Wifely Duties - Chapter #2 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

B UMILIS ang tibok ng puso ni Agatha nang makita si Reeve na naglalakad palapit sa gawi niya. Kahit kailan ay hindi na yata magbabago ang reaksiyon ng kanyang puso tuwing makikita ito.

He looked so charming in his coat and tie. Every woman in the piano recital was drooling over him.

“Agatha, stop staring at Reeve like you’re one of his obsessed stalkers.”

Hindi pinansin ni Agatha ang sinabi ni Trisha at ipinagpatuloy lang ang pagtitig kay Reeve.

“Agatha, he’s coming our way,” sabi pa ni Trisha.

“I know.”

“Don’t make it so obvious that you’re drooling over him!”

Nasa function hall sila ng Monteverde Hotel—isang five-star hotel kung saan gaganapin ang isang piano recital. Kasali si Agatha sa recital. Ang Monteverde Hotel ay pagmamay-ari ng pamilya nina Reeve.

Nagtapos si Agatha ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Lyceum of the Philippines University. Nagmamay-ari din kasi ang pamilya nila ng chains of hotels nationwide. But when her male cousins insisted on managing their family business, hindi na siya pinilit ng kanyang ama na magtrabaho. So, she decided to pursue her love for music. Nag-aral uli siya. She took Diploma in Creative and Performing Musical Arts at the University of the Philippines.

Twenty-four years old na siya. Isang taon na lang at magtatapos na siya sa pangalawang kurso. Ngayon ay may piano recital sila ng mga classmate niya para sa pagtatapos ng third year nila.

Maraming mga kilalang negosyante ang nandoon ngayon dahil may mga anak ang mga itong kasali sa recital. Siguro iyon din ang dahilan kaya pinaunlakan ni Reeve ang imbitasyon ng kanilang college na manood ng recital nila—para makapag-mingle ito sa iba pang negosyante.

Palapit na sana si Reeve sa kinatatayuan ni Agatha nang maharang ito ng dalawang matandang lalaki na mukhang mga negosyante rin.

Napasimangot si Agatha.

“Hey, Agatha, magsisimula na ang recital. Pumunta na tayo sa place natin.” Hinila na siya ni Trisha.

“Pero si Reeve...”

Trisha rolled her eyes. “Later na lang. Let’s go na.”

Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa kaibigan.

After ten minutes ay nagsimula na ang programa. Bago magsimula ang recital proper ay sandaling naimbitahan si Reeve sa stage para magbigay ng maikling welcome remarks para sa kanila. Sa maikling speech ng lalaki ay hindi ito hiniwalayan ng tingin ni Agatha.

Napaka-dignified magsalita ni Reeve. Full of confidence and appeal. Kaya hindi na rin siya magtatataka kung ang iba pa niyang classmates ay nakatitig din sa binata habang nagsasalita ito.

Nasa kalagitnaan si Reeve ng pagsasalita nang magtama ang kanilang mga mata.

Agad na kumabog nang malakas ang dibdib ni Agatha.

Oh my! He’s looking at me! He really is. Oh! How do I look? How do I look?

Nagtagal ang paghihinang ng kanilang mga mata. Nagwawala ang puso ni Agatha. She didn’t know what to do but at the same time, she didn’t want to break their eye contact.

Namumula na yata siya pero nakuha pa rin niyang ngumiti nang matamis kay Reeve.

Nang malapit nang matapos ang speech ni Reeve ay nag-iba na ng direksiyon ang tingin nito. Pero sapat na ang sandaling paghihinang ng kanilang mga mata para mas ma-inspire si Agatha sa pagtugtog mamaya. Nasa business trip ang mga magulang niya kaya walang manonood sa kanya. Abala pati ang malalapit niyang pinsan. Pero sapat na ang eye to eye contact nila ni Reeve para mabuo ang gabi niya.

Patuloy pa rin sa pagtibok nang mabilis ang puso ni Agatha. She sighed dreamily.

NATAPOS na ang piano recital at isa-isa nang nagsisiuwian ang mga tao.

Tama ang pasya ni Reeve na pumunta sa event. Hindi nasayang ang oras niya dahil marami siyang nakilalang mga negosyante. Marami siyang nakausap na gustong mag-invest sa kanilang kompanya. He just hit two birds with one stone.

Para sa kanya, dapat walang nasasayang na oras. Lalo na sa trabaho.

Sa nakalipas na limang taon na pagiging vice-president ng Monteverde Hotel ay malaki ang naitulong niya para mas lumago pa ang business empire ng kanyang pamilya. Malapit nang ilipat sa kanya ng ama ang posisyon nito bilang company president. Pero may kulang pa raw sa kanya.

A wife. A family.

He was the only heir to the Monteverde empire. Nag-iisa siyang lalaki sa kanilang magpipinsan kaya gustong maniguro ng kanyang ama na bago siya maging presidente ng kompanya ay may asawa na siya at nag-uumpisa nang bumuo ng pamilya.

“Get serious in your relationships, Reeve. Marry a decent woman and I’ll turn over my position to you immediately,” sabi ng kanyang ama habang nagkakape sila sa opisina nito.

“Seriously, `Pa? You know what? I don’t want to marry anyone,” nakakunot-noong sabi niya.

“Kahit sa isa sa mga napapabalitang girlfriend mo?”

“They’re just flings.”

Kumunot ang noo ng kanyang papa. “Well, son, you’re not getting any younger. Stop fooling around with women.”

“`Pa, hindi pa ba sapat ang isandaang porsiyento kong dedikasyon sa trabaho? My hundred percent effort and persistence in making our hotels the best? Bakit kailangan ko pang magkaasawa muna bago makuha ang posisyon ninyo?” Napailing-iling pa si Reeve. His father was unbelievable.

Tiningnan siya ng kanyang papa nang tuwid sa mga mata. “You’ve done more than enough, Reeve. You act as if you’re already the president and CEO of our company.”

“Then why do I need to marry first?”

“Because I want to.”

“Not a very good reason.” Inubos na ni Reeve ang kanyang kape, pagkatapos ay tumayo na para umalis.

“Reeve.”

“What?” iritado niyang sagot.

“I’m giving you six months to choose a woman you would want to marry.”

Marami siyang trabaho at wala siyang panahon para maghanap ng babae. Ayaw naman niya sa mga nagiging flings. They were just good bedmates and not for keeps. Ayaw rin niyang makipagsabwatan sa kung sinong babae dahil ayaw niyang nagsisinungaling sa kanyang ama.

“What if I won’t be able to find someone after six months?”

His father grinned wickedly. “I’ll arrange your marriage.”

Ngayong gabi ang pagtatapos ng anim na buwang palugit na ibinigay ng papa ni Reeve. And hell! Wala siyang nahanap dahil sa sobrang abala sa trabaho. Halos nakalimutan na nga niya ang kasunduang iyon.

Kilala ni Reeve ang kanyang ama. Hindi ito nagbibiro nang sabihing ipapakasal siya sa babaeng gusto nito para sa kanya.

Pero ano pa ba ang magagawa niya? Sigurado namang pipili ang kanyang papa ng babaeng maayos at karapat-dapat para sa kanilang pamilya. Sa ngayon, hinihintay na lang niya ang tawag ng ama.

Papalabas na si Reeve ng hotel nang mamataan ang babaeng nakahuli ng kanyang pansin kanina habang nagsasalita siya sa stage.

She was wearing a long, baby blue gown which exposed her back, revealing fair and smooth skin. Medyo nakatalikod ang babae kaya kitang-kita niya ang likod nito.

Naisip niyang hinahaplos ng mga daliri niya ang hubad nitong likod. His fingers would definitely enjoy her smooth and soft skin, traveling lower until he reached her…

“Damn!” Reeve muttered to himself. His body was reacting! And at just the sight of the lady’s back!

Agad niyang inalis ang mga mata sa likod ng babae. Napadako naman iyon sa mukha nito.

