Chapter 1
Chapter One
MAYBE it was fate or destiny, hindi alam ni Jan Irish kung ano ang tawag doon. Bago dinaos ang kasal ni Lechel, halos halughugin niya ang buong simbahan makita lang si Tegan Galvante. She even asked the visitors, but nothing happen. Walang nagturo sa kanya kung nasaan ang hinayupak na lalaki!
Isang buwan na ang nakakaraan pero wala pa rin siyang maisulat tungkol kay Tegan Galvante. Wala pa rin siyang makuhang impormasyon tungkol sa lalaki na kung makalihim ng sekreto ay parang naka-lock iyon sa isang vault na walang nakakaalam ng password.
Kahit ang i nternet ay madamot sa picture ng lalaki. Siguro may kinuha itong taga-delete ng picture sa Internet. Napailing-iling na lang siya sa naiisip pero puwedeng may katotohanan iyon. Who knows?
Malalim siyang napabuntong-hininga. “Nakakainis naman `to!” reklamo ni Jan Irish habang pumipila na para sa pagpasok sa simbahan.
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya sa linya. Siguro iyon ang best man. Wala siyang pakialam. Nagpupuyos pa rin ang kanyang kalooban dahil hindi niya nakita si Tegan Galvante.
Nababaliw na yata siya dahil nagpapadyak siya dahil sa inis na nararamdaman. “Argh! I am so annoyed right now!”
“Why?”
Natigilan si Jan Irish at napatingin sa katabi niyang nagsalita. Ilang beses siyang napakurap-kurap habang nakatitig sa katabi. Napanganga siya nang makita ang mukha ng lalaking nagsalita. Nagulat siya hindi dahil guwapo ito o makalaglag panty ang pagmumukha. Nagulat siya dahil sa nasunog na balat nito sa mukha.
It must be burned scars. Nag-umpisa iyon sa ibaba ng mata nito, pababa sa pisngi hanggang sa leeg. Puno ng curiosity na umikot siya sa lalaki para tingnan ang kabilang bahagi ng mukha nito. Pareho ring may pilat ng sunog pero kalahati lang ng pisngi at hanggang sa leeg nito.
His skin was disfigured and it mesmerized her to think of how he survived such horrible burn scars. Ano kaya ang pinagdaanan ng lalaking ito? Gusto niyang alamin. Lihim siyang napailing-iling. Umatake na naman ang pagiging tsismosa niya.
Nanatiling nakatitig si Jan Irish sa lalaki. Nasisiguro niyang kung wala itong pilat sa mukha, napakaguwapo nito at pag-aagawan ng kababaihan.
The man looked hideous all right, pero parang may kung anong kislap ang kulay-tsokolate nitong mga mata na umaakit sa kanya. Maybe because his eyes were emotionless but she could see vulnerability behind them.
Walang naramdamang hiyang nakipagtitigan si Jan Irish sa lalaking may pilat ng sunog sa mukha. Habang tumatagal, nagiging guwapo ito sa kanyang paningin. It was absurd. She knew for a fact that the man looked like a beast. But there was something in him that drew her in.
What was that?
“Alam kong pangit ako, so please, step aside. Mag-uumpisa na ang wedding march. Nakaharang ka sa daraanan.” Baritono ang boses nito at parang nabuhay ang dugo ni Jan Irish nang marinig iyon.
What the hell?
Pinipilit ni Jan Irish ang sarili na umalis sa harapan nito pero hindi niya magawa. Parang may umaakit sa kanya na mas titigan ang lalaki.
“Stop staring at me, woman,” sabi ng lalaki na naiilang sa titig niya.
Napakurap-kurap siya. “You’re so—”
“Ugly?”
“Mesmerizing,” pagtatama niya sa sinasabi nito.
He scoffed. “I don’t believe you.”
Itinaas niya ang kamay at akmang hahaplusin ang pisngi nito nang hulihin ng lalaki ang kanyang kamay.
“Don’t touch me!” There was a dangerous edge to his voice.
Natigilan siya at napatitig lang sa lalaki. Parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa braso niya dahil sa paghawak nito. She was mesmerized all right. Those eyes… those brown eyes. There was something in them that mesmerized her. Walang salitang makakapagpaliwanag sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Umikot ang mga mata ng lalaki saka hinawakan siya sa braso at hinila papunta sa entrance ng simbahan. Nagulat siya sa ginawa nito pero nagpahila siya.
“Umayos ka o mapapahiya tayong dalawa,” galit na sabi ng lalaki saka siya hinila.
Mabilis siyang umayos ng tayo at napatingin ulit sa lalaki.
“Stop fucking staring at me!” he hissed at her.
I can’t! Shit!
Nang makapasok sila sa simbahan, sapilitang itinutok ni Jan Irish ang mga mata sa altar. Sabay silang naglakad ng lalaki habang hawak nito ang pulsuhan niya. Ibang init ang hatid ng kamay nito sa kanya. Good God. Ano ba itong nararamdaman niya? At sa isang estranghero pa talaga!
Napabuntong-hininga si Jan Irish saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sila sa harapan, binitawan ng lalaki ang kamay niya. Napatitig muna siya rito bago pumunta sa dapat niyang upuan.
As the wedding ceremony started, she kept on looking at the best man. She couldn’t get enough of his eyes. Iba talaga ang epekto niyon sa kanya at naloloka siya.
Nang matapos ang kasal, para siyang ninja na panay ang sulyap sa lalaki na kausap ng groom. Sino kaya ito? Gusto niyang malaman kung ano ang pangalan ng lalaki.
Nang makitang papaalis na ito ay mabilis niyang hinabol ang lalaki. Para siyang stalker sa kanyang pinaggagagawa. Akmang pipigilan niya ang lalaki nang magsalita ang kasama nito.
“Uuwi ka na kaagad, Tegan?” tanong ng blonde na kausap ng lalaki. “Stay for the reception, man.”
“I’m busy and i don’t like wedding receptions,” tanggi nito sa baritonong boses saka ipinalibot ang tingin. Parang may hinahanap ito hanggang sa tumigil ang mga mata ng lalaki sa kanya.
Bilog na bilog ang kanyang mga mata pati ang bibig. What the hell?! Ito si Tegan Galvante? Ang hinahanap niyang lalaki na assignment niya?
Hell, no! Hell, no! Hell, no!
“Jan Irish, saan ka pupunta?” mataray na tanong ni Lechel. “Huwag mong sabihing tatakas ka sa reception ko?”
Natigilan siya at bumaling sa bagong kasal niyang kaibigan. “Ha?”
“Girl, mababatukan kita. Promise!” banta ni Lechel sa kanya. “Kapag hindi kita nakita sa reception ko, kakatayin kita.”
Pilit siyang ngumiti. “I’m coming to your reception, don’t worry.”
Ngumiti ang kaibigan. “Mabuti naman.” Bumalik ito sa piling ng asawa.
Napabuntong-hininga siya.
“Sasama ako sa reception,” narinig niyang sabi ng baritonong boses ni Tegan.
Biglang tumibok nang mabilis ang puso ni Jan Irish sa narinig. Ano ba itong nararamdaman niya?
Nagmamadali niyang pinuntahan ang kanyang sasakyan saka sumakay. Nang buhayin niya ang makina, biglang bumukas ang pinto ng passenger seat at pumasok doon si Tegan Galvante. Napanganga siya sa lalaki na komportableng nakaupo sa passenger seat ng kanyang sasakyan.
Napakurap-kurap siya. “A-anong…”
“Nasira ang sasakyan ko. Pupunta ka naman sa reception, `di ba? Sabay na ako sa `yo. Bayad mo sa pagtitig sa `kin kanina.”
Napanganga siya. “Bayad ko?”
“I know I’m horrible to look at so the payment is cheap. Pasakay na lang papuntang reception,” sabi ulit ni Tegan Galvante.
Napakurap-kurap siya. He just pulled himself down. So normal for a man with scars.
“O kung natatakot sa mukha ko, lalabas na lang ako—”
Pinaharurot ni Jan Irish ang sasakyan palayo sa simbahan. Nakita niyang napakapit si Tegan sa upuan at mabilis na nag-seat belt. Nakita niya ang takot sa mukha nito kaya naman ay pinabagal niya ang pagpapatakbo.
Bumuga ito ng malalim na hininga. “Huwag kang magpatakbo nang mabilis.” Nagtagis ang mga bagang nito. “Baka mapaano ka.”
Tumango lang si Jan Irish kasi hindi niya nagawang magsalita. She had never been this tongue-tied towards a stranger! Ngayon lang. At sa lalaking ito pa.
Jan Irish did not know why she was tongue-tied; and Tegan Galvante took it negatively.
“Ganoon ba talaga nakakatakot ang mukha ko para hindi ka makapagsalita?” Mapakla itong tumawa. “So predictable.”
Doon siya nairita. Ano ba ang problema ng lalaking ito?
Humugot siya ng isang malalim na hininga saka tumingin sa daang binabaybay nila.
HINDI maintindihan ni Tegan ang babaeng katabi na nagmamaneho ng kotseng sinasakyan. Kanina lang ay panay ang titig nito sa kanya, ramdam na ramdam niya iyon. Siguro dahil naa-amaze ito sa kapangitan niya.
Hindi siya makapaniwala na ang babaeng nakita niya sa bar isang buwan na ang nakakaraan ay makikita niya ulit. She was so pretty that night, and still was.
Napabuntong-hininga siya.
He was once a very handsome man, but thanks to that fire that burned most of his skin, it tortured him and turned him into a hideous being.
Itong babaeng nagmamaneho ang unang nilalang na tumitig sa kanya nang matagal simula nang makuha niya ang pilat sa mukha at katawan. It actually fucking thrilled him. At ngayon, ni ayaw nga siya nitong kausapin.
Tegan knew he was fucking hideous to look at. Pero ganoon din ba siya kapangit para hindi siya kausapin ng babae? Ouch. That actually hurt him. Fuck!
Matagal nang natanggap ni Tegan ang kanyang mukha, matagal na siyang hindi apektado sa mga tingin sa kanya. Kaya nagtataka siya kung bakit ngayon ay apektado siya bigla? It was not good. Hindi dapat ito nangyayari sa kanya. Parang alam na niya kung saan ito patungo. It would be a massive headache and a fucking heartache.
Natigilan si Tegan nang mapansing napakabilis na naman ng pagmamaneho ng babae.
Fuck! “Slow down, fuck it!” he hissed, annoyed.
“Sorry,” bulong nito pero sapat para marinig niya. “Sanay lang akong mabilis na magpatakbo.”
Tegan was actually shocked that she replied. Siguro, nakabawi na ito sa takot sa kanyang mukha.
He rolled his eyes. “So, you can talk.”
May bahid na ngiti ang mga labi nito. “Hi.” Inilahad nito ang kamay sa kanya habang ang isa ay nagmamaneho. “Jan Irish,” pagpapakilala nito.
Tinanggap ni Tegan ang pakikipagkamay at lihim na lang na napailing nang makaramdam ng kuryente nang magdikit ang kamay nila.
He knew that feeling pretty well. Fuck! It was not good. Really not good. Kailangan niyang iwasan ang babaeng ito.
“Tegan Galvante,” pagpapakilala niya. “Thanks for the ride.”
Tumango lang ito saka ibinalik ang kamay sa manibela. Damn! He could feel disappointment because she pulled away too quickly. Fuck!
Tumingin siya sa dinadaanan nila at napakunot ang noo nang makitang ibang daan yata ang tinatahak nila.
“Saan ang reception?” tanong niya.
Kinagat ng babae na Jan Irish ang pangalan ang ibabang labi na kaagad namang umepekto sa kaibigan niya sa ibaba. Fuck! Fuck!
“Ahm,” may naiilang itong ngiti saka itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap sa kanya. “Ahm, I’m Jan Irish Vallega.” Ngumiti ito. “I’m a journalist and i really need to interview you.”
Tumaas ang dalawa niyang kilay at gustong tumawa nang malakas. Tingnan mo nga naman, sa kakaiwas niya sa mga punyetang reporter at journalist, ang babae pa lang kaharap niya ay isa sa mga punyeta.
Damn it!
Nagtagis ang kanyang mga bagang sa inis. “Ayokong magpa-interview.”
Nagmamakaawa ang mga mata nito. “Please, limang tanong lang.”
Umiling siya. “Ayoko.”
“Please?” Talagang nagmamakaawa ang babae. Pisil-pisil pa nito ang kamay niya. “Gagawin ko lahat, magpa-interview ka lang sa `kin! Please?! Please?!” She was really begging. “I’ll do anything.”
Nakatitig lang siya sa babae na nagmamakaawa sa kanya. And then a sick idea entered his mind.
KUNG puwede lang lumuhod sa kotse niya, gagawin ni Jan Irish, para lang mapapayag si Tegan Galvante na magpa-interview sa kanya. She could feel that Tegan was a hard man to convince so she prayed to God to twist his mind to say yes.
Please, God! Pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang.
“Sige.”
Napaawang ang mga labi niya at namilog ang mga mata. “Totoo?”
Tumango ito. “Ilang tanong?”
Napakalapad ng ngiti niya. “Lima.”
Tumaas ang sulok ng labi nito na para bang may binabalak na masama. “Okay. Sa bawat tanong, may gagawin ka para sa `kin.”
Nawala ang ngiti ni Jan Irish. “A-ano naman `yon?”
“Sa una mong tanong, babayaran mo ang sagot ko ng isang linggong paglilinis sa bahay ko. Okay ba `yon?”
Paglilinis ng bahay? Napanganga siya. “Sa pangalawang tanong?”
“Babayaran mo `yon sa pamamagitan ng pagiging sekretarya ko nang isang linggo.”
Halos malaglag ang kanyang mga panga. “Ang ikatlong tanong?”
“Pag-iisipan ko pa.”
Gusto niyang tanggihan ang lalaki pero iyon lang ang tanging paraan para ma-interview niya si Tegan Galvante. It was her only chance.
“Deal,” puno ng kompiyansa niyang sabi.
“Good. Puwede ka nang mag-umpisa bukas.” Ibinigay ni Tegan sa kanya ang address ng bahay nito. “Dapat, eight AM pa lang, nasa bahay na kita. Understood?”
Mabilis siyang tumango dahil baka magbago pa ang isip nito. “I’ll be there.”
“Okay.” Dumako ang tingin ng lalaki sa manibela. “Puwede bang ako na lang ang magmaneho?”
Tumaas ang kilay ni Jan Irish. “Ikaw?”
“Oo. Ayoko sa mabilis magpatakbo.”
Napatango-tango siya. “Sige.”
Jan Irish moved to the passenger seat. Medyo masikip pero ayaw talaga niyang lumabas ng sasakyan at umikot papunta sa passenger seat. Pinagkasya niya ang katawan para makalipat papunta sa passenger seat. At dahil naroon si Tegan at hindi gumalaw para lumipat sa driver’s seat ay halos magkadikit na magkadikit na ang kanilang mga katawan. Naaamoy na niya ang mabangong hininga ng lalaki.
“Move,” parang kinakapos na hiningang sabi niya.
Nakadikit na ang likod niya sa bubong ng kotse para hindi magdikit ang katawan nila ng lalaki. Para kasing may kakaibang nararamdaman ang katawan niya, o naloloka lang siya?
Napakurap-kurap si Tegan. “A-ano?”
“Lumipat ka na.”
“Oh.” Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. “Okay.”
Gumalaw si Tegan at hindi alam ni Jan Irish kung sinadya nitong paglandasin ang mga labi sa pisngi niya bago lumipat. They were so close so it could happen. Pero sinasadya man o hindi, muntik nang mapugto ang kanyang hininga.
Nang makaupo ito sa driver’s seat, umayos siya ng upo sa passenger seat at nag-seat belt habang pinapaandar ni Tegan ang kanyang kotse.
Humugot ng isang malalim na hininga si Jan Irish saka tumingin sa labas ng sasakyan.
Shit!
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock