passion

My Passion

Library
searchsearch

Franco Navarro (Kristine Series 7)

/

Chapter 4

Chapter 3

Nov 28, 2025

Chapter Three

T UMAYO si Franco at lumakad patungo sa may bintana. Hinawi ang kurtina at wala sa loob na pinanonood ang pagbaba ng mga tin plates para sa can factory. Dumaloy ang mga alaala ng mga nagdaang maraming taon sa buhay niya.

Sa paglipas ng mga taon ay tuluyan nang nawala sa isip niya ang usapang iyon sa pagitan nila ni Alfonso. Iyon din ang huling pagyapak niya sa Rancho Sebastian. Sa taon ding iyon ay nilisan nilang mag-anak ang Sto. Cristo upang makipagsapalaran sa Maynila. Ang papa niya ay napasok na waiter sa isang casino sa Roxas Boulevard na pag-aari ni Don Arsenio Gascon.

Isang away sa club ang naging dahilan ng maagang kamatayan ni Crisanto. Tinamaan ito ng ligaw na bala sa pagitan ng dalawang pulis at mga bodyguard ng isang congressman.

Ang maagang kamatayan ni Crisanto ang pinakamabigat na dahilan kung bakit tuluyan nang nilimot ni Erlinda ang ama. Sa puso ay sinisisi nito si Don Alvaro na kung sana’y pinatawad sila ay hindi sila makararating sa Maynila at danasin ang buhay na ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Erlinda na maranasan.

Sinagot ni Don Arsenio ang gastos sa libing ni Crisanto at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ng matandang biyudo si Erlinda na nang panahong iyon ay tatlumpu at tatlong taong gulang pa lamang at labis na namimighati kasama ang labindalawang taong si Franco.

Hindi lamang ang pagpapalibing kay Crisanto ang sinagot ni Don Arsenio. Tinustusan din nito ang pag-aaral ni Franco. At makalipas ang isang taon ay nagpakasal si Erlinda kay Don Arsenio, upang iahon silang mag-ina sa magulong buhay sa Tondo kung saan matira ang matibay ang batas ng buhay. Ang pagpapakasal na iyon ay tinutulan ng nag-iisang anak ni Don Arsenio na matanda lamang kay Franco nang isang taon, si Jerome.

At higit pa nitong ikinapaghimagsik ay ang pagpapalipat ni Don Arsenio kay Franco sa pribadong paaralang panlalaki na siya ring pinapasukan ni Jerome. Nang magtapos ng high school ang dalawang lalaki ay ipinasya ni Don Arsenio na ipadala sa America si Jerome sa piling ng mga tiyahin nito sa ina.

Bumalik lamang sa Pilipinas si Jerome nang mamatay si Don Arsenio. Bagaman taglay pa rin nito ang sama ng loob at galit para sa pag-aasawang muli ni Don Arsenio ay mas kontrolado na ni Jerome ang sarili.

Kontrol na hindi naman nagtagal nang basahin ng abogado ang huling testamento nito.

“Hindi totoo iyan, a ttorney!” Pinukpok nito ang mesa. “Hindi ako papayag na kapantay ng mana ko ang mana ng mga ito!” Nagpupuyos ang dibdib nito sa galit.

Bahagyang ibinaba ng abogado ang salamin nito sa may ilong at mahinahong sumagot. “Malinaw ang isinasaad ng testamento, Jerome. Hinati ni Don Arsenio ang kanyang mga ari-arian sa inyong tatlo. Kay Erlinda Gascon bilang kanyang maybahay, kay Franco at sa iyo.”

“Walang karapatan si Franco Navarro sa kayamanan ng Papa, a ttorney!” Nanlilisik ang mga matang tiningnan nito si Franco at Erlinda. “You bastards! Hinango lamang kayo ng Papa mula sa squatters at wala kayong karapatan sa malaking bahagi ng kayamanan niya!”

Naningkit ang mga mata ni Franco at tumayo. “Wala kang karapatang magsalita sa Mama ng...” h indi natapos ni Franco ang sasabihin dahil inawat siya ni Erlinda.

“Let me handle this once and for all, Franco,” kalmanteng wika ni Erlinda bagaman nasa mukha ang galit. “Kung pagkakaabalahan mong ipaimbestiga ang aking pinagmulan, Jerome, malalaman mong asul ang dugo ko kaysa sa iyo. At na hindi tumutukoy sa amin ang katagang binanggit mo lang.”

Namutla si Jerome sa narinig mula kay Erlinda. “Hindi ko gustong sabihin ito pero sa loob ng maraming taon ay hindi ko maintindihan ang labis na pangingimbulo mo sa aming mag-ina gayong pantay ang pagtinging inuukol ni Arsenio sa ating lahat. Minahal ka niya tulad sa isang tunay na anak...”

“Sinabi sa inyo ng matandang iyon ang...” h indi itinuloy ni Jerome ang sasabihin. Lalong nag-apoy ang mga mata sa matinding galit at akusasyon para sa amang namayapa. Hindi kailanman magkakaanak si Don Arsenio at anak na ito ng unang asawa ng Don sa pagkadalaga nang pakasalan nito ang ina ni Jerome.

“Pareho kayong walang karapatan ni Franco sa mga iniwan sa inyo ni Arsenio. Ganoon pa man, sa kanyang kabutihang loob ay kayamanan ang iniwan niya sa inyong pareho,” ang abogado na humalo sa usapan. “Maupo ka, Jerome, at pakinggan kung paano hinati ng matanda sa inyo ang iba pa niyang mga ari-arian. Kung alin at kung kanino mapupunta ang mga propriedad na inyong minana.”

Ang mansiyon ay iniwan ni Don Arsenio kay Erlinda. Sa dalawang pag-aari ng matanda ay pinagtig-isahan ng dalawang lalaki. Kay Jerome ang club-casino sa Roxas Boulevard. Kay Franco ay ang canning factory na bagaman halos kapareho ng halaga ng club ang assessment, ay papalugi naman. Sa bahaging iyon ay hindi itinatwa ni Jerome ang galak at ismid kay Franco.

“Matalino ka naman, `di ba, Franco?” pang-uuyam nito. “Tingnan natin ang galing mo sa kompanya ni Papa.”

Hindi sumagot si Franco na nanatiling nakatiim ang mga bagang. Maliban sa mga propriedad na iyon ay walang gaanong perang naiwan ang matanda dahil na rin sa papaluging negosyo at hindi birong salaping ginamit sa pagpapagamot dito. Papaluging kompanya, ang mansiyon at ang hindi kalakihang pera sa bangko at pangalan sa lipunan ang minana ng mag-ina.

Hindi ilang beses na ninais ng malalaking kalabang kompanya na kuhanin mula kay Franco ang canning factory. Inalok ang binata ng merging o di kaya’y alok na bilhin ito subalit matigas si Franco. Samantalang si Jerome ay ipinagbili ang club at namuhunan sa pagpapatayo ng resorts at hotel sa ilang tourist spot ng bansa at naging matagumpay. At sa suma-total ay sampung-doble ang kayamanan kaysa kay Franco.

Sa pahintulot ni Erlinda ay isinanla ang mansiyon sa bangko at binayaran ang mga utang at ginamit ang pera sa pagbili ng panibagong mga makinang gumagawa ng mga lata. At sa panggigilalas ng lahat, unti-unting pumanhik paitaas ang kompanya sa loob lamang ng dalawang taon. At bagaman hindi pa talaga masasabing stable ang kompanya sa loob lamang ng dalawang taon ay hindi pinahintulutan ni Franco na bumagsak ito. Ang sumunod ay ang pagkakaroon nito ng bagong pangalan, ang FN Canning Corporation.

Sa mga panahong umaakyat si Franco ay nakilala nito si Lucinda, isang striving model. The date of their wedding was announced after a month of their meeting. Ang sabi ng society column, theirs was a relationship made in heaven. Lucinda was tall, sexy and beautiful and Franco was gorgeously handsome na tuwing dumarating ito sa isang party ay hindi maaaring hindi umasam ang mga babae na sana’y tapunan nito ng pansin.

Pitoy Moreno designed the bride’s gown at inakala ng mga kaibigan at kakilala na isa iyong wedding of the year. Puno ang simbahan sa araw ng kasal. Lahat ay nagnanais na makita ang bride at groom. Subalit isang oras na ang lumipas sa takdang oras ng kasal ay hindi dumating ang bride. Sa halip ay isang sulat ang iniabot ng mensahero kay Franco.

Nagtagis ang mga bagang ng binata bagaman sinikap na kontrolin ang nag-aapoy na galit sa dibdib. Humakbang papalapit sa mikropono.

“Ikinalulungkot kong hindi na matutuloy ang kasal. I apologize for the inconvenience. Gifts will be returned at once.” Pagkatapos ng announcement ay mabilis na humakbang si Franco palabas ng simbahan and things had never been the same again.

MALAKAS na tumikhim si Bea na nagpabalik ng isip ni Franco sa dalaga. Lumingon ito at muling hinagod ng tingin si Bea. Ngayon nito naisip kung bakit may tila naaalala sa mga mata ng dalaga. She inherited his father’s dark eyes na sa kung anumang dahilan ay hindi rin naalis sa balintataw nito ng kung ilang araw matapos ang pakikipag-usap na iyon kay Alfonso eighteen years ago.

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga at sa masiglang tinig. “You aren’t married, are you? Sinabi ng i tay na may isang bagay lamang na pareho ang mga Navarro at Sebastian at iyon ay ang hindi pagtalikod sa salita.”

“To tell you honestly, nasabi iyon sa bugso ng damdamin at kabataan. I have totally forgotten about it.”

Sandali lang ang disappointment na nakita sa mukha ni Bea. Pagkatapos ay ngumiti. Dalawang dimple ang lumitaw sa magkabilang pisngi niya. Hindi napigil ni Franco ang pagpakawala ng paghinga. The wench is really beautiful. Her eyes sparked fire when angry but starlight when smiling.

“Oh, well, I’m here now to remind you of your promise to marry me.”

“You don’t really want to marry a man you’ve just met, do you?”

“Siguro nga’y ngayon lang tayo nagkita pero mula pa nang magkaisip ako’y itinanim na sa akin ng Papa ang tungkol sa iyo. Sa pagpapakasal nating dalawa. Kaya hindi ka total stranger para sa akin.” j ust my dream come true, gusto niyang idagdag.

“Gusto... mo ba talagang pakasal sa akin?”

Ikiniling ng dalaga nang bahagya ang ulo. “I doubt if there’s one woman who wouldn’t willing to marry you.”

Pumormal si Franco sukat sa sinabing iyon ng dalaga. “Then you’re wrong, Miss Montessa. Hindi lahat ng babae ay gustong pakasalan ako. May mga babaeng higit na binibigyang timbang ang pera.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabing iyon ni Franco. “But you’re rich as well. At ngayong ipinamana sa iyo ni Don Alvaro ang buong rancho at mga ari-arian nito, you’re probably the richest man on this side of the earth.” n ot to mention the handsomest , bulong niya uli.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Franco sa halip ay tila lalo lang naningkit ang mga mata nito.

“Iyon ba ang dahilan kaya gusto mong pakasalan ako?”

“Well, in as much as we are not in love with each other... yet,” inihabol niya at idiniin ang huling salita. “Ano pa ba ang maaaring idahilan ko maliban sa pangako mo sa i tay?”

“Paano kung natagpuan mo akong mahirap pa sa daga?” hamon ni Franco.

“Which is impossible dahil nga sa rancho ako lumaki at nalaman ko sa iyo ipinamana ni Don Alvaro ang mga kayamanan niya,” pagkatapos ay bahagyang ikiniling ang ulo. “But to tell you honestly, mahirap ka man o mayaman, I’d still want to marry you. Why, you have other assets... physically, at least.” b ahagya siyang umiwas ng tingin sa huling sinabi.

Galit na sinulyapan ni Franco ang dalaga. “Wala bang ibang lalaki sa Sto. Cristo na naghangad na pakasalan ka?”

“Oh, marami,” sinabi niya iyon matter-of-factly. “Kaya lang, mula pa nang magkaisip ako ay lagi nang sinasabi ng i tay na para ako sa iyo at na hindi ako dapat na mag-entertain ng mga manliligaw. Kaya naman, I disappoint those men by telling them na boyfriend na kita.”

“I like your guts,” sarkastikong wika nito. “Ano ang maaari kong gawin upang makatalikod sa walang kuwentang pangakong binitiwan ko sa itay mo?”

Nakita nito ang paglatay ng pagkalito sa mukha ng dalaga. Pero sandali lang iyon at muling tumingin si Bea dito.

“Why would you want to do that?”

“Wala akong intensiyong magpakasal sa kahit na kaninong babae.”

“But why? Hindi mo ba gustong magkaanak at magkaroon ng tagapagmana?” tanong ng dalaga sa nanlalaking mga mata.

“Puwede akong magkaanak nang hindi nag-aasawa,” matabang nitong sagot.

“Oh!” usal niya. Sandaling nag-isip. “Sabi ng i tay ay pag-aari ng mga Sebastian ang rancho sa loob ng ilang henerasyon at wala pang illegitimate na nagmamay-ari nito. You want to break tradition?”

“Hell! I’d like to break my word!”

“You don’t want me?” Inosente ang tanong na iyon na may bahid ng pagdaramdam.

Hindi agad nakapagsalita si Franco sa biglang tanong na iyon. Tinitigan ang magandang mukha ng dalaga. Young and beautiful and small but filled at the right places. Oh, he could want her, pero hindi sa paraang gusto niya. She’d make wonderful bedmate. At ang isipin si Bea sa aspetong iyon ay tila nagpabuhay sa lahat ng himaymay ng katawan nito. Tumikhim ang binata.

“Wanting is different from marrying. I could want and have you without marrying you,” may malisyang wika nito.

“Oh!” Pinamulahan siya ng mukha sa implikasyon ng tono nito. Pagkatapos ay tumingala sa binata. “That’s rubbish, Mr. Navarro, because you can’t bloody have me without marrying me.”

Umikot sa itaas ang mga mata ni Franco. “Nice swearing para sa isang batang babae at lumaki sa probinsiya,” panunuya ng binata na pilit itinago ang pagkamangha sa ginamit na salita ni Bea.

Tumawa ang dalaga in her musical voice. “Nakalimutan mo na ba, Mr. Navarro na sa rancho ako ipinanganak at lumaki sa paligid ng mga ranchero na walang ginawa kundi ang magmura at pagtawanan ang mga baka at kabayo and crack jokes like how a bull mates with a mare.”

“I could guess,” matabang niyang sinabi.

“Oh, I’ll share a secret with you,” baling niya uli rito. “Hindi ako nagmumura `pag kaharap ang i tay dahil pakakainin ako n’on ng tatlong siling labuyo.”

Pinigil ng binata ang mapangiti at sa seryosong tinig ay nagtanong. “Napakain ka na ba ni Alfonso ng siling labuyo?”

“Oh, yes. Pero isang beses lang at tumakbo ako sa tabi ng ilog na nang makita ako ng isang ranchero he even dared to ask me kung galing lang akong makipaghalikan at kung sino ang mapalad na lalaki.” k umislap ang mga mata ng dalaga sa bahaging iyon. “Why, I could swear my mouth was red and swollen. And with unshed tears in my eyes, ang tingin ng ranchero ay starry-eyed ako.”

Tumalikod si Franco upang hindi makita ni Bea ang pagngiti nito. Aminin man nito o hindi, he’s taking interest. At gusto nitong kastiguhin ang sarili dahil nakadama ito ng bahagyang atraksiyon sa dalaga. She’s not just beautiful but candid as well. Dinampot ang telepono at tinawagan ang ina.

“Hello... Mama, I’m sending someone over. Pakainin ninyo at papaliguin.” s inulyapan nito ang dalaga na nanlaki ang mga mata. Ano ang tingin sa kanya ng lalaking ito, hindi naliligo? “Malalaman ninyo mamaya. Ipahahatid ko sa driver. Bye.” Ibinaba nito ang telepono at binalingan ng tingin ang dalaga. “Ipahahatid kita sa bahay.”

“Sasabihin ko ba sa s enyorita Erlinda ang dahilan
kung bakit narito ako?”

“Mrs. Navarro, Mrs. Gascon, o Erlinda, o kahit na ano ang gusto mong itawag sa Mama, alisin mo lang ang prefix na senyorita. Masakit sa tainga,” sagot nito na nakatingin nang matiim sa dalaga. “And, Miss Montessa, pag-isipan mong mabuti ang sasabihin ko. Hindi ko gustong magpakasal sa iyo. And if I can do something to renege my word, I’ll do it. Pansamantala ay isipin mo kung ano ang kapalit na hihingin mo para sa binitiwan kong salita eighteen years ago.”

“You’re in a bloody fix, Franco Navarro,” aniya sa pabirong tono pero alam ni Franco na seryoso siya roon. “Dahil hindi ako papayag na hindi mo tuparin ang sinabi mo sa i tay. At titiyakin kong pakakasalan mo ako.”

“I’ll bargain with you. Lifetime sa Rancho Sebastian with pension and luxury you can hardly think of.”

Nakangiting lumakad ang dalaga patungo sa pinto. “I’ll have those and more when you marry me. No way Franco.”

“Damn you.”

“Tsk... tsk... ranchero lamang ang nagmumura. Hindi ang isang iginagalang na executive na tulad mo.” Pagkasabi niyo’y binuksan ng dalaga ang pinto upang lumabas kay Dolly at magpahatid sa driver sa mansiyon.

“Wench!” Pagalit na ibinagsak ni Franco ang sarili sa silya. Hindi malaman kung magagalit o maaaliw sa dalaga.

Franco Navarro (Kristine Series 7)

Franco Navarro (Kristine Series 7)

0 Chapters

close

Settings

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en
book

12

Contents

settings