Prologue
Prologue
“CONGRATULATION, man,” bati ni Tegan sa kaibigang si Nykyrel na bukas ay ikakasal na. He deserved all the happiness and love. Marami na itong pinagdaanan.
Ngumiti si Nykyrel. “Thanks. Someday, you’ll meet a woman who will accept you like how my Lechel accepted me.”
Umingos siya ng buong pait. “Matatanggap ako?” Mahina siyang natawa. “You mean, kung matatanggap nila ang mala-halimaw kong pagmumukha? Hmm… Baka inilibing na lang ako, wala pang babaeng ganoon sa mundo.”
Tinapik ng kaibigan ang kanyang likod. “Tegan, nawalan din ako ng pag-asa noon. Akala ko, walang darating. Pero nariyan si Lechel. Mahal ako bilang ako.”
Nagkibit-balikat lang siya. “Lucky you, then.”
“Yes. And you will be.” Huminga itong nang malalim saka siya iniwan sa bar kung saan siya umiinom ng martini.
As he drank himself to oblivion, a woman sat beside him.
“Hey.” The woman had a flirty voice.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi saka humarap sa babae, sinigurong makikita nito ang kabuuan ng kanyang mukha. Hindi na bago kay Tegan ang naging reaksiyon ng babae. Nang makita nito ang mukha niya, mabilis pa sa alas-kuwatro itong umalis.
Mahina siyang natawa at pinaikot ang mga mata. So predictable.
Women had always been wary of his scars. Even the woman who promised to love him no matter what abandoned him when he got the scars. At nasanay na siya sa sakit tuwing tumitingin palayo ang babae sa kanya.
Tanggap na niyang wala nang babaeng magmamahal sa kanya. Tanggap niya pero hindi ibig sabihin ay hindi siya nasasaktan.
Napatigil si Tegan sa pag-iisip nang marinig na tumunog ang kanyang cell phone.
“Yes?” sabi niya nang sagutin ang tawag.
“Sir, alam kong gabi na pero may natanggap akong mensahe,” sabi ng sekretarya niya.
He grumbled, annoyed. “What is it?”
“A journalist wants to talk to you.”
Bumuga siya ng marahas na hininga. “Tell them to fuck off.”
“I did, Sir. Pero mapilit ang isang `to.”
“Wala akong pakialam,” sagot niya sa pagalit na boses at tinapos ang tawag.
Humigpit ang pagkakahawak ni Tegan sa kanyang cell phone. “Fucking reporters!”
Umalis siya sa pagkakaupo sa bar at lumabas ng club. Nasa madilim siyang bahagi ng lugar nang makita ang isang babaeng pababa ng taxi. May nakasabit na camera sa leeg nito at may malapad na ngiti sa mga labi habang nagbabayad ng pamasahe.
“Thank you.” Nginitian ng babae ang taxi driver na para bang matagal nang magkakilala ang dalawa.
“Welcome po, Ma’am,” sagot ng driver.
Tumayo nang tuwid ang babae at nakangiting humarap sa pinto ng club.
“Time to work,” narinig niyang sabi ng babae.
Hindi alam ni Tegan kung bakit bigla niyang binundol ang babae na papasok sa pinto. Nang magkabanggaan sila, nanuot sa ilong niya ang mabangong pabango ng babae.
And to his annoyance, his cock hardened in an instant.
Fuck!
Nilingon niya ang babae na nakabawi na at ngayon ay naglalakad papasok sa pinto ng club. Ni hindi nga ito tumingin sa kanya. Pero wala namang nakakagulat doon. But why was he disappointed? Fuck it!
Ilang segundo pa siyang napatitig sa babae saka napailing-iling. Mandidiri at matatakot ito sa kanya kapag nakita ang kanyang kabuuan. Napabuntong-hininga na lang siya saka umalis ng club.
NAIINIS na maingat na inilapag ni Jan Irish ang camera sa ibabaw ng study table niya. Peste naman! Lahat na lang ng pinuntahan niyang pinupuntahan daw ni Mr. Tegan Galvante ay wala naman doon ang lalaki.
At sabi pa ng nag-tip sa kanya, madali lang daw niyang makikilala si Tegan Galvante dahil sunog daw ang braso nito. Pero sinuyod na niya ang lahat ng sulok ng bar na napuntahan ay wala siyang nakitang lalaki na sunog ang braso.
Shit!
Kailangan niyang ma-interview ang lalaki. Si Tegan Galvante ang bago niyang assignment. Alam niyang walang nagtagumpay na ma-interview ito pero sinisiguro niyang makukuha niya iyon. She will push herself to the limit and do whatever she can to have that effing interview.
Umupo sa gilid ng kama si Jan Irish saka binuklat ang maliit niyang notebook kung saan nakasulat ang mga walang saysay niyang impormasyon kay Tegan Galvante.
Una, ito ang may-ari ng Galvante Enterprise. Pangalawa, pangit daw ang ugali ng lalaki at pangatlo, ayaw nito sa mga katulad niyang journalist. Iyon lang ang alam niya at nakakairita iyon!
Jan Irish was dragged out from her thoughts when a soft meow filled her ears. Bumaba ang tingin niya sa kanyang paa kung saan kinikiskis ng pusa ang mukha nito.
Napangiti siya at umuklo saka binuhat ang pusa niyang si Mittens.
“Kumusta ka na, Mittens?” pagkausap ni Jan Irish sa pusa na para bang sasagot ito.
Mittens meowed.
Hinaplos niya ang puro sugat na mukha ng pusa. Halos hindi na nga makita ang ilong nito at hindi maayos ang porma ng mga mata at bibig. Ang iba ay natatakot sa pusa pero ewan ba niya, nang makita niya si Mittens sa Animal Adoption Center, nagustuhan kaagad niya ang pusa.
When she saw Mittens’ scars, she felt her strength and courage. Mittens had been through enough so she adopted her and cared for her.
Mahal na mahal niya ang alaga at halos mag-aapat na taon na ito sa kanya.
Ewan ba ni Jan Irish sa sarili. Gustong-gusto niya ang mga bagay na ayaw ng iba dahil sa hitsura. She like disfigured things because of their history. At pakiramdam niya ay walang nagmamahal sa mga ito, kaya siya na lang ang gagawa niyon.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang tumunog ang cell phone niya.
“Yes, Jan Irish speaking,” sagot niya sa kabilang linya nang sagutin ang tawag.
“Jan Irish!” Tumili ang kaibigan niyang si Lechel sa kabilang linya. “Ikakasal na ako!”
Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. Hindi na siya nagulat. “Kay Nykyrel Guzmano ka ikakasal, `no?”
“Yes! Oh, my God!” Tumili na naman ito. “I’m so happy Jan Irish.” Para itong naiiyak. “Kasi naman, after a year of pain, he finally told me he loved me and he wanted to marry me. God is good.”
“Masaya ako para sa `yo, friend. Pero hindi lang halata, ha? Problemado kasi ako ngayon, eh.”
“Ano’ng problema mo?” kaagad na tanong ng kaibigan, halata ang pag-aalala sa boses.
Napabuntong-hininga siya. “New assignment. Tegan Galvante.”
“Gosh, Jan Irish, sana sinabi mo. Kaibigan siya ni Nykyrel. I could ask Nykyrel to tell Tegan—”
“No.” Dapat siya ang gumawa ng paraan. She had always been independent. “Ako na ang bahala. Anyways, kailan ang kasal?”
“Sa susunod na buwan,” excited nitong sagot. “At ikaw ang maid of honor ko. Okay?”
Doon siya napangiti. “Congratulation, girl. Masaya ako para sa `yo. I’ll be there. Basta ipadala mo nang maaga ang invitation, ha? Kilala mo naman ako. Kung saan-saan lang nagsususuot.”
“Noted. Bye, Jan Irish. Talk to you soon.”
“Bye,” nakangiti niyang paalam saka tinapos ang tawag.
Huminga siya nang malalim. Ikakasal na ang kaibigan niya at ang groom nito ay kaibigan ni Tegan Galvante. Nandoon kaya ang lalaki? Kung magkaibigan ang dalawa, siguradong pupunta ito roon.
Ang tanong, makikilala ba niya ang lalaki? Makasarili ang Internet, wala siyang makitang magandang larawan ni Mr. Tegan Galvante. At kahit nagkampo siya sa labas ng Galvante Enterprise, hindi niya nakita ang lalaki. Ang alam niya ay may pilat daw ito sa pisngi pero wala naman siyang makitang lalaking ganoon na lumabas sa GE.
Pero sa kasal ni Lechel, makikita niya si Mr. Tegan Galvante. It was her only opportunity to talk to that man. Gagawin niya ang lahat, makausap lang ang lalaki.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock