Wifely Duties - Chapter #1 - Free To Read

Prologue

select arrow

Prologue

I SANG mababang bakod lang ang pagitan ng grade school at high school department ng Saved By Grace Academy.

Uwian na pero wala pa ang sundo ni Agatha kaya nakipaglaro muna siya sa mga classmate niyang wala pa ring mga sundo. Nagkayayaan silang maghabulan sa school grounds.

Pawis na pawis na si Agatha sa kakatakbo pero ayaw pa rin niyang tumigil. Masaya siya kahit hinihingal na. Wala kasi siyang kapatid at ang mga pinsan naman niyang lalaki, ayaw makipaglaro ng habulan sa kanya dahil baka raw madapa siya at masaktan.

Hinahabol si Agatha ng isang classmate niya. Ito ang taya. Tumatawa siya habang tumatakbo. Hinding-hindi siya magpapahuli sa kaklase. Binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa mamalayan na lang na may bola ng soccer na tatama sa kanya.

Napahinto siya at iniharang ang dalawang kamay sa mukha. Pero natamaan pa rin siya ng bola sa dibdib. Malakas. Napatili siya nang mawalan ng balanse at bumagsak sa madamong lupa.

“Darn! I’m so sorry.”

May tumulong kay Agatha na makatayo. Nakaharang pa rin ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha.

“I’m so sorry, little girl. Nawala sa direksiyon ang sipa ko. Are you okay?” masuyong tanong pa ng responsable sa soccer ball na tumama sa kanya.

Inalis ni Agatha ang mga kamay sa mukha at kinapa ang dibdib. “Ouch…” daing niya.

“Sa dibdib ka ba tinamaan?”

Tumingala siya at ganoon na lang ang naging pagsinghap nang makita ang mukha ng lalaki. He was handsome!

“I’m really sorry...” he said sincerely.

Maganda ang mga mata ng lalaki. Ordinaryong itim ang kulay pero may kakaiba...

“Gusto mong dalhin kita sa clinic?”

Umiling si Agatha. “I-I’m fine.”

“Are you sure? Nakita kong natumba ka. Saan ka ba tinamaan?”

Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ni Agatha. “A-ah…”

Hinawakan pa siya ng lalaki sa magkabilang balikat. Lalo pa siyang napatingala dahil malaki talaga ang itinangkad nito sa kanya.

“Dalhin na kaya kita sa clinic?”

“Agatha! Agatha!”

Napalingon si Agatha. Tumatakbo palapit sa kanya ang mga kalaro niya.

“Kuya, ano’ng nangyari?” tanong ng kaklase niyang taya kanina.

“Namali kasi ako ng direksiyon ng pagsipa sa bola. Natamaan siya.”

“Agatha, okay ka lang?”

Tumango lang si Agatha. Hindi naman kasi talaga siya gaanong nasaktan.

“Reeve! Ano na’ng nangyari diyan? Kailangan nating ituloy ang practice!” sigaw ng isang lalaki sa kabilang bakod.

Noon lang napansin ni Agatha na naka-soccer uniform ang lalaking nakatama sa kanya ng soccer ball.

“High school ka na... p-po?” tanong niya. Nag-atubili pa siyang magdagdag ng “po” dahil pakiramdam niya ay hindi iyon kailangan.

“Yup. Nagpa-practice kami para sa intramurals. I’m really sorry.”

Nakatingin siya sa mga mata ng lalaki kaya nakikita niya kung gaano ito ka-sincere sa paghingi ng tawad.

“O-okay na p-po ako. Wala na pong masakit, K-Kuya…”

He sighed in relief. “Thank God. Pasensiya na talaga, ha?”

“Reeve! Bilisan mo! Baka mapagalitan tayo sa pagtawid mo diyan.”

“Sandali na lang, Prince!” sigaw rin ng lalaking tinawag na “Reeve.”

“Kuya, I’ll be all right. Balik na po kayo sa laro ninyo,” sabi ni Agatha.

Tumango si Reeve, pagkatapos ay ipinatong ang kamay sa kanyang ulo. “Take care.” Ngumiti ito kasabay ng pagngiti rin ng mga mata.

Nagpaalam din ito sa mga classmate niya at mabilis na tumawid sa bakod dala-dala ang soccer ball.

Kahit hinihila na si Agatha ng mga classmate niya ay hindi pa rin niya hiniwalayan ng tingin si Reeve. She smiled unconciously. May crush na siya!

Mula noon ay palagi na niyang sinisilip si Reeve sa bakod. Hindi na uli sila nagkaroon ng encounter hanggang sa sumapit ang graduation ni Reeve. Noong nag-grade six naman siya ay nakalimutan na rin niya ang tungkol dito.

But one day, when Agatha was eighteen, she was strolling in a mall with her best friend Trisha when she stopped by a bookstore. Doon ay nakita niya ang isang business magazine kung saan naka-feature si Reeve Monteverde bilang isa sa pinaka-promising hotel magnates ng bansa.

“Trish, look!” impit niyang tili at ipinakita sa kaibigan ang magazine. “Si Reeve Leonardo Monteverde!”

Natawa si Trish at kinuha ang magazine. “Kilala ko siya. Sumama ako minsan kay Papa sa isang convention at nakita ko siya.” Tumingin si Trisha sa kanya. “Siya ba ang ikinukuwento mong crush mo no’ng nasa grade school ka?”

Tumango si Agatha at napangiti nang maluwang habang nakatitig sa magazine cover. Ang mga pinsan niyang lalaki ay minsan na ring nalagay sa cover ng business magazine na iyon. Bumibili siya ng isang copy palagi kapag sina Kuya Dylan ang nasa cover. Pero ngayon…

“I’m going to buy ten copies of this!”

“Agatha!” bulalas ni Trisha, sabay tawa nang kumuha nga siya ng sampung kopya ng magazine at agad na binayaran.

“He’s my ultimate crush!” kinikilig niyang sabi.

Mula noon, lagi na siyang nakasubaybay sa mga business news na si Reeve Monteverde o ang hotel ng pamilya nito ang topic. Kinokolekta rin niya ang mga business magazine na ang lalaki ang nasa cover. Hindi naman siya stalker. Mas matatawag siyang isang “fan.”

And she didn’t know why and how, but from afar, she fell in love with Reeve Monteverde. Ilang beses na niya itong personal na nakikita sa mga business event kapag isinasama siya ng kanyang mga magulang. Pero kahit kailan, wala siyang lakas ng loob na lumapit sa lalaki.

Agatha’s sweet, young heart continued to wish that Reeve would notice and love her someday.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings