passion

My Passion

Library
searchsearch

Franco Navarro (Kristine Series 7)

/

Chapter 3

Chapter 2

Nov 28, 2025

Chapter Two

R ANCHO Sebastian! Sukat sa sinabi ni Bea ay tumigas ang mukha ni Franco. Lalong nadagdagan ang kaba ng dalaga. Kung hindi siya nakaupo ay baka bumigay ang mga tuhod niya.

“Inutusan ka ng matandang kausapin ako?” Itinanong iyon sa mapanganib na tono. At kung nagkataong kilala ni Bea si Franco ay totoong matatakot siya sa tono nito.

“Kung... kung ang gusto mong tukuyin ay si Don Alvaro...”

“Kung tagaroon ka ay alam mong walang iba akong tinutukoy,” agap nito sa sinasabi niya. “Hindi ako interesado sa mga sasabihin mo mula sa kanya. Pagkatapos ng abogado ay babae naman ngayon ang ipinadala ng matandang iyon, ha?” Hinagod nito ng malisyosong tingin ang dalaga. “Sabihin mo sa matandang diablo na he’s wasting his time. I don’t ravish little girls.” p agkasabi niyo’y dinampot ng lalaki ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa at nag-akmang lalabas.

Ipinadala ng matanda! Little girls! Bumangon ang galit sa dibdib ni Bea sa implikasyon ng sinabi ni Franco. Napatayo siyang bigla.

“Hindi ako inutusan ni Don Alvaro at huwag mo akong insultuhin!” Tumaas ang tinig niya bago napigil ang sarili. Hindi siya dapat magalit. Higit kanino man ay alam niya ang damdamin ni Franco pagdating sa rancho at kay Don Alvaro. Naibalita na sa kanya ni a ttorney Marquez iyon.

“Please, hindi tungkol kay Don Alvaro ang dahilan kaya ako narito.” b iglang nagbago ang tono niya. “Mag-iisang taon na siyang patay...”

Huminto sa paglakad si Franco at nilingon siya. Nasa harap niya ito at ilang dangkal lang ang pagitan nilang dalawa.

“So, the old devil has finally died.” p uno ng sarcasm ang tinig nito na sinabayan ng ngiti na hindi naman umabot sa mga mata. “Kung ang balitang iyon lang ang inihatid mo...”

“P-please,” agap niya. “If you’re really busy now dahil sa mga kasama mong naghihintay, nakahanda akong maghintay rito hanggang sa makabalik ka.” n akikiusap ang tinig niya. “Just promise me na kakausapin mo ako.”

“Bakit ko gagawin iyon?” malamig nitong tanong. Ang mga mata’y inihagod sa mukha niya.

Wearily, inilahad ni Bea ang mga kamay. “Oh, I don’t know.” i binagsak uli niya ang sarili sa lounge. “I was hoping na kakausapin mo ako. I travelled this far para lang makausap ka... tungkol... tungkol sa... sa akin.” Nagyuko siya ng ulo roon.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Franco. Bumalik sa mesa at dinampot ang intercom. “Dolly, tawagan mo ang dalawa sa Kimchi at sabihin mong made-delay ako.” Ibinalik sa receiver ang interphone at umupo sa executive chair nito.

Nagkaroon ng pagkakataon si Bea na ikutin ng tingin ang loob ng silid. Lahat ay nagpapahiwatig ng modernong karangyaan. Mula sa carpet na kulay-tsokolate na halos magpalubog ng rubber shoes niya hanggang sa mga kasangkapan sa loob ng silid. Ang lalaking nasa harap niya ay tila hari sa pagkakaupo sa trono nito. Rich and powerful. At sa pagkamatay ni Don Alvaro, he is now ten times richer.

“Dalawang telegrama ang ipinadala namin ng i tay sa iyo.” m ay bahid ng depensa sa sarili ang tinig niya.

Nahimigan ni Franco iyon na iwinasiwas ang kamay. “Don’t blame yourself. Ibinabasura kong lahat ang mga communications na nanggagaling sa Rancho Sebastian nang hindi binubuksan,” kaswal nitong sinabi. “Noong una ay pinag-isipan ko kung paano ako natunton ng matandang diablo.”

“May... binayaran siyang mga tao para hanapin ka. H-hindi mahirap hanapin ang isang tulad mo. You are a well known business man,” aniya sa maliit na tinig.

Nagkibit ng mga balikat si Franco. “I won’t even ask you why he bothered. Now, why are you here? Anong tungkol sa iyo ang sadya mo? Sino ka maliban sa ang pangalan mo ay Beatriz Montesa?”

“Months ago ay pinuntahan ka dito ni Attorney Marquez upang kausapin sa mga naiwan ni Don Alvaro. Pero hindi mo siya pinakiharapan.”

“Hindi ako interesado,” bagot na sagot ng lalaki, Bahagya lang naisip ang pagpipilit ng matandang abogado ni Don Alvaro na kausapin ito. Pero ni hindi ito nagkaroon ng pagkakataon sa apat na beses na pagpabalik-balik. Ang unang dalawa ay nasa Singapore ito. Nang makabalik naman sa Pilipinas ay hindi nito pinakikiharapan o kausapin man lamang sa telepono. Ang ikaapat na pagpupumilit nito ay tinutukan nito ng baril ang matanda na biglang umatras palabas sa takot.

“Anak ako ng katiwala ng lolo mo sa rancho...” patuloy ni Bea. “Hindi sana ako paparito kung hindi lang... kung hindi lang namatay ang... i tay.” b ahagyang nabasag ang tinig niya sa bahaging iyon. Anim na buwan pa lamang mula nang mamatay ang ama. Nakita ni Franco ang pagkislap ng mga mata ng dalaga. May nagbabadyang luha na sinisikap pigilin. “Kaya ako narito dahil, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.”

Lalong nangunot ang noo ng lalaki sa sinabi niya. Pinuno ni Bea ng hangin ang dibdib at nagpatuloy.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa rancho. Wala akong sariling pera bukod sa nag-iisa na lang ako sa villa. Matagal nang napabayaan ang rancho dahil walang nangangasiwa mula nang mamatay ang i tay. Naubos ang mga baka sa dami ng mga cattle rustler na nakakaalam na walang nagbabantay sa rancho.”

“Ano ang pakialam ko kung ano ang kinahinatnan ng Rancho?! Why are you telling me all these things gayong natitiyak kong alam mong hindi ako interesado. That damned ranch can rot to hell for all I care!”

“Tama ka. Pero ako na lang halos ang tao roon maliban sa ilang mga pamilyang nanatiling naninirahan sa loob ng rancho dahil matatanda na sila. At obligasyon mong tingnan ang kalagayan ng mga nasasakupan ng rancho. At ako responsibilidad mo rin ako...”

“Responsibilidad kita!” agap ni Franco na tumuwid ng upo. Pinalampas ang unang sinabing obligasyon sa mga nasasakupan. “Are you out of your mind? Paano kita naging responsibilidad?”

Tumaas ang mukha ni Bea. Sinikap paglabanan ang kahihiyang nadarama at diretsong tumingin dito.

“Sa maraming taong paninilbihan ng mga magulang ko sa lolo mo ay libreng bahay at pagkain lamang ang kapalit at kapirasong pera na siyang ginamit ng mga magulang ko sa pagpapaaral sa akin...”

“Hindi ko problema iyon!”

“Don Alvaro became a miser,” patuloy niya na hindi pinansin ang sinabi ni Franco. “Sa kabila ng halos wala naman talagang suweldo ang mga magulang ko’y patuloy silang naglingkod sa lolo mo dahil walang ibang alam na trabaho ang i tay kundi ang pagiging ranchero. At hindi gustong umalis ng i tay sa lupain ng matandang Alvaro dahil halos doon na rin siya nagkaisip. Walang taong tumagal sa rancho dahil sa napakaliit na pasuweldo ng matanda. Kahit ang mga katulong ay hindi tumagal. Kami lang ng mga magulang ko. At nang mamatay ang i nay, kami ng i tay...”

“This is ridiculous! Paanong naging responsibilidad kita?” pag-ulit nito. “I do not even know you.” n auubos na ang pasensiya nito sa sandaling iyon.

“Iniwan niya sa iyo ang lahat ng kayamanan niya at ang buong rancho,” patuloy ni Bea.

“Hindi ko kailangan ang pera niya. Dapat ay isinama niya ang mga iyon sa hukay!” Tumayo ito at nakapamulsang palakad-lakad sa loob ng silid.

“Iyon ang paraan niya ng pagpapatawad. He was too proud para aminin iyon. Marahil alam siguro ng lolo mo kung paano mo siyang kinasusuklaman. You never answered his letters.”

“Miss Montesa, you are digressing. Tungkol sa iyo ang sinasabi mo pagkatapos ay ang pangyayari sa rancho ang ikinukuwento mo sa akin at ang matanda. Kung ang ipinarito mo ay para sabihin sa aking gusto mong manatiling nakatira sa villa, then you can go home at manirahan ka roon, for life! Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. You can even burn the whole ranch and I won’t even give a damn!” Muli nitong dinampot ang susi ng sasakyan.

“Please, I cannot go back home. I mean... magagawa ko lamang iyon kung isasaayos mo ang lahat sa rancho. At hindi madaling gawin iyon agad-agad. Kailangan ang personal mong pangangasiwa. Ekta-ektaryang lupain at bakahan na halos wala na dahil hindi naman nagpapakawala ng pera ang matanda...”

“Dammit! Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” Totoong nagagalit na ito. Nauubos ang oras nito sa walang kabuluhang pag-uusap. Mahalaga ang pinag-uusapan nila ng mga kasama na nasa restaurant.

“M-mag-isa na lang ako sa villa na... walang kasama and you’re supposed to take care of me.” k inabahan siya sa nakikitang anyo ni Franco. Hindi na niya matiyak kung tamang naparito siya. Bakit nga ba niya ipinakakargo ang sarili dito? Bakit naniwala siya sa itay niya na kahit na ano ang mangyari ay hindi siya itataboy ni Franco?

Hindi madesisyunan ni Franco kung patuloy na magagalit o maaaliw sa dalaga. Ipinababalikat niya ang sarili dito. Gayong kung tutuusin ay kinasusuklaman nito ang lahat na may kinalaman sa matandang Alvaro. Ni hindi ito interesado sa pamanang iniwan ng matanda. At ni hindi nito makuha ang lohiko sa sinasabi ni Bea. Ano ang pakialam nito sa dalaga?

Matiim na muling tinitigan ni Franco si Beatriz. Batang-bata at maganda. Makinis ang morenang kutis. Expressive eyes. Small and upturned nose. Full and... soft lips that promised untold delights.

Mabilis nitong inalis ang mga mata sa mga labi ng dalaga. Binuksan ang drawer at isang checkbook ang kinuha. Sandaling sinulatan ito at pagkatapos ay pinunit mula sa booklet at iniabot sa dalaga.

“All right, heto ang pera. Ipa-cash mo sa bangko sa tapat ng opisina. Gamitin mo sa kung anuman ang kailangan mo,” pormal nitong sinabi.

Nanlaki ang mga mata ni Bea at napatayong muli. “Hindi iyan ang ipinarito ko, Mr. Navarro.” s inikap niyang kontrolin ang sariling galit. “Bilang tagapagmana ng matandang Alvaro ay katungkulan mong ayusin ang lupaing iyon para sa mga tauhang buong buhay nila ang ipinaglingkod doon. I really am sorry for coming here. But I was really so scared and there’s no one to turn to. And I thought.” Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Tumalikod at humakbang patungo sa pinto. Nasa doorknob na ang kamay niya nang mabilis na tumayo si Franco at bago pa niya mabuksan ang pinto ay naroon na ito sa likod niya at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa doorknob.

“Kailangan mo ng tulong ko. Obvious na iyon ang dahilan kaya ka naparito. Ngayong binibigyan kita ng pera ay nagagalit ka. And you thought what?” tanong nito na halos nakayakap na sa kanya mula sa likod. Nararamdaman niya ang hininga nito sa batok niya at pinanayuan siya ng mga balahibo. Pilit siyang kumakawala pero nakahawak ito sa mga braso niya mula sa likod.

He was so close na pakiramdam ng dalaga ay hindi siya makahinga. Ang likod niya ay nakadikit sa dibdib nito at sa wari niya’y may tila apoy na dumaan sa katawan niya. Magkababata at magkaibigan sila ni Luis Montano, ang panganay na anak ng may-ari ng kabilang lupain. At sa maraming pagkakataon ay nadidikit ang katawan niya rito pero hindi niya naramdaman ang ganitong tila napapaso siya.

Hinila siya ni Franco patungo sa visitor’s chair sa harap ng desk at pinaupo siya roon nang sapilitan.Umupo si Franco sa kabila at iniusog sa malapit sa kanya. Nakulong siya sa pagitan ng mga binti nito at mga braso na nakahawak ang isa sa armrest ng silya niya at ang isa ay sa gilid ng mesa.

“Now, you thought what?” pag-ulit nito. Bigla ring nalito kung bakit pinigil pang umalis ang dalaga gayong naiirita ito sa sinasabi ni Bea.

“I really believed my father nang sabihin niyang hindi mo ako itataboy `pag lumapit ako sa iyo,” aniya sa bahagyang nanginginig na tinig. Nalilito siya sa damdaming idinudulot ng closeness ng binata. Nasasamyo niya ang lime scent ng cologne nito. His breath skimming her face. Nakabaon na sa sandalan ng swivel chair ang likod niya at nang tangkain niyang ipagulong paatras ay hindi niya maigalaw ang silya dahil pinipigilan iyon ni Franco.

“Why?” Nang magsalubong ang mga kilay niya sa monosyllabic na tanong ay dinagdagan ni Franco. “Bakit ka naniwala sa itay mo na hindi kita itataboy `pag lumapit ka sa akin?”

Itinaas ng dalaga ang mukha. “He... said... you... were suppose to marry me once I turned eighteen. And, Franco Navarro, I have turned eighteen two months ago.” Hindi siya makapaniwalang nasabi niya iyon. Oh, well, that was her intention pero hindi agad-agad sa unang pagkikita pa lamang nila. But this man is not giving her any choice.

Natilihan si Franco at tumuwid ng upo. Gumana ang isip sa isang malabong pangako na hindi na nito naalala man lamang sa nakalipas na panahon ng buhay.

“Hanggang sa ikalabing walong tag-araw, Franco Navarro.”

“Anak ka ni... Alfonso.” Hindi tanong iyon kundi kumpirmasyon kasabay ng pagtagis ng mga bagang.

Hindi sumagot si Bea kundi nakatitig lang sa lalaki.

Franco Navarro (Kristine Series 7)

Franco Navarro (Kristine Series 7)

0 Chapters

close

Settings

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en
book

12

Contents

settings