PAPUNTA sa kusina si Sydney nang madaanan niya sa hallway na bukas ang ilaw sa library. Nasisilip iyon mula sa munting siwang sa pagitan ng pinto at marmol na sahig. Pagkatapos kumuha ng isang bote ng mineral water mula sa refrigerator ay nagpasya siyang pumunta sa library. Inabutan niya roon si Kenneth, nakaupo sa study table at binabasa ang Kama Sutra .
Agad na ibinaba ng lalaki ang aklat nang makitang pumasok siya. “Magandang gabi,” alanganing bati nito.
“Magandang gabi rin,” bati niya pabalik at lumapit dito.
Sydney was wondering why she hadn’t gotten rid of this bastard yet. Kung tutuusin ay awkward ang mga nangyari sa pagitan nila—ang pamboboso nito sa kanya, at ang pagkakaroon ng erection habang magkadikit ang kanilang mga katawan.
Naiinis siya, oo. Pero hindi siya masyadong naaasiwa, hindi rin niya magawang mangilag kay Kenneth. Hindi niya alam kung bakit, siguro ay dahil wala talaga siyang nararamdamang panganib dito. Isa pa, kaya niya naman itong labanan kung magkakamali man ang lalaki na gawan siya ng masama. Isang bala lang ito.
“May ganitong libro pala dito,” natatawang sabi ni Kenneth na bahagyang iniangat ang Kama Sutra .
“Hindi na ako nagulat,” aniya, iniikot ang tingin sa buong silid. Napakaraming libro, mula sahig hanggang kisame ang taas ng bookshelves doon. “Mukhang hindi namimili ng genre ang may-ari ng library na ito.”
“Mga teacher ko noong high school ang mag-asawang may-ari ng bahay na ito. Dito ako madalas nag-i-stay noong stay-out maid pa dito ang nanay ko, isinasama niya ako kapag Sabado at Linggo. Napakaraming libro ang nabasa ko dito, pero hindi ko nakita itong Kama Sutra noon,” kuwento sa kanya ng lalaki.
“You’ve read these books?” Hindi na siya nagtataka pa, hindi mukhang tatanga-tanga si Kenneth.
“Oo. Paborito ko `yong Jack Ryan series ni Tom Clancy.”
Sydney was impressed. Wala talaga siyang pasensiyang magbasa ng makakapal na libro, lalo pa’t tulad ni Tom Clancy ang author. “I’ve watched the movies,” sabi niya na lang. Umupo siya sa reclining chair at uminom sa hawak na bote ng tubig. “Hindi kasi talaga ako wide reader o book nerd. I think I’m more of a movie kind of girl.”
“Ano’ng paborito mong movie?” interesadong tanong naman ng lalaki.
“Marami. Usually, mga action series like Die Hard , Bourne , Lethal Weapon , Transporter , Fast and Furious … Ikaw?”
“Marami din, pero pinakapaborito ko siguro `yong Schindler’s List .”
Sa narinig na sagot ni Kenneth ay bahagya pang nahiya si Sydney sa mga nabanggit na pelikula.
“Bakit Schindler’s List ? I remember watching bits and pieces of it. Masyadong dark, masyadong totoo. Hindi ko gusto ang ganoon. I watch movies to entertain myself.”
Ngumiti ang lalaki bago sumagot. “Iyon nga ang nagustuhan ko doon, dahil galing sa katotohanan ang kuwento. Siguro kasi, nagpapaalala lang sa akin ang pelikulang iyon na hindi pa ganoon kalungkot at kababa ang buhay ko, na kung ang mga biktimang iyon ay nakalaya rin sa huli at nakapagpatuloy sa buhay, kaya ko ring umalis sa kahirapan at umangat balang-araw.”
She was speechless. Hindi niya alam ang sasabihin sa narinig. Really, Kenneth was something and maybe she had also felt it, that was why she decided to keep him in this house.
“So, ano pa ang mga nabasa mong books dito?” pagbabago ni Sydney sa usapan. Masyadong malalim ang sinabi ng lalaki at hindi siya ang klase ng taong nakakausap nang ganoon.
“Sir Arthur Conan Doyle, Agatha Christie, Michael Crichton, Stephen King, John Grisham, James Patterson… Marami. Hindi naman ako namimili ng babasahin, kahit `yang mga romance ay pinatos ko.”
“Romance?” Natawa si Sydney.
“Oo. Bilang lalaki ay interesante ring malaman kung ano-ano ba ang tumatakbo sa isip ng mga babae sa pamamagitan ng romance stories.”
Again, she was impressed. “Mabibilang lang sa daliri ko ang nabasa kong romance. Not just my thing. Siguro dahil hindi ako masyadong nag-e-enjoy sa ganoong stories,” pag-amin niya.
“Kakaiba ka,” napapantastikuhang sabi ni Kenneth, tumatango-tango pa.
“I take that as a compliment, I guess?” nangingiting sabi ni Sydney.
“That was a compliment,” sabi naman ng lalaki. “Napakasuwerte ng magiging boyfriend mo.”
Doon na siya napasimangot. “I dunno what to say about that. Hindi sana ako iniwan ng ex-boyfriend ko kung suwerte siya sa piling ko, hindi ba? To think na siya lang ang naging lalaki sa buhay ko.”
Nabura din ang magandang ngiti ni Kenneth. “I’m sorry,” parang hindi makapaniwalang sabi nito. “Iniwan ka niya? Napakalaki niyang hangal.”
Bumuntong-hininga si Sydney. “Well, hindi niya ako talaga iniwan, ako ang nakipaghiwalay sa kanya dahil ilang ulit niya akong niloko.”
Lalo namang nagulat ang lalaki. “Niloko ka niya?” sabi nitong napapailing pa.
Hindi niya alam kung bakit nasasabi niya lahat ng iyon kay Kenneth. Pero komportable siyang pag-usapan nila ang personal niyang buhay. In fact, she felt she could talk to this man about anything and everything under the sun. At wala pa siyang nakikilalang lalaking ganoon.
“Nakipag-sex siya sa ibang babae dahil hindi ko magawang makipag-sex sa kanya.”
Parang biglang napipi ang kausap, nakatingin lang sa kanya, kunot ang noo, parang hindi alam kung ano ang iisipin.
“I tried having sex with him, but…” Muli siyang bumuntong-hininga. “It’s kinda hard to explain, you know? Gusto kong isiping baka frigid lang ako, but that was not the case.”
“Baka hindi lang siya magaling?” napapaisip na sabi ni Kenneth.
“Hmm, nah.” Ayaw na sanang balikan pa ni Sydney, pero inisip niya ang mga eksena nila ni Jacob sa kama. “I think he knew what right buttons to push. Ako talaga itong may problema.”
“Pero kahit na, hindi pa rin tamang lokohin ka niya. Sana nakipaghiwalay muna siya sa iyo bago gumalaw ng ibang babae.”
“Ikaw, Kenneth, gugustuhin mo bang magkaroon ng girlfriend na hindi sumasagot ang katawan sa pangroromansa mo?”
“Papayag akong magtiis at maghintay. Pag-uusapan namin ang problema at pilit na hahanapan ng solusyon.”
“Yeah, solusyon…” mahinang usal niya. “My friend said I need to see a sex therapist.”
“Kung tatanungin mo niyan ang sarili mo, sa palagay mo ba, ganoon kalaki ang problema mo sa sex?”
Umiling si Sydney. “Honestly, I don’t know what to think. Hindi ako lesbian at tinatablan din ako sa mga nababasa at napapanood kong sex scenes, pero pagdating kay Jacob ay hindi ko magawang makapag-focus kahit ano’ng pilit ko.”
“Mahal mo pa ba si Jacob?”
Muli siyang umiling. “Hindi na. I’m starting to think that maybe I don’t really love him that much. Sa palagay mo ba, iyon ang problema? Kailangan ba ng love ang sex?”
“Not necessarily.” Tumuwid ng upo si Kenneth at humalukipkip. “Pero kung gusto n’yo ang isa’t isa, at kung nagkakasundo kayong gawin iyon, wala namang problema.” Tumikhim ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi ka na nagkaroon ng ibang lalaki mula nang maghiwalay kayo?”
Mapakla siyang tumawa. “Umiwas na ako sa mga lalaki. Kaya nga nandito ako ngayon sa Sta. Barbara, nag-e-ermitanya sa bahay na ito.”
“Hindi ka naman umiiwas sa akin.” Ngumiti ang lalaki.
Tinaasan niya naman ito ng kilay.
“Sorry. Nakalimutan ko na namang amo pala kita,” sabi naman agad ni Kenneth pero hindi tunog-apologetic ang boses. Parang gusto lang iparinig iyon sa kanya.
Oh, this man’s guts!
“Ang gusto ko lang sabihin…” Muling ngumiti ang lalaki. “Kahit utusan mo lang ako dito ay napaamin mo nang attracted ako sa iyo, hindi ba? Pero tingnan mo at kinakausap mo pa rin ako nang ganito.”
“Hmm, you got a point,” pagsang-ayon ni Sydney. “Siguro dahil iba ang sitwasyon natin kaysa sa ibang lalaking kakilala ko.”
“Tama. Binabayaran mo ako kaya kahit paano, may tiwala ka sa akin,” sabi nitong walang bahid ng self-pity kundi pawang pagpapakatotoo lang.
Now she was totally admiring him. “I like your honesty and candidness, Kenneth.”
“Thank you,” masayang sabi ng lalaki na bahagya pang yumukod.
Tumayo na si Sydney. “Well, good night then. It’s been nice talking to you.”
Tumayo rin si Kenneth. “Same here.” Lumapit sa kanya ang lalaki nang maglakad siya patungo sa pinto ng library at ito ang nagbukas niyon. “Good night, Sydney.”
Tumingala siya kay Kenneth at natigil sa balak na paglabas nang may maaninag sa mukha nito. He looked enthralled, gazing at her with his hazy eyes.
“K-Ken…” pukaw ni Sydney sa lalaki.
“Ano `yon?”
“Gusto mo ba akong halikan?” bigla niyang naitanong na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Natigilan saglit ang lalaki sa hindi niya inaasahang tanong pero mas hindi inaasahan ni Sydney ang naging sagot nito. “Hindi lang halik ang gusto kong gawin sa iyo, Sydney.”
Ramdam niya ang tindi ng lakas ng loob ni Kenneth sa ginawang pagsagot, matatag ang pagbitaw nito ng mga salita. Na para bang kahit tutukan niya ng baril ngayon din mismo ay iyon pa rin ang isasagot sa kanya dahil iyon ang katotohanan.
She gazed back at him, and suddenly, she was lost in his eyes. Posible ba iyon? Na puwedeng malunod sa kawalan sa mga mata ng isang lalaki?
Wala nang panahon si Sydney na intindihin pa iyon. She had been interested… curious about this man since the day she caught him looking at her naked body. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang itaboy palayo si Kenneth, dahilang ngayon lang niya lubusang inaamin.
“Kiss me,” kusa iyong namutawi mula sa bibig ni Sydney.
“Sydney—”
“Sige na, bago pa magbago ang isip ko.” Inilapit niya ang katawan sa binata. “Gusto kong maramdaman kung paano halikan ng ibang lalaki bukod kay Jacob.”
Hinapit siya sa baywang ni Kenneth at ibinaba ang mukha sa kanya. Awang ang bibig na sinalubong ni Sydney ang palapit na bibig nito.
His kiss took her by surprise. The way his lips moved over hers—it was very… sensual. Yes, sensual. She had never thought she’d ever use that word. Pero iyon lang ang naiisip niyang panlarawan sa uri ng paghalik ni Kenneth sa kanya. He was grazing, licking, and sucking her lower lip; the tiny smacking sounds echoed amidst the silence of the night. Parang sinasamba ang kanyang mga labi, pinagyayaman…
Humihingal sila pareho nang bitiwan si Sydney ng lalaki. Nagulat pa siya nang mayroong maliit na protesta na naramdaman mula sa kanyang kalooban. Gusto niya bang magpatuloy sa paghalik si Kenneth? At pagkatapos ng halik ay ano? Papayagan din ba niya na gawin nito ang anumang iniisip na higit pa sa halik tulad ng sinabi ng lalaki kanina na siyang dahilan kaya lalong bumangon ang kuryosidad niya rito?
Shit. Ano ba itong hinahayaan ni Sydney na mangyari sa kanya?
Napalunok siya nang dalawang beses bago nakapagsalita at nakagalaw. “G-good night,” nagmamadaling sabi niya at mabilis na naglakad pabalik sa silid.
Alam ni Sydney na inihatid siya ng tingin ni Kenneth, at matindi ang pagpipigil niyang lingunin pa ito.
MAS MAAGA kaysa sa nakasanayan na bumangon si Sydney. Ang totoo ay hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa kapangahasan na magpahalik kay Kenneth. Marami siyang iniisip at nararamdaman. Unang-una na ang pagkagulat sa sarili. Of course, she was not a na ï ve and timid kind of woman, but to ask a guy who was not even her boyfriend to kiss her? Hindi niya alam ang dapat isipin.
May kakaibang epekto sa kanya si Kenneth na hindi niya kayang ipaliwanag. And that curiousity had been eating her up everyday…
Nagtaka si Sydney nang hindi magisnan ang lalaki sa loob ng bahay. Wala ring nakahaing mga pagkain sa hapag-kainan. Tulog pa kaya ito?
Tumuloy siya sa kusina at nagbu-brew na ng kape nang pumasok sa bahay si Kenneth.
“Pasensiya na, hindi ako nakapagluto. Lumabas ako ng bahay kaninang madaling-araw para hanapin ang tatay ko,” paliwanag nito.
“What happened?”
“Nag-text sa akin ang kapatid ko na hindi raw umuwi kagabi si Tatay. Hinanap namin siya sa mga kainuman niya, `ayun, nakatulog pala sa tabi ng kalsada.”
“Oh, geez. `Buti hindi siya napa’no. Nasaan pala ang nanay mo?”
“Wala na siya. Namatay dahil sa pneumonia, mahigit dalawang taon na rin.”
“Sorry to hear that.”
“Teka, magluluto lang ako—”
“Huwag na. Ahm, I was thinking of eating out this morning. Samahan mo ako sa downtown, mamimili ako.”
Sa Jollibee sila kumain ng almusal bago tumuloy sa isang malaking grocery store. Tig-isa sila ni Kenneth ng itinutulak na cart at naiinis na si Sydney dahil wala pa ring laman ang cart ng lalaki kahit sinabihan na niyang kumuha lang ng mga gusto nito.
“Why are you not getting anything?” aniya nang muli itong lingunin.
“Ayokong ipamili mo ng grocery ang pamilya ko,” pagmamatigas naman nito.
“Oh, shush!” umiikot ang mga matang sabi ni Sydney. “Amo mo ako at inuutusan kita ngayon, Kenneth,” natatawa pa niyang sabi.
Nakasimangot na umabot naman ito ng mga de-lata, pero tatlong corned beef lang ang kinuha mula roon. Padarag na lumapit siya sa lalaki at walang sabi-sabing ibinagsak sa cart nito ang maraming canned meat.
“I don’t wanna hear it,” banta niya nang akmang magsasalita si Kenneth, nakaduro pa ang kanyang hintuturo sa mukha nito.
Wala na nga itong nagawa nang maglagay siya ng pagkarami-raming grocery products sa dalawang cart. Mga canned goods, frozen meat products, instant noodles, pati toiletries—may sanitary napkins pa para sa kapatid nitong babae.
“Sobra-sobra na ito.”
Hindi na alam ni Sydney kung pang-ilang ulit nang sinasambit iyon ni Kenneth nang nasa sasakyan na sila pabalik sa Barangay Lupac. Ito ang nagpumilit na magmaneho kaya pinagbigyan niya.
“Well, wala ka nang magagawa dahil nabili na natin ang mga ito. Dumaan na tayo sa inyo para ihatid ang mga ito. Ilagay mo na lang sa ref sa bahay ang mga frozen food.”
Napapailing ito at nakasimangot pa rin.
“Or would you prefer cash?” naisip itanong ni Sydney. “Mas gusto mo bang pera na lang ang—”
“Sinabi ko na sa iyong kontento na ako sa ibinabayad sa amin ni Sir Manuel.”
“Magdadagdag nga ako ng bayad, `di ba? Ako ang masusunod, Kenneth.”
“Bakit, bayad sa paghalik ko sa iyo kagabi?”
Gustong mapahiya ni Sydney sa tanong na iyon pero pinatigas niya ang mukha. “Nagpapabayad ka ba sa mga halik mo?” ganting tanong din niya. “Gusto ko lang magbigay sa pamilya mo, is that a bad thing? Nararamdaman kong ikaw ang klase ng taong ayaw humingi ng tulong kaya nagkukusa akong magbigay. Hindi ito limos kung inaakala mo. Ituring na lang natin na pasasalamat ito sa mga panahong inaalagaan ninyo ang bahay,” litanya pa niya.
Hindi na umimik pa si Kenneth hanggang sa marating nila ang bahay nito. Maliit lang iyon na nasa tabi ng barangay road at may maliit ding bakuran. Yari iyon sa kongkreto at kawayan. Ang mga bintana ay yari sa mga lumang tabla. Kinakalawang na ang bubong na may mga nakapatong na malalaking bato at kahoy para hindi liparin ng hangin ang mga yero kapag bumagyo.
Tulog pa raw ang tatay ni Kenneth nang pumasok sila sa bahay kaya ang kapatid nito ang tumulong sa mga dala-dala nilang grocery.
“Grabe. Ang dami naman nito, Ma’am Sydney!” tuwang-tuwang sabi ni Dianne. “At ang ganda-ganda n’yo pala!”
“Thank you. Huwag nang ‘Ma’am.’ ‘Sydney’ na lang,” sagot ni Sydney sa dalaga, pagkatapos ay iniikot ang tingin sa maliit pero malinis na salas ng bahay.
Mula sa kusina na siya ring kainan ng pamilya ay naririnig niya ang pagtatalo ng magkapatid. Pinagluluto ni Kenneth si Dianne pero nagrereklamo ang huli dahil walang gas.
Bago sila umalis ay binigyan niya ng pera si Dianne, binilin niya na bumili ito ng LPG.
“Thank you,” sabi sa kanya ng binata nang nasa kotse na sila.
Ugh. At last. Nilulon din ang pride!
“Sabi nga nila, beggars can’t be choosers,” sabi pa nito. “Ang totoo niyan, gipit nga kami ng pamilya ko ngayon dahil hindi na ako namamasada ng jeep. Wala naman akong ibang mahanap na trabaho dito.”
Napangiti si Sydney sa pagtatapat ni Kenneth. “Well, may trabaho ka habang nandito ako,” sabi niya. “And since marunong ka namang magmaneho ay puwede kitang ipasok sa LVT bilang bus driver kung gusto mo.”
Umiling ito at bumuntong-hininga. “Salamat, pero titingnan ko muna. Hindi ko kasi maiwan-iwan si Tatay, lalo na kung matatagalan. Hindi ko maaasahan si Dianne sa bahay.”
“May sakit ba ang tatay mo?”
“Sa tingin ko, may diperensiya na siya sa atay pero ayaw niyang magpatingin sa doktor kahit ano’ng pilit ko.”
“Ganoon ba?”
Malungkot na tumango si Kenneth at hindi na nagsalita pa si Sydney hanggang sa makarating sila sa malaking bahay. Ramdam niyang ayaw ng binata na kinakaawaan kahit payag itong tumanggap ng tulong.







