Chapter One
1968 Manila
“D o you have an appointment?” ang tanong ng sekretarya kay Bea.
“No. But I’m sure he will see me,” lakas-loob niyang sinabi. Ganito ba kahirap makausap si Franco? Kanina ay ang security guard, pagkatapos ay sa reception. Ngayon naman ay itong sekretarya. Para siyang dumaraan sa sentry ng mga h apon.
“May I have your name?”
“Beatriz Montesa.”
Tumango ang sekretarya na isinulat sa kapirasong papel ang pangalan niya. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Sanay na ito sa mga ganoong dialogo ng mga babaeng gustong makausap ang boss nito. Ang kaibahan nga lang ng kaharap ay hindi ito iyong mga tipong sopistikada. Hindi ito ang uri ng babaeng type ng boss nito. Ang kaharap nito ay tipong probinsiyana subalit hindi nito maitatangging maganda bagaman wala kahit na lipstick. Higit na maganda kaysa sa mga babaeng sanay na nitong nakakaharap at naghahanap kay Franco.
Probinsiyana, all right, pero cultured ang tinig at ganoon din ang pagsasalita. Muling dinaanan ng mga mata nito si Bea sa pantalong maong na namuti na sa sobrang kupas. T-shirt na kulay-puti rin at luma na. Ang mahabang buhok ay nakatirintas mula sa tuktok ng ulo at ang dulo ay umabot hanggang sa may batok.
“I’m really very sorry, Miss Montesa, but Mr. Navarro is in the middle of an important meeting right now,” wika ng sekretarya. “Malibang importante ay hindi ko siya maaaring abalahin.”
Hindi malaman ni Bea kung ano ang gagawin pero determinado siyang makausap si Franco dahil kung hindi ay malamang na sa kalye siya matutulog.
“Hihintayin ko hanggang matapos ang meeting ni Mr. Navarro.” n ilingon niya ang mahabang divan. “Maaari ba akong maupo roon at maghintay?”
“Sure. Pero tinitiyak ko sa iyong mahihirapan kang pakiharapan ni Mr. Navarro. Marami siyang appointment sa umagang ito.”
“Ikinalulungkot kong maging mapilit, Miss, pero tinitiyak ko ring hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakakausap ang boss mo,” determinadong sagot ni Bea. Pagkatapos ay lumakad patungo sa waiting area.
Lihim na napapailing ang sekretarya. Hindi ito makapaniwalang ang ganito kabatang babae ay pinatulan ni Franco. She must be around seventeen or eighteen. Kung sabagay ay talagang ang mga babae na mismo ang naghahabol sa boss nito bata man o may-edad. May asawa o dalaga man.
Si Bea ay sinikap na abalahin at libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbubuklat ng mga naroong magazines na sa totoo lang ay hindi naman niya naiintindihan kung ano ang mga nakasulat. Blangko ang tingin niya sa mga larawang nasa pahina. Magkahalong kaba at takot ang nasa dibdib niya. Paano nga kung hindi siya pakiharapan ni Franco? May posibilidad na gawin ng lalaki iyon dahil hindi nam an siya nito kilala bukod pa sa sinabi na ng abogado ni Don Alvaro na hindi nito gustong makausap kahit na sino na nagmumula sa Rancho Sebastian.
Mabagal at kainip-inip na lumipas ang dalawang oras. Walang ginawa si Bea kundi tingnan ang relong nakasabit sa may dingding. At bawat tunog ng telepono ay tumitingin siya subalit lahat ng mga tumatawag na marahil ay gustong makausap si Franco ay iisa ang sagot ng sekretarya: I’m sorry but he’s having a meeting and cannot be disturbed.
Ilang minuto pa ang lumipas at nag-ring ang interphone. Napaupo nang tuwid si Bea at tumingin sa mesa ng sekretarya.
“Dolly, magpa-reserve ka sa Kimchi para sa tatlong tao. We will be out for lunch.”
“Yes, s ir, eh, s ir... may isang babaeng naghihintay rito sa inyo sa labas.” s inulyapan nito si Bea na nakatitig din dito. “Beatriz Montesa ang pangalan niya... mapilit siyang kausapin kayo... no, s ir... dalawang oras nang mahigit...”
“C’mon, Dolly,” agap ni Franco. “Huwag mong sabihin sa aking hindi mo na alam pakiharapan ang mga visitors at bay,” bagot na sagot ni Franco na ibinaba ang intercom.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dolly. Tumayo at nilapitan si Bea,
“I have informed Mr. Navarro of your presence, Miss Montesa. Pero tulad ng sinabi ko na sa iyo, hindi ka niya kakausapin.” m ay simpatya sa tinig nito.
“Oh!” Nanlumo sandali ang dalaga. Muling gumuhit ang determinasyon sa mukha at tumingala kay Dolly. “Malayo pa ang pinanggalingan ko at kailangan ko talaga siyang makausap. Nakakahiya mang sabihin pero kapag hindi ko nakausap si Mr. Navarro ngayon ay malamang na sa kalye ako matutulog.” m amayang hatinggabi ang susunod na biyahe pabalik sa pinanggalingan niya. Ang natitirang pera sa kanya ay ultimong pamasahe sa bus. Paano pa ang ferry boat?
Nagsalubong ang mga kilay ni Dolly. Naintriga. Gustong mag-usisa pero nanaig ang pagiging tapat at maingat.
“Ang tanging maipapayo ko sa iyo ay hintaying lumabas si Mr. Navarro, kasama ang dalawa pa niyang ka-meeting.” t umingin ito sa relo sa braso. “They will surely be out in a few minutes.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bea. Ang sekretarya ay muling bumalik sa puwesto nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sampung minuto uli ang lumipas at bumukas ang pinto ng silid ng presidente. Napatitig doon ang dalaga at agad na tumayo. Dalawang may-edad nang lalaki ang naunang lumabas kasunod ang pinakabata. At hindi kailangang sabihin sa kanya kung sino si Franco roon.
Si Franco ay huminto sa mesa ni Dolly at nagbibilin. Mabilis na lumapit si Bea. Pagharap ni Franco ay muntik pa siyang mabunggo.
“Excuse me,” ang lalaki na hindi naman siya pinansin ay lumakad kasama ng dalawa pa.
“Mr. Navarro, sandali lang ho,” ani Bea na napahawak sa braso ng lalaki na agad ding binitiwan nang lumingon ito. “Gusto kitang makausap kahit sandali.” n akikiusap ang tinig niya. Nahinto pati sa paglakad ang dalawang kasama ni Franco. Si Franco ay nagsasalubong ang mga kilay na binalingan si Dolly na hindi malaman ang sasabihin.
“Dolly, hindi ba at sinabi kong...” m ay reprimand sa tinig nito.
“I have insisted to wait. Gusto kitang makausap, please,” determinado niyang sinabi. Nakita niyang nagngitian ang mga kasama ng lalaki.
“Go ahead, Franco. Maghihintay kami sa iyo sa Kimchi,” ang wika ng isa na kinindatan si Bea. Pinamulahan ng mukha si Beatriz at lalo na nang tumawa nang may malisya ang isa pang kasamahan nito na hinila na ang isa patungo sa elevator.
Si Franco ay nagsalubong ang mga kilay at sa anyo nito ay alam ng dalagang galit.
“Kung anuman ang gusto mong sabihin sa akin ay...” u miling ang binata. “All right, I can spare you a minute,” pagalit nitong sinabi na bumalik sa sariling silid.
Bagaman kinakabahan ay napabuntong-hininga ng relief si Bea. Mabilis na sumunod kay Franco. Nakasandal sa executive desk nito ang lalaki at nakatingin sa kanya.
“Tumatakbo ang isang minuto mo. I am a very busy man. Ano ang gusto mo?” Hindi nito itinatago ang iritasyon sa tinig.
Hindi agad makaapuhap ng sasabihin ang dalaga. Buong buhay niya’y malimit nilang pag-usapang mag-ama si Franco Sebastian Navarro. Sinabi ng itay niya na guwapo si Franco kahit sa gulang na sampung taon. And she believed her father. Pinantasya sa isip ang isang guwapong p rince c harming na magiging asawa niya sa ikalabing walong taong kaarawan niya.
And now, here he is. Nakatayo sa harap niya ang kabuuan ng lalaking panaginip niya mula pa nang magkaisip siya. All in his six-foot-or-so breathtaking handsomeness. Coal-black eyes na tila nagtatago ng maraming lihim. Sensual lips that she often dreamed kissing. Bahagyang nanayo ang balahibo niya sa bahaging iyon.
Tumikhim si Franco pero hindi narinig iyon ng dalaga na patuloy sa pagsuri sa binata. He isn’t just tall and handsome, he was also big and intimidating. Tough looking sa kabila ng naka-executive suit. May bahagyang pilat sa gitna ng ilong na sa wari ay bakas ng pakikipag-away.
“Forty seconds, Miss.” t umaas na ang tinig ni Franco. “Don’t waste your precious time staring at me.”
Tumikhim si Bea na napapitlag sa pagsuri sa lalaki. Pinamulahan ng mukha. Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Franco roon. So, they still produce women who blush, bulong nito.
“B-Bea... Beatriz Montesa ang... pangalan ko.”
Matiim siyang tinitigan ni Franco mula ulo hanggang paa na tila wala siyang suot. Hindi alam ng dalaga kung magagalit o mapapahiya.
“I don’t think we have met, Beatriz Montesa. Ano ang gusto mo sa akin?” patuloy ni Franco sa intimidating tone. Nasa mukha ang pagkabagot. “You have thirty seconds left.”
“Oh, for goodness’ sake!” she said in a frustrated voice. “Paano akong makapagsasalita gayong inoorasan mo ako? Bukod pa sa kinakabahan ako sa iyo.”
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Franco sa pagitan ng pagkabagot at bahagyang amusement. Kitang-kita nito ang tensiyon sa magandang mukha ng babae. Oh, well, come to think of it, the woman is unusually pretty. May mga hibla ng buhok na bumagsak sa mukha na para bang inilipad ng hangin.
Her eyes reminded him of someone he cannot recall. Reminded him of sunshine and tall grass, of wind and summertime. Nang isang panahon ng kabataan na matagal na nitong naibaon sa limot.
Sukat sa naisip na iyon ay tumuwid ng upo si Franco. Natitiyak nitong hindi pa sila nagkakilala man lamang ng Beatriz Montesa na ito or else he would have remembered. Hindi ang uri ng mukha ng babaeng ito ang madaling kalimutan.
“At hindi mo ba talaga pinauupo ang bisita mo, Mr. Navarro? Why, you’re so tall and very intimidating and I’m tensed and my knees are getting weaker sa bawat segundong lumilipas na ipinaaalala mo. Do you mind if I take a seat?” Puno ng iritasyon at sarcasm ang tinig niya. Hindi na hinintay na sumagot ang lalaki. Nilingon niya ang sofa malapit sa pinto at umupo roon.
Pinigil ni Franco ang mapangiti. Her eyes sparked fire that matched the temper. “Gaano kahaba ang sasabihin mo sa akin?”
“I… I came from... Rancho Sebastian...”







