passion

My Passion

Library
searchsearch

Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

/

Chapter 4

Chapter 3

Apr 9, 2022

Chapter Three

SA BUONG buhay ni Jan Irish, ngayon lang siya napagod nang ganito. Nang matapos siyang maglaba, yumukyok siya sa may upuan saka ipinikit ang mga mata. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Nang magising ang kanyang diwa ay naramdaman niyang para siyang idinuduyan. Siguradong may bumubuhat sa kanya.

Jan Irish peaked over her lashes and her heart instantly hammered inside her chest. Buhat-buhat siya ni Tegan!

Kaagad siyang umaktong tulog. Ayaw niyang malaman nitong gising siya. Pasimple siyang humilig sa matitipuno nitong dibdib. Ah, it felt good. So amazing.

Nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pinto, mayamaya ay naramdaman niyang lumapat ang likod niya sa malambot na bagay. A very soft bed.

Nang maihiga siya ni Tegan ay naramdaman kaagad ni Jan Irish na umalis ito ng silid. Dumilat siya. Tama ang hula niya. Nasa isang kuwarto nga siya. Dark blue yata ang theme ng kuwarto dahil iyon ang kulay ng lahat, kahit ang sahig. It looked manly.

Napabuntong-hininga siya saka nanatiling nakahiga sa kama. Tumitig siya sa kisame at nagmuni-muni kung tama ang kanyang ginagawa. Naging katulong siya para sa interview na kanyang kailangan. Well, wala namang masama sa pagiging katulong. Isa iyong marangal na trabaho na talaga namang nakakapagod. But be a maid to get what she wanted?

Well, okay naman sa kanya ang ideyang iyon. Pero nakakapagod. Sobra.

Mabilis siyang pumikit nang marinig na may pumihit pabukas ng doorknob. Tegan’s familiar scent invaded the room. Sheyt! Magkasama silang dalawa sa iisang kuwarto!

Jan Irish felt the bed dip. Nanigas siya sa kinahihigaan.

“Alam kong gising ka na. Bumangon ka na at kumain,” sabi ng baritonong boses ni Tegan.

Buking na pala siya! Nakakahiya!

Mabilis siyang bumangon saka bumaling sa lalaki. “Pagod ako. Puwede bang matulog muna. Puwede naman siguro `yon, `di ba?”

He looked grim. “Eat first. Gabi na. Baka magutom ka.”

Naglaway si Jan Irish nang makita ang laman ng tray na dala nito. But she shouldn’t. Gabi na pala. Uuwi pa siya sa bahay niya.

Bumuntong-hininga siya. “Sa bahay na lang ako kakain.”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Uuwi ka?”

Tumango siya.

“Oh, okay.” Tumayo ito. “I’m not answering your other question then. Uuwi ka naman pala.”

Umawang ang mga labi ni Jan Irish at namilog ang mga mata. “Uy, anong pinagsasasabi mo riyan? Ang deal natin, magiging maid mo ako at heto na nga! Tapos babawiin mo—”

“Maids stay in. Hindi umuuwi sa mga bahay nila.”

Nagtagis ang mga bagang niya sa inis. “Fine. Hindi na ako uuwi!” singhal niya kay Tegan.

Inilapag nito ang tray sa bedside table saka biglang nahiga sa kama.

“Hey!” Umalma siya kaagad. “Bumangon ka nga!”

“At bakit naman? Nandito ka sa kuwarto ko kaya wala kang karapatan,” sagot nito bago komportableng umayos ng pagkakahiga at pumikit.

Napanganga siya. “A-ano’ng…” Nag-umpisa nang mamula ang kanyang mga pisngi. “B-bakit—T-teka, wala bang ibang kuwarto itong bahay mo?” No way! Hindi siya tatabi rito!

Napabuntong-hiningang dumilat si Tegan saka tumingin sa kanya. “Miss Jan Irish Vallega, walang ibang kuwarto ang bahay ko. Kung nandidiri ka na katabi ako, sa sahig ka mahiga.”

Bumaba ang tingin niya sa braso nitong halos mapalibutan ng pilat dahil sa pagkasunog. Mayamaya ay tumaas ang paningin niya papunta sa mukha ni Tegan na puno rin ng sunog na balat. Good God! What happened to this man? Hindi simpleng pagkasunog ang nangyari sa lalaki.

“Stop staring. I know I’m disgusting,” sabi ni Tegan saka pumikit ulit.

Napailing-iling si Jan Irish. Palagi nitong sinasabing pangit ito at nakakadiri. Truth be told, yes, he was ugly to look at. Pero siya ang uri ng tao na hindi tumitingin sa panlabas na hitsura ng isang tao. Mas importante sa kanya ang ugali at kung ano ang mga pinagdaanan nito.

“Hindi ka naman nakakadiri—”

“Shut up.”

Itinikom niya ang bibig saka napabuntong-hininga. “Hindi ako tatabi sa `yo dahil hindi ako sanay na may katabi, lalo na at lalaki ka.”

Biglang dumilat si Tegan. Makikita ang pagkagulat sa mukha nito. “Y-you never laid with a man?” Halata sa boses ni Tegan na hindi ito makapaniwala. “Not even once?”

Umiling siya habang namumula ang pisngi. “I’m a virgin.”

“Sa ganda mong `yan?”

Lalong namilog ang mga mata niya. “H-hindi ako maganda.”

Umingos ito. “At hindi ako pangit.” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “It’s a fact, maganda ka.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Okay. Sabi mo, eh.”

Bumuntong-hininga si Tegan saka bumangon. Mayamaya ay naglatag ito ng comforter sa sahig, sa tabi ng kama, saka doon nahiga.

That made her heart beat so darn fast.

“Sir Tegan—”

“Kumain ka na, tapos matulog,” sabi nito. “Good night.”

Napakagat-labi siya. “Good night.”

Napatitig si Jan Irish sa space na kinahihigaan kanina ni Tegan. He actually left. May nakakatuwa pala itong ugali. That was so nice of him.

Nilapitan niya ang tray na nasa bedside table saka sinimulang kainin ang laman niyon. Pagkatapos ay nagpunta siya sa banyo at naghanap ng bagong toothbrush. Nakahanap naman siya, nakatago iyon sa cabinet.

Hindi niya kayang hindi maglinis ng katawan bago matulog. Kaya pagkatapos mag-toothbrush ay nag-half-bath siya saka pinakialaman ang closet ni Tegan. Bahala nang magalit ito bukas. Pagkatapos niyang kumuha ng t -shirt at boxer shorts, mabilis niyang isinuot iyon saka bumalik sa malambot na kama.

Tumagilid siya ng higa, paharap kay Tegan na nasa sahig.

Her heart clenched when she saw him shivering. Napansin din niyang wala rin itong unan at kaya nilalamig ay dahil hinihigaan ni Tegan ang dapat na kumot nito.

Kaagad siyang nakaramdam ng guilt. Kasalanan niya ito.

Mabilis siyang bumangon saka dahan-dahang iniangat ang ulo ng lalaki para malagyan ng unan. Siniguro niyang hindi ito magigising, at laking pasasalamat niya nang hindi nga ito nagising.

Jan Irish couldn’t help but stared at his burned skin face. Hindi niya napigilan ang kamay na umangat at haplusin ang mukha nito. His scar felt rough in her hands.

“Ano ba’ng nangyari sa `yo?” tanong niya sa lalaking mahimbing nang natutulog. “This must have been one hell of a torture.”

Bumuntong-hininga si Jan Irish saka tumayo at hininaan ang aircon. Mayamaya ay bumalik na siya sa kama at natulog na rin.

NANG maramdaman ni Tegan na tulog na si Jan Irish ay dumilat siya saka pinakawalan ang kanina pang pinipigilang hininga.

Kaagad siyang napahawak sa kanyang pisngi. She actually touched his face. She touched him!

For goodness’ sake!

Dapat tinabig niya ang kamay nito. That was the sanest thing to do. But her hand felt good on his face. Masarap sa pakiramdam na haplusin ang mukha niya ng isang babae. It had been a long time since he felt a woman’s caress.

Fuck!

Muli niyang ipinikit ang mga mata saka pinilit ang sarili na makatulog. Pero lumipas na lang ang mahabang minuto ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nakakabuwisit na.

Naiinis siyang bumangon saka bumaling kay Jan Irish. Umawang ang kanyang bibig nang makita ang hitsura nito.

It seemed that she raided his closet. Fuck! Mas bagay pa yata sa babae ang T-shirt niya kaysa sa kanya. Mariin siyang pumikit nang maramdamang nabuhay ang kanyang pagkalalaki.

Bumuga siya ng marahas na hangin saka huminga nang malalim. Nope. I’m not going in that direction.

Mabilis siyang lumabas ng kuwarto niya saka nagpunta sa mini-bar. Habang nagsasalin ng alak, sa maraming pagkakataon sa araw na iyon, pumasok na naman sa isip ni Tegan si Stella. That woman and her bitchiness. Nasisiguro niyang ibang lalaki ang kasama nito ngayon.

That bitch!

Sa halip na magsalin ng alak sa baso, sa mismong bote siya uminom at nilunod ang sarili sa alak.

NAGISING si Jan Irish na magaan ang pakiramdam. Nag-inat siya ng mga braso at paa saka bumangon. Kaagad siyang bumaling sa sahig. Napakunot ang noo niya nang makitang wala roon si Tegan.

Hmm. Ang aga namang magising ng lalaking iyon.

Bumuntong-hininga siya saka umalis ng kama. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at hinanap si Tegan—Hmp! Sir Tegan pala!

Nahanap niya ang lalaki di-kalayuan sa kuwarto nito. Tegan was lying on the floor with an empty bottle of rum.

“Oh, God…” Mabilis niyang nilapitan ang lalaki at lumuhod sa tabi nito saka pinatihaya. Nakadapa kasi ito sa sahig nang makita niya. “Tegan— i mean, Sir Tegan…” Niyugyog niya ang balikat nito. “Sir Tegan—Ayy!”

Napahiyaw sa gulat si Jan Irish nang bigla na lang nitong hinawakan ang pupulsuhan niya saka siya hinila padagan sa katawan nito. Sa isang kisap-mata ay nakakubabaw na si Tegan sa kanya.

“T-Tegan—”

“I hate you!” Ang amoy alak nitong hininga ay tumatama sa mukha niya. “I hate you! I hate you!” Puno ng galit ang boses nito habang mahigpit ang hawak sa kanyang pupulsuhan. “I hate you! I hate you!”

Parang may kumurot sa puso niya. His voice was filled with hatred and anger. Ganoon ba ito kagalit sa kanya? Nakakaistorbo ba siya?

Napalunok si Jan Irish. Masakit ang pupulsuhan niya dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak.

“T-Tegan…” Napangiwi siya sa sakit. “B-bitawan mo ako…” Nagpupumiglas siya pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “Tegan! Bitawan mo ako!” sigaw niya nang hindi na niya makaya ang sakit.

“I hate you!” Bumagsak ang katawan ni Tegan sa kanya, ang ulo nito ay nasa kanyang balikat. “I hate you, Stella… i hate you…” bulong nito bago nawalan ng malay.

Stella? Kumunot ang noo niya. Sino naman kaya ang babaeng iyon. Ang akala niya ay sa kanya galit ang lalaki. Iba ang galit at sakit na nakapaloob sa bawat ‘ i hate you’ na binibitawan nito. It pierced her heart and it bled heavily.

Ano ba talaga ang nangyari kay Tegan? Hindi niya magawang magalit sa lalaki kahit pa nga nananakit na ang kanyang pupulsuhan.

Itinulak niya si Tegan paalis sa pagkakadagan sa kanya saka mabilis na tumayo. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka bumaba ang tingin sa lalaki. Tulog pa rin ito na parang walang nangyari.

Huminga siya nang malalim bago iniwan si Tegan para hanapin ang medyo may katandaan na nitong katulong. Nahanap niya ang matandang lalaki sa hardin.

“Ahm, Kuya, puwede pong patulong?”

Kaagad na bumaling sa kanya ang matandang lalaki. “Ano po `yan, Miss Jan Irish?”

“Ahm, si Sir Tegan ho kasi, nasa sahig malapit sa mini-bar. Puwede n’yo po ba akong tulungang ilipat siya sa kuwarto. Mukhang lasing, eh.”

Magiliw itong ngumiti sa kanya. “Sige ho, Miss Jan Irish.”

Magkasama nilang binalikan si Tegan saka nagtulong para mailipat ito sa kuwarto at maihiga sa kama.

“Manong — este, Kuya, puwede bang pasuyo ng isang palangganitang malamig na tubig?”

“Kukuha na ako.” Mabilis itong lumabas ng kuwarto.

Pinakialaman na naman ni Jan Irish ang closet ni Tegan saka kumuha roon ng isang face towel. Nang bumalik siya sa tabi ng lalaki ay tamang-tama naman na bumalik na ang matandang lalaking katulong dala ang isang palangganitang malamig na tubig.

“Ilagay n’yo ho sa bedside table,” sabi niya habang hinahawi ang buhok ni Tegan na tumatabing sa mukha nito.

Nang mailagay ng matandang lalaki ang palangganita ay kaagad niyang sinimulang punasan ang kamay, braso at leeg ni Tegan. Pagkatapos ay ipinasok niya ang kamay sa loob ng suot nitong t -shirt saka sinimulan iyong punasan.

Wala sa sariling napatingin siya sa matandang lalaki. Nagtaka siya nang makitang malamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa ginagawa niya.

“Bakit ho?” magalang niyang tanong.

Ngumiti ito. “Natutuwa lang ako na may nag-aalaga kay Sir Tegan.”

Tumaas ang isang kilay niya. Sa mga pagkakataong iyon, kailangan niyang gamitin ang pagiging hokage niya pagdating sa pagkalap ng tsismis. “Ahm, bakit ho, Manong? Hindi ba siya inaalagaan ni Stella?”

Kinagat ni Jan Irish ang ibabang labi habang nagdarasal na sana ay hindi mahalata ng matandang lalaki na hindi naman niya talaga kilala kung sino ang Stella na binanggit ni Tegan.

Nawala ang ngiti sa mga labi ng matandang lalaki at nagdilim ang mukha. “Si Sir Tegan ang nag-aalaga kay Ma’am Stella. Palaging sunod ang luho ng babaeng `yon kaya nagulat ako nang iwan niya si Sir nang mangyari ang sunog. Tama nga ang akala ko noon na hindi si Sir ang mahal ni Ma’am Stella.” Napailing-iling ito. “Kaya natutuwa akong makitang may nag-aalaga na kay Sir ngayon.” Ngumiti ang matandang lalaki sa kanya. “Sige, Miss Jan Irish, magluluto pa ako ng agahan.”

Tumango siya saka ibinalik ang atensiyon kay Tegan na tulog pa rin.

So, si Stella ay isang mahalagang parte sa buhay ng lalaki. Ano ba ni Tegan si Stella?

Napabuntong-hininga siya saka ipinagpatuloy ang pagpunas sa katawan nito.

Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

0 Chapters

close

Settings

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en
book

22

Contents

settings