Lander Storm (Possessive Series 4) - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

NGINITIAN ni Vienna ang stepbrother na si Cali nang makitang nasa labas ng private plane nito at mukhang hinihintay siya. Mabuti na lang talaga at sinundo siya ng kapatid sa Japan, ayaw niyang ma-hassle pauwi ng Pilipinas.

“Hey, dear brother,” bati niya, saka ito niyakap.

Sinagot naman ni Cali ang yakap niya, saka tinapik ang kanyang likod. “Kumusta?”

Nakangiting tumango si Vienna. “Okay naman.”

Hinawakan siya sa siko ng kapatid at iginiya papasok sa private plane. “Dalawang buwan ka lang sa `Pinas?” tanong nito nang makapasok sila sa loob ng eroplano.

Tumango siya. “May kailangan lang akong tapusing fashion collection, `tapos babalik kaagad ako sa London.”

“Fashion collection?” Tinaasan siya ni Cali ng kilay. “Hindi ako naniniwala. Kilala kita, Vienna. Alam kong pupunta sa Pilipinas dahil may mahalaga kang rason. Ngayon, sabihin mo sa `kin kung ano `yon.”

Humugot si Vienna ng malalim na hininga, saka tumingin sa mga mata ng kapatid. “I want Lander back.”

Malakas na natawa ito sa sinabi niya. “Nagbibiro ka?”

Umiling siya. “Hindi. Seryoso ako.”

Tumigil sa pagtawa si Cali. “Oh. Akala ko nagbibiro ka lang.” Napailing-iling ito. “Bakit mo kasi siya iniwan nang hindi nagpapaalam? You could have at least said good-bye to him. Alam mo ba kung ano’ng nangyari sa kanya nang umalis ka? Naging bitter na siya. Hindi na siya ang Lander na masayahin at walang problema sa mundo na naging kaibigan ko sa Stanford. Dahil sa `yo, minsan na lang makakitaan ng emosyon ang mukha niya.”

Kinain ng konsiyensiya ang puso ni Vienna. “Alam kong nasaktan ko siya, kaya nga heto ako ngayon at babawi.”

“Bakit ngayon? Bakit hindi noong umaasa pa siya na babalik ka?”

Tumingin siya sa labas ng bintana ng eroplano. “Kasi naduwag akong bumalik noon. Alam kong galit siya sa `kin. At saka, nangako ako sa sarili ko na hindi ko na hahayaang may masirang buhay nang dahil sa `kin at sa kapabayaan ko.”

Nagpakawala ng buntong-hininga si Cali. “Sana nga matanggap ka pa ni Lander.”

Napabuntong-hininga rin siya. “I hope so, too, brother. I hope so, too.”

Pagkalipas ng ilang oras, mahigpit na napahawak si Vienna sa kinauupuan nang maramdamang pababa na ang eroplano. Nang tuluyan na itong makalapag, huminga siya nang malalim, at sabay silang lumabas ng eroplano ng kapatid.

Habang naglalakad sila ni Cali patungo sa exit ng airport, kinuha nito ang cell phone sa bulsa, saka may tinawagan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig na sinabi nito ang pangalan ni Lander.

“Hey, Storm,” bati ni Cali sa kausap sa telepono. “Sino’ng kukuha ng ipinadala mong spare parts?”

Lumapit si Vienna sa kapatid at idinikit ang tainga sa cell phone nito para marinig ang boses ng mahal niya.

Itinulak siya palayo ni Cali. “Sshh!” Pinandilatan siya nito bago nagsalita uli. “Oh? Okay. I’ll wait then.”

Tinapos ng kapatid ang tawag at ibinalik ang cell phone sa bulsa. Pagkatapos, kumuha ito ng pera sa wallet at iniabot sa kanya.

“Here. Go and buy yourself coffee,” sabi nito sa kanya.

Sinimangutan niya si Cali. “Gusto mo lang akong paalisin, eh. Sinuhulan mo pa ako.” Inungusan niya ito. “Hindi por que paborito ko ang Starbucks coffee, susuhulan mo ako.”

“So, ayaw mo?”

Mabilis na kinuha ni Vienna ang perang hawak nito. “Gusto!”

“`Yon naman pala, eh.” Napailing-iling ang kapatid, saka namulsa. “Sige, hintayin mo kami sa Starbucks. I-order mo na rin kaming dalawa, okay?”

Pinaikot niya ang mga mata bago naglakad patungo sa Starbucks at um-order doon ng black coffee, cappucino, at java latte. Pagkatapos, umupo siya sa bakanteng mesa na nasa gitna para madali siyang makita ni Cali.

Nang tawagin ang pangalan niya sa counter, kaagad lumapit si Vienna at kinuha ang mga in-order. Isang sachet lang ng asukal ang inilagay niya sa kape niya, saka sumimsim. Nalukot ang kanyang mukha at napaubo sa sobrang pait niyon.

“Bitter ako pero hindi ganito ka-bitter,” sabi niya at nilagyan ng tatlong sachet ng asukal ang kape. Nang tikman niya uli, napatango-tango siya nang malasahang matamis na iyon.

Mayamaya ay wala sa sariling napalingon si Vienna sa pintuan ng Starbucks. Parang tumigil ang paghinga niya nang makitang pumasok doon ang kanyang kapatid at ang lalaking may kulay-asul na mga mata—si Lander. Hindi niya maialis ang tingin dito. Lalo itong gumuwapo sa paglipas ng panahon.

He became more manlier over the years and one hundred times more drop dead gorgeous than before. His piercing blue eyes, his aristocratic nose, his kissable thin red lips, and his stubborn jawline still made her uneasy.

“Lander…” sambit ni Vienna sa pangalan ng binata. Nakita niyang natigilan ito, lalo na nang magtama ang kanilang mga mata.

“Vienna.” She saw him mouth her name as their gaze locked.

Itinikom ni Vienna ang bibig at nagbaba ng tingin. Hindi niya kayang makipagtitigan nang matagal kay Lander dahil nararamdaman niya ang pamilyar na bilis ng tibok ng kanyang puso. Na sa paglipas ng mahabang panahon ay ang lalaki pa rin ang itinitibok. Walang nagbago at lalo lang nga yata lumala ang nararamdaman niya para dito.

IRITADO si Lander. Panay ang request ni Kathie na magtalik sila sa bahay niya. Kung hindi raw sila roon magtatalik, iiwan siya nito.

As if I cared.

Malamig siyang ngumiti sa babae na gustong makapasok sa bahay niya. “You don’t belong there. Wala pang babae na nakakapasok doon, so please lang, huwag mo nang ipilit.”

Umalis ito sa pagkakakandong sa kanya, pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig at nagmamadaling isinuot iyon.

“Gago!” sigaw ni Kathie sa kanya. “Ginagamit mo lang ako para sa pansarili mong kasiyahan—”

“Just leave and stop shrieking like a banshee.” Tinakpan ni Lander ang mga tainga. “It’s annoying.” Napapitlag siya at pinagkrus ang mga braso sa mukha nang makitang pinulot nito ang stapler at ibinato sa kanya. Mabuti na lang at tumama iyon sa kanyang braso, medyo masakit lang.

Nang marinig niyang bumukas-sara ang pinto ng kanyang opisina, ibinaba ni Lander ang mga braso at napatingin sa nag-iingay niyang cell phone. Nang makitang si Cali ang tumatawag ay sinagot niya iyon.

“Hey, Sudalga,” aniya.

“Hey, Storm. Sino’ng kukuha ng ipinadala mong spare parts?”

“Nandito ka na?” kunot-noong tanong niya. “Ang bilis naman—” Napatigil siya sa pagsasalita nang makarinig ng kakaibang ingay mula sa kabilang linya. “Nand’yan ka pa, Sudalga?”

“Sshh!” He hushed him.

“Oh, okay. Ako pala ang kukuha ng mga ipinadala ko.”

“Oh? Okay. I’ll wait then.” Pagkasabi niyon ay ibinaba na nito ang tawag.

Nang ma-realize ni Lander na hindi pala niya naitanong kung saan sila magkikita, tinawagan niya uli si Cali.

“Hey, Sudalga?” sabi niya nang sagutin ng kaibigan ang tawag. “Saan tayo magkikita?”

“Sa Airjem Airline dito sa NAIA. Hanapin mo ang Starbucks, nasa labas lang ako.”

“Okay.”

Ibinaba ni Lander ang tawag at mabilis na lumabas ng opisina. Habang sakay ng elevator pababa, tinawagan niya ang kanyang sekretarya.

“Yes, Sir?” sabi nito sa kabilang linya.

Sekretarya niya si Stephanie Torero mula nang makapagtapos ito ng pag-aaral, apat na taon na ang nakararaan. Nagtagal ang babae sa kanya dahil nasasakyan nito ang pagpapalit-palit ng mood niya at kahit kailan ay hindi ito nagnasa sa kanya.

“Paki-cancel ang lahat ng appointments ko sa araw na `to,” sabi niya. “May aasikasuhin akong importante.”

“Copy, Sir.”

“Good. Bye.”

Pagbukas ng elevator, inilagay ni Lander sa bulsa ng pantalon ang cell phone at malalaki ang hakbang na tinungo ang Audi na naka-park sa labas ng LaCars Building. Mabilis ang mga kilos niya nang makasakay sa kanyang kotse.

Habang nagmamaneho, naalala niya ang pag-uusap nila ni Cali kaninang umaga. Kaya ito pumunta ng Japan ay dahil nagpapasundo si Vienna? Magkasama na kaya ang dalawa ngayon?

Nandito ba talaga si Vienna? Bumalik na nga ba siya?

Halos lumipad ang sasakyan ni Lander habang patungo sa airport. Kaya hindi nakapagtataka na pagkalipas ng labinlimang minuto ay nakarating na siya. Kaagad niyang nakita si Cali pagpasok niya sa airport, kasama nito si Valerian na hindi maipinta ang mukha.

“Hey,” sabi niya at napatingin sa papalayong bulto ni Valerian. “Ano’ng nangyari sa isang `yon?”

“Galit kasi itinabi ko raw ang eroplano ko sa mga eroplano niya, `tapos galing pa ako ng Japan, kaya `yon,” naiiling na sagot ni Cali.

Napailing-iling na lang din si Lander sa inakto ni Valerian. “Kahit kailan talaga, may topak ang lalaking `yon.”

Tumango-tango si Cali habang nakatingin din sa papalayong likod ni Valerian. “Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hindi siya maka-move on sa history.”

Mahinang natawa siya. “Baka avid fan siya nina Lapu-Lapu at Andres Bonifacio.”

Nagkibit-balikat ang kaibigan. “Whatever.” Humarap ito sa kanya. “By the way, ipinapalabas ko pa lang ang spare parts mo sa eroplano ko. Medyo matatagalan pa `yon kasi dadaan pa yata `yon sa checking, customs, scanner, and many more.” Itinuro nito ang Starbucks na ilang metro ang layo sa kanila. “Coffee while waiting? Tatawagan na lang daw ako ng contact ko sa loob kapag puwede nang kunin.”

“Sure,” sagot niya.

Sabay silang naglakad ni Cali papasok sa Starbucks.

“Kumusta na pala si Lancelott?” tanong nito mayamaya. “Narinig ko `yong nangyari sa kanya. Okay lang ba siya?”

“He’ll survive.”

“`Buti naman.”

“Yeah, he’s a fighter—” Tumigil si Lander sa pagsasalita, pati na rin sa paglalakad nang magtama ang mga mata nila ng babaeng kailanman ay hindi niya inakalang babalik pa sa Pilipinas pagkalipas ng walong taon.

As their gaze locked, everything was muted. He felt like they were put in another dimension where there were no people except them.

Hindi niya maialis ang tingin sa mga mata ni Vienna na siyang kumuha ng atensiyon niya nang una silang magkita. At tulad nang una nilang pagkikita noon, nakasuot ito ng pulang dress.

“Vienna,” mahinang sambit ni Lander sa pangalan ng babaeng bumaliw sa kanya noon.

Tumikhim si Cali na siyang pumukaw sa diwa niya. “Shall we?”

Napakurap-kurap siya at napabaling sa kaibigan. “Ano?”

Iminuwestra nito ang kamay patungo sa mesang kinauupuan ni Vienna. “Shall we?”

Tumango si Lander, saka namulsa. Doon niya ikinuyom ang kamay habang naglalakad palapit sa babaeng walong taon din niyang hindi nakita—ang babaeng iniwan siya nang walang paalam.

Fuck it! She still looks beautiful.

Nang makaupo sila ni Cali, inabot ni Vienna ang isang Starbucks cup sa kapatid nito. “Capuccino para sa `yo.” At inabot ng babae ang isa sa kanya. “Java latte naman para sa `yo.” Ngumiti ito. “Tama ba ang in-order ko?”

“Yeah,” sabay nilang sagot ni Cali.

“Great,” masayang sabi ni Vienna, saka sumimsim ng kape.

Hindi napigilan ni Lander ang sarili na tumitig sa magandang mukha ng babae. Time had been kind to her. Mas gumanda pa ito lalo at mas naging sopistikada.

Lalong kumuyom ang mga kamay niya, saka marahas na ipinilig ang kanyang ulo. “Kailangan ko nang umalis,” aniya. Hindi niya kayang makipag-usap kay Vienna na parang wala lang. He hated her, damn it! Tinapik ni Lander ang balikat ni Cali. “Tawagan mo na lang ako kapag ready na ang spare parts.” Pagkasabi niyon ay umalis na siya at iniwan ang dalawa.

MALUNGKOT si Vienna habang nakatingin sa papalayong bulto ni Lander. Nang magkatitigan sila kanina, nakita niya ang galit sa mga mata nito. Marami na siyang hinarap na mga nakakatakot na sitwasyon sa mga misyon niya, pero wala nang mas nakakatakot pa kaysa sa mga mata ng lalaki na puno ng galit para sa kanya.

“God, please help me win him back.”

Mahinang tumawa si Cali. “You need to pray harder than that if you want him back.” Tinapik nito ang balikat niya. “Hindi na siya ang dating Lander na ngitian at halikan mo lang, madadala na. Nagbago na siya. At good luck sa `yo.”

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Good luck talaga sa `kin. Sa tingin ko, mahihirapan akong makapasok uli sa buhay niya.”

Tumango ang kapatid bilang pagsang-ayon. “Mahihirapan ka talaga kaya magdasal ka na. Kakailanganin mo `yan.”

Bumaba ang tingin ni Vienna sa Java Latte na binili niya para kay Lander. Ni hindi man lang nito nagalaw iyon. Shit!

Unang pagkikita pa lang pero nararamdaman na niya ang kirot sa puso. Ano pa kaya kung magkita sila uli?

He was her first love. Her everything. And she wanted to be his everything, too.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings