Chapter Four
S i Erlinda ay hindi mapigilan ang tawa nang matapos magkuwento si Bea tungkol sa pagtatagpo nila ni Franco.
“Sinabi mo ba talaga sa anak ko iyon?” Nakangiting tanong nito sa dalaga na sa sandaling pagtatagpo ay nagustuhan nito kaagad.
Nilunok muna ng dalaga ang pagkaing nasa bibig bago sumagot. “Ang totoo, t ita Erlinda, kinakabahan talaga ako kanina sa harap ng anak ninyo. But I just couldn’t let him intimidate me. Kung makikita ni Franco na sisiksik ako sa isang sulok `pag nagagalit siya ay lalo ko lamang siyang binigyan ng dahilang kaya niyang huwag tuparin ang pangako niya sa i tay.”