The girl looked young. Obviously. Kasama ito sa college piano recital kanina. She was gorgeous. She had eyes like that of a doll coupled with a cute nose and luscious pink pair of lips. Her hair was fixed in a French twist, showing her long, beautiful neck. Kahawig ito ni…

Napailing na lang si Reeve at ipinagpatuloy ang lihim na pagmamasid sa babae.

Balingkinitan ang pangangatawan nito. Humahakab ang suot na gown sa katawan. She looked alluring. Her breasts were of average size but well-rounded. Damn, they would surely fit in his hands. And when his hands would slip from her small waists and taut hips down to her...

Snap out of it, Reeve! Stop lusting over a young girl!

Pilit niyang kinontrol ang sarili. Ipinilig niya ang ulo at aalis na sana nang marinig ang pakikipag-usap ng babae sa cell phone.

“Mang Bert, matagal pa po ba kayo?” tanong ng babae sa kausap sa kabilang linya. Mukhang inaantok na rin ito base sa pamumungay ng mga mata.

“Sige po, hihintayin ko na lang kayo. Bilisan n’yo na lang po, please. Bye.”

Hindi alam ni Reeve kung ano ang nagtulak sa kanya para lapitan ang babae.

NAPABUNTONG-HININGA si Agatha pagkababa ng cell phone. Kanina pa tapos ang recital at kanina pa niya hinihintay si Mang Bert, ang kanilang family driver. Katatawag lang ng matanda sa kanya para ipaalam na matatagalan ito dahil napaka-traffic daw sa EDSA dahil sa isang banggaan. Ayaw naman niyang abalahin pa ang isa sa mga pinsan niya para magpasundo.

Inaantok na si Agatha at nilalamig pa. Mahaba ang suot niyang gown pero backless iyon.

“Miss?”

Napalingon si Agatha at laking gulat nang makita ang ang taong nasa likuran niya.

“Reeve...” mahinang sabi niya.

Bahagyang umangat ang isang sulok ng mga labi nito pero nanatili ang kaseryosuhan sa mukha.

Saglit na natulala, saka nataranta si Agatha dahil sa biglang paglapit ng lalaki. “Ahm… m-may I h-help you, Mr. M-Monteverde?” nagkabulol-bulol niyang tanong.

“I think you’re cold.”

She smiled shyly. “Y-yes.”

Napansin iyon ni Reeve? Ibig bang sabihin niyon ay kanina pa siya nito tinitingnan? Napayuko si Agatha. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi.

Bigla siyang napaangat ng tingin nang ipatong ni Reeve sa mga balikat niya ang coat nito. Napatulala na lang siya sa guwapo nitong mukha. And gosh! Parang gusto niyang mahimatay nang ngumiti na ito nang tuluyan.

“I don’t want our guests to be uncomfortable,” maikling paliwanag nito habang nakatitig sa kanya.

Nagtama ang kanilang mga mata at sandaling walang salitang pumagitan sa kanila. May kakaibang pakiramdam uli na gumapang sa sistema ni Agatha. Napakurap-kurap siya nang tumalikod na si Reeve para umalis.

“Mr. Monteverde!” habol niya.

Lumingon ito.

“Y-your coat...”

“Keep it. Para hindi ka lamigin, Miss…?”

Napangiti siya. “Agatha. Agatha Anderson.”

“Agatha,” sambit nito sa pangalan niya na may kakaibang dating sa kanya. Sa pandinig niya, parang si Reeve lang ang makakapagbigkas ng pangalan niya nang ganoon kaespesyal.

Ngumiti uli ito bago tumalikod at tuluyan nang naglakad palayo.

Reeve put his coat on her to keep her warm. Such a gentleman! Napahawak si Agatha sa mabango nitong coat.

Parang gusto niyang pasalamatan ang pagka-late ni Mang Bert sa pagsundo sa kanya. Iyon ang unang encounter nila ni Reeve pagkalipas ng ilang taon. Maikli man, sapat na iyon para kay Agatha.

Sana hindi iyon ang huli.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings