Chapter 3
PASADO alas-otso na ng umaga nang magising si Sydney. Pagkatapos magbanyo ay nagpalit muna siya ng damit bago lumabas ng kuwarto. Hindi niya kinalimutang magsuot ng bra. Gaya ng inaasahan ay may mga lutong pagkain na sa mesa. Hindi muna siya nag-almusal at hinanap muna sa loob ng bahay si Kenneth. Nang hindi niya ito matagpuan ay lumabas siya at nadatnan ito sa likod-bahay na nagwawalis ng mga tuyong dahon.
“Good morning,” bati niya sa lalaki nang maramdaman nito ang kanyang presensiya at humarap sa kanya. Parang nagulat pa nang bigyan niya ito ng isang maliit na ngiti.
“`M-morning,” bati ni Kenneth pabalik, tumuwid ng tayo.
“Thank you sa paghanda ng breakfast. Kumain ka na ba?”
“Sa bahay na lang mamaya.”
Nang sunduin ni Sydney kagabi ang lalaki sa bahay nito ay hindi niya naaninag masyado ang hitsura ng tirahan nito. Pero natatandaan niyang maliit iyon at hindi yari sa konkreto. At nangunguha rin ito ng mga kahoy na panggatong, ibig sabihin ay hindi kuryente o gas ang lutuan. This man might be dirt poor. And she couldn’t imagine that kind of life.
Oo nga’t lumaking independent si Sydney pero nasanay din siya sa komportableng pamumuhay. At nakatulong iyon nang malaki sa kanyang independence dahil kailanman ay hindi siya namroblema sa pera. Kung ipinanganak lang na mahirap ay iba ang takbo ng kanyang buhay ngayon.
Mayroong bumangong interes tuloy sa loob ni Sydney para kay Kenneth. Ilan kaya ang tao sa bahay nito? May asawa na kaya ang lalaki?
“You can join me at breakfast, Kenneth.”
Nahalata niyang nagliwanag ang mukha nito, pero nataranta pa rin. “H-huwag na—”
“Ang dami ng niluto mo, hindi ko iyon kayang ubusing mag-isa,” mabilis na putol ni Sydney sa protesta ni Kenneth. “O, hinihintay ka ba ng misis mo?”
Nagkamot ito ng batok. “Wala akong asawa.”
“Iyon naman pala. Halika na sa dining room. Mamaya mo na ipagpatuloy `yan.” Pinamaywangan niya ang lalaki nang hindi pa rin ito tumitinag sa kinatatayuan. “Kenneth! Ano ka ba? Huwag mo nang hintaying hilahin kita papasok ng bahay, because I’m telling you, I’m much stronger than I look.”
Ngumiti si Kenneth. “Alam ko,” usal nito, sabay baba ng walis sa lupa.
Pinigilan ni Sydney ang lalaki nang akmang ipaghihila siya nito ng upuan sa harap ng mesa. “Hindi mo ako kailangang pagsilbihan sa pagkain, Kenneth. I’m a big girl, you know? I can feed myself.”
Ngumiti na lang si Kenneth, saka umupo. Tahimik lang ito habang kumakain na ipinagtaka niya naman. O baka nahihiya lang na dumaldal dahil kasalo sa pagkain ang amo?
Hanggang sa hindi na nakatiis si Sydney dahil hindi na komportableng mga nagkakalansingang kubyertos at plato na lang ang kanyang naririnig. “So, matagal ka na dito sa Sta. Barbara?” naisipan niyang itanong sa binata.
“Dito na ako ipinanganak. Tagarito ang pamilya ng tatay ko.”
Ngumiti si Sydney. “Akala ko nalulon mo na ang dila mo,” biro niya.
Asiwang ngumiti si Kenneth, saka tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain, ni hindi na tumingin sa kanya.
“What’s wrong? Ang daldal mo kagabi lang,” usisa naman niya. Gustong matawa ni Sydney sa sarili. Bakit ba niya kinukulit ang lalaking ito? At kailan pa siya naging makulit? Dapat ay matuwa siya’t hindi na siya kinakausap nito, pero heto’t siya pa mismo ang nag-imbita sa lalaki para saluhan siya sa almusal.
“A-ahmn, diyahe kasing kumakain ako kasama ka. Baka pagalitan ako ni Tatay `pag nalaman niya ito.”
“It’s okay. You can bring home the leftovers, too.”
Tumango si Kenneth. “Sige. Thank you.”
“Nahihiya ka ba sa akin, Kenneth?”
Nag-angat ng tingin ang lalaki. “H-ha?”
Tumawa si Sydney. “Parang biglang nagbago ka kasi. `Asa’n na `yong kakulitan at pagpapa-cute mo?”
Ngumiwi ito. “H-hindi talaga ako ganoon.”
Naguluhan siya. “Don’t tell me na naka-drugs ka lang noong mga time na una tayong mag-usap?”
