Chapter 1
SO MUCH for privacy! himutok ni Sydney sa isip habang naglalakad pabalik sa malaking bahay na pagmamay-ari ng namatay na lolo’t lola. Ang pagkakaalam niya ay nabili rin ng mga ito ang malawak na lupain sa paligid kaya tiwala siyang mamasyal doon nang nag-iisa.
Well, she was carrying her Glock 21 and she knew how to use it well. Mabuti na lang, kung hindi ay baka kung ano ang nagawa sa kanya ng lalaking nahuling namboboso sa kanya.
Gusto lang sana niyang magkaroon ng magandang tan na hindi dulot ng tanning bed kaya siya nagbilad sa araw nang hubo’t hubad. And why not? Nasa loob nga siya ng private property at walang matatanaw na ibang bahay at may kakahuyan pa sa paligid. Malay ba niyang may mangangahoy rin pala roon?
But in all fairness, guwapo si Mambobosong Mangangahoy. She guessed he was around her age, maybe a little older. He actually looked harmless and trustworthy. Magulo ang medyo alon-alon na buhok na parang ilang buwan nang hindi nagugupitan. Mukhang ilang araw na rin ang stubble ng lalaki. Tama ang lapad ng noo at tangos ng ilong, hindi masyadong matapang ang jawline. His dark eyes were… Stop, Sydney. STOP!
Kahit iyon pa ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo ay hindi pa rin maitatangging binosohan siya nito. And, please, she had enough of men already. Enough. Guwapo rin si Jacob, hindi ba? Ang walanghiyang ex niyang babaero pala.
Hindi na dapat magtiwala pa si Sydney sa mga lalaki. Growing up with her parents fighting, and her dad cheating on her mom should have been a bad sign for her. And two of her friends were certified womanizers, too. Pero hindi, dahil hinayaan pa rin niya ang sariling magkagusto sa isang lalaki na sa huli ay nanloko sa kanya.
Pumasok sa malaking bahay si Sydney at dumeretso sa banyo ng master’s bedroom para maligo. Two-storey iyon na nabili ng kanyang paternal grandparents may sampung taon na ang nakalilipas. Pati mga laman niyon ay kasali lahat sa ipinagbili—mga hardwood furniture, lumang appliances, at vintage decors. Isa lamang iyon sa mga nabiling properties ng kanyang lolo’t lola mula sa kita ng La Vida Transit o LVT, malaking bus company na pag-aari nila na buong Luzon ang sakop ng operation.
Iyon ang unang beses na napunta si Sydney sa Sta. Barbara at nakarating doon sa tulong ng GPS at instructions ni Manuel, ang katiwala ng lolo’t lola na nangangasiwa sa lahat ng naiwang properties ng mga ito. May limang taon na rin ang lumipas mula nang magkasunod na namatay ang dalawa dahil sa katandaan.
Gusto lang ni Sydney na tumakas sa siyudad matapos ang ilang linggong pagkainis sa paghihiwalay nila ni Jacob. Ang beach house sa La Union ang una niyang naisip puntahan pero nagbago rin ang kanyang isip dahil tag-araw ngayon at tiyak na maraming tao sa dagat. Nang sabihin sa kanya ni Manuel ang tungkol sa bahay sa Sta. Barbara at makita ang mga larawan niyon ay naisip niyang maganda ngang lokasyon iyon para makapagsolo saglit.
Walang problema si Sdyney sa pag-aasikaso sa sarili dahil nakahiwalay na siya ng tirahan sa kanyang mga magulang mula nang mag-disisais. Tumira siya noon sa condo unit, bumalik lang sa kanilang bahay nang mamatay sa aksidente ang mga magulang.
Napabuntong-hininga si Sydney. May tatlong taon na rin pala ang nakalilipas mula nang maulilang lubos. But, ah, what was she even thinking? Pakiramdam naman niya ay nag-iisa na siya noon pa man. Hindi siya nabigyan ng sapat na atensiyon ng mga magulang dahil abala ang kanyang ama sa negosyo at pambabae; at abala naman ang kanyang ina sa pang-aaway rito.
