Umaga na subalit hindi pa rin humihinto ang malakas na buhos ng ulan. Napatingin ako sa orasan. Alas-otso na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakatulog. Bumangon ako mula sa aking hinihigaan. Ilang sandalipa, napagdesisyunan kong puntahan si Aliyah sa ospital kaya naman kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa aking kama.
Nang makababa na ako mula sa aking kwarto, napakunot-noo ako nang agad akong salubungin ng isa sa mga maids namin.
“Young lady, may bisita ho kayo,” saad niya. Bisita?
“Sino? Bisita nang ganito kaaga at umuulan pa?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Nasa receiving area po siya,” sagot niya bago umalis.
Lalo akong napakunot-noo. Nagtaka ako dahil hindi naman basta-basta nagpapapasok ng kahit na sino sa loob ng palasyo. Sino naman kaya ang bibisita sa akin nang ganito kaaga?
Naglakad na ako papunta sa receiving area upang tingnan kung sino ang bisitang tinutukoy ng aming katulong. Hindi na ako nagulat nang makita ko kung sino ang bisitang sinasabi niya. Bagaman nakatalikod ito sa akin habang nakaupo ay madali ko siyang nakilala. Akala ko ba bisita? Bwisita pala.
Ayaw ko siyang pag-aksayan ng panahon. Maglalakad na sana ako pabalik subalit napilitan akong huminto nang bigla siyang nagsalita. Alam pala niyang paparating na ako. Wala pa naman sana akong balak na harapin siya.
“Isn't it rude to leave your visitor alone?” tanong niya.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at binigyan ko siya ng mapang-insultong ngiti.
“Good morning, their beautiful b*tch young lady,” bati niya.
Napapikit ako nang mariin at pilit kong pinakalma ang aking sarili. “Ano bang problema mo, Paula Dominic? Buti pinapasok nila rito sa palasyo ang katulad mong cheap at desperada?” sagot ko.
Halatang nainsulto siya sa sinabi ko pero pilit pa rin niyang ipinakita sa akin na balewala lang iyon sa kanya. “Well, I'm just here to complete my day. Congrats! Hindi pala natuloy ang flight mo kagabi.”
“Well, pwede ka nang umalis kung kumpleto na ang araw mo. Baka masira ko pa kasi,” sagot ko at agad ko siyang tinalikuran.
“I'm not yet done talking to you, Renesmee.”
“Well, I'm done talking to you,” sagot ko habang nakatalikod sa kanya. Maglalakad na sana ako palayo subalit muli akong napahinto nang bigla niyang hablutin ang aking braso.
“Ang ayoko sa lahat ay ‘yung tinatalikuran ako.”
Inis akong napakagat sa labi ko. Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin bago ko siya galit na hinarap.
“Seriously, Paula, ano pa bang kailangan mo? Nasira mo na ang buhay ko. Nasiraan mo na rin ako sa pamilya ko. Ano pa bang gusto mo?”
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko bago ngumiti nang nakakaloko.
“Ang kaligayahan mo,” sagot niya.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at saka ako natawa. “Nababaliw ka na.”
“Yes, baka nga nababaliw na ‘ko. At gagawin ko ang lahat para mawala ka sa mundong ‘to, Renesmee. Sinira mo ang buhay ko.”
“I didn't,” mabilis na sagot ko. “Si Liloree ang sumira ng buhay mo. So please, umalis ka na bago pa kita ipahabol sa mga aso.”
“Oh yeah? Ah…sabagay. Kaya pala pati ikaw ay pinaglilihiman ng kakambal mo at ginagawan ng mga bagay na ikasisira ng kaligayahan mo.”
Natigilan ako sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo?” agad na tanong ko.
“Lahat-lahat. Simula nung mga pa bata tayo, hanggang ngayon,” nakangiting sagot niya.
Naikuyom ko ang aking mga kamao nang makaramdam ako ng inis at galit. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya habang pilit kong pinakakalma ang aking sarili.
“Leave,” mahinahong sabi ko sa kanya.
“Why? Are you afraid to find out the truth? Scared much to hate your brother?” nakangising tanong niya.
Napalunok ako. “You think I would believe you, huh?! Leave me alone, Paula, kung ayaw mong mag-stay sa hospital at makina na lang ang bumuhay sa’yo,” saad ko at mabilis na umalis sa harapan niya.
Mabilis akong tumakbo paakyat sa aking kwarto. Unti-unti ko nang nalalaman ang katotohanan. Biglang nanikip ang dibdib ko kaya naman napahawak ako rito. Ayaw kong paniwalaan ang sinasabi niya subalit nararamdaman kong may alam siya. Muli kong inilabas mula sa aking bag ang larawang magdamag ko nang tinititigan. Kailangan kong malaman ang totoo.
☆☆☆
Kasalukuyan akong papunta sa ospital. Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Gulong-gulo pa rin ang isipan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Paula. Makahulugan ang mga salitang kanyang binitawan subalit tila unti-unti na akong nagkakaroon ng ideya tungkol sa mga palaisipang iyon.
“Young lady, nandito na po tayo.”
Namalayan ko na lang na nasa ospital na pala kami nang pagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga bodyguards ko. Ilang segundo rin akong natigilan bago ako bumaba. Parang wala sa sariling nakatitig lang ako sa kawalan.
“Young lady,” tawag niyang muli sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan kahit pakiramdam ko’y wala pa rin ako sa sarili kong wisyo.
Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang payong. “Ako na. Kaya ko na ‘tong mag-isa,” saad ko.
“Pero—.”
“Kahit ngayon lang, please.”
Wala na siyang nagawa pa kundi ang ibigay sa akin ang payong at hayaan akong mag-isang pumasok sa loob ng ospital. Pagpasok ko sa loob ay lumapit agad ako sa nurses’ station at nagtanong sa isang nurse na naroon.
“Hi nurse, excuse me. Do you know where Ms. Aliyah Gilbert's room is?” tanong ko.
Tinitigan niya muna ako nang matagal bago siya sumagot. “Ah…yes. Ako po ang kasalukuyang naka-assign sa kanya ngayon. Bisita niya ho ba kayo?”
“Yes,” mabilis na sagot ko.
“Ah…sumunod na lang po kayo sa akin. Papunta po ako sa kanya ngayon,” sagot niya.
Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Thanks,” matamlay na sagot ko. Pakiramdam ko’y nanghihina ako.
“Okay lang po ba kayo? Para po kasing mas may sakit pa kayo kaysa sa mga pasyente rito ngayon,” puna niya.
“I’m fine,” matipid na sagot ko.
Tumango na lang siya at tuluyan nang naunang maglakad sa akin. Hindi pa man kami nakakarating sa silid kung saan naka-confine si Aliyah ay mukhang alam ko na kung saan iyon. Nakita ko kasi si Sol na nakatayo at nakasandal sa pader na malapit sa pinto ng isang kwarto dahilan para matigilan ako sa paglalakad.
“Ah…doon po si Ms. Gilbert, sa tapat po nung…Teka, di ba po kayo ang girlfriend nung lalaking ‘yun?” turo pa niya kay Sol. “Kayopo si Renesmee?” gulat na tanong ng Nurse.
“Kanina pa ba siya dyan?”
“Sa totoo lang po? Simula pa po kagabi ay hindi na po siya umalis dyan. Mukha nga pong masyado siyang nag-aalala eh. Hindi po ba ex niya ‘yun? Naku, ‘wag niyo pong aawayin ‘yung pasyente. Hindi pa po siya nakaka-recover.”
Hindi ko na namalayan ang kusang pagpatak ng aking mga luha. Pakiramdam ko’y binuhusan ako ng malamig na tubig matapos ang matagal na pagkakabilad sa ilalim ng araw. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nanghihina ako. Ang sakit, sobra akong nasasaktan.
“Miss!” tawag nung nurse sa akin habang mabilis akong naglalakad palayo sa lugar na iyon.
Napayuko na lang ako. Siguro nga ay hindi tama na nagpunta pa ako rito. Hindi na lang dapat ako nagpunta. Nasaktan lamang ako dahil sa aking narinig at nakita.
Nanatili akong nakayuko habang naglalakad. Napahinto lang ako nung di sinasadyang meron akong nabangga.
“I'm sorry.” Hindi na ako nag-abala pang tingnan siya, sa halip ay humingi na lamang ako ng tawad at nagpatuloy sa paglalakad nang nakayuko pa rin. Pero nagulat ako nang bigla nitong hinawakan ang aking braso.
“Wait, Miss,” pigil niya kaya naman humarap at tumingin ako sa kanya. “Are you Renesmee Clarkson?” tanong niya.
Tinitigan ko siyang mabuti dahil kilala niya ako. Maganda siya, subalit mahahalatang siya’y may edad na. Sa tantya ko ay nasa mid-fourties na ang edad niya.
“Uh, yes. But do I know—,” natigilan ako sa sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal ng malakas. Napahawak ako sa aking pisngi bago ako gulat na tumingin sa kanya.
“I almost lost my daughter because of you! You wicked b*tch! Hindi na ‘ko magtataka. Nasa dugo mo nga pala ang pagiging Clarkson. Napakasama ng ugali mo!” sigaw niya bago ako muling sinampal.
Patuloy siya sa pagsabunot, paghampas at pagsampal sa akin hanggang sa mapaupo na lamang ako sa sahig. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang na saktan niya ako. Hindi ako pumalag, ni hindi ko nagawang kumibo. Hindi ko naipagtanggol ang aking sarili.
“Stop! Stop it, Tita, please!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Namalayan ko na lamang na may umaawat na sa kanya at dun lang siya tumigil sa pananakit sa akin.
“Ano bang silbi ng security sa ospital na ‘to?! Ipasasarado ko ‘to eh!” sigaw ng isang lalaki.
Naramdaman kong may umalalay sa akin upang itayo ako mula sa pagkakalugmok ko sa sahig.
“Kyo, take that woman away from here! Baka kung ano pang magawa ko sa kanya!”
Kyo. Si Kyo na naman ang dumamay sa akin.
“Tita, ano ba kayo? ‘Wag niyong isisi kay Renesmee ang nangyari.”
“At kanino? Dahil sa babaeng ‘yan kaya nagawa iyon ni Aliyah. Magsama sila ng Bae na iyon! Ayoko nang makita pa ang mga pagmumukha ninyo!Lalo na ang Liloree na iyon! Mga sakim kayo! Oo mayaman kayo, pero ang gawin ito sa pamilya ko ay hindi naman makatwiran! Mga sakim sa kapangyarihan!”
Napahikbi na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Inalis ko ang pagkakahawak ni Kyo sa akin at tiningnan ko ang Mama ni Aliyah.
“I’m sorry po,” paghingi ko ng paumanhin. Matapos iyon ay naglakad na ako palayo sa kanila.
“Renesmee, ‘yung bag…mo.”
Tumigil ako sa paglalakad.Naramdaman ko ang dahan-dahang paglapit sa akin ni Kyo bago niya iniabot sa akin ang bag ko. Tiningnan niya ako na para bang naaawa siya sa akin kalagayan.
Pinunasan ko ang aking luha bago ko inilahad ang kamay ko sa kanya. “Yung picture,” saad ko. “Alam kong nahulog iyon mula sa bag ko at nakita mo ito.” Hindi ko magawang tumingin sa kanya habang sinasabi ko iyon.
Bumuntong hininga siya bago nagsalita. “A-alam mo na?”
Pinunasan kong muli ang aking luha bago ko sinagot ang tanong niya.
“Kyo, bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Agad niya akong hinatak at niyakap. “I'm sorry. I'm so sorry.”
“Ang tanga-tanga ko talaga. Ano bang kasalanan ko at nangyayari sa akin ‘to?”
Hinaplos-haplos niya ang likod ko. “Renesmee, kung ano man ang iniisip mo, alam kong mali ‘yan. Makinig ka…”
Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. “No! You’re just like them. You’re all liars!”
“Renesmee, listen to me. Please.”
“Sa tingin mo, maniniwala pa ako sa sasabihin mo?”
“Renesmee, please naman. Mag-usap kayo ni Aliyah. Wala ako sa lugar para magsalita dahil siya lang ang pwedeng magsabi sa’yo ng lahat. Kumalma ka muna, please.”
Tinitigan ko ang kanyang mga mata. “Anong alam mo, Kyo? Anong alam mo sa nangyayari?”
Huminga siya ng malalim. “Ang tanging alam ko lang, ipinagkasundo tayong apat sa isa't isa. Si Aliyah at si Cai…ikaw at ako.”
Ipinikit ko ang aking mga mata at napaupo na lamang dahil sa aking narining. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at tuluyan na akong napahagulgol.
“Sorry, Renesmee, kung nadamay ka pa. Gusto ko lang namang maging masaya ka eh…maging masaya kasama siya. Hindi ako pumayag sa desisyon nila. Maniwala ka sa akin.”
“Pero bakit? Bakit wala akong maalala?” naguguluhang tanong ko habang nakatitig ako sa kanya.
Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya dahan-dahang umupo sa tapat ko.
“Dahil ikaw mismo ang lumimot sa amin.”
Matapos niyang sabihin iyon ay seryoso siyang tumingin sa akin. Pwede ba iyong mangyari? Pwede bang makalimutan ko sila? Tinitigan ko ang larawang aking hawak. Larawan iyon ng mga batang masaya. Si Aliyah at ako ay magkaakbay habang si Sol naman ay nasa tabi ko. Hindi ko alam kung saan kinunan ang litratong ito pero pamilyar ang lugar na iyon sa akin. Pakiramdam ko’y minsan na akong nakapunta roon. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong maalala!
“Bakit ganun? Alam niyong lahatna hindi ko kayo maalala. Pero bakit hinayaan niyo lang iyon? Ano bang itinatago niyo sa akin?”
Nanatili siyang walang imik habang nakatingin lang sa akin. “I’m really sorry, Renesmee,” bulong niya.
Patuloy sa pagpatak ang luha ko habang pinagmamasdan ako ni Kyo. Galit ako sa kanya hindi dahil sa isa siya sa mga taong naglihim sa akin kundi dahil siya ang dahilan kung bakit pakiramdam ko'y magdurusa ako sa buong buhay ko.
“Kaya ba…kaya ba tuwing malungkot at nasasaktan ako, lagi kang nandyan, Kyo? Dahil ba−”
“Dahil mahal kita. Dahil alam kong darating ang panahon na malalaman mo ang totoo. Dahil gusto kong kahit papano, mabawasan ‘yung guilt na nararamdaman ko. Dahil alam kong…alam kong darating ang panahon na ‘to…ang panahong mas masasaktan ka lang.”
Natulala ako dahil sa sinabi niya. “Naguguluhan na ‘ko. Hindi kita maintindihan!”
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. “Renesmee, mahal na kita...noon pa. Simula noong ipinagkasundo tayo noong mga bata pa lamang tayo, minahal na kita. Pero ayaw mo sa akin eh. Ayaw mo sa akin kaya lumayo na lang ako sa’yo. Pero pinagtagpo pa rin tayo. ‘Yun nga lang, hindi mo na ‘ko kilala.Hindi mo na ‘ko maalala. Kinalimutan mo na ‘ko. Kinalimutan mo ‘ko dahil ayaw mo sa akin.”
Gulat ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.
“Akala ko nagpapanggap ka lang na hindi mo ako maalala. Ginawa ko ang lahat para malaman ko ang totoo. Sinundan kita sa lahat ng lugar na pinupuntahan mo. Bawat galaw, bawat tao na kinausap mo, lahat ‘yon ay binantayan ko. Doon ko lang nakumpirma na talagang wala kang naaalala.”
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Possible bang mangyari ‘yon?
“Sinubukan ko. Akala ko sa pagkakataong ito ay ako na ang magugustuhan mo at hindi si Sol. Pinilit kong mapalapit ulit sa’yo, Renesmee. Pero mukhang nahuli na naman ako. Late na naman ako. Kung kailan naman magkikita na ulit tayo, tsaka naman ako nahuli. Nauna na naman siya.”
Napatulala ako sa kanya. “A-Anong ibig mong sabihin?”
“We borrowed time. We borrowed time para mabayaran namin ang pagkakautang ng mga magulang namin sa inyo. Kapag nakapagbayad kami, hindi matutuloy ang fixed marriage na ‘to. Pero nang makita ulit kita, Renesmee, ang natitirang oras para sa hiram na sandaling iyon ay sinamantala ko na para mapalapit sa’yo. Naisip ko kasi na baka mahalin mo na ako sa pagkakataong ito at pumayag ka na sa fixed marriage natin.
Nanatili akong nakatitig sa kanya habang siya naman aynagkukwento ng isang istoryang ngayon ko lamang narinig. Ang nakakatawa pa rito, ako pala ang bida sa kwentong ibinabahagi niya.
“Kinausap ko ang lolo mo. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto talaga niyang magpakasal tayo. Gusto niyang tuparin ang usapan nila ng mga magulang ko. Nakakainis di ba? Kasi puro kayamanan ang nasa isip nila. May utang kaming three billion dollars sa pamilya mo. At mababayaran lang namin iyon kung ibibigay namin ang lahat ng company namin sa lolo mo.”
Tinitigan niya ako. Pilit kong inunawa ang mga bagay na gusto niyang iparating subalit sadyang hindi ko siya maintindihan.
“Ayaw pumayag ng parents ko na ibigay ang company namin sa inyo. Kaya para manatili sa amin ang company namin, nagkasundo na lang silang ipakasal ako sa’yo para na rin mabayaran na namin ang utang namin sa inyo and at the same time, mananatili pa rin sa amin ang mga properties namin.”
Lumayo ako sa kanya.“Tumahimik ka! Hindi ganyan ang pamilya ko. Hindi nila gagawin sa inyo ‘yan! Kayo ang may utangkaya hindi iyon kasalanan ng pamilya ko. Alam nilang wala akong kinalaman at lalong wala akong kasalanan kaya bakit kailangan nila akong ipakasal sa’yo?!”
“Renesmee, makinig ka. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa kakambalmo. Paborito siya ng lolo mo at hiniling niyang ipagkasundo siya kay Aliyah. Gustong-gusto na niya si Aliyah noon pa man kaya naman gumawa ng paraan ang lolo niyo para maipagkasundo sila. Nilugi niya ang company ng mga Gilbert. Ang hindi niya alam, magkasosyo ang pamilya ko at ang mga Gilberts. Kaya pati ako…pati ikaw nadamay.”
Kunot noo ko siyang tiningnan. “Anong pinagsasasabi mo? Sinungaling ka! Hindi ganyan kasama ang kakambal ko para gawin niya iyon!”
Hinawakan niya ang mukha ko. “Alam kong mahirap paniwalaan, Renesmee, pero iyon ang totoo.”
Ang kambal ko? No! Hindi niya magagawa iyon. Paulit-ulit akong umiling kay Kyo. Alam kong nagsisinungaling lang siya.
“Pero alam mo ba, masaya ako na ipinagkasundo ka sa akin. Kasi dahil doon, nakilala kita. Kahit na ipinagkasundo tayo at wala ka nang ibang choice, ginawa ko pa rin ang lahat para magustuhan mo rin ako. Pero ayaw mo talaga sa akin eh. Kasi may iba ka nang gusto. May iba ka nang mahal.”
Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan na ako sa kanyang sinasabi. Tila palaisipan ang mga iyon sa akin. Wala akong maintindihan.
“Tulad ngayon, Renesmee, ayaw mo sa akin kasi may iba ka nang mahal. Totoo nga, history repeats itself. May isang tao kang gusto noon. Gusto ka rin niya, pero inilayo ka nila sa kanya.” Tumigil siya sandal sa pagsasalita. “Renesmee, hindi na ako ang dapat magsabi nito sayo. Please, ayoko nang magsalita.”
Agad siyang tumayo at tumalikod sa akin. Maglalakad na sana siya subalit agad akong tumayo at hinawakan siya sa braso upang pigilan siya sa pag-alis.
“Kyo, ano ba talagang totoo?” tanong ko.
Nanatili siyang nakatalikod sa akin at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.
“Borrowed time is over, Renesmee. Ibig sabihin, kahit ano pang gawin ko, ang fixed marriage na dahilan kaya tayo nagtagpo at nagkakilala…ay matutuloy na.”
Napabitaw ako sa braso niya matapos kong marinig iyon. Nang mga oras na iyon ay isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko−si Sol.
“Sabi nila, everything that you lose has its own way of returning. Siguro ‘yung alaalang nawala sa’yo, babalik din sa tamang panahon.”
Pagkasabi niya noon ay naglakad na siya paalis.Naiwan akong nakatayo at gulong-gulo sa mga nalaman ko. Paulit-ulit kong iniintindi ang mga sinabi niya subalit sadyang wala akong maintindihan. Kung isang panaginip man ang lahat, ayaw ko nang manatili pa rito at gusto ko nang magising.
Habang nakayuko ako, isang anino ng taong papalapit sa akin ang aking nakita. Nang makita ko kung sino iyon, pakiramdam ko'y bigla na lang huminto ang mundo ko.
Nakatayo siya sa harapan ko habang nakatitig lang siya sa aking mukha. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tila wala siya sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay at hinawakan ang aking mukha. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong maiyak habang tinitingnan ko siya. Ang pinakamahirap palang gawin sa lahat ay ang pigilan ang luha sa pagtulo, ang magpakamanhidsa sakit, at ang makita ang taong mahal mo na hindi pwedeng maging sa’yo kahit kailan.
Namalayan ko na lang na pinupunasan niya ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit pala. Mas masakit palang malaman ang katotohanan kaysa magpaalam. Ang hirap palang tanggapin na…ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay hindi na pwedeng maging akin at hindi kailanman magiging akin.
“Sabi ko na nga ba, hindi ako nananaginip. Nasa harapan talaga kita ngayon,” saad niya.
Hindi ako umimik, sa halip ay agad ko siyang niyakap.
“Mahal na mahal kita, Sol. Mahal na mahal, ” bulong ko habang tahimik akong umiiyak sa balikat niya.
Kahit wala akong maalala sa nakaraan, wala akong pakialam. Kung pwede lang sanang makalimutan ko ulit ang lahat at magising na lang ako na nasa kotse habang nagbabasa ng aklat at nakahinto ang sasakyan dahil nasa pula ang traffic light.
Gusto kong balikan ang araw na hindi pa ulit kami pinagtatagpo. ‘Yung araw na tatawagan ako ni Liloree at papapuntahin sa MarCof para makipagbreak kay Paula. Gusto kong bumalik sa oras na hinihiram ni Aliyah ang taxi na sinasakyan ko. Hindi ko na iyon ipapahiram sa kanya para hindi ako iwan ni Sol sa gitna ng kawalan. At hindi ko rin makikilala si Kyo. Pero iniisip ko pa lang, pakiramdam ko kung hindi ko sila makikilalang muli, hindi ko malalaman at mararamdaman ang salitang ‘saya’.