“Hindi ako nagda-drugs!” matigas na tanggi ni Kenneth. “Ni wala nga akong pambili ng alak o yosi,” mahinang usal nito.
“Sorry, ibang-iba ka kasi ngayon. Hindi ka ba nakatulog kagabi?”
“Medyo.”
“Sabi ko naman kasi sa iyo na huwag mo na akong bantayan.”
“Hindi pa rin ako mapalagay, pasensiya na.”
Hindi napigilan ni Sydney ang muling mapangiti. At hindi talaga siya palangiting tao. She was not used to being taken care of. Wala siyang pinahintulutang mag-alaga o magprotekta sa kanya. Kahit si Jacob ay hindi nagpupumilit.
“Well, thank you, I guess. Dadagdagan ko na lang ang bayad mo.”
Umiling si Kenneth. “Hindi na kailangan—”
“I won’t take no for an answer, Kenneth,” giit niya. “Sobrang baba ang ibinabayad sa inyo ni Manuel, hindi makatarungang gumawa ka ng ibang serbisyo bukod sa pag-aalaga sa bahay na ito nang walang bayad.” Sa sandaling iyon ay nagpasya rin siyang kausapin si Manuel na itaas ang bayad sa mga caretaker ng lahat ng properties ng kanyang pamilya.
Matipid na ngumiti ang lalaki. “Okay.”
“At huwag ka nang mahihiya sa akin.”
Muling nataranta ang mukha nito. Sydney thought he looked cute. Cute talaga? Kailan pa niya ginamit ang adjective na iyon sa tao? Nabo-bore na yata siya at pati ang caretaker ay napagdidiskitahan niya nang wala sa oras.
“S-susubukan ko.”
“Ano ba kasi’ng problema? Ang lakas ng loob mong kausapin ako, `tapos ngayon ay tinubuan ka bigla ng hiya?”
Ibinuka ni Kenneth ang bibig, pero dagli ring binawi ang gustong sabihin.
“Speak up,” utos ni Sydney.
Tumuwid ng upo ang lalaki, inilapag sa plato ang hawak na kubyertos. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. “Gaya ng sabi ko sa iyo kanina, hindi talaga ako makulit at madaldal. Malakas lang ang loob kong kausapin at kulitin ka dahil parang napaka-aloof mo. At nakakahiya mang aminin ay h-hindi ako sanay na hindi ako pinapansin ng mga babaeng kakilala ko. Huli na nang maisip kong iba ka pala sa mga iyon. Mayaman ka at amo kita, naninilbihan lang ako sa iyo. Kailangan kong matutong lumagay sa tamang lugar, dumistansiya, at tumahimik kung hindi mo naman kinakausap.”
Hindi siya agad nakapagsalita sa narinig. Pero na-appreciate niya ang pagiging tapat ni Kenneth. Aaminin niyang humanga rin siya sa lalaki.
“Actually, Kenneth…” mayamaya ay sabi ni Sydney, matamang nakatitig sa mukha ng lalaki. He was really good-looking. Nakaahit ito at mukhang malinis at malambot ang magulong buhok. Hindi rin ito mukhang marumi kahit luma na ang suot na T-shirt at pantalon. Pati kuko nito sa kamay ay malilinis din. “Mas gusto kita kapag makapal ang mukha mo.”
Tumawa siya nang biglang nabilaukan si Kenneth sa iniinom.
NASA likod-bahay si Sydney at inaakyat ang puno ng bayabas, hindi niya alam kung matatawa o mahihiya nang maabutan doon ni Kenneth isang hapon.
“Sana sinabi mong gusto mo ng bayabas, may panungkit ako sa bahay,” nakangiting sabi ng lalaki, nakatingala sa kanya.
Was he checking her legs and butt? Napakaikli pa naman ng suot niyang shorts. But what the heck? Nakita na siya ni Kenneth nang nakahubad, magsawa itong tingalain siyang nakadamit.
“Mas exciting akyatin,” sabi ni Sydney.
“Ingat, baka mahulog ka,” nag-aalalang sabi ng lalaki.
“Don’t worry. Sanay na sanay akong umakyat. Nagwo-wall climbing ako,” may halong pagmamayabang na sabi niya, saka inabot ang isang sangang hitik sa bunga at pumitas ng isa. “Here, catch!” sabi niya at inilaglag kay Kenneth ang bayabas.
Nasalo naman nito iyon. Nakalimang bayabas din siya nang may mahawakang kakaiba sa maliit na sanga. Malambot. May mumunting balahibo. Dagling binawi ni Sydney ang kamay, at nang tingnan niya kung ano ang nahawakan ay napatili siya.
“H-higad! Oh, my God! Ang laking higad!” tili niya, nanghihilakbot, nandidiri. Nakahawak siya ng isang malaking brown caterpillar!
“Sydney!” narinig niyang sigaw ni Kenneth mula sa baba, nag-alala siguro nang bigla siyang nataranta sa taas ng puno.
“Fuck! Shit! I hate caterpillars, I fucking hate them! Gross little creatures!” tili ni Sydney at nagmamadaling bumaba. Kaso sa kanyang pagmamadali ay nadulas siya sa tinuntungang sanga at kamuntikan nang mahulog kung hindi lang nakalambitin sa sangang kinapitan. Napasigaw siya nang maramdamang nagka-crack ang sanga. Mahuhulog siya!
“Bumitiw ka!” sigaw ni Kenneth. “Bitiw, Sydney. Sasaluhin kita!”
She grunted as she let go of the cracking branch. Sinalo nga siya ng lalaki, kaso sa impact ng bigat niya ay pareho silang natumba sa lupa.
Nasa ibabaw si Sydney ni Kenneth nang magdilat siya ng mga mata. Ang kanyang mga dibdib ay nakasalpak sa mukha nito. Shit!
“Ayos ka lang?” banayad na tanong ng lalaki nang mag-angat ng ulo si Sydney. “May masakit ba sa iyo?” Nag-aatubili man ang kamay ay humaplos iyon sa kanyang likod, patungo sa kanyang buhok.
Umiling siya. Namumula naman ang mukha ni Kenneth. May epekto ba rito ang pagkakalapat ng kanilang mga katawan?
“Thank you,” sabi niya.
“You’re welcome. Sa susunod ay huwag ka nang umakyat sa mga puno dito. Hindi talaga maiiwasang may mga higad.”
Muling umiling si Sydney. “Hindi na talaga,” nahihintakutang sabi pa niya.
“May kinatatakutan ka rin pala,” biro ng lalaki. “Hindi naman delikado ang mga higad, basta hindi ka allergic.”
“Eh, ayoko sa kanila. Nakakadiri kaya ang hitsura, ang dami nilang paa. Gross. So fucking gross!” nakangiwi at napapikit na sabi niya.
“Pero gaganda sila pagkatapos ng metamorphosis. Magiging makukulay silang paruparo.”
“Wala akong pakialam kahit maging anghel pa sila!”
Tumawa si Kenneth.
“Don’t laugh at me, you brute!” singhal niya sa lalaki. Saka siya pinanlakihan ng mga mata nang may maramdaman sa kanyang hita.
Lalo namang namula ang mukha ni Kenneth. This man was having a hard-on! Ramdam na ramdam niya ang tigas ng pagkakalaki nito mula sa shorts nito. She could even feel it warm and… throbbing!
“Tumayo na tayo,” natatarantang sabi ni Sydney.
“S-sorry, sorry,” mas natatarantang sabi naman ng lalaki.
Nang gumalaw siya para sana tumayo ay lalong nasagi ng kanyang hita ang naghuhumindig nitong pagkakalaki. Nang tingnan pa iyon ni Sydney ay napakalaking bukol ang kanyang nakita.
Sinubukan siyang tulungan ni Kenneth na tumayo pero nagpumiglas siya dahil sa pagkataranta. Lalo silang natataranta, lalong lumalaki at tumitigas ang bukol na ngayon ay katapat na ng pagitan ng mga hita ni Sydney. Now she was straddling his erection!
“Let me go!” tili niya. Bakit ba kasi pumayag-payag pa siyang magpasalo sa lalaking ito? She could have let herself fall on the ground instead. Hindi naman siya mai-injure siguro dahil hindi masyadong mataas ang puno.
“Tinutulungan kitang tumayo,” sabi naman ni Kenneth. “Huwag ka kasing magulo at hayaan mo akong itayo ka.”
She tried to be calm and bent her knees. Nang nakaluhod na si Sydney sa lupa ay hinila siya ng lalaki patayo. Pinagpagan niya ang sarili nang tuluyang makatayo.
Inirapan niya si Kenneth. “Pervert!” sigaw niya, sabay talikod at nagmartsa patungong back door ng bahay.
HINDI alam ni Kenneth kung uuwi na ba o makikipagkita pa kay Sydney nang hapong iyon. Nakakahiya ang nangyari. Nag-flag ceremony lang naman si Junior habang nasa ibabaw niya ang dalaga. Nangibabaw ang pag-iinit sa kanya, at hindi niya naman masisisi ang pagkalalaki sa pagwawala niyon. A warm, soft woman’s body was on top of him, her big rounded breasts being smashed on his face. Langhap na langhap niya pati ang bango nito.
Shit! Ang sarap.
Bilin sa kanya ni Sydney ay puwede niyang gamitin ang isang banyo sa malaking bahay kaya sinamantala niya para doon maligo. May dala naman siyang ekstrang mga damit dahil pumayag na ang dalagang samahan niya ito roon sa pagtulog.
Sa tanang buhay ni Kenneth ay noon lang niya naranasang maligo sa ilalim ng shower. May hot and cold water pa. Luma na pero kutson ang higaan niya, hindi matigas na papag na may banig. Papag na nagagamit lang niya kapag wala sa bahay si Dianne. Sa salas siya natutulog sa kanilang bahay dahil dadalawa lang ang maliliit na silid-tulugan. Ang sarap palang maging mayaman.
Nagbabad si Kenneth sa shower, ilang beses sinabon ang sarili, sinamantala ang libreng toiletries doon. Malinis siya sa katawan dahil sa pag-aalaga noon ng kanyang ina. Panay ang bilin nitong kahit daw mahirap sila ay walang dahilan para maging marumi. Siniguro nitong malilinis lagi ang kanilang mga damit ni Dianne, pati na rin ang kanilang bahay
He missed his mother so bad. Hinahanap-hanap niya ang pagkalinga nito sa kanilang magkapatid, ang masasarap nitong luto, ang mga panenermon kapag nagkakalat sila sa bahay, ang mga pangaral nito…
Si Olivia ay ulilang lubos at tubong Bicol na napadpad sa Manila para makipagsapalaran. Nagtitinda ito noon ng mga lutong pagkain sa construction site kung saan nagtatrabaho si Simon bilang karpintero. Nagkaibigan ang mga ito, nagpasyang magpakasal at umuwi ng Sta. Barbara. Tumira ang dalawa sa bahay ng mga magulang ni Simon na nang lumaon ay namatay sa katandaan. Magkatulong na binuhay ng mag-asawa ang dalawang anak, pero ang kabuhayan ng mga ito ay hindi naging sapat para mapag-aral sina Kenneth at Dianne sa kolehiyo.
Matalino at palabasa ang inang si Olivia. Laging iniisip ni Kenneth na kung siguro ay hindi ito ipinanganak sa mahirap na pamilya, o kung nakapag-asawa lang ito ng mayaman ay may mararating ito sa buhay. Pera lang naman ang pangunahing problema sa pag-unlad. Oo nga’t may mga taong umunlad sa sariling sikap pero ilan lang ang mga iyon? Naniniwala siyang may kasamang suwerte ang sikap at tiyaga, kadalasan ay may tumulong sa matatagumpay na tao kaya umangat sa buhay.
Si Kenneth kaya, kailan din susuwertehin? Kailan siya makakaalis ng Sta. Barbara para hanapin ang sariling lugar sa mundo? Sabi nila ay may tamang panahon daw para sa lahat, pero kailan pa iyon darating sa kanya?
`Tang-ina. Nagdadrama na naman siya.
“Gago ka, Junior,” mura ni Kenneth nang sinasabon na ang ari, nakatingin doon. “Ni hindi ka man lang nagpigil kahit alalang-alala ako kanina sa kanya. Pahamak.”
Pilit niyang iwinaglit sa isip ang pakiramdam at amoy ng katawan ni Sydney. Baka manigas na naman ang pasaway niyang alaga. Ayaw niyang magkalat sa banyo ng ibang bahay.
Paglabas ni Kenneth ng banyo ay sakto namang naglalakad sa hallway si Sydney. Napahinto sila sa harap ng isa’t isa.
“Sorry sa nangyari,” nahihiyang sabi niya sa dalaga.
Umirap naman ito at humalukipkip. “Tell me, Kenneth, atrracted ka ba sa akin?”
Napanganga siya sa narinig na tanong.
“Sagutin mo ako,” untag nito, bahagyang nilakasan ang boses.
Marahan siyang tumango. “Bato lang ang lalaking hindi maa-attract sa iyo, Sydney,” pagtatapat niya.
“Kaya ganoon ang reaksiyon ng katawan mo sa akin kanina?”
Sinalubong ni Kenneth ang masamang tingin sa kanya ng babae. Oo nga’t mas angat ito sa buhay at amo niya ito, yhis woman also emanated superiority and arrogance, pero hindi sapat ang mga iyon para ma-intimidate siya. Kinakausap siya nito ngayon bilang isang lalaki, hindi bilang utusan lang.
“Hindi ko iyon sinasadya, kusang nag-react lang ang katawan ko at hindi ko nagawang pigilin,” matapat niyang sabi.
Nanunukat ang tingin ni Sydney, nagtataka naman siya kung bakit hindi pa siya nito pinapalayas.
“Fine. Ikaw ang magluluto ng dinner,” sabi nito sabay talikod.
Napangiti si Kenneth, sinundan niya ng tingin ang papalayong babae. Para itong nagsasayaw sa hangin sa pag-indayog ng malalapad na balakang habang marahang naglalakad.
“And, stop staring at my ass, pervert!” bulyaw ni Sydney nang makarating ito sa dulo ng hallway.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock