TINULUNGAN ni Sydney si Kenneth sa pagliligpit ng mga pinamili nila sa kusina. Nang magprisinta ang lalaki na magluto ng tanghalian ay hindi na siya nagprotesta pa. Siya na lang ang maghuhugas ng mga pinggan mamaya. Nakapagpalit na siya ng pambahay nang balikan niya ito sa kusina.
Naka-concentrate yata ang loko sa paghahalo ng nilulutong sinigang na baboy dahil hindi nito napansin ang kanyang paglapit. He was singing and dancing in front of the stove, rolling his belly, shaking his ass. It was hilarious. Pero masasabi ni Sydney na kaya namang sumayaw ni Kenneth, hindi rin sintunado ang boses nito.