Kung ang ibang kabataang dumanas ng pinagdaanan ni Sydney ay kadalasang nauuwi sa pagrerebelde, siya naman ay natutong alagaan ang sarili. Hindi niya iniasa ang lahat sa mga yaya at kasambahay, ang ginawa niya ay nagpaturo sa mga ito ng mga gawaing bahay. Sa kanilang family driver din siya natutong magmaneho. And to take care of herself outside the house, she went into a self-defense training that included the use of knives and guns. Kaya wala siyang dapat ipag-alala sa sarili.
Pangatlong araw ni Sydney sa Sta. Barbara nang magising isang umaga sa aroma ng mga lutong pagkain. Pupungas-pungas na bumangon siya at nagtungo sa kusina. Malinis na iyon, wala na ang kalat ng kanyang mga pinagkainan. Sa mesa ay mayroong mga nakahaing pagkain na natatakpan; may nagluto sa mga binili niyang food supply—pritong longganisa, at bangus belly. May nakasalang na kanin sa rice cooker at may laman din ang pot ng coffee maker. May mga sariwang bulaklak pa sa plorera—sari-saring bulaklak na galing sa hardin ng bahay.
Who the hell did all of these? tanong ni Sydney sa sarili habang naglalakad patungo sa salas. Nang masigurong walang ibang tao sa loob ng bahay ay nagpasya siyang lumabas. Sa hardin niya natagpuan ang taong hinahanap at hindi inakalang isa pala iyong lalaki. Isang lalaking nakasuot lang ng berdeng mesh shorts na nagpapakita ng magandang hubog ng pang-upo nito.
Nice ass, usal niya sa isip. Wow, since when did she pay particular attention to a man’s buttocks? Pero masisisi ba naman niya ang sarili kung iyon ang unang napansin sa lalaking abala sa pagdidilig ng mga halaman gamit ang garden hose? Okay, hindi lang ang puwit ng estranghero ang maganda—those rippling, smooth muscles upon his broad back looked so strong…
Naglakad si Sydney palapit sa lalaki at nang batiin ng “Good morning” ay bigla itong napaharap kaya nabasa tuloy siya ng tubig mula sa hose na hawak nito.
Napatili si Sydney sa spray ng malamig na tubig. Nagising na tuloy ang lahat ng natutulog pang parte ng kanyang katawan.
“S-sorry. Sorry, Miss!” natatarantang sabi ng lalaki, sabay patay ng hose.
Saka sila sabay na pinanlakihan ng mga mata nang matingnang mabuti ang isa’t isa.
“It’s… It’s you!” malakas na sabi ni Sydney, sabay duro sa mukha ng estranghero. “The Peeping Tom. The pervert in the woods!” tili niya.
“T-teka lang, Miss— Ma’am, hindi po ako pervert,” nakangiwing depensa ng lalaki. “Sorry talaga sa nangyari. Wala akong balak bastusin kayo, maniwala kayo sa akin.”
“What are you doing here— Ano’ng ginagawa mo dito?!” mataray na tanong ni Sydney na sinamahan pa ng pamamaywang.
“Nakakaintindi po ako ng English, Ma’am. Ako po si Kenneth, anak ng caretaker ng bahay na ito.”
Nasabi nga pala sa kanya ni Manuel na mayroon itong inuupahang nangangalaga sa bahay na iyon.
Saka napansin ni Sydney na nakatingin si Kenneth sa kanyang dibdib. Holy shit! Wala pala siyang bra, at ngayong basa ng tubig ang puting tank top niya ay halatang-halata ang kanyang mga suso.
Humalukipkip siya at nagtaas naman ng tingin ang lalaki. Mahihiya pa ba siya? Nakita na nito ang lahat sa kanya maliban sa kanyang kaluluwa.
“Ikaw rin ba ang nagluto ng mga pagkain, Kenneth?” tanong na lang ni Sydney.
Tumango si Kenneth. “Opo, Ma’am.”
Noon niya napansin ang maskuladong katawan ng lalaki. Kung maganda pala ang likod nito ay malayong mas maganda ang harap. Such a firm, sleek, slender body with its fine musculature.
Alam ni Sydney na hindi sa gym galing ang magandang katawan ni Kenneth kundi sa pagiging batak sa mga pisikal na trabaho.
Dagli niyang itinaas ang tingin nang mapuna ng lalaki na halos ini-examine niya ang katawan nito. Tumikhim siya at pinapormal ang mukha at boses. “Huwag mo na akong pino-‘po’ at tatawaging ‘Ma’am.’ My name is Sydney and I’m twenty-five years old. Ilang taon ka na, Kenneth?”
“Twenty-six.”
“May palayaw ka ba, Kenneth?”
“‘Ken’ ang tawag ng marami sa akin.”
Tumango-tango si Sydney. “Ken. Kenneth. Hindi ko ini-expect na may makilala akong may pangalan nang ganyan dito sa probinsiya.” Hindi niya alam kung bakit naisatinig ang iniisip.
Parang asiwa namang nagkamot ng batok si Kenneth. “Hindi lahat ng tagaprobinsiya ay Baldo, Mulong, o Teban ang mga pangalan. May mga kilala akong Harris, Stephen, at Jefferson, mga kaedad ko rin.” May maliit na ngiting sumilay sa mukha nito. “Baka magulat ka kung ano-ano ang pangalan ng mga bata dito sa amin.”
Bahagyang napanganga si Sydney.
He’s ballsy. May lakas ng loob ang lalaking ito na mag-antipatiko kahit siya ang amo nito. Hampasin niya kaya ito ng water hose?
“Whatever. Anyway, hindi mo ako kailangang ipagluto, Ken. Kaya kong pakainin ang sarili ko.”
“Napaisip lang ako na baka sawa ka na sa mga cup noodles na kinakain mo.”
“Tinatamad lang akong magluto kaya puro ganoon ang nakita mong pinagkainan ko. At pagod pa rin ako sa malayong biyahe mula Manila kaya hindi ko pa nalilinis ang kusina.
“Okay,” parang naaaliw na sambit ni Kenneth.
Muli itong dinuro ni Sydney sa mukha. “And don’t give me that face!” banta niya.
“What face?” pagmamaang-maangan ng lalaki. And, wow, in English, ha?
“Your smirking face. I don’t like it.”
Tumuwid naman ang facial expression ni Kenneth.
“Makakaalis ka na,” pagtataboy ni Sydney.
“Hindi pa ako tapos magdilig.”
Ang pushy talaga!
“Okay, then tapusin mo na, `tapos umalis ka na. I wanna be left alone, please,” aniyang kumukumpas ang dalawang kamay sa ere at mabilis na iniwan si Kenneth sa hardin.
Pagbalik ni Sydeny sa kusina ay agad din siyang nagsisi dahil hindi man lang nakapagpasalamat sa ginawang pagluluto ng lalaki. Oo nga’t marunong siya sa gawaing-bahay pero inaamin namang madalas na tamarin. And she hated frying food. That poor guy just saved her day.
PARANG nilikha ang malapad na balakang na iyon para may hawakan si Kenneth habang umuulos sa kailalimang pagkababae ng katalik. He was kneeling with his legs wide apart in between her velvety thighs. Bawat pagbangga ng kanyang katawan ay ibayong sarap ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang ibaon nang mas maigi ang sarili sa babae, gusto niyang abutin ang pinakamalalim na parte nito. Her sexy voice called out his name over and over again while grinding her hips against him; her large, rounded tits jiggled like crazy.
Kenneth was fucking a very beautiful woman and he couldn’t seem to get enough of her. He wanted to devour her, trash her body until she exploded like a supernova.
“Gumiling ka. Sabayan mo ako,” utos niya sa kasiping.
And she did. She rotated her hips and met every slam from him. Bawat banggaan ng kanilang mga katawan ay napapaigik ang babae hanggang sa pulos daing at halinghing ang pumalit na ingay mula sa bibig nito. She looked totally feverish—burning and delirious. Hindi nito alam kung saan kakapit—sa mga braso ba niya, o sa buhok nitong nakasaboy, o sa unan.
Hanggang sa hindi nakontento si Kenneth sa ganoong posisyon lamang. Gusto pa niyang patagalin ang pagniniig nila, ipunin ang init. “Dapa,” utos niya.
Tumalima naman ang babae, saglit pang sumimangot nang hugutin niya ang ari mula rito. Pagkadapa sa kama ay iniangat nito nang bahagya ang pang-upo. He grabbed her sexy butt cheeks and slapped them twice while he marveled at their beauty. Pakiramdam ni Kenneth ay magliliyab siya sa matinding init.
“Aaaah! You feel so good inside,” daing ng babae nang muli niyang pasukin ang katawan nito at umulos nang umulos. “Oh, my! Shit. Oooh, oh! Sige pa. Sige pa!”
Kenneth sped up his thrusts from behind her, enjoying every shiver from her, every dirty little word from her lovely mouth.
“Gosh. You got a huge cock, lover. Oh, yes. That’s it. Harder! More, more… Fuck me, fuck me! Aaaah!”
He growled when he felt he was reaching deeper into her. His penis was having the time of its life enjoying this pussy’s warmth and softness. Hinding-hindi siya magsasawang makipagsiping sa babaeng ito. Hindi niya ito papatulugin sa magdamag. Paulit-ulit na aangkinin at ihi lang ang kanilang magiging pahinga.
“Ang sikip. Ang sarap mo.”
Napakapit sa bedsheet ang babae, iniikot ang balakang. “Oh, God, Kenneth! I think I’m gonna come soon… Don’t stop, baby!” Nagsimula nang mag-contract ang inner muscles nito.
“Malapit na rin ako.”
Nauna ang babaeng makarating sa sukdulan. Tumili ito nang malakas at mahaba, saka nangatal ang buong katawan. Noon na itinodo ni Kenneth ang mga pagsulong hanggang sa sumambulat na rin siya sa init. Para siyang hayup na umatungal nang malakas. He withdrew his cock from her and released his cum on her ass.
“Ang sarap, grabe…” humihingal na sabi ng babae. “Ang galing mo, Ken. Isa pa.”
“TARANTADO!” malakas na mura ni Kenneth pagkatapos pumarada sa kanyang isip ang eksena ng pantasya kagabi habang pinapaligaya ang sarili.
Yes, he was fantasizing about that hot beautiful woman in the creek, touching her… fucking her. Fucking her hard.
Hindi na niya napigil ang sarili. Sumasakit ang kanyang puson tuwing naiisip ang hubad na babae. Kagabi ay pinagbigyan niya si Junior. And he didn’t remember masturbating much better than that. It was fucking hot. Nag-iisa siya sa bahay kaya malayang umungol at sumigaw nang labasan siya.
Napapailing na lang si Kenneth habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay nang umagang iyon. Bakit hindi niya naisip na baka ang babaeng nabosohan niya sa kakahuyan ang kasalukuyang nasa malaking bahay ngayon? Hindi naman kasi malinaw ang sinabi ng tatay niya noong isang araw.
Kailan ba naman sila nagkaroon ng malinaw na pag-uusap? Mula nang mamatay ang ina ni Kenneth halos dalawang taon na ang lumipas ay wala nang ibang ginawa ang kanyang ama kundi maglasing. Napabayaan na nito ang tungkulin sa malaking bahay kaya madalas ay siya ang nagpupunta roon. Hindi naman niya mapagkakatiwalaan si Dianne, ang nakababatang kapatid. Abala ito sa pagbuntot-buntot sa nobyong si Bronson na isang guitarist ng bandang tumutugtog sa maliliit na club sa iba’t ibang bayan.
Kung minsan ay gusto nang sumigaw ni Kenneth na pagod na siya, na mayroon din siyang pangarap para sa sarili. Pero madalas ay pinipigil na lang na magdrama. Isa pa, wala naman siyang pangarap sa sarili. Nakalimutan na niyang mangarap. O siguro dahil hindi na siya nag-aksayang gumawa pa ng konkretong plano dahil lugmok ang pamilya sa kahirapan.
Pagkatapos ng high school ay nasabak na si Kenneth sa iba’t ibang klaseng trabaho—pagsasaka, construction work, pagmamaneho ng tricycle, at ngayon ay nagmamaneho ng jeep na pag-aari ng kaibigang si Harris na nasa Taiwan—ang bulok na jeep na limang araw nang nakagarahe dahil may pumutok na naman sa makina niyon.
Ang sabi ni Harris, baka hindi na raw nito ipagawa ang jeep, at baka bumili na lang ng bago. Kung kailan ay hindi pa alam ni Kenneth dahil hindi naman biro ang presyo ng kahit second-hand na passenger jeep.
Tulog pa ang kanyang ama nang makauwi siya. Lasing na naman ito kagabi at mabuti na lang at nakayang umuwing mag-isa galing sa kung saan man nakipag-inuman.
Napapabuntong-hininga na nagsalang si Kenneth ng tubig sa takore sa de-kahoy na kalan. Mayroon silang gas stove pero dahil patuloy na tumataas ang presyo ng LPG ay hindi na niya maalala kung kailan nila huling ginamit iyon.
Matapos magprito ng tuyo ay nagsangag siya ng kaning tira mula kagabi. Namitas din ng mga hindi pa gaanong hinog na kamatis mula sa kanyang mga tanim sa likod-bahay.
Kumakain na si Kenneth nang dumating si Dianne at sumalo sa hapag-kainan.
“Hindi ka kasali sa almusal, huwag mong damihan ang pagkain mo. Hindi pa kumakain si Tatay,” paalala niya.
Sumimangot ang beinte-tres anyos na kapatid. “Bakit `di mo naman ako sinali? Nakatira naman ako dito, ah.”
Pinaningkitan niya ito. “Malay ko ba kung kailan ka uuwi ng bahay? Ano ba’ng napapala mo sa pagsama-sama mo sa banda ng lalaking `yon?”
“Ang boring dito sa bahay, eh. Wala naman akong ginagawa.”
“Mag-apply ka sa karinderya ni Aling Rosa, naghahanap daw ng mauupahang kasama `yong matanda.”
Lalong sumimangot si Dianne. “Eh, ayoko doon. Alam mo namang saksakan ng sungit `yon kaya walang nagtatagal na kasama.”
Pinigil ni Kenneth ang sariling mapasuntok sa mesa. Bata pa ay binusog na siya ng pangaral ng ina na igalang ang pagkain. “Dianne, hindi puwedeng ganito na lang tayo. Kailangan nating kumita ng pera kung gusto nating patuloy na mabuhay. Hindi na natin maaasahan si Tatay.”
“Masakit na naman ang tiyan?”
“Ewan ko. Pero lasing kagabi at hindi pa bumabangon.”
Noong isang araw ay dumadaing na naman ang kanilang ama na masakit daw ang tiyan. May duda si Kenneth na baka may sakit na ito sa atay, pero matigas naman at ayaw magpunta sa doktor.
“Mag-apply ka na lang kasing call center agent, Kuya. Magaling ka naman sa English. Hiring daw sila sa Baguio ngayon.”
“Last year ko pa balak `yan pero hindi ako makaipon-ipon ng gagamiting pera. Hindi naman ako susuweldo agad para mabuhay sa siyudad.”
Tinapos na ni Kenneth ang pagkain kahit hindi pa man busog, ititira niya ang dalawang piraso ng tuyo para sa ama.
“Isa pa, hindi ko maiwan-iwan si Tatay, lalo pa’t lagi kang wala dito sa bahay.” Tumayo na siya, dala-dala ang plato at tasa. “Tirhan mo siya ng kanin at ikaw ang maghuhugas ng pinggan,” bilin niya sa kapatid habang patungo sa lababo.
Alas-diyes na nang tawagin si Kenneth ng ama sa kuwarto nito. “Nagkita na ba kayo ng bisita sa malaking bahay?” tanong nito sa groggy pang boses.
“Opo, `Tay.” Natarayan pa ako’t natutukan ng baril. Napangisi siya. Nabosohan ko rin pala. At pinagpantasyahan na rin.
“Tumawag kahapon si Manuel, ibinibilin ang bisita. Asikasuhin daw natin.”
“Ayaw niya pong magpaasikaso.”
“Nag-iisa siya do’n. Samahan n’yo kaya ni Dianne?”
Nagkamot si Kenneth ng batok. “`Tay, itinaboy nga ako kanina, gusto raw niyang mapag-isa.”
Muli siyang napangisi. Napakaganda talaga ni Sydney kahit bagong gising pa. Kahit mataray at galit pa. Hindi niya magawang matakot dito. Kailan ba naman siya natakot sa mga babae? Lalo pa’t ubod ng ganda’t sexy?
“Pupunta ako doon mamaya—”
“Ako na lang po. Magpahinga na lang kayo.”
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock