?! That bastard almost raped me, what do they expect me to do? Of course I need to defend myself! Walang ibang tao sa kuwartong iyon maliban sa amin ni Mark. Kaya sarili ko lang rin ang may kakayahang magligtas sa sarili ko.

Sa isiping iyon ay lalong nagrebelde ang puso ko. Pero kaagad ring nanlumo nang mapagtanto ang isang bagay.

Dahil ba iyon sa ginawa ko kay Mark? O dahil sa isang bagay na pilit ko nang kinalimutan?

Taming the Beast

Taming the Beast

43 Chapters

close

Settings

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en
book

43

Contents

settings