Heat - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

“WHAT is he doing here?” tanong ni Sydney nang makitang pumasok ng bakuran ng malaking bahay si Kenneth.

“Magandang hapon. Ibinilin ka pala ni Sir Manuel kay Tatay. Hindi siya makakapunta dito kaya ako na lang,” kaswal na sabi ni Kenneth nang makapasok ito sa bahay. Bale-wala rito ang matalim niyang tingin.

Gusto na niyang humanga sa guts ng lalaking ito. Mukhang hindi ito nai-intimidate sa kanya kahit kaunti, to think na natutukan na niya ito ng baril. Baka akala nito ay peke ang baril niya? Paputukan niya kaya ito sa tainga minsan?

Men had always been intimidated with Sydney Vida. Mabibilang niya sa mga daliri ang mga lalaking nagtangkang manligaw sa kanya. Malakas daw kasi masyado ang kanyang personalidad at masyado siyang independent.

Matigas siyang nagsalita sa katiwala. “I told you I can take care of myself.”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa kakahuyan? Sydney, hindi ako masamang tao. Puwede mo akong ipa-background check. Wala rin akong nakakahawang sakit kaya safe na ipagluto kita. Puwede akong kumuha ng medical clearance para patunayan—”

“Kenneth. Seriously!”

“Sige,” pagsuko naman ni Kenneth at inilabas ang isang lumang Nokia cell phone mula sa back pocket ng pantalon nito. “Magpalitan na lang tayo ng number. Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong.”

She glared at him. “I don’t need your help, thank you.”

Nagpipindot ito sa cell phone. “Number mo. Please?”

Aba’t ubod pala ito ng kulit!

Kuyom ang mga palad na napaungol si Sydney, saka mabilis na sinabi sa lalaki ang cell phone number.

Ngumiti si Kenneth. “Salamat. `Ayan, nag-miss call na ako.”

“Nagpapa-cute ka ba?” hindi niya napigil sabihin nang hindi maalis-alis ang pagkakangiti ng lalaki.

Lalo namang lumuwang ang ngiti nito. “Cute lang talaga ako,” pabirong sabi ni Kenneth na sinamahan pa ng pagliyad ng dibdib.

Lalo lang nainis si Sydney. Itinuro niya ang pinto. “Makakaalis ka na.”

MAY LIBRARY ang malaking bahay at doon nagpapalipas ng oras si Sydney. Matagal na rin pala siyang hindi nakakahawak ng paperbacks mula nang mauso ang Kindle at iPad. That, and she didn’t really consider herself to be an avid reader.

Maraming libro doon, iba-ibang genre, mga libro ng mga international best-selling authors. Hindi na siya nagtakang may collection doon ng mga libro dahil ayon kay Manuel ay dating mga guro ang may-ari ng bahay na iyon.

Hanggang sa may isang maliit na librong leather-bound ang nakatawag sa pansin ni Sydney, mukhang luma na rin iyon.

“ Kama Sutra …” naiiling na usal niya at binuklat-buklat iyon.

Hindi na bago sa kanya ang makabasa ng mga librong may lamang sex. Nakapanood na rin siya ng porn. May epekto ba sa kanya? She would be a hypocrite if she’d say no. Of course, hot and bothered din siya kapag nakakabasa at nakakapanood ng sex scenes. At nagpapasalamat si Sydney na nakakaramdam nang ganoon dahil napatunayan niya sa sarili na hindi siya frigid gaya ng isinumbat ni Jacob na naging dahilan ng dating nobyo kung bakit patuloy itong kumakalantari ng ibang babae habang may relasyon pa sila.

Halos dalawang buwan na pala mula nang mag-break sila ni Jacob, at sa loob ng mahigit isang taon nilang magkasintahan ay ilang beses din silang naghiwalay at nagkabalikang muli. But this time, Sydney was sure as hell that it was finally over. Kinailangan pa niyang makita ang ebidensiya ng katangahan. Yup, she caught Jacob fucking another woman and the bastard still had the balls to tell her that it was all her fault because she refused to have sex with him.

“Ano’ng magagawa ko kung yari pala sa yelo ang girlfriend ko?” sumbat pa noon ng lalaki. “Do you even feel something, Sydney? You don’t even moan, you don’t get wet when I try to have sex with you. And, most of all, you don’t even try to learn how to pleasure me!”

Ilang beses na ring hinayaan ni Sydney ang sarili sa plano ni Jacob na makipag-sex sa kanya. She would let him undress her, kiss her, touch her…

She always welcomed his mouth’s assaults on hers, his tongue journeying to her neck down to her breasts. He would suck her nipples while caressing her inner thigh, and then his middle finger would rub her vagina, her clitoris. Sa lahat ng pagkakataong iyon ay hindi man lang napapapikit o napapasinghap si Sydney. She would just watch him trying to pleasure her in vain.

Pero kapag ipapasok na ng lalaki ang ari sa kanya ay noon na siya parang natatauhan at umuurong. How could she let him take her? Kung hindi nga siya tinablan sa foreplay nila in the first place.

And Jacob was right. Hindi siya humahalinghing at lalong hindi rin nababasa ang kanyang pagkababae kapag niroromansa siya nito.

“Ah, so `yong most of all ay tungkol na naman sa sarili mo?” nakuhang sabihin ni Sydney. “At huwag mong iligaw ang usapan, Jake. You cheated, iyon ang problema natin. Umalis ka na sa harap ko ngayon din at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo.”

Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakipagtalo sa kanya si Jacob, mukhang tanggap na nitong walang patutunguhan ang kanilang relasyon. At wala naman siyang balak bawiin pa iyon.

“I expect us to maintain a professional working relationship, Sydney.”

Siguro ay galit na galit lang siya noon at nakontrol ang sariling hindi umiyak. Or did she even want to cry? Kahit noong kino-console siya ng mga kaibigan ay hindi pa rin siya nagdrama o umiyak.

“Huwag kang mag-aalala, Jake. Pumalpak ka lang sa pagiging boyfriend ko, ikaw pa rin ang operations manager ng kompanyang ito,” paniniguro niya.

Nakakainis mang isipin ay hindi niya masisante sa trabaho ang dating nobyo. Pinagkatiwalaan ito ng kanyang pamilya sa La Vida Transit dahil maganda ang pamamalakad nito. Iyon ang dahilan kaya okay lang kahit hindi na halos magtrabaho si Sydney bilang nahirang na general manager mula nang mamatay ang mga magulang. Masipag si Jacob, maaasahan; kayang-kaya nitong pamunuan ang La Vida Transit. Isa pa ay nabili rin ng pamilya nito ang treinta porsiyento ng kompanya.

Sydney didn’t know what was exactly wrong with her. Ang sabi sa kanya ni Andrew, ang pinakamalapit na kaibigan at siya ring executive assistant niya, baka raw kailangan na niyang magpatingin sa sex therapist. Pero ayaw niya namang amining may problema nga ang kanyang katawan.

“Well, who knows, Syd? Maybe your body is just waiting for the right lover,” puno ng pag-asa namang sabi ni Andrew.

“Right lover, huh?” usal ni Sydney, matamang nakatingin sa illustrated picture ng Congress of the Crow .

Ah, so may tawag pa palang iba doon maliban sa sixty-nine? Gusto niyang matawa sa sarili.

Nalibang tuloy si Sydney sa pagbabasa, nakapuwesto siya sa study table na may reading lamp at komportableng swivel chair. May naramdaman siyang hiya sa nababasa pero mas malakas naman ang hatak ng lohika na normal lang ang kanyang ginagawa. She was just feeding her curiousity. Hindi na siya bata para mailang pa. She was a woman now.

She sighed. Yeah, a woman who couldn’t have sex with her ex-boyfriend.

Natigil si Sydney sa pagbabasa nang makarinig ng mahihinang kaluskos. Mabilis na isinara niya ang libro at inilapag sa mesa. Isang figurine ang una niyang napulot mula sa console table sa tabi ng pinto ng library. Lampas one foot ang taas ng figurine na yari sa kamagong, magkayapos na lalaki’t babae.

Hinigpitan niya ang hawak sa figurine nang buksan niya ang pinto. At tama nga siya sa hinala. May dalawang lalaking namataan si Sydney na paakyat sa hagdanan, itim ang mga kasuotan at may bonnet sa mukha. Sabay-sabay silang nagulat nang tumunog ang emergency alarm ng kanyang kotse sa open garage ng bahay. Tinatangkang buksan siguro ng kasama ng mga lalaki ang kanyang bronze fire Lincoln MKX.

Pagkakita kay Sydney ay agad siyang inatake ng isa, pero mas mabilis ang paghampas niya ng figurine dito. Sayang at naiiwas nito ang ulo, sa balikat tuloy ng magnanakaw iyon tumama. Ininda nito ang sakit dahil napasigaw ito at napaluhod.

Sinamantala iyon ni Sydney. Tumakbo siya patungo sa silid para kunin ang kanyang baril. Sumunod naman sa kanya ang isa pang magnanakaw pero nasipa niya ito sa tiyan bago pa siya mapigilan.

Mabilis niyang kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng unan, pero bago pa maiumang iyon sa magnanakaw ay mabilis itong lumabas ng silid. Hinabol niya ito at inasinta, pero nag-dive ang magnanakaw sa hagdan, nagpatihulog. Hindi ito natamaan ni Sydney. Mabilis ding bumaba ang iba pang magnanakaw.

Palabas na ng bahay ang dalawa nang makababa siya sa salas. Ipinutok niya uli ang baril. Siguradong natamaan ang isa dahil napasigaw ito sa sakit at hawak ang puwit na tumuloy sa paglabas ng pinto. Sumunod si Sydney sa mga magnanakaw at kinalabit uli ang gatilyo, sunod-sunod. She didn’t care if she was shooting aimlessly in the dark. Takot sa baril ang mga magnanakaw at paalis na ang mga ito dahil doon. Mayroong jeepney sa labas ng bakuran at agad pinaandar iyon ng driver hindi pa man halos nakakasampa ang dalawang kasamahan nito.

“Fuck!” malakas na mura ni Sydney nang hindi na nahabol pa ang mga tumakas na magnanakaw. Paliko rin ang kalsada kaya huli na para paputukan niya ang papalayong sasakyan.

MABILIS na nagsuot ng pantalon si Kenneth matapos matanggap ang tawag ni Sydney. Paglabas niya ng bakuran ay hustong paparating ang SUV ng babae.

“Okay ka lang ba? Hindi ka sinaktan?” sunod-sunod na tanong niya.

“I’m fine. Now, where the hell is the house of your barangay captain? Bakit bahay mo ang sinabi mo sa akin nang tanungin kita kanina?”

May naramdaman si Kenneth na takot sa boses ng babae pero parang ayaw nitong ipahalata. Deretso ang mukha nito, parang nagsuot ng matigas na maskara.

“Nag-alala lang ako sa iyo.”

Hindi sumagot si Sydney, sa madilim na barangay road lang nakatingin. Ibinigay niya rito ang direksiyon patungo sa tirahan ng punong barangay ng Lupac.

Mabilis naman ang aksiyon ng mga opisyal ng barangay. Agad na nagsigisingan ang mga tanod at kagawad. Sinamahan din sila ng kapitan sa police station sa bayan para magpa-blotter. Ayon sa mga pulis ay may reklamo nang pagnanakaw mula sa grupong iyon noong nakaraang buwan mula sa ibang barangay. Malaki ang duda ng mga ito na hindi raw taga-Sta. Barbara ang mga magnanakaw kundi mga dayo galing ibang bayan.

“May kakilala siguro dito ang mga iyon at nabalitaang nag-iisa ka sa malaking bahay,” sabi ni Kenneth kay Sydney nang pauwi na sila. “Ikaw mismo ang balak nilang pagnakawan dahil wala namang importanteng mga gamit sa bahay na iyon.”

“Puwede nilang ibenta sa antique shop `yong TV,” naiinis pero mukhang kalmadong sabi ng dalaga.

Natawa tuloy siya. Bilib na siya sa tapang ng babaeng ito. Nakukuha pang magbiro kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Kayang-kaya ngang protektahan ni Syndey ang sarili base sa narinig na kuwento nito habang nagpapa-blotter. Parang eksena sa isang maaksiyong pelikula. She reminded him of Black Widow in Avengers .

Wala sa sariling napatakip ang isang kamay ni Kenneth sa kandungan. Shit. Muntik na pala talagang manganib si Junior nang tutukan siya noon ng baril ng babae. Kayang-kaya pala talaga nitong bumaril.

“Matutulog ako sa malaking bahay,” sabi niya kay Sydney bago pa nila marating ang Barangay Lupac.

Gaya ng inaasahan ni Kenneth ay tumanggi ito. “You don’t have to.”

“I insist.”

Napalingon pa ito sa kanya, nagulat siguro sa pag-e-English niya.

Probinsiyano si Kenneth at high school lang ang natapos pero masasabing matalino. Honor student siya mula elementarya at nagtapos ng sekondarya na first honorable mention. Siya rin ang pinakamagaling sa kanyang batch sa Math at English. Pero baka kinakalawang na sa mga subject na iyon dahil hindi niya kailanman nagamit sa mga trabahong napasukan.

“Hindi ko kailangan ng proteksiyon mo, Kenneth. Kaya ko ang sarili ko,” tanggi pa rin ng babae.

“Alam ko. Pero bilang katiwala ng bahay na iyon at bilang isang lalaki, gusto kong magprisintang samahan ka.”

Mahinang humampas sa manibela si Sydney, mukhang hindi pa rin kumbinsido.

“Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan mo, Sydney. Pero hindi natin masasabi ang mga puwede pang mangyari. Maaaring balikan ka ng mga magnanakaw na iyon at sa susunod ay mas marami at mas handa na rin sila.”

Bumuntong-hininga ang babae. “Fine. You got a point.”

Napangiti si Kenneth. “Bakit nga pala mag-isa ka rito?” naisipan niyang itanong.

“And why do you ask?”

Nagkibit-balikat siya. “Gusto ko lang malaman.”

“Like I’ve told you, I just wanna be alone.”

Ayon sa kanyang ama, ulila at nag-iisang anak nga pala si Sydney. At dalaga pa. Wala kaya itong boyfriend? Hindi naman siguro lesbian? Sayang naman kung magkakataon. Pero malakas ang kutob ni Kenneth na babaeng-babae ito. Nagsusumigaw ang pheromones nito sa katawan at kahit katabi lang niya ito ngayon sa sasakyan ay may dulot iyong kakaiba sa kanya.

Nag-iinit si Kenneth sa nasasamyong mabangong amoy ng babae. Hindi rin niya naiwasang mapatingin sa makikinis nitong braso at cleavage na naka-expose mula sa suot na itim na tank top. Too bad she was wearing pyjama bottoms; he missed those long, shapely, delicious legs… Naglumikot tuloy ang isip niyang hinahalikan ang mga hitang iyon, dinidilaan, kinakagat-kagat. Pataas nang pataas…

Napalunok tuloy si Kenneth nang wala sa oras. Ano ba itong ginagawa niya? Nakukuha pa niyang pagnasahan si Sydney sa gitna ng sitwasyon ngayon.

Nadi-diyeta lang ba siya sa sex kaya hindi nakaligtas ang babae sa imahinasyon niya? Ilang buwan na rin silang hiwalay ng kanyang girlfriend. Ilang buwan nang walang aksiyon si Junior, nagkakasya na lang sa mga palad niya.

Pilit binale-wala ni Kenneth ang nararamdamang pag-iinit. Kung babantayan niya si Sydney ay kailangan niyang magpaka-professional kahit paano. Nararamdaman niyang pinagkakatiwalaan na siya nito at ayaw niyang masira iyon.

Nagtanong siya uli. “Pero bakit ka dito sa Sta. Barbara nagpunta? Ang boring dito.”

“That’s the point.”

“Gusto mong mabagot?”

“Gusto ko lang lumayo mula sa city, sa ingay, sa polusyon.”

Napatango-tango si Kenneth. “Gaano ka katagal mag-i-stay dito?”

“I’m not sure yet. Depende kung kakailanganin bigla ang presensiya ko sa iniwan kong trabaho.”

“Mabuti hindi mo nami-miss ang boyfriend mo?” bigla niyang naitanong.

Noon na sumulyap sa kanya si Sydney. “You’re nosy, Kenneth.”

Mahina siyang tumawa, nagkamot ng sentido. “S-sorry. Gusto ko lang makipagkuwentuhan kung okay lang sa iyo.”

“I don’t have a boyfriend. Break na kami.”

Bakit gusto niyang matuwa sa narinig? Single pala si Sydney! “Break na kayo? Bakit?”

Hindi sinagot ng babae ang kanyang tanong. Pero nakita niya ang pagdilim ng mukha nito, ang pagtiim ng mga ngipin.

Itinaas ni Kenneth ang isang kamay. “I’m sorry. Hindi na ako magtatanong pa.”

Hindi siya talaga ang klase ng lalaking makulit o madaldal. Kaso, sa lahat ng mga babaeng nakilala niya ay si Sydney ang pinaka-aloof kaya napipilitan tuloy siyang magsalita nang magsalita. Kadalasan ay mga babae ang dumadaldal sa kanya, hindi na niya kailangang magsumikap na magbukas nang usapan. But this woman was sure different…

Gago. Ano ba’ng iniisip niya’t ikinokompara niya si Sydney sa mga babaeng kakilala? Iba ito. Ibang-iba. Mayaman ang babae at nasa alta sociedad. Wala pang babaeng tulad nito ang nakilala niya at nakausap. Saka sino ba naman siya para kay Sydney kundi isang utusan? Normal lang na ayaw nitong makipag-usap sa kanya, lalo pa’t personal ang kanyang tinanong. Tama lang na pagsungitan siya ng babae dahil nagiging makulit na siya.

Kailangang ilugar nang tama ni Kenneth ang sarili. Kung sana ay hindi ganoon ang naging una nilang pagkikita…

Kenneth, tumigil ka nang tarantado ka! tahimik na sigaw niya sa sarili nang maalala na naman ang aksidenteng pagkakakita sa hubad na katawan ni Sydney. Pero paano niya makakalimutan iyon? Taglay nito ang mukha at katawan na pantasya ng kalalakihan.

Panstasya…

Oo, hanggang pastasya na lang siya sa babaeng ito. Kakalyuhin na lalo ang kanyang mga kamay. Pati si Junior ay magkakakalyo na rin.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings