Chapter 1
Renesmee Marie’s P.O.V.
May narinig akong mahinang katok sa aking kwarto. Dumating na ang oras na ayokong maganap. Pakiramdam ko’y tila isa akong kandilang unti-unting natutunaw. Para akong kriminal na hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng lethal injection at naghihintay na lamang ng itinakdang oras ng kamatayan. Pilit kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang pag-alingawngaw ng anumang ingay dulot ng aking pag-iyak. Ayokong marinig nila ang pagtangis ko.Gusto kong ipakita sa kanila na matatag ako.
“Renesmee, we're leaving. Stop crying like a baby. Fix yourself and we'll be waiting for you downstairs,” sambit ni Liloree.
Nakaramdam ako ng inis nang marinig ko iyon mula sa kanya. Bakit ganoon kadali sa kanya na sabihin ang mga bagay na iyon?
Napatingin ako sa bintana ng silid ko. Hindi nakalaylay ang kurtina noon dahilan upang mas maramdaman ko ang malamig na hanging nagmumula sa labas. Narinig ko ang malakas na pagkulog sa labas na sinundan pa ng malakas na buhos ng ulan. Muli na namang bumalik sa aking alaala ang araw kung kailan una kaming nagkakilala ni Sol. Iyon ‘yung araw na iniwan niya ako sa kalagitnaan ng ulan dahil ipinagamit ko na kay Aliyah ang taxi na sinasakyan ko.
“Sol…mami-miss kita…sobra,” bulong ko.
Tiningnan ko ang aking itim na maleta. Bago ko iyon tuluyang kunin, dahan-dahan ko munang pinunasan ang aking luha at umarte na tila ba walang nangyari. Kung aalis man ako ngayong gabi, gusto kong lisanin ang lugar na ito nang walang bahid ng luha ang aking mga mata. Gusto kong umalis na hindi umiiyak ng dahil sa sino man. Gusto kong ipakitang wala akong dahilan para umiyak. Pilit akong ngumiti habang binubuksan ang pinto ng aking kwarto.Pagbukas ko nito ay agad na bumungad sa akin ang mga bodyguards ko na lahat ay nakaluhod.
“Young Lady, patawad,” saad nila habang umiiyak.
Iniiwas ko ang aking tingin sa kanila at humarap sa ibang direksyon. Bakit sila nakaluhod? Bakit sila pa ang humihingi ng tawad sa akin? Hindi ba dapat ako ang humingi ng tawad sa kanila? Dahil sa akin, wala na silang trabaho ngayon.Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha. Subalit ilang sandali pa’y natigilan ako nang makita ko si Liloree habang nakatayo sa hagdan at pormal na nakatitig sa akin.
“Alalayan niyo siya sa pagbaba. Hinihintay na siya ni Lolo kanina pa,” utos niya sa mga bodyguards ko at saka agad na umalis at bumaba ng hagdan. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang siya’y bumababa. Masakit mang isipin subalit kailangan ko na lamang tanggapin na ang luha at sakit na nararamdaman ko ngayon ay dulot mismo ng aking kakambal.
Habang bumababa ako ng hagdan ay agad na bumungad sa akin ang mahabang pila ng lahat ng tauhan sa palasyo. Lahat sila ay nakatungo lamang habang hinihintay ang pagbaba ko. Sa gitna nila ay nakatayo naman ang sakim na matandang walang ibang alam gawin kundi ang gawing miserable ang buhay ng ibang tao. Katabi niya si Itay na kasalukuyang nakatitig sa akin at hindi kakikitaan ng anumang ekspresyon sa mukha. Nakita ko rin si Inay subalit hindi siya tumitingin sa akin. Naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Alam kong sobrang sakit para sa kanila na makita ang aking pag-alis. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Hinding-hindi ako iiyak sa harapan ng matandang ito. Hinding-hindi.
Pagkababang pagkababa ko ay agad akong niyakap ni Inay at tuluyan na siyang napahagulgol sa balikat ko.
“Marie, susunod kami roon ng itay mo, okay?” umiiyak na saad niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ko siyang niyakap at tuluyan na rin akong napaiyak sa balikat niya. “Inay, ‘wag niyong kakalimutang ilagay sa maleta niyo si Pandak papunta niyo roon ha?”
“Enough with goodbyes. We’re going to be late,” singit ni Lolo at saka siya naglakad papunta sa pintuan dala-dala ang itim na lalagyan ng kanyang mga papeles.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa madaanan niya si Liloree na nakaabang naman sa pintuan. Napatingin ako kay Liloree at nagkatitigan kami. Agad niyang binawi ang tingin niya at sumunod na siya kay Lolo sa labas.
Hindi ko namalayan na naglalakad na rin pala ako palabas. When I got back to my senses ay nasa tapat na ako ng isang itim na sasakyan at hinihintay na nila na makasakay ako. Patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan subalit alam kong hindi iyon sapat na dahilan upang ma-delay ang flight namin.
Naunang sumakay si Lolo sa loob ng sasakyan. Nang makapasok ay seryoso siyang tumingin sa akin habang hinihintay akong sumakay. Sasakay na rin sana ako nang may babaeng tumawag sa aking pangalan dahilan para matigilan ako.
“Renesmee,” wika ng isang pamilyar na boses.
Agad naman akong napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong si Aliyah iyon. Basang-basa ang buong katawan niya habang nakatayo siya sa harapan ko.
“So, you’re really leaving,” tila hindi makapaniwalang saad niya.
Agad akong napatingin kay Liloree na mukhang nabigla rin sa hindi inaasahang pagsulpot ng babaeng mahal na mahal niya. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa braso.
“You're not supposed to be here,” bulong ni Liloree sa kanya.
“I need to stop this pathetic foolishness of yours, Cai.”
Lumabas ng sasakyan si Lolo nang mapansin niyang naroon si Aliyah. “Liyah, dear, what's going on?” tanong ni Lolo sa kanya.
“Aliyah, please,” bulong ni Liloree. Halatang hindi siya mapakali.
“Are you two okay?” tanong muli ni Lolo.
Seryosong tumingin si Aliyah kay Lolo habang bakas naman sa mukha ni Liloree ang labis na pag-aalala.
“I would like to talk to you, Mr. Jones,” buong tapang na sagot ni Aliyah.
Agad na napakunot ang noo ni Lolo. “Talk about what? You see, Renesmee and I still have a flight to catch,” mabilis na sagot ni Lolo.
“It’s about Renesmee.”
Hindi ko alam kung bakit pero tila bigla na lamang nagbago ang aura ng paligid. Sinabayan pa iyon ng lalong paglakas ng buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
“Let’s go and discuss that in my office,” pormal na sagot ni Lolo at saka naglakad papasok sa palasyo.
Mabilis namang sumunod sa kanya si Aliyah at naiwan akong nakatayo sa labas habang nakatingin sa kakambal kong si Liloree. Nakatingin lang siya kay Aliyah na kasunod naman ni Lolo sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pakiramdam ko’y hindi normal ang kilos nilang lahat.
☆☆☆
Aliyah’s P.O.V.
“Mr. Sam, stop. Please stop,” utos ko sa aking driver nang makita ko ang sasakyan ni Sol.
Sinigurado kong sasakyan nga niya talaga iyon. Nang makita ko siya di kalayuan sa kanyang sasakyan ay nakumpirma kong siya nga iyon. Nakatayo siya sa gitna ng daan na tila ba hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Uutusan ko na sana si Mr. Sam na umalis pero nagulat ako nang biglang umupo si Sol sa kalsada.
“Ms. Aliyah,” sambit ni Mr. Sam sa akin nang buksan ko ang pinto ng sasakyan upang lumabas.
Tumingin ako sa kanya at dahan-dahan naman siyang umiling sa akin. “Sasaktan mo lang ulit ang sarili mo. It's better kung bumalik na tayo sa inyo.”
Nalungkot ako sa sinabi niya subalit pilit pa rin akong ngumiti. Sa kabila ng pagpigil niya sa akin ay lumabas pa rin ako ng sasakyan at pinagmasdan si Sol mula sa malayo. Wala akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan.
Dahan-dahan akong napahawak sa aking dibdib nang mapansin kong tila umiiyak siya. Habang pinagmamasdan ko siya ay unti-unting nabubuo sa isip ko ang imahe ng isang batang Sol sa parehong sitwasyon─umiiyak at nakaupo sa parehong lugar at posisyon habang umuulan nang malakas.
Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko. Napangiti ako habang inaalala kung paano ko siya sinubukang pasayahin sa loob ng tatlong taon naming pagsasama. Alam kong naging masaya naman siya pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano bang meron kay Renesmee at kaya niyang pasayahin si Sol sa pamamagitan lamang ng maliliit at simpleng bagay.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Muli ko na naman siyang nakitang umiiyak at nasasaktan. At ang sakit na nararamdaman niya ay triple sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Mahal ko siya. I love him so much. Nagmahalan kami sa loob ng tatlong taon subalit sa isang iglap ay humantong lamang sa isang alaala ang lahat.
Subalit naisip kong ganoon rin naman ang sitwasyon namin noong una. Ang nakaraan ay itinuring na lamang naming isang alala.Kinalimutan at ibinaon namin ang lahat sa limot.Subalit ni minsan ay hindi sumagi sa aking isipan na darating ang panahon na ang minsang masayang kasalukuyan ay magiging isang mapait na nakaraan na lamang. Tila ba tuluyan nang naibaon sa limot ang mga alaalang nagpapatunay na minsan naming minahal ang isa’t isa nang higit pa isang kaibigan.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ni Sol. Nakayuko at umiiyak siya na parang bata. Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang pilit at sinuklian naman niya iyon. Ilang sandali pa’y naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Mabuti na lamang at umuulan kaya sa tingin ko’y hindi niya iyon napansin.
Dahan-dahan siyang tumayo. Nang nakatayo na siyaay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi and I smiled at him weakly. “Kahit na alam kong nalimotmo na ang nararamdaman mo para sa akin, I still want to tell you that I love you. I love you, Sol, always.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahikbi na ako habang nakatitig sa kanyang mga mata.
“Siguro nga tama ang mga sinabi mong we’re not really meant for each other. Ang lungkot. Ang sakit kasi we almost had a perfect love story. Pero ngayon, anong nangyari? Pakiramdam ko naging extra lang ako sa buhay mo. Hindi ako ang bida. Extra lang ako.”
Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya. Tuluyan na akong napahagulgol sa dibdib niya. Only God knows how much I missed embracing him.
“Wag kang mag-alala, hindi ako pumunta rito ngayon para manggulo ulit. Nandito ako para…para tumulong.” Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya. “Sol, alam ko kung gaano kasakit ang mawala sa’yo ang taong mahal na mahal mo. At ayoko nang iparamdam pa ulit sa’yo iyon.”
Ngumiti ako ng pilit sa kanya bago ako bumuntong hininga.
“Sol, my bright sun. I'm finally letting you go.”
☆☆☆
Nakasunod lang ako sa mga bodyguards ng Clarkson habang inaalalayan nila ako papunta sa office ni Mr. Jones. Ito na ang pangatlong beses kong pagbisita sa palasyo nila. Pakiramdam ko'y punong puno lungkot ang palasyo ngayon. Malamang ay dahil ito sa napipintong pag-alis ng kanilang Young Lady.
Natigilan ako sa paglakad nang mapansin ko ang isang silid kung saan nakapaskil sa pinto nito ang katagang ‘Do Not Enter’. Noon pa lamang ay talagang nahihiwagaan na ako sa kwartong ito.
“Kanino hong silid ito?” tanong ko sa katabi kong bodyguard na mistulang pinaka-head nila.
Ngumti muna siya sa akin bago tumingin sa tinutukoy kong silid. “Isa ‘yang silid na puno ng sikreto. Walang nakakapasok dyan maliban kay Young Lady. Silid niya iyan noong elementary pa siya. Sa pagkakaalam ko'y maraming kwento at sikreto ang nasa loob ng silid na iyan.”
“So, kwarto pala iyan ni Renesmee,” bulong ko.
“Hindi na ngayon. Sa katunayan, hindi rin niya alam na naging silid niya ang kwartong iyan.”
Gulat kong ibinalik ang aking tingin sa matandang lalaki nang marinig ko ang sinabi niya. Tiningnan muna niya ako nang seryoso bago siya bumuntong hininga.
“Alam kong wala akong karapatang sabihin ang mga ito, binibini, subalit nais ko sanang ipakiusap sa inyo na ang sikretong matagal nang ibinaon sa limot ay huwag niyo na sanang ungkatin pang muli. Walang sino man sa palasyong ito ang gustong makitang nasasaktan ang nag-iisang babaeng nagbigay buhay sa palasyong ito,” seryosong saad niya. Pagkasabi niya noon ay nagsimula na muli siyang maglakad.
Sandali akong nanatiling kunot noong nakatitig sa kanya bago ko siya muling sinundan sa paglalakad.
“Nandito na po tayo, Ms. Gilbert,” sambit ng isa sa mga bodyguards. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng isa sa kanila.
Pagkabukas ng pinto ay agad na bumungad sa akin si Mr. Jones habang nakaupo ito sa malawak na mesang katapat ng malaking bintana.
“Come in, hija,” aya niya.
Kinakabahan akong humakbang papasok sa silid. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Tila may kung anong pwersang pumipigil sa mga ito. Pagpasok na pagpasokko ay lumabas kaagad ang mga bodyguards at isinara nila ang pinto ng opisina upang mabigyan kami ng privacy.
“I saw you stopping Renesmee from leaving. Why is that?”
Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang sumagot. “It was a frame up.”
Agad na kumunot ang noo niya. “So what's the truth then?” tanong niya.
“I dont know where and how you got that video, but the truth is, we were arguing about about Sol. I told her I’ll win him back. That’s that,” diretsong sagot ko.
Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. “Taking back Sol?” hindi makapaniwalang tanong niya bago siya tumawa nang napakasarkastiko. “I thought we already talked about this with the Gilberts?”
Umiwas ako ng tingin at sandaling nag-ipon ng lakas ng loob bago tuluyang nagsalita. “I have finally made up my mind, Mr. Jones.” Huminga muna ako nang malalim bago ko siya tinitigan sa mata. “I want to call off this fixed marriage,” seryosong saad ko subalit kasabay noon ay ang pagpasok naman nina Liloree at Renesmee sa office ng matanda.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock