Lander Storm (Possessive Series 4) - Chapter #2 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

MARIING ipinikit ni Lander ang mga mata at tumingin sa ICU kung saan naroroon ang kakambal niyang si Lance na comatose. Nagka-hemorrhage ito at nagpapasalamat siya sa Panginoon na nadala nila kaagad ang kapatid sa ospital. Habang karga-karga niya ito, tumutulo ang dugo nito sa sahig na dinaraanan niya. Ayaw na ayaw niya sa dugo, kaya nga ayaw niya sa kulay-pula. Ipinapaala kasi ng kulay na iyon ang madidilim na pangyayari sa kanyang buhay.

Hanggang ngayon, naaalala pa rin ni Lander ang nagkalat na dugo ng mga magulang sa kalsada. Naaksidente ang kotseng sinasakyan ng mga ito at dead on arrival na nang makarating sa ospital. Ang kakambal niyang si Lance ang nagmamaneho ng sinasakyang kotse ng mga ito. Ito lang ang natira sa kanya at ang kapatid niyang babae na hindi kasama sa aksidente. Inuna pa kasi niya ang pakikipagkarera kaysa ipagmaneho ang mga magulang.

Ang katanugang palaging bumabalik sa isip ni Lander: mamamatay kaya sa car crash ang mga magulang kung siya ang nagmaneho? Ang kalagayan ngayon ni Lance, magiging ganoon din kaya ang kalagayan niya kung siya ang nasa kotse at hindi ito?

Napatingin uli siya sa ICU kung saan nakahiga ang kapatid niyang walang malay.

God, please save my twin.

Marami ang nagkalat na dugo sa damit ni Lander. He was in a terribly bad state, mentally and emotional. But Eizel, Lance’s girlfriend, was in worse state than him. Walang tigil ito sa pag-iyak habang hawak ang kamay ng kakambal niya. Pagkatapos ng car accident na dahilan ng pagkawala ng mga magulang niya, heto’t ang kapatid naman niya.

Can this get any worse?

Tumayo si Lander at nilapitan ang girlfriend ni Lance na kahit paano ay naging malapit na sa kanya.

“Okay ka lang, Zel?”

Humihikbing tumango ito. “Sinusubukan kong maging okay, Lander. Sinusubukan kong maging matatag, pero ang sakit-sakit, eh. Hindi puwedeng mawala ang lalaking mahal ko.”

Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi nito. “Minsan sa buhay ko, sinabi ko rin ang mga salitang `yan.” Mapait siyang tumawa. “Pero alam mo `yong ipinagkaiba natin?”

“Ano?”

“Ikaw, nand’yan pa ang kakambal ko—mabubuhay siya at makakasama mo. Ako? Iniwan niya ako nang walang paalam at hinding-hindi na siya babalik pa.” Ginulo niya ang buhok ng babae. “Sige, uwi muna ako at maliligo, pagkatapos, may aasikasuhin lang ako. Babalik din ako kaagad para dalhan ka ng pagkain.”

Tango lang ang isinagot ni Eizel sa kanya habang hawak pa rin ang kamay ni Lance.

Umalis si Lander na mabigat ang pakiramdam. Ayaw niyang iwan ang kakambal pero may mga kailangan siyang asikasuhin. Darating ngayon ang import cars niya galing Europe. Hands-on siya kapag import cars ang pinag-uusapan. Ayaw niyang pabayaan ang kompanyang pinagpaguran at pinaghirapan ng mga magulang niya, ang LaCars, na hango sa pangalan ng ama niyang si Landon Storm na siyang nagtayo ng kompanya.

Kasama naman ni Lance ang girlfriend nito kaya magiging maayos lang ito. Alam niyang aalagaang mabuti ni Eizel ang kakambal niya.

Nang makalabas ng ospital, kaagad sumakay si Lander sa kanyang Audi at pinaharurot iyon patungo sa itinuturing niyang palasyo kung saan siya ang hari—sa LaCars Building.

IPINARK ni Lander ang kotse sa pribadong parking lot niya sa LaCars, saka lumabas. Lahat ng nakakakita sa kanyang empleyado ay napapasinghap at halos lumuwa ang mga mata. Salamat sa nagkalat na dugo sa suot niyang damit, mukhang magiging “headline of the day” siya ngayon.

Nang makarating sa kanyang opisina, ini-lock niya ang pinto at isa-isang hinubad ang damit at nagtuloy-tuloy sa banyo na nasa loob ng private room niya—na tulad sa bahay niya ay may banyo, closet, mini bar, at king-sized bed. As much as possible, ayaw niyang manatili sa sariling bahay.

Being home alone sucked big time. Ayaw na ayaw ni Lander na nag-iisa siya sa bahay na iyon. Naaalala lang kasi niya ang mga panahong may kasama pa siya roon… noong kasama pa niya si…

Don’t go there!

Iyon ang parte ng buhay niya na pinagsisisihan niya.

Pagkatapos maligo at ayusin ang sarili, nagtungo si Lander sa opisina niya at tinawagan si Valerian Volkzki, ang may-ari ng AirJem Airlines.

“Hey, Storm,” bati ni Valerian sa kabilang linya nang sagutin ang tawag. “To whom do I owe this fucking call?” Puno ng sarkasmo ang boses ng lalaki.

Itinirik niya ang mga mata. “Volkzki, I need transportation for my car spare parts. Magbabayad ako kahit magkano. Kailangan ko `yon sa makalawa.”

“Storm, tao lang ang pinapasakay ko sa mga pag-aari kong eroplano. Kung car spare parts ang ipapa-transport mo, tawagan mo si Iuhence Vergara. Kahit punuin mo pa ng spare parts ang mga barko niya, ayos lang `yon.”

Naupo si Lander sa swivel chair. “Volkzki, hindi naman `yon ganoon kabigat. Kaunti lang `yon, mga sampung kilo lang ang bigat. Kailangan ko na ang mga iyon sa makalawa kaya nga tinawagan kita.”

Nagpakawala ng buntong-hininga si Valerian. “You owe me one for this, Storm. Nasaan ba ang mga car spare parts mo?”

“Sa Japan—”

“Oh, hell no, Storm. I don’t do Japan,” putol nito sa iba pa niyang sasabihin. “Ayon sa history, sinakop tayo ng mga Hapones at hindi maganda ang ginawa nila sa mamamayan ng Pilipinas. At dahil doon, hindi ko pinapayagan ang airline ko na pumasok sa Japan. So, bye. Hindi ako ang kailangan mo.” Pagkasabi niyon ay ibinaba na ng lalaki ang tawag.

Napailing-iling na lang si Lander at tinawagan si Iuhence Vergara, ang may-ari ng Pacific Pearl Shipping Line.

Mukhang wala talaga siyang choice kundi padaanin sa dagat ang mga car spare parts na binili niya sa Japan. Loko naman kasi itong si Valerian, hindi maka-move on sa history na iyon. Pakiramdam naman nito, purong Pilipino, samantalang one-fourth lang yata ang Pilipinong dugo na nananalaytay sa ugat nito.

Nagpakawala si Lander ng isang buntong-hininga nang sagutin ni Iuhence ang tawag niya.

“Hello, Vergara,” aniya.

“Hello, my man. May kailangan ka?”

“I need transportation for my car spare parts. It’s in Japan.”

“Kaaalis lang ng barko ko pa-Japan. Sa susunod na linggo pa ang next shipment. `Yong ibang barko ko dito, hindi sila dadaong sa Japan kasi iba naman ang bansa na dadaungan nila,” sagot nito at napalatak siya. “Makakapaghintay ka pa ba?”

“Kailangan ko ang mga spare parts na `yon sa makalawa.” Mahina siyang napamura. “Damn it.”

“Well, you don’t have a freaking choice— Oh, you do! Why don’t you call Volkzki? Baka naman payagan ka niyang isakay ang mga car spare parts mo sa eroplano niya.”

Nagpakawala uli si Lander ng malalim na hininga. “Hindi maka-move on si Volkzki sa history at ayaw sa mga Hapon.”

Tumawa nang malakas si Iuhence. “Well, Storm, wala kang ibang pagpipilian kundi ang maghintay.”

Ayoko nang naghihintay.

Iyon na lang palagi ang ginagawa niya—maghintay sa mga bagay na hindi naman mangyayari.

“Fine.” Pero may pagpipilian ba siya? “Sige, susubukan kong tumawag sa iba kung matutulungan nila ako,” sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Muling humugot ng malalim na hininga si Lander at pinindot-pindot ang dial pad para tawagan si Cali.

“Hello, Cali?” aniya.

“Storm!” magiliw na bati nito sa kabilang linya. “Why you called, dude?”

Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. “May kakilala ka bang airlines na nagpapadala ng car spare parts other than AirJem? Mukhang hindi pa kasi nakaka-move on si Valerian sa mga Hapon kaya wala siyang eroplanong papuntang Japan. Kailangan ko kasi ang spare parts na `yon sa makalawa. Kaunti lang naman `yon, eh, puwedeng ilagay sa duffel bag.”

“Nasaan ba ang spare parts na `yan?”

“In Japan.”

“Cool. Papunta ako sa Japan ngayong araw, puwede kong dalhin pabalik ng Pilipinas ang mga spare parts na kailangan mo. I’m gonna use my private plane, so yeah, it’s cool.”

Nakahinga nang maluwag si Lander sa sinabi ni Cali. “Thanks, man. Siyanga pala, bakit ka pupunta sa Japan? Sabi mo noong huli tayong mag-usap, ngayong week ang alis ng cruise ship mo at `di ba, palaging via sea ka kapag umaalis? You hate planes, remember?”

Mahinang tumawa ang kausap. “Yeah, I did say that but my dearest stepsister is asking me to pick her up— Oh, shit!” Bigla itong tumigil sa pagsasalita. “Ayaw mo palang pinag-uusapan siya. Sorry man.”

Ikinuyom ni Lander ang kamay nang mabanggit nito ang stepsister.

Vienna Sugon.

“It’s okay. I’m over her.”

Please, don’t fucking ask.

“Anyway, bakit siya nasa Japan?”

Fuck it!

Nawalan ng imik si Cali pero pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita rin ito. “Ahm, she’s… coming home. Dalawang buwan yata siyang mag-i-stay sa Pilipinas.”

“`Tapos aalis din siya?”

“Kilala mo naman `yon.”

“Sadly—” Napatiim-bagang siya. “—I do.”

Nagpakawala ng isang malalim na hininga ang kaibigan. “Yeah. Well, I have to go. Bye, Storm.”

“Bye, Sudalga.”

“Tawagan na lang kita kapag nasa Japan na ako.”

“Okay.”

Sabay nilang tinapos ang tawag. Napasandal si Lander sa swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata.

Mabilis siyang napadilat nang pumasok ang babaeng iyon sa kanyang isip. Hindi ba talaga siya nito tatantanan? Magwawalong taon na mula nang umalis ang babaeng iyon nang walang paalam pero bakit nasa isip pa rin niya ito? Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga. After all these years, Vienna still lingered in his mind like an undeletable virus.

At isa lang ang tanging paraan para mawala ang babaeng iyon sa sistema niya…

Kinuha ni Lander ang cell phone at tinawagan si Kathie—ang kanyang latest lover.

“Hey, handsome,” nang-aakit ang boses na sagot nito sa tawag niya. “What can I do for you, honey?”

“I need someone to fuck,” walang emosyong sabi niya. “Puwede ka ba?”

Bumungisngis ang babae sa kabilang linya. “I’ll be right there, honey.”

“Good. I’m in my office.” Tinapos ni Lander ang tawag at mariing ipinikit ang mga mata. Nang pumasok na naman sa isip niya si Vienna, napatiim-bagang siya.

Fuck that woman!

HINDI gumagalaw si Vienna habang iniisip kung ano ang dapat gawin sa apat na kalalakihang nakapalibot sa kanya. Nakatali ng lubid ang mga kamay sa likuran at may nakatutok na baril sa kanyang ulo, at matalim na espada naman sa kanyang leeg.

“Who are you working for?!” Matigas ang English accent ng Hapon na nagsalita.

Matapang na sinalubong niya ang singkit nitong mga mata. “I. Don’t. Know. Anything!”

Umigkas ang kamao ng lalaki at malakas na tumama sa mukha ni Vienna. Mariin siyang napapikit ng maramdamang nagdilim ang paningin niya sa lakas ng suntok nito. Para siyang nakakita ng mga bituin nang makabawi sa sobrang sakit na naramdaman.

“Who are you working for?!” sigaw ng Hapon at nang hindi siya sumagot, sinuntok na naman siya sa mukha.

Parang wala nang maramdaman ang mukha ni Vienna dahil sa mga suntok na tumama roon. Nag-angat siya ng tingin at matalim ang mga matang sumagot. “I. Don’t. Know. Anything!”

“Aaargh!” sigaw ng lalaki at akmang kakalabitin na ang gatilyo ng baril nang mabilis niyang itinumba ang stool na kinauupuan. Napangiti siya nang masira iyon.

Gotcha!

Mukhang nagulat ang mga Hapon dahil nanigas ang mga ito sa kinatatayuan at parang hindi alam ang gagawin. Napailing-iling na lang si Vienna. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon at mabilis na kumilos.

Mabilis siyang bumangon at sinipa ang paa ng Hapon na may hawak na baril na malapit sa kanya dahilan para mawalan ito ng balanse, pagkatapos ay pinulot niya ang baril na nabitawan nito. Mabilis niyang itinutok iyon sa tuhod ng natumbang lalaki at kinalabit ang gatilyo.

Napasigaw ang Hapon habang sapo ang tuhod na tinamaan ng bala.

“Sorry.” She gave him a half-meant apologetic look.

Vienna then heard a whooshing sound. Hindi na niya kailangang pang lumingon para alamin kung ano iyon. She was pretty sure that it’s the sound the sword made when you’re slashing it with a lightning speed. And before it could hit her, she did two back flips and pointed the gun on the man who was trying to slash her.

“What’s with Japanese and samurai?” naguguluhang tanong niya, saka napailing-iling. “Facts about guns—” Itinaas niya ang hawak na baril. “—they can kill in just a blink of an eye.”

“Aaargh!” sigaw ng lalaki habang sumusugod sa kanya.

Ibinaba ni Vienna ang baril at itinutok sa tuhod nito, saka niya kinalabit ang gatilyo. Napabuntong-hininga na lang siya. “I told you. They can easily kill.”

Hindi niya pinansin ang pagsigaw ng Hapon dahil sa sobrang sakit, itinutok niya ang baril sa dalawa pang lalaki na may mga hawak na samurai.

Umatras si Vienna patungo sa bag niya na nasa sahig na itinapon na mga ito nang dakipin siya. May sobra pang C-4 doon at iyon ang kailangan niya para matapos na ang kanyang misyon. Nakakapagod na. Kailangan na niyang magpahinga.

“Who are you working for?” tanong ng isang lalaki.

“Answer us and we will not kill you!” pagalit na sigaw ng isa.

Habang nakatutok pa rin ang baril sa dalawa, pinulot ni Vienna ang backpack at kinuha roon ang cell phone, pagkatapos ay isinukbit sa magkabilang balikat. Nang makitang mabilis na naglalakad palapit sa kanya ang dalawang lalaki, mabilis niyang kinalabit ang gatilyo ng baril.

“Fuck!” Malakas siyang napamura nang makitang naubusan na iyon ng bala. Gamit ang pinakamalakas niyang puwersa, ibinato niya sa isang lalaki ang baril, saka mabilis na pinulot ang espada na nakakalat sa sahig. “I just don’t like swords. Damn it.”

Itinuon ni Vienna ang atensiyon sa Hapong nasa kanan niya na inaatake siya ng samurai na madali naman niyang naiwasan. Malakas na sipa ang pinakawalan niya na tumama sa tiyan nito. Madaling nakabawi ang lalaki na agad siyang inatake. Pinaikot niya ang samurai sa pupulsuhan niya at gamit ang handle niyon, itinarak niya ang espada sa dibdib nito.

Napaubo ang lalaki at sinapo ang dibdib nito dahil sa ginawa niya.

Napatigil si Vienna sa pag-atake nang marinig na nag-ring ang cell phone niya na nasa kanyang bulsa. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki habang kinukuha ang aparato at sinagot ang tawag. “Yow! Who’s this?”

“It’s me, Cali,” sabi ng nasa kabilang linya. “Nandito na ako sa airport, kadarating ko lang. Nasaan ka na?”

“Teka lang, busy— Shit!” Kasimbilis ng kidlat na umiwas si Vienna nang makitang nakabawi na ang isang lalaki na akmang tatagain siya! Panay ang atake ng Hapon at panay naman ang atras niya hanggang sa masagi ng kanyang paa ang mahabang kadena. Mga nasa tatlong metro din ang haba niyon. “Hold on for me, brother dear,” sabi niya sa kapatid.

“What—wait? Where the fuck are you, Vienna?!”

Tumingin si Vienna sa dalawang lalaki at sa kadenang natapakan niya. “Hold on for a minute, my dear stepbrother.”

“Vienna, where the heck—” Hindi na niya narinig ang iba pang sasabihin ni Cali dahil inilagay na niya sa bulsa ng pantalon ang cell phone.

Nang makitang susugod ang isang lalaki, mabilis na pinulot ni Vienna ang kadena at ipinalibot sa baywang nito. Pagkatapos, hinila niya ito palapit sa kanya at malakas na sinipa sa dibdib. Nang makitang muntik lang mabuwal ang Hapon, ikinuyom niya ang kamao at sinuntok ito sa mukha nang maraming beses, saka sinipa sa leeg. Napaatras ang lalaki kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong bigyan uli ito ng isang malakas na sipa sa mukha.

Bumagsak ang lalaki sa sahig.

Nang makita ni Vienna na susugurin na naman siya ng isa pang lalaki, napamura siya at mabilis na tumakbo palabas ng warehouse na iyon.

This has to end, damn it! I’m not here to get killed!

Nang makarating siya sa pintuan ng warehouse, naglagay siya ng dalawang C-4 sa bawat sulok ng pinto, saka mabilis na lumabas.

Nang mai-lock ni Vienna ang pinto mula sa labas, biglang may sumipa niyon pabukas mula sa loob pero hindi ito nagtagumpay. Napangisi siya nang makitang hindi nabuksan ang pinto.

Mabilis niyang kinuha ang C-4 detonator sa kanyang bag. At habang paatras siyang naglalakad, bumalik ang isip niya kung bakit nandoon siya sa lugar na iyon.

Mula sa labas ay parang wala lang ang warehouse na iyon, pero sa basement niyon ay may nakatagong mga fake Japanese dollar plates na dahilan sa pagkalat ng fake Japanese money sa Japan. Ang misyon niya ay kunin ang mga fake money plates na iyon at pasabugin ang buong warehouse.

Kinuha ni Vienna ang cell phone sa bulsa at kinausap uli ang stepbrother habang humahakbang pa rin paatras. “Hey, dear brother, ano na’ng pinag-uusapan natin?”

Napabuntong-hininga ito. “Nakalapag na ang eroplano ko. Nasaan ka na?”

“Papunta na ako d’yan.”

“Okay ka lang?”

“Nag-aalala ka?” nanunudyong tanong niya.

“Oh, shut up. Bye!” Napipikon na pinatay ni Cali ang tawag na ikinatawa niya.

Ibinalik ni Vienna ang phone sa bulsa, saka naghanap ng puwedeng pagtaguan. Nang makakita ng malaking bato, umupo siya sa likuran niyon at kinuha ang iPod niya at naglagay ng earphones sa mga tainga. Pinatugtog niya ang kantang

“My Song Knows What You Did in the Dark” ng Fall Out Boys.

Her feet were tapping on the ground and when the song hit the chorus, she pressed the button on the detonator and she grinned when the ground shook.

Malapad na napangiti si Vienna nang umalis sa pinagtataguan at nang makita ang resulta ng pagsabog. Lalong lumapad ang kanyang ngiti nang makitang wasak na wasak ang warehouse.

Tinanggal niya ang earphones sa mga tainga nang may tumawag sa cell phone. Kaagad niya iyong sinagot.

“Yow. How’s it going?” agad na tanong niya.

Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. “Well done, Light. Mission accomplished.”

“Thanks, pero mukhang may black eye ako. Mababawasan ang kagandahan ko nito.”

Tumawa ang kausap. “You can now have your two months off. Enjoy your vacation, Agent Light.”

Nang matapos ang tawag, napangiti si Vienna nang maalala kung bakit humingi siya ng dalawang buwang leave sa trabaho.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings