A KALA ni Reeve ay may general meeting nang umagang iyon. Pero pagpasok niya sa conference room ay hindi niya nakita ang mga miyembro ng board of directors. Sa halip ay mag-isang nakaupo roon ang kanyang papa, kumportableng umiinom ng kape.
“`Pa? I thought we were having a general meeting?”
Ngumiti ang kanyang ama. “This meeting is between you and me, son.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Reeve. Umupo siya sa kaibayo ng kinauupuan ng ama.
“So, what’s our agenda?” he asked.
“I’m planning a business merger.”
“And?” Bigla siyang naging interesado sa sinabi ng ama.
Sumandal ito sa kinauupuan. “Monteverde Hotel had been in existence since the 1940s. We provide the finest accommodation. But in the late sixties, isang Filipino-American ang nagtayo ng isa pang hotel na napantayan ang serbisyong kaya nating ibigay.”
Tumango-tango si Reeve. “It’s the Andersons, right?”
“Right.”
“You’re planning to merge with them?” Reeve concluded but somehow knew it was exactly his father’s point.
Noon pa man ay lagi nang magkakompetensiya ang Monteverde Hotel at Anderson Auberge. Kung saan sila may branch ay mayroon din ang Anderson. Every holiday seasons, the two hotels were always fully booked.
Nang magkaroon ng poll tungkol sa may pinakamaganda at accommodating na hotel noong nakaraang taon, nag-tie ang dalawang hotels sa first place.
Pero kahit minsan ay hindi nila tiningnan na kalaban ang Anderson Auberge. Ganoon din naman ang Anderson sa kanila. Walang naghihigitan. For the two hotels, what mattered the most was not about being a luxurious and elegant five-star hotel but about providing great accommodation, pleasure and comfort to the guests.
“Isn’t it a good idea?” tanong ng kanyang papa.
“Well, it is. Incorporating with Anderson Auberge will surely make the headlines. Maraming kailangang asikasuhin at kausapin tungkol diyan, Papa.”
“I know.”
“When are you planning to get into business with them?”
“I already did.”
Napamulagat si Reeve. “What?” Nang hindi niya nalalaman?
“I talked straight to the owner. We had a golf game last Saturday.”
Sa pagkakaalam ni Reeve, kaedad ng kanyang papa ang presidente at nagmana ng Anderson—si George Philip Anderson.
“What happened?”
Tumayo ang kanyang papa at tumanaw sa floor-to-ceiling glass window. “Like me, George wants to retire. Pareho kaming maraming gustong gawin. Like tour around the world for pleasure purposes alone. Play golf everyday. Pero wala siyang mapagpasahan ng kanyang posisyon.”
“He has a child, right?”
“A daughter. Only daughter. Kaso, although his daughter is willing to manage their business, still, napansin daw niya na iba ang gusto nitong gawin. May mga pamangkin naman siyang lalaki mula sa mga kapatid niyang babae pero napansin din niyang gusto lang saluhin ng mga ito ang posisyon para makawala ang kanyang anak sa responsibilidad. His nephews are deserving. Pero ang gusto ni George, ang papalit sa kanya ay totoong dedicated at mamahalin ang trabahong minahal din niya.”
“Looks like Mr. Anderson’s daughter is dear to them.”
“Sa latest generation ngayon ng mga Anderson, ang anak ni Philip ang pinakabata at nag-iisang babae sa magpipinsan. That’s why her male cousins adore her.”
Tumango-tango si Reeve.
“Alam mo bang pumayag si George na makipag-merge sa atin?” sabi pa ng kanyang papa.
Napatayo si Reeve, totoong nagulat. “Seriously?” Lumapit siya sa kinatatayuan ng ama.
He felt the excitement rushing through him. Naisip pa lang niya ang dalawang pinakamalaking hotels sa bansa na magsasanib…
Damn! Damn, so great!
Natawa ang kanyang papa sa excitement na nakikita sa kanya. “And if ever, you will be the first president and CEO of both Monteverde and Anderson chain of hotels.”
“Now you’re talking, Papa.” Hindi na talaga siya makapaniwala.
Natawa uli ang kanyang ama. “And mind you, napagkuwentuhan ka rin namin. Ang sabi ko, bata ka pa lang ay nakitaan na kita ng interes sa ating mga negosyo. Nag-iisa kang tagapagmana ng lahat ng mayroon ang mga Monteverde and you’re so enthusiastic about it.”
Limang taon gulang si Reeve nang makahiligan ang pagpunta sa kanilang mga hotel at maglaro. Hanggang sa kinalakihan niya ang paglilibot sa kanilang mga hotel para tingnan naman ang operations at management. When he was in high school, he was already excited to work and be the next president and CEO of Monteverde Hotel. Marami siyang plano para sa mga hotel nila. Hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ang mga planong iyon na unti-unti nang nababawasan dahil ang iba ay nagawa na niya.
“Natuwa si George at sinabi sa akin na sana raw, may anak siyang lalaking katulad mo. Pero mahal na mahal niya ang nag-iisa niyang anak at wala na siyang mahihiling pa. The daughter is a darling herself. Nakilala ko na siya when Philip and I extended our camaraderie over dinner. Palangiting bata at napakagalang,” pagkukuwento pa ng kanyang papa. “Anyway, they invited us over dinner tonight.”
“Okay. I would surely come.”
“Good.” Humarap sa kanya ang papa niya. “As for you, young man, the six-month deadline is finally over.”
Sinasabi na nga ba niya. “I know, `Pa.”
His father smiled wickedly. “Be ready to get married.”
Nagkibit-balikat lang si Reeve. May usapan sila at wala siyang naiharap na babae sa ama. Kung sino man ang ipapakasal sa kanya ng kanyang papa, wala na siyang magagawa. Malaki naman ang tiwala niya sa ama.
“TRISHA, ano’ng isusuot ko?” Aligaga si Agatha sa pagpili ng damit na susuotin para mamayang gabi. “Gusto ko `yong maganda para hindi nakakahiya kay Reeve.”
Lahat ng damit sa closet ay inilalabas niya at inilalapat sa kanyang katawan.
“Girl, relax ka nga lang. Alas-tres pa lang ng hapon. Marami ka pang oras,” natatawang sabi ng kaibigan niya.
Nagpatuloy pa rin si Agatha sa pagpili ng damit. “Ayokong magmukhang ewan sa harap ni Reeve at ng papa niya. Hmm, let’s go shopping kaya? Tama! Bumili na lang tayo!” Pero bago pa siya makalabas ng pinto ay hinila siya ni Trisha pabalik sa harap ng salamin.
“Agatha, there’s no need to buy one,” Pinaharap siya nito sa salamin. “Look at you. You’re simply gorgeous. Kahit basahan pa ang isuot mo, magagandahan pa rin sa `yo si Reeve.”
Napangiti siya. “Really?”
Tumango si Trisha. “Malakas nga ang kutob ko na na-attract siya sa `yo no’ng ikinuwento mong lumapit siya sa `yo no’ng gabi ng recital,” kinikilig na sabi nito.
“Hindi naman siguro. Napansin lang daw niya na parang hindi ako kumportable.”
“You’re so naive, Agatha. Of course that was just an excuse! Knowing guys like them, hindi aamin si Reeve na na-attract siya sa beauty mo.”
Natawa siya. “Trisha, you’re boosting up my ego.”
“That’s what friends are for.”
Nagkatawanan sila. “Eh, ano ba’ng isusuot ko?”
“Mamaya mo na nga problemahin `yan,” sabi nito at hinila ang kamay niya. “Sa ngayon, relax lang tayo, okay? Mag-swimming na lang tayo. Calm your nerves.”
Hindi alam ni Agatha kung paano siya napapayag ng kaibigan. Nag-swimming nga sila sa swimming pool na nasa bakuran ng kanilang bahay. Masyado silang nag-enjoy ng kaibigan hanggang sa napansin ni Agatha ang oras mula sa malaking orasan sa patio. Papadilim na rin.
“Umahon na kaya tayo? Six o’clock na, Trish. Padating na sina Reeve,” sabi niya sa kaibigan na busy pa sa pagpo-floating.
Parang walang narinig si Trisha.
“Trish...” ulit ni Agatha.
“Okay, fine.” Nauna nang umahon si Trisha. Dinampot nito ang sariling bathrobe at tuwalya.
“Nasa’n `yong akin?” tanong ni Agatha nang mapansing wala siyang bathrobe o tuwalya man lang.
“Ay! Nakalimutan kitang ikuha. Na-excite kasi akong mag-swimming. Wait ka lang dito.” Pumasok si Trisha sa loob ng bahay nila.
Lumusong uli si Agatha sa pool dahil nalalamigan siya sa simoy ng hangin. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Siguro dahil malapit nang dumating sina Reeve. Excited na siyang makaharap muli ang binata.
Naisipan niyang mag-floating muna para kumalma nang kaunti sa excitement na nararamdaman. Ano kaya ang mangyayari mamaya sa dinner? Paano niya kakausapin si Reeve? Naaalala pa kaya siya nito?
Naramdaman ni Agatha ang biglaang paninigas ng kanang binti. She stopped floating. Sinubukan niyang mag-paddle pero hindi niya mapagalaw ang kanang binti. Pinupulikat siya! Nasa malalim na parte pa naman siya ng pool.
Napasigaw siya nang magsimulang lumubog.
“Trish!” She kept on paddling her left leg and arms. “Trish! Help!” Nakainom na siya ng tubig sa patuloy na paghingi ng saklolo. Sinusubukan niyang pagalawin ang mga kamay pero parang mali ang ginagawa niya.
“Help!” she screamed at the top of her lungs.
Pero tuluyan na siyang lumubog sa tubig. Pinigilan niya ang paghinga sa abot ng kanyang makakaya.
She kind of heard a splash. At bago pa maubusan ng hininga ay may matitipunong bisig nang pumalibot sa kanya. The next thing she knew, nasa ibabaw na uli siya ng tubig.
Ilang beses siyang suminghap at sumagap ng hangin. She was saved!
Agad na yumakap siya sa kung sino mang nagligtas sa kanya. “Oh! Thank you!”
“Are you okay?” tanong ng kanyang hero.
Natigilan si Agatha. Kilala niya ang boses na iyon.
“R-Reeve?” sabi niya at agad na tumingin sa mukha ng kanyang savior. Those dark as night eyes...
Si Reeve nga!
Agad siyang napangiti. “You’re my hero!” Niyakap uli niya ang binata nang mas mahigpit. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Her chest was pressed tightly to his.
Tumikhim si Reeve. “Ahm, Miss...”
Agatha’s heart sank. Hindi pala siya natandaan ni Reeve. Nahiya siya sa sobrang pagkapit dito. Unti-unti na siyang lumayo. “S-sorry…” Lumangoy na siya papunta sa gilid ng pool. Sumunod naman si Reeve. Pag-ahon niya ay nagtaka siya nang mapahinto ito.
ALAS-SAIS pa lang ay nasa bahay na ng mga Anderson sina Reeve kahit alas-siyete pa ang hapunan na napag-usapan. Masaya silang sinalubong ng mag-asawang Philip at Ria Anderson.
Tinanong ni Reeve kung saan naroon ang toilet para makigamit. Pagkatapos gumamit ng banyo ay may narinig siyang sigaw, parang humihingi ng tulong. Lumabas siya sa isang glass sliding door. Isang malaking pool ang nasa labas niyon at sa bandang gitna ng pool ay may nakita siyang isang babaeng nalulunod.
Naging alerto siya. Agad niyang hinubad ang suot na coat at sapatos at nag-dive sa pool. Mabilis naman niyang naabot at nahila paahon ang babae.
Nagtaka siya nang tawagin ng babae ang pangalan niya. At nang tumingin ito sa kanya, he felt something inside him. Like passion and... heat?
Damn it!
Mabuti na lang at lumayo na ang babae sa kanya.
“S-sorry…” Lumangoy ito papunta sa gilid at sumunod na rin siya. Pero nang umahon ang babae at makita niya ang ganda ng katawan nito sa suot na dark blue two-piece swimsuit ay napahinto siya.
Walang kahit anong unwanted fat ang babae. Conservative cut ang suot nito but she looked sexy and hot. And he immediately felt the desire to get her and take her. Right then and there.
She was surveying his body, too.
Napalunok si Reeve.
Their eyes met.
NAPALUNOK si Agatha habang tinitigan ang katawan ni Reeve. She felt something inside her. Not the usual “kilig” but heat...
Basang-basa ang suot nitong white long-sleeved polo at black slacks. Humahakab iyon sa maganda nitong katawan. His firm muscles and abs...
Then their eyes met.
Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ni Agatha. And it was getting hotter every second. She saw passion and desire in Reeve’s eyes. Hindi niya alam pero parang nasasabik siya sa ipinahihiwatig ng titig nito. Like he was promising heaven.
Dahan-dahan itong umahon habang hindi pa rin nagbibitiw ang kanilang mga tingin. Unti-unti rin itong lumapit sa kinatatayuan niya.
And the heat was spreading through her.
When Reeve was right in front of her, he stopped. She was hypnotized by his hot gaze. The next thing she knew, she was wrapping her arms around his neck.
Hinapit naman siya ni Reeve sa baywang at sinalubong ang kanyang mga labi ng mga labi nito.







