Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1) - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

Chapter Two

SEVEN-THIRTY dumating si Jan Irish sa bahay ni Tegan Galvante kinabukasan. Nang mag-doorbell siya, may isang lalaking medyo may katandaan na ang nagbukas ng pinto.

“Magandang umaga ho, Ma’am,” magalang nitong bati sa kanya.

“Magandang araw din.” Ngumiti siya. “Ako po si Jan Irish. Nandito ba si Mister Galvante?”

“Ah, ikaw pala si Miss Jan Irish.” Niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate. “Pasok ho kayo. Kanina pa po naghihintay ang mga labahan ni Sir Tegan.”

Bigla siyang nasamid sa narinig. “Ho?”

Nakangiwi itong ngumiti. “`Yan po ang sabi ni Sir Tegan kanina bago siya umalis para mag-jogging.”

Nagtagis ang kanyang mga bagang. Talagang aalilain siya ng lalaking iyon? Letseng buhay ito, o. Pero para sa interview na inaasam, magagawa niya ang lahat.

“Sige po.” Pumasok siya sa loob ng gate. “Nasaan ang mga labahan niya?”

‘Sundan n’yo po ako, Miss Jan Irish,” sagot ng lalaki saka nauna nang naglakad sa kanya.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Jan Irish saka sinundan ang matanda.

Inihatid siya ng matandang lalaki sa laundry room. May dalawang washing machine doon at may label ang bawat isa. Ang nasa kanan ay para sa mga de-kolor na damit, ang isa naman ay para sa mga puti.

Hmm. Pati paglalaba, organized.

“`Yan po ang mga labahan ni Sir Tegan.” Itinuro ng lalaki ang dalawang palangganang puno ng damit.

Napanganga si Jan Irish at hindi makapaniwalang bumaling sa lalaki. “Ano `yan, dalawang buwan siyang hindi naglaba?” Puno ng sarkasmo ang boses niya.

Nagkibit-balikat lang ang matandang lalaki. “Maiwan ko na po kayo, Ma’am,” sabi nito saka iniwan siya sa laundry room.

Napabuntong-hininga na lang si Jan Irish saka napatingin sa kanyang outfit of the day. She was wearing a very beautiful dress and a stiletto. Naka-braid pa ang buhok niya at ang ganda ng pagkaka-style. At masisira lahat iyon nang dahil sa dalawang palangganang labahan ng hinayupak na lalaking iyon.

Speaking of that guy, kailan kaya niya makikita si Tegan Galvante? Gusto niyang makita ang mukha nito, lalo na ang mapupungay nitong mga mata. Marahas niyang ipinilig ang ulo. Dapat hindi siya nag-iisip ng ganoon. Argh!

Huminga nang malalim si Jan Irish bago gumalaw sa kinatatayuan. Sana pagkatapos niyang maglaba ay buhay pa siya. Buwisit!

TINANGGAL ni Tegan ang earphone na nasa tainga nang makapasok sa loob ng bahay. Naliligo siya sa sariling pawis dahil katatapos lang niyang mag-jogging.

Kaagad siyang nagpunta sa kusina habang tinutuyo ang pawis gamit ang face towel na nakasampay kanina sa kanyang balikat. Nang makarating sa kusina, nagsalin siya ng isang basong tubig saka uminom.

Nang mawala na ang uhaw na nararamdaman, inilapag niya ang baso sa lababo. Tamang-tama naman na pumasok si Tatay Berto sa kusina. Ito ang nagsisilbing katulong niya sa bahay.

“Magandang umaga ho, Sir Tegan,” bati kaagad nito nang makita siya.

He smiled at the old man whom he already considered a family. Kahit kasi kailan, hindi niya nakitaan ng pagkadisgusto sa pangit niyang pagmumukha si Tatay Berto. Siguro dahil alam nito ang kanyang pinagdaanan.

“Magandang umaga rin, `Tay Berto,” balik na bati niya sa matanda. “Siyanga pala, dumating na ba si Jan Irish?”

Baka nag-back-out na `yon, sabi niya sa isip.

“Oho, Sir. Nasa laundry room na.”

Namilog ang mga mata ni Tegan. “Narito talaga siya?”

“Seven-thirty pa lang, Sir, dumating na siya.”

Napanganga siya. “Ang aga, ah.” Mayamaya ay napabulong siya. “She will really do everything for that fucking interview.” Napabuntong-hininga siya. “Nakapagluto ka na ba ng agahan, `Tay Berto?”

“Oho, Sir.” Uminom ito ng tubig. “Babalik na po ako sa hardin. Naglilinis kasi ako ro’n.”

“Sige.”

Nang makaalis si Tay Berto ay naghanda si Tegan ng sandwich at fresh melon juice saka lumabas ng kusina na dala-dala iyon.

Bahagya lang nakabukas ang pinto nang makarating siya sa laundry room. Sumilip siya sa loob at tumaas ang kilay niya sa nakita.

Jan Irish was doing the fucking laundry while wearing a lovely dress and stilettos.

Now that was a new sight to see. Napailing-iling siya. May babae pa lang naglalaba na naka-stilleto.

Maingat na itinulak pabukas ni Tegan ang pinto saka walang ingay na inilapag ang dalang tray na may lamang juice at sandwich sa upuan na malapit sa pinto. At dahil nakatalikod ito, hindi siya nakita ng babae.

Tinitigan muna ni Tegan ang likod ni Jan Irish bago siya lumabas ng laundry room.

JAN IRISH blew a loud breath of frustration as she finished putting Mr. Galvante’s clothes on the washing machine. Pagkatapos ay nakapamaywang na tinalikuran niya ang letseng washing machine.

Natigilan siya nang makita ang isang tray na may pagkain na nakapatong sa upuan na malapit sa pinto.

Tumaas ang kilay niya. Napakamaalalahanin pala ng matandang lalaki. Nakakatuwa.

Nilapitan niya ang tray saka inubos ang lahat ng pagkain na nakalagay doon. Nagugutom na siya. Sa sobra niya kasing pagmamadali kanina ay nakalimutan niyang mag-agahan. Mayamaya ay lumabas siya sa laundry room na dala-dala ang tray na wala nang lamang pagkain.

Tumigil si Jan Irish sa sala saka ininspeksyon ang lahat ng kanyang nakikita, mula sa sofa hanggang sa mga furniture sa nakasabit sa dingding. Lahat iyon ay mamahalin, sigurado siya roon. Mr. Galvante’s house reminded her of the house she was living in before she decided to live on her own. Noong magtapos siya ng college ay lakas-loob siyang umalis sa poder ng mga magulang at nagsariling sikap para mabuhay.

At iyon ang pinakamagandang desisyong ginawa niya sa buhay.

“Para kang daga, alam mo ba `yon?”

Napatalon siya sa gulat nang marinig ang baritonong boses ng isang lalaki. Kaagad siyang bumaling sa pinanggalingan ng boses at nakita si Mr. Galvante na nakatayo sa huling baitang ng hagdan at nakahilig sa railing.

“Tegan…” she whispered.

Kumunot ang noo nito at nagmukhang istrikto. “Mula ngayon, tatawagin mo akong ‘Sir Tegan’ dahil nagtatrabaho ka para sa `kin—”

“Hep-hep!” pigil ni Jan Irish sa iba pa nitong sasabihin. “Kung nagtatrabaho ako para sa `yo, dapat may sahod ako. Kung hindi, isusumbong kita sa DOLE.”

Nagdilim ang mukha niya. “Miss Vallega, ipapaalala ko lang sa `yo na ang kapalit ng pagtatrabaho mo sa `kin ay ang personal na impormasyon ng buhay ko na kailangan mo. Sige, magsumbong ka sa DOLE, pakialam ko naman.”

Sinimangutan siya ng babae. “Ang sungit nito. Buwisit ka!” Naiinis niyang inilapag ang tray sa center table.

Nagmamartsa siyang bumalik sa laundry room saka malakas na isinara ang pinto.

Ilang minuto lang ang nakalipas, napaigtad si Jan Irish nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Tegan. Ah, si Sir Tegan pala. Shit!

“Hey.” His voice was soft this time. “You look pissed off.”

Inirapan niya ang lalaki. “Ang sungit mo, buwisit ka!” pagtataray niya. “Heto na nga at naglalaba na, eh. Nakakainis ka.”

Biglang tumigil ang pag-ikot ng washing machine. Narinig niyang bumuntong-hininga si Tegan saka naglakad papunta sa harap niya.

Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga paa saka napailing-iling. “Hindi nag-iisip.” Lumuhod ang isang tuhod nito sa sahig saka hinawakan ang kanyang paa.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Sir Tegan—”

“Shut up,” inis nitong sabi saka hinubad ang stiletto niyang suot. Pagkatapos ay sinunod nitong tanggalin ang isa pa. Mayamaya ay tiningala siya ni Tegan. “Ikaw lang ang nakita kong naglalaba na naka-stiletto. Alam mo namang pambahay ang magiging trabaho mo, `di ba?”

Kagat-labi siyang napatango.

“O, `yon naman pala, eh.” Tumayo si Tegan, ilang pulgada rin ang taas nito sa kanya. “Bakit ganyan ang hitsura mo?”

Umirap siya. “It’s my OOTD.”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Your fucking what?”

“OOTD stands for outfit of the day,” maarte niyang sagot saka matamis niyang nginitian ang lalaki. “Ayokong magmukhang muchachay , `no. I’m a professional—”

“O, tapos?” Tumaas ang dalawa nitong kilay. “FYFI and that stands for ‘For Your Fucking Information’, you will be my maid in a week. So bukas, i expect you to dress like one.”

Kinagat ni Jan Irish ang dila para hindi siya makapagsalita ng hindi maganda. “Fine. Bukas may suot na akong apron. Masaya ka na?” Mahihimigan ang sarkasmo sa kanyang boses.

He gave her a flat look. “Denim jeans and t -shirt will do.” Bumuntong-hininga si Tegan saka umalis sa laundry room na parang napipika sa kanya.

Umirap siya saka bumuntong-hininga. Buwisit na lalaking iyon! Pasalamat ang lalaki at maganda ang mga mata nito.

nagulat si Jan Irish nang sunduin siya ng matandang lalaki sa laundry room nang sumapit ang tanghalian.

“Kain na po, Miss Jan Irish,” sabi nito.

Padaskol niyang binitawan ang pantalong binabanlawan saka tumayo.

Wala siyang pakialam kong basa ang damit niya mula laylayan hanggang sa baywang. Sinundan niya ang matandang lalaki hanggang sa pumasok sila sa hapag-kainan.

Nainis si Jan Irish sa sarili nang maramdamang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Tegan na nakaupo sa hapag-kainan.

“Nandito na ho siya, Sir Tegan,” sabi ng matandang lalaki saka sila iniwang dalawa sa komedor.

Huminga muna nang malalim si Jan Irish bago naglakad palapit sa mesa saka umupo sa bakanteng silya, malayo kay Tegan.

“Ganoon ka ba nandidiri sa mukha ko para umupo ka malayo sa `kin?” biglang tanong ng lalaki sa kanya.

Binasa niya ang nanunuyong labi gamit ang dila saka tumingin kay Tegan. “Malayo ako sa `yo dahil naiinis ako sa `yo. Hindi `yon dahil nandidiri ako sa `yo.” Inirapan niya ang lalaki. “Alam mo, Sir ,” pinagdiinan niya ang salitang Sir, “napaka-assuming mo. Masungit na nga, assuming pa. Hanep na ugali.”

Masama ang tingin ni Tegan sa kanya. Matamis naman niyang nginitian ang lalaki.

“Kain ka na.” Gumalaw ang mga panga nito. “Maglalaba ka pa.”

Pasimple siyang umirap saka nagsimula nang kumain. Maraming ulam na nakahain pero ang pork loins lang ang kanyang kinain. Mabilis lang siyang kumain at nakangiting tumayo.

“I’m done—” Naputol ang sasabihin ni Jan Irish nang mapansing nakatayo pala sa tabi niya si Tegan. Napalunok siya. “Ahm, S-Sir…”

“`Yong pork loins lang ang kinain mo,” komento nito. “Bakit? Hindi mo gusto ang iba? Pinaluto ko pa naman `yan para sa `yo kasi alam kong pagod ka.”

Napakurap-kurap siya at na-guilty. That was so sweet of him to do that. Ang inis niya kay Tegan ay napalitan ng ibang emosyon na ayaw niyang pangalanan.

“Ahm,” tumingin siya sa mga mata nito. “`yong pork loins lang kasi ang gusto ko.”

Tumango-tango ito saka humakbang palayo sa kanya. Kaagad siyang nakaramdam ng disappointment. She liked the feeling of him so close to her. And not to mention his manly scent. Kaya naman ang mga paa niya ay sumunod sa lalaki.

Biglang tumigil si Tegan sa paglalakad kaya tumama siya sa likod nito.

Nakakunot ang noong humarap ito sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo?”

Napakagat-labi siya. Sheyt! Nakakahiya. “Ahm, a-ano kasi, ahm…” nauutal siya. “Ah, kasi, ahm, ang bango mo.”

Ang akala ni Jan Irish ay magsusungit na naman ito kaya nagulat siya nang tumaas ang sulok ng labi ni Tegan saka siya tinalikuran.

Pinakawalan niya ang kanina pang pinipigil na hininga. Whew!

“Babalik na ako sa paglalaba,” imporma niya sa lalaki.

“Sige,” sagot nito saka muling umupo.

Huminga siya nang malalim saka naglakad palabas ng hapag-kainan at bumalik sa laundry room.

NAPABUNTONG-HININGA si Tegan saka napailing-iling. Hindi niya dapat ginagawa ito. Hindi niya dapat ipinagpalit ang personal na impormasyon tungkol sa kanya dahil lang sa magiging katulong niya si Jan Irish ng isang linggo.

Hindi pa sapat ang maging katulong ito para sa isang impormasyon tungkol sa kanya. Fuck! It was too personal. But this was his idea, this was what he wanted. Right?

Tinapos na niya ang pagkain saka nagpunta ulit sa laundry room. Mula sa nakaawang na pinto, nakita niyang nagbabanlaw na ang babae at halatang pagod na pagod na.

“Hey,” tawag niya saka tumikhim.

Kaagad itong nag-angat ng tingin sa kanya. “May kailangan ka na naman o susungitan mo lang ako?” pagtataray nito.

Pinigil ni Tegan ang ngiting gustong kumawala sa kanyang mga labi. “No. Nandito ako para itanong kung ano ba ang una mong katanungan para sa interview mo. Isn’t that our deal?”

Kaagad na umaliwalas ang mukha nito. “Sasagutin mo na?” Namilog ang mga mata nito habang nagtatanong.

Umiling siya. “Pag-iisipan ko pa kung sasagutin ko o hindi.”

Nalukot kaagad ang mukha nito. “Paasa ka, alam mo `yon? Hmp!” Bumalik ito sa pagbabanlaw. “Ang tanong ko ay…” Sadyang binitin nito ang sasabihin. “Ano’ng nangyari sa mukha at balat mo?”

“I was burned,” mabilis niyang sagot saka mabilis ding umalis sa laundry room.

Fuck! Why was it so easy to tell her that?

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings