“HI guys! Finally!” masiglang bati ni Kiko sa halos sabay-sabay na dumating na barkadang sina Vernon, JC, Joel at Mon kasama ang mga girlfriend at ilang kaibigan.
Nakangiti ring inilibot ni Phoebe ang mga tingin sa bagong dating na mga bisita. Sa bahay kasi ng nobyo ang meeting place nila dahil ang van nito ang gagamitin nila sa pagba-byahe. Wala rin ang mga magulang nito kaya naglakas loob siyang pumunta doon. Hindi niya alam kung napa-praning na naman siya nang mapansin ang simpleng pagtingin ni Kiko sa maputing tsinita na kung hindi siya nagkakamali ay girlfriend ni Vernon na kilala na niya sa facebook ang mukha. Alam niya kasing mahilig tuimigin si Kiko sa mga simpleng pero magandang babae. ‘Yung wala halos arte ang mukha.
“So I think it’s better kung magpapakilala muna tayo sa isa’t-isa. My girlfriend is really not good in names kasi eh,” suhestyon ni Vernon. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago ng hitsura ni Kiko mula sa halos apat na taong hindi pagkikita-kita.
“Babe!” saway naman ni Janine sa boyfriend.
Nagtawanan sila saglit bago isa-isang nagpakilala.
“So, can we go now?” nakangiting anyaya ni Joel ng matapos ang pagpapakilala ng lahat.
“Oo nga mga pare. Medyo gutom na ako eh. Pwede namang kumain sa byahe ‘no?” tanong ni Juggy.
“P*tsa pare, hanggang dito, pagkain pa rin?!” natatawang puna ni Tims.
Hindi na rin maiwasan ni Phoebe na matawa sa inaasal ng medyo matabang lalaki at may kaitiman ang kulay. Ito ang nag-iisang lalaki na kasama sa bakasyon pero hindi kabilang sa Perwisyo Boys.
“Wait, pwedeng mag-C.R. muna? Para kasing gusto kong maligo ng alcohol ngayon – Aw!” maarteng sigaw ni Madz nang sikuhin ng katabing si Emma.
“Ang ibig sabihin niyang sabihin gusto muna sana namin mag-retouch,” ani Emma na may sarkastikong ngiti sa mga labi.
“Diretso lang kayo d’yan then kaliwa, nando’n ang omfort room,” turo ni Phoebe.
“Phibs, samahan mo na kaya sila?” utos ni Kiko.
“No need! No need!” malakas na tutol ni Madz. “Claud, ikaw na munang bahala sa mga gamit ko ah. Tara na Emma.”
Napataas ang isang kilay ni Phoebe sa inasal ng maarteng mga kasama. Ramdam niya ang pandidiri ng mga ito sa kanya na sobrang nagpapakulo ng dugo niya. Gusto na niya kaagad sugurin ang mga iyon at bigyan ng mag-asawang sampal at sabunot ngunit pinigilan niya ang sarili.
“Ahmm, Phoebe pwede bang makiinom ng tubig? Kanina pa kasi ako nauuhaw,” tanong nang lumapit na si Gabby.
“Sure, tara samahan na kita,” nakagiting tugon niya. Maputi si Gabby at may bilugan na mga mata. Mukhang mabait at makakasundo niya kahit paano.
“Pwedeng sumama? Gusto ko ring makiinom eh,” ani Janine.
“Ako rin!” segunda pa ni Rency.
Napalingon siya sa dalawang nagsalita. Simple lang si Janine pero malakas ang dating, mestisang tsinita kasi siguro. Si Rency naman ay morena na bilugan ang mga mata at dahil may braces ang mga ngipin ay medyo maarte magsalita pero ramdam niyang hindi ito kagaya ng dalawang maldita na sina Madz at Emma. “Sure, tara. Ikaw Claud, gusto mo rin ba munang uminom ng tubig bago tayo magbyahe?” alok niya kay Claud. Kahit kasa-kasama ito nina Emma at Madz ay magaan ang pakiramdam niya dito. Tahimik lang kasi ito na parang sunud-sunuran lang sa dalawang maldita.
“Sige lang, may baon naman kaming mineral water if ever na mauhaw ako sa byahe. Mag-aayos pa rin kasi ako ng mga gamit,” simpleng sagot ni Claud.
Ngumiti na rin si Phoebe bilang tugon bago nagpaunang pumasok at dumiretso sa kusina ng malaking bahay. Siya na rin ang kumuha ng pitsel ng tubig mula sa refrigerator at mga baso mula sa lalagyan para sa mga kasama. Magaan ang loob niya sa mga ito na pakiramdam niya ay makakasundo niya sa maikling bakasyon nila.
“I can’t imagine pa rin hanggang ngayon na makakasama natin siya!”
Napalingon silang apat sa may pinto ng kusina kung saan nanggagaling ang boses ni Emma. Madadaanan kasi ng mga ito ang kusina bago makalabas ng bahay.
“True! Pakiradam ko tuloy gusto kong maligo ng alcohol time to time!” maarteng boses naman ni Madz.
“Nakakadiri talaga! Ang dami na siguro no’n germs sa katawan!”
“Baka nga hindi lang germs ang meron ‘yun. Who knows na baka may aids na rin ‘yun dahil kung kani-kanino nagpapa-kama.”
“H’wag lang talaga siya ang makatabi-tabi ko sa van kung hindi magba-back out na talaga ako!”
“Ewwww talaga!”
Hindi na napigilan ni Phoebe ang sarili dahil alam niyang siya ang pinag-uusapan nina Madz at Emma.
“Phoebe…”
Napatingin siya sa kamay na humawak sa braso niya bago itinaas sa mukha ng nagmamay-ari niyon. Si Janine na kasabay nina Rency at Gabby ay umiiling na tila sinasabing h’wag nang patulan ang ka-cheap-an ng dalawa.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago uminom ng tubig sa basong hawak. ‘May araw rin kayo…’
***
“WELCOME to Sarao’s White Paradise!” nakangiting sabi ni Kiko nang makababa ang lahat mula sa sinasakyang van. Napatingin pa siya sa kulay itim na pick-up na nakaparada hindi kalayuan sa kanila.
“W-wow…” Hindi maiwasan ni Phoebe ang mamangha sa nakikitang pagmamay-ari ng nobyo. Isang malaking mansion na may tatlong palapag yata, nakaharap sa asul na dagat at puting buhangin. Sulit na sulit ang halos pitong oras na pagba-byahe nila.
“Magandang gabi po…”
Saglit na tumingin si Phoebe sa kulay pink na suot na relong G-Shock na regalo ni Kiko noong monthsarry nila. Gabi na nga para sa ala-seis na oras. Ibinaling niya ang tingin sa matandang bumati na tantiya niya ay nasa sixty years old na. “Magandang gabi rin po.”
“Magandang gabi rin po, mang Potpot.”
“Nakarating ka na dito, babe?” takang tanong ni Janine sa boyfriend.
“Yep, medyo matagal na,” si Kiko ang sumagot. “Mang Potpot, kanino ‘yung pick up na ‘yun?”
“Ah eh, sa pamangkin ko po na taga-bayan. Pero paalis na po sila, sir. Nakilangoy lang po sa dagat.”
“Good. Ayoko ng istorbo sa bakasyon ng Perwisyo Boys.”
“Opo sir, nagliligpit na ho sila ng mga gamit nila.”
“Kailan kayo last nagpunta dio, Cis? Last year?” singit ni Phoebe.
“Nope, last leap year.”
“Kasama ka rin papa Bear?” tanong ni Madz sa sumagot na nobyo. “Juggy, h’wag ka nga dumikit sa akin! Ang sebo nang kinakain mo eh. Eeewww!”
“H’wag ka na mahiya Madz oh,” alok pa ni Juggy sa katabi habang kumakain patuloy sa pagkain ng chicharon.
Nandidilat naming muling si Madz na parang diring-diri ang hitsura.
“Kumpleto kaming Perwisyo Boys four years ago dito,” nakangiting tugon ulit ni Kiko sa huling tanong ni Madz.
“Ang tagal ninyo na dito ah. More than ten years?” takang tanong pa ni Joel.
“Eleven years and still counting. So guys meet mang Potpot, siya na ang namamahala dito sa resort ko matagal na. Anyway, we have total of twelve rooms sa mansion, eight rooms sa second floor at four rooms sa third floor, may mga bathroom na rin sa loob. ‘Yung studio room kung gusto ninyo tumugtog or mag-jamming nasa third floor pati na rin ang mini gym ko. May sauna room nga rin pala sa first floor na ipinahanda ko na rin para magamit ninyo. And then ‘yung main kitchen and dining nasa first floor. The biggest bathroom nasa first floor rin. Ano pa ba? ‘Yung room pala soundproof so pwede kayong gumawa ng kahit na anong ingay,” dugtong pa ni Kiko na may nakakalokong ngiti sa mga labi. “So its up to you guys kung gusto ninyong mag-solo ng kwarto or what. Basta ako, kasama o ang Phibs ko.” Umakbay si Kiko sa katabing nobya kasunod ang paghalik sa mga labi nito. Ilang saglit iyong nagtagal bago kumalas at muling humarap sa mga kasama na tila mga naghihintay ng anunsyo mula sa kanya. “Kunin ninyo na lang ang susi kay mang Potpot. Una na kami ng Phibs at baka mag-live show pa kami dito sa harap ninyo.”
“Loko!” natatawang bahagyang binatukan ni Phibs si Kiko.
“Just kidding. Dinner will be served before eight o’clock so see you guys!” paalam ni Kiko na kinuha na ang susi mula sa matanda at kasabay ang nobya na naglakad papasok ng mansion.
“Gusto mo bang mag-share na lang tayo ng room?” tanong ni Janine kay Rency.
“Ano ka ba, Janine! H’wag ka ngang K.J.! Magso-solo room ako ‘no para ma-feel ko na sosyal ang bakasyo na ‘to. Kayo ni papa Ver ang mag-share ng room. Baka gapangin ko pa ‘yan sige ka!”
“Tse!” natatawang singhal ni Janine sa katabi.
“Oh Vernon, ikaw nang bahala kay Janine. Be gentle!”
“Rency!” saway ni Janine.
“I’m always gentle, Rency… Alam ‘yun ni Janine.”
“Babe isa ka pa!”
“Gusto mo share na lang tayo ng room?” nakangiting alok ni Juggy kay Rency habang patuloy sa pagkain nang hawak na malaking supot ng chicharon.
“No thanks,” tugon ni Rency na iniikot pa ang mga mata.
“Heto na ang susi ninyo,” ani mang Potpot na may hawak ng napakaraming susi.
“Sa akin ‘yung kwarto na may malaking personal refrigerator at maraming pagkain,” request ni Juggy.
“Buti natatandaan ninyo pa kung alin ang susi na para sa mga kwarto,” namamangha na sabi ni Claud nang maabot ang susi na para sa kwarto nila ni Tims.
Nagsimula nang maglakad ang lahat patungo sa malaking mansion.
“Rency tara na,” anyaya ni Gabby sa babaeng nasa likuran niya habang hinahanap ang cellphone sa loob ng bag. Nakatulog kasi siya sa byahe at hindi pa natetext ang papa at mga kuya niya na siguradong naghihintay ng text o tawag mula sa kanya.
“Hey, I’m here na,” natatawang tugon ni Rency na nauna na pala sa pagkuha ng susi kay mang Potpot.
Napakunot noong napatingin si Gabby kina Rency na katabi sina Janine at Vernon na nauna na sa kanila ni Mon. Napahinto pa ang mga ito dahil sa pagtawag na ginawa niya kay Rency. Nakita niyang nauna na rin ang barkada ng maaarte kasama ang kanya-kanyang nobyo at s Juggy. Kung ganoon sino ang babaeng nasa likuran niya? Bumilis bigla ang tibok ng puso niya habang tila nag-slow motion ang lahat nang napapalunok siyang lumingon sa babaeng nakatayo sa may likuran niya. Kasabay nang tuluyan niyang paglingon ay ang pagyakap ng malamig na hangin sa katawan niya. Wala na doon ang sinumang nakita niyang nakatayo kanina lang. Nararamdaman na naman niya ang kakaibang takot. Namamalikmata na naman siya ng pamilyar na babaeng may mahabang buhok na nakasuot ng matingkad na pulang bestida.
“Sweety are you okey?” tanong ni Mon.
“H-ha? O-oo, tara na…”
***
“ANG laki pala talaga ng mansion na ‘to. Tapos ang ganda pa ng white beach sa labas,” namamangha pa rin na sabi ni Phoebe nang makapasok sila sa loob ng kwarto ni Kiko. “Pati ‘tong kwarto, ang laki!”
“Sabi ko naman sa iyo eh, wala akong hindi kayang bilhin,” mayabang na sabi ni Kiko bago ibinagsak ang katawan sa malaki at malambot na kama.
Naglakad naman si Phoebe sa may terrace kung saan kitang-kita niya ang maliwanag na buwan na lalong nagpapaganda sa dagat. “Ang ganda talaga…”
“Mas maganda ka pa rin sa resort ko, Phibs.”
Naramdaman niya ang mga labi at nakakakiliting bigote ng nobyo sa may leeg niya kasunod ang mahigpit na yakap nito mula sa likuran.
“Cis…” ungol niya nang pumunta na si Kiko sa harapan niya at patuloy pa rin sa paghalik na ginagawa sa may leeg niya. Pataas na ang mga labi nito kasunod ang bahagyang pagkagat-kagat sa may tainga niya na nagdulot ng matinding kiliti sa kanya na dahilan upang mapapikit siya.
Nagsimula namang mamasyal ang mga kamay ni Kiko sa katawan ng nobya. Dinadama ang dibdib ng dalaga kasunod ang paglalaro ng tuktok niyon.
“Hmmm… Cis,” muling ungkol niya ng dumako ang isang kamay nito sa may baywang niya. Idinidiin ng binata ang puwitan niya sa harapan nito kung saan ramdam niya ang nakabukol na nitong pagkalalaki. Bahagya niyang idinilat ang mga mata na nakatingin sa may tabi ng dagat. Tila nabuhusan ng napakalamig na tubig ang katawan niyang nagsisimula pa lamang mag-init nang makita ang babaeng nakatayo at bahagyang nakakubli sa katawan ng puno ng niyog. Medyo malayo na iyon mula sa kanila at may kadiliman sa parte ng kinatatayuan ng puno kaya hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit kita niya ng malinaw ang matingkad na kulay pulang bestida nito. Matingkad na pula iyon na tila ibinabad nang matagal sa malapot na dugo. Ramdam niyang nasa kanila ang tingin ng mga mata ng babae.
“C-cis…”
“Hmmm…” ani Kiko na patuloy sa paghalik na ginagawa.
“C-cis… M-may tao…” Hindi niya alam kung bakit nagsisimulang lukubin ng takot ang katawan niya lao na sa hindi pagkilos ng babae doon na tila naaaliw na panuorin sila.
“Hayaan mo lang rin sila mag-make out…”
“H-hindi Cis, mag-isa lang siya… Mag-isang b-babae,” nauutal na sabi pa niya at bahagya ng itinutulak ang nobyo.
“Hayaan mo nga lang…”
“C-cis ang weird kasi… Francis, teka… Teka lang…” tuluyan na niyang naitulak si Kiko ng maramdaman ang kamay nitong pumasok na sa loob ng blouse na suot niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing may kumikislap mula sa may punong pinagkukublihan ng babae.
“Ano ba kasing problema Phoebe?! Nakakabasag trip ka naman eh!”
Sinalubong na niya ang inis na mukha ng binata. “M-may babae kasi, Cis. Kanina pa nanunuod sa atin…”
“Oh eh ano naman kung may babae?! Mamaya lang maghahanap rin ‘yun ng ka-s*x niya.”
“Ang weird niya kasi eh. Kasi… Kasi may hawak siyang ano…”
“Ano!?”
“B-bolo…” napapalunok na sabi niya.
“B-bolo?” ulit ni Kiko. Bumakas sa mukha nito ang biglang pag-aalala at takot. “N-nasaan?” tumingin na rin ito sa baba kung nasaan ang mga tingin ng nobya.
Muli niyang ibinalik ang mga tingin kung saan nakatayo ang babae kanina. “N-nasaan na siya? N-nad’yan lang siya kanina… D-doon oh sa may puno ng niyog.”
“Ewan ko sa iyo Phoebe! Naka-drugs ka yata eh!” inis na sabi muli ni Kiko bago padabog na pumasok sa loob ng kwarto.
Inilibot niya ang paningin sa madalim na paligid sa baba kung saan tanging bilog na buwan lang ang nagbibigay ng liwanag. Wala sa loob ng napayakap siya sa sarili. May kakaibang boses na humahalo sa mga kuliglig na naririnig niya. Mahinang mga bulong na nagpapatayo ng mga balahibo niya sa katawan.
‘Mamatay kayong lahat…’







