Chapter 2
Renesmee Marie’s P.O.V.
“I want to call off this fixed marriage.”
Agad akong napahinto sa paglapit kina Lolo at Aliyah nang marinig ko iyon. Maging si Liloree na kasabay kong pumasok sa silid ay natigilan din.
“F-Fixed marriage?” hindi makapaniwala at gulat na tanong ko.
Nanatiling nakatalikod si Aliyah sa akin at nakaharap naman kay Lolo habang si Liloree naman ay bigla na lang napayuko. Sandaling tumingin sa akin si Lolo habang nakaupo sa tapat ng malawak niyang mesa bago muling ibinalik ang tingin kay Aliyah.
“Let’s talk about this with your parents tomorrow, Ms. Gilbert,” wika ni Lolo. Bahagya siyang tumingin kay Liloree. “Send her home, Cai,” utos niya sa kakambal ko at saka ibinalik ang tingin kay Aliyah. “Talk to me when you’ve already made up your mind.”
“But Mr. Jones—.”
“Excuse me,” sambit ni Lolo dahilan upang hindi maituloy ni Aliyah ang kanyang sasabihin.
Wala nang nagawa pa si Aliyah. Nang tuluyan nang maakalis si Lolo ay agad na lumapit sa kanya ang kakambal ko.
“We need to talk. Let's go,” bulong ni Liloree kay Aliyah at nauna na itong lumabas ng silid. Halatang galit siya.
Susundan na sana niya ang aking kakambal ngunit natigilan siya nang nakita niya ako sa kanyang likuran. Umiwas siya ng tingin sa akin at lalagpasan na sana ako pero hinawakan ko siya sa kanyang braso.
Hindi siya nagsalita, sa halip ay tinitigan lang niya ako sa mata. Hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin,may naaalala kasi ako sa mga titig na iyon. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero hindi ko pa rin binibitiwan ang kanyang braso.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ko habang hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
“May magagawa ka ba sakaling nalaman mo ‘yun nang mas maaga?” mabilis na sagot niya.
Napabuntong hininga ako. “Ito pala ang ibig mong sabihin sa sinabi mong wala kang choice,” malungkot na sambit ko. “Alam ba ‘to ni Sol?” tanong ko.
Ngumiti siya sa akin nang pilit at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
“Katulad lang din ng tanong ko sa’yo, may magagawa ba siya kung alam niya?” tanong niya at saka tila slow motion siyang umalis sa harapan ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang panuorin na lang ang kanyang pag-alis.
Ilang sandali pa’y pakiramdam ko’y tila wala na akong kakayahang mag-isip pa nang tama. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang maramdaman kong bigla na lang itong sumakit. Tila nahihirapan ang isip ko na iproseso ang aking mga narinig at nalaman. Kahit alam kong huli na ay sinubukan ko pa ring tumakbo palabas ng kwarto upang habulin sila ngunit pagbaba ko ay hindi ko na sila naabutan pa.
Dahil dito ay minabuti ko na lamang na bumalik sa aking kwarto. Sa kabila ng pagkaantala ng pag-alis namin ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng kahit na katiting na kaligayahan. Dahil sa rebelasyong unti-unti kong nalalaman, pakiramdam ko’y ang pag-alis at pananatili ko rito ay wala ring ipinagkaiba.
Pagbalik ko sa aking kwarto ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.
“K-Kyo!” gulat na tawag ko sa kanya.
“Renesmee!” Basang-basa ang buong katawan niya.
“Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?” nagtatakang tanong ko.
Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Sa halip kasi na sumagot ay hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
“Ang buong akala ko ay hindi na kita makikita pa,” bulong niya.
Iaangat ko sana ang kamay ko upang gantihan ang yakap niya subalit bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“Patawarin mo ‘ko. Kung hindi kita hinalikan, hindi sana mangyayari sa’yo ang lahat ng ‘to ngayon,” may himig ng pagsisising saad niya.
Pilit akong ngumiti bago ako nagsalita. “Hindi, Kyo. Sa tingin ko ay karma ko ito. Nasaktan ko ang damdamin ng iba at nakasira ng buhay nang wala man lang akong kaalam-alam,” malungkot na sagot ko habang inaalala si Aliyah at kung paano nasira ang buhay niya dahil sa aking pamilya.
Ngumiti siya nang pilit sa akin at dahan-dahang umiling.
“Nakasira ka nga ng buhay ng iba pero may buhay ka namang nabuo, Renesmee. ‘Ang buhay ko….binuo mo ‘ang buhay ko simula nang makilala kita,” seryosong sagot niya.
Agad kong iniiwas ang mukha ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “Kyo,” mahinang tawag ko sa kanya.
“Hindi ba talaga pwedeng ako na lang?” seryosong tanong niya.
“Tama na, Kyo. Masasaktan ka lang ulit sa magiging sagot ko.”
Pinilit niyang ngumiti bago tuluyang iniiwas ang tingin sa akin.
“Nagbabakasakali lang naman akong baka nagbago pa ang isip mo,” sagot niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil wala akong maisagot sa sinabi niya. Matagal na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa bigla na lamang siyang napakamot sa kanyang ulo at ngumiti. Nakakaloko ang ngiting iyon.
“Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. May isang mahalagang tao nga palang kanina pa naghihintay sa’yo sa labas, Renesmee,” saad niya. Pagkatapos noon, nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lamang siyang lumapit sa bintana at tumalon palabas nito.
Dali-dali akong napatakbo papunta sa bintana. “Kyo!” nag-aalalang tawag ko sa kanya. Mabilis akong dumungaw sa bintana upang tingnan siya. Nang makita ko siya’y nakatayo na siya sa baba.
“Nababaliw ka na ba talaga?!” galit na sigaw ko sa kanya. Dahil sa pagkakadungaw ko ay bahagyang naampiyasan ang ulo ko dahil sa malakas na ulan.
Tumingala siya sa akin at saka kumaway habang nakangiti. “Sinabi ko na sa’yo, ‘di ba? Baliw na baliw ako sa’yo, Renesmee.”
“Sh*t, Kyo! Hindi ako nakikipagbiruan! Ayos ka lang ba?!” inis na sigaw ko sa kanya.
“Hindi dapat ako ang inaalala mo, Renesmee. May taong kanina pa naghihintay sa’yo, at siya ang dapat na alalahanin mo ngayon. Nang makita ko siyakanina ay putlang-putla na siya!” Ngumiti pa siya na parang hibang at muling napakamot sa kanyang ulo.“Marami nang oras ang ninakaw ko sa kanya. Napakadaya ko talaga, ano? Inunahan ko na siya bago pa man kayo magkita. Sigurado kasi akong kapag nakita mo na siya, hindi na ako makakasingit pa.”
Unti-unting nagliwanag ang aking mukha nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi kaya…
“Renesmee, si Sol! Kanina ka pa niya hinihintay sa labas,” muling sambit ni Kyo.
Sa sinabi niyang iyon ay dali-dali akong napatakbo palabas ng aking kwarto. Nagmamadali akong tumakbo pababa at hindi na inisip pa kung madulas o mahulog man ako sa hagdan. Agad namang naalerto ang mga bodyguards ng palasyo nang makita nila ako.
“Young Lady!” sigaw nila nang tuluyan na akong tumakbo palabas. Nakayapak ako at hindi ko na nagawang magpayong dahil sa labis na pagmamadali kahit na sobrang lakas pa rin ng buhos ng ulan noon.
Ramdam na ramdam ko ang malakas at masakit na pagtama ng mga butil ng tubig sa aking balat. Hindi ko lubos maisip kung gaano siya nahirapang maghintay sa akin sa ganitong sitwasyon. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo upang agad na makalabas sa gate ng palasyo. Subalit nang makalabas na ako ay ganoon na lang ang aking pagkadismaya nang wala akong naabutang Sol doon. Hindi ko nakita ang aking inaasahan.
Napayakap na lamang ako sa aking sarili dahil sa lamig na aking nararamdaman. Pilit kong hinanap si Sol kahit sobrang dilim ng buong paligid na sinabayan pa ng malakas na ulan. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang mga yabag na nagmumula sa aking likuran. Mabilis ko iyong hinarap subalit kaagad ring nawala ang sayang aking nararamdaman nang makita kong hindi iyon ang taong inaasahan kong makita.
“Liloree,” tawag ko sa kanya. Pinayungan niya ako.
Tumitig siya sa mga mata ko at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.
“Renesmee, mahal kita. Alam mo ‘yan. Alam na alam mo ‘yan. At gagawin ko ang lahat…dahil mahal kita.”
Natawa ako nang pilit dahil sa sinabi niya. “Gagawin ang lahat? Eh muntik na nga akong umalis kanina eh. ‘Yun ba ang mahal, huh?”
Napabuntong hininga siya at malungkot na tumingin sa mga mata ko. “Maybe ngayon hindi mo ‘ko naiintindihan pero ginawa ko lang ‘yun para sa’yo. You have to leave, Renesmee. Kahit na the truth is, I don’t want you to leave.”
Biglang nagpanting ang tainga ko sa aking narinig at nag-init na ang aking ulo. “Wow! Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Parang sinabi mo na rin na gusto mo ‘kong umalis at mamatay sa lungkot at pagdurusa, Liloree!” galit na sigaw ko.
Bumuntong hininga siya at mas lalo pang lumapit sa akin. “Bumalik na tayo sa loob,” sambit niya. Hahawakan niya sana ako subalit agad kong tinabig ang kanyang kamay.
“Hindi na kita kilala,” galit na saad ko bago ko siya iniwan sa gitna ng malakas na ulan. Malapit na sana akong makapasok sa loob ng gate subalit natigilan ako nang muli siyang magsalita.
“Renesmee, si Aliyah…naglaslas siya.”
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock