29th of February - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

“OHHH… Sige pa… Sige pa Cis…”

“Do you love this, Phibs?”

“Yes! Yes! Please don’t stop…Ahhh…”

“Masarap ba? Sabihin mong masarap Phibs…”

“Masarap… Cis…”

“Laksan mo Phibs… I can’t hear you…”

“Masarap Cis… Ahhh… Sh*t… Hindi ko na kaya… H-hindi ko na kayang pigilan…”

“Go… Ahhh… Sasabayan kita…”

“Ahhhh… I love you, baby… I love you, Francis…” hinihingal na sabi ni Phoebe Lacsamana nang marating ang rurok ng langit ng kasarapan kasabay ng nakapaibabaw na nobyong si Mark Francis “Kiko” Sarao.

“I love you too,” tugon ni Kiko at hinalikan sa noo si Phoebe. Isinandal ni Kiko ang likod sa headboard ng malaking kama at inabot ang sigarilyong nasa ibabaw ng katabing maliit na drawer na kaagad niyang sinindihan.

Yumakap naman si Phoebe sa hubad pang katawan ni Kiko.

“Nakapag-impake ka na ba ng gamit mo, Phibs?” tanong ni Kiko

“Yap. Pati gamit mo, naimpake ko na,” nakangiting sagot ni Phoebe.

Gumuhit ang kalahating ngiti sa mga labi ni Kiko na mannerism na nito halos.

“Hindi mo naman kailangan ng maraming gamit ‘di ba? Kasi for sure marami ka ng damit du’n kaya konti na lang inimpake kong gamit sa iyo,” muling sabi niya. Tatlong taon na silang magkarelasyon ni Kiko at noong nakaraang taon lang siya pumayag na tumira sa condo nito. Gusto na rin kasi niyang makasigurado na hindi na ito nambababae ulit. Pero kung tutuusin ay maswerte na siya para magustuhan ng isang Mark Francis Sarao. Napakalayo kasi nila sa isa’t isa pagdating sa estado ng buhay. Langit at lupa sabi nga ng iba. Mabuti na lang at namana niya ang maputi at makinis na balat ng Australiano niyang tatay na hindi na niya nakilala. Idagdag pa ang namana na maamong mukha ng nanay niya. Kaya kapag nagsusuot siya ng mga mamahaling damit at alahas ay nagmumukha silang bagay ni Kiko sa isa’t isa. H’wag nga lang sa gabi kapag nasa trabaho siya at may kung anu-anong kolorete ang nasa mukha niya.

May limang taon na siyang nagtatrabaho bilang isang bayarang babae sa Black Unicorn Club, isa sa pinaka sikat na club para sa mga bayarang babae. Hindi naman niya talaga ginustong magtrabaho bilang isang ‘p*ta.’ Nagkataon lang na wala na siyang pagpipilian lalo na noong na-stroke ang nanay niya, manganganak ang ate niya na iniwanan ng asawa nito, at nagka-dengue ang isa sa pitong kapatid niya. At bilang pangalawa sa panganay ay nagawa niyang ibenta ang sarili para mabuhay ang pamilya. Ang sabi niya noon ay isang beses niya lang iyon gagawin. Pero ang isang beses ay nasundan ng pangalawa, ng pangatlo, ng pang-apat hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa pag-aaral at siya na ang bumuhay sa buong pamilya niya sa trabaho na alam niya.

Isa si Kiko sa mga regular niyang customer. Kagaya ng mga manyak at matatanda niyang customer ay nagsimula ito sa patable-table sa kanya. Pabigay-bigay ng regalo hanggang sa mailabas na siya nito isang gabi. Pero iba si Kiko, hindi ito kagaya ng mga naging customer niya. Dinala siya nito sa condo pero walang nangyari sa kanila ng unang gabi na magkasama sila. Ang sabi ni Kiko gusto lang raw nito ng kasama at kausap. Gusto lang raw nito ng kayakap sa gabi. Gusto lang raw nito makaramdam ng totoong pagmamahal. Ng gabing iyon rin niya natagpuan ang sariling nahuhulog na ang loob kay Kiko. At dahil mahal niya ang binata ay kahit kailan hindi niya ito pinerahan hindi kagaya ng ginagawa niya sa ibang customer sa club para buhayin ang pamilya niya. Hindi lang miminsan na inalok siya ni Kiko na magsama na sila at buhayin nito ang pamilya niya pero hindi siya pumayag. Mas gusto kasi niyang galing sa sariling pagsisikap niya ang perang ibinibuhay sa sariling pamilya.

Hindi niya rin naman nais na habang buhay na maging bayarang babae. Gusto lang niya na kahit paano ay makaipon ng kaunti at kahit ang tatlo man lang sa pitong mga kapatid ay mapagtapos niya. Siguro naman ay sapat na iyon upang simulan niyang sarili naman ang pag-aralin kapag nangyari iyon. Para na rin makahanap siya ng maayos na trabaho at upang kahit paano ay matanggap siya ng mga magulang ni Kiko na hindi pa man niya nakikilala ng personal ay alam niyang kinasusuklaman na siya. Unico ijo kasi si Kiko, mahusay na abogado ang daddy nito at businesswoman naman ang mommy nito. Noong nakaraan lang ay nabasa niya ang mga text messages ng mommy ni Kiko tungkol sa kanya. Mga masasakit na salitang dati pa ay tanggap na niya. Hindi na rin kasi lingid sa kaalaman ng mga ito na nagsasama na silang dalawa. Ganoon pa man ay hindi siya nagpatinag lalo na ng mga makita ang mga sagot ni Kiko na mabait siyang tao at mahal siya nito.

Hindi man perperktong nobyo si Kiko at suwail na anak sa mga magulang ay alam niyang maswerte na siya sa bianta dahil ramdam niyang mahal siya nito. Kahit madalas ay naririnig lang niya ang salitang ‘I love you’ kapag tapos na sila magsiping, naniniwala siyang mahal siya ng binata.

“Kumpleto ba sila?” si Phoebe naman ang nagtanong.

“Sino? Ang barkada ko? Oo, kumpleto kaming darating. Hindi pwedeng hindi.”

“No, I mean pati ‘yung mga girlfriends nila. Lahat ng mga iyon darating?” muling tanong niya na nagsimulang maglaro ang hintuturo sa mabalahibong sa dibdib ng binata.

“I think so, kasi halos lahat naman nag-confirm. Balita ko nga may bitbit pa na ibang barkada.”

“Hmmm, I see.Mukhang madami sila…”

“Why?” ani Kiko na pinatay na ang sigarilyo sa katabing ashtray bago nakangiting hinawakan ang baba niya at bahagyang itinaas ang mukha niya kung saan nagtama ang mga tingin nila. “Kinakabahan ka ba?”

“Ako?” tumaas ang isang kilay niya bago ngumiti. “Ako pa ba ang dapat na kabahan sa kanila? At may dapat ba akong ika-kaba?”

“That’s my girl!” nakangiting sabi ni Kiko at hinagkan sa labi ang dalaga.

Ilang saglit niyang muling pinaubaya ang mga labi sa nobyo bago kumalas at tumuloy na ring sumandal sa headboard ng kama. Muling pumasok sa isip niya ang mga taong makakasama sa darating na bakasyon sa private beach resort na pag-aari ng nobyo niya. Sa dalawang babae na sina Janine at Gabby, mukha naman wala siyang magiging problema. Pero sina Emma, Madeleine at mga kasama nito ay hindi siya sigurado. Hindi pa man niya nakakasama ang mga ito ay alam na niya ang tinatakbo ng mga bituka nito. Yabang dito yabang doon. Pasosyal dito, pasosyal doon.

Napapitlag siya sa biglang pagtahol ng malakas ni Bruno. Ang siberian husky na alagang aso ni Kiko na nasa may terrace nakatali.

“Anong problema ni Bruno!? Ang aga mag-ingay!” inis na sabi ni Kiko.

Napalingon siya sa katabing nobyo na hindi napansing kanina pa pala nagsimulang humithit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi na niya ito pinipigilan o pinapagalitan sa ginagawang iyon dahil alam niyang mag-aaway lang silang dalawa sa huli pero hindi siya gumagamit noon. Mabuti na lang at hindi na rin siya pinipilit ni Kiko na gumamit dahil minsan na silang nagkasakitan dahil sa kakapilit sa kanya ng binata.

“Malilintikan sa akin ‘yang aso na ‘yan!”

“Ako nang bahala,” aniya na akmang tatayo na si Kiko upang puntahan si Bruno. Batid niyang umeepekto na kaagad ang drugs sa pag-iisp nito. Mahalaga naman kay Kiko ang alagang aso pero kapag ganitong bangag na ito ay iba na ang nagiging tingin nito kay Bruno, parang askal na halos kulang na lang ay patayin sa bugbog.

Tumayo na siya at tumungo sa terrace. “Bruno, bakit? Nagugutom ka na ba? ‘Di ba kakakain mo lang?” malambing na tanong niya nang makalapit sa aso. Sinimulan niyang himasin ang malaking katawan niyon na nagpatigil saglit sa malakas na pagtahol na ginagawa. Ilang saglit lang ay muli itong tumayo at pati na rin ang magkabilang tainga. Hindi niya alam kung bakit kasabay ng malakas na pagtahol ni Bruno sa may likuran niya ay ang pagtayo ng mga balahibo sa may batok niya. Malapit na ang summer pero malamig na hangin pa rin ang nararamdaman niyang yumayakap sa katawan niya.

Napapalunok siyang dahan-dahang lumingon at halos matumba sa pagkakaupong ginawa dahil sa nakita. Isang babaeng nakatayo patalikod sa kanya. Nakasuot ito ng mahabang pula na bestida at may makapal na mahabang buhok.

Mabilis siyang tumayo at muling bumalik sa kwarto.

“Walang hiya ka! Sinasabi ko na nga ba at may babae ka na naman!” nagwawalang sigaw ni Phoebe kasabay ang paghahampas ng malakas sa may dibdib ni Kiko.

“Teka! Teka! Ano bang sinasabi mo!?”

“Ilang beses ka bang magsisinungaling sa akin! Ilang beses mo ba akong lolokohin?! Akala ko ba sapat na ako sa iyo kaya mo ako sinama dito?! Pero bakit kailangan mo pang magsama ng isa pang babae dito mismo sa condo?!” sunud-sunod na sabi pa niya.

“Tumigil ka nga!” malakas na itinulak ni Kiko si Phoebe na kaagad na tumumba sa kama. “Hindi kita maintindihan! Ano bang sinasabi mo?!”

“May babae ka na naman! At dinala mo pa talaga dito sa condo kahit nandito ako!”

“Babae?!” kuno’t noo at inis na tanong ni Kiko.

“Bakit hindi mo puntahan sa terrace?! Nando’n, tinatahulan ng aso mo!” sigaw niya habang humahagulhol. Isa lang ang pinakaayaw niya sa ginagawa ni Kiko, ang pambababae. Lalo kasi siyang nakakaramdam nang panliliit sa sarili kapag alam niyang tumitikim ito ng ibang katawan.

Naiinis naman lalo na lumabas ng kwarto si Kiko upang kumpirmahin ang sinasabi ng nobya.

At kahit galit na galit at humahagulhol ay sumunod na rin si Phoebe kay Kiko na tumungo sa terrace. Gusto na rin niyang komprontahin ang babaeng nakita.

“Naka-drugs ka ba?! Wala namang tao huh!” galit na sabi ni Kiko.

Inilibot niya ang paningin sa buong terrace at tanging si Bruno lang na nakaupo at nakalawit ang dila ang nakita niya.

“Ikaw kasing p*ta ka eh!” malakas na sinipa ni Kiko ang aso na dahilan upang umiyak iyon ng malakas dahil sa sakit. “Tabi nga!” malakas rin nitong itinulak ang nadaanang nobya nang maglakad pabalik ng kwarto.

Muli niyang inilibot ang tingin sa buong paligid lalo at napahinto ang tingin sa may terrace. Kung kanina lang ay nanginginig siya sa galit ngayon ay nagsisimula ng balutin ng takot ang katawan niya. Hind siya maaaring magkamali, sigurado siyang may nakita siyang babae. Isang nakapula na babae na iba ang dalang lamig at takot sa buong katawan niya…

***

“HINDi ko talaga feel sumama sa outing na ito,” kuno’t noong sabi ni Madeleine “Madz” Seva kasunod ang pagkagat sa malaking burger na hawak. Nasa isang restaurant siya kasama ang ilang kaibigan at nag-aalmusal.

“Dahil boring?” tanong ni Claudia “Claud” Ortillo.

“I know the reason, dahil kahit ako ayoko rin talaga sumama kung pwede lang,” singit ni Emma Kathleen Oleo. “Dahil sa mga cheap na girls ‘no!”

“Absolutely right!” maarteng tugon ni Madz. “Lalo na ‘yung prostitute na girlfriend ni Kiko. Nakakadiring kasama!”

“Mukha naman siyang cool ah,” sabi ni Fatima “Tims” Deguzman, ang pinsan ni Madz at butch lesbian na girlfriend ni Claudia.

Magkakasamang nagtapos sa isang sikat na university sina Madz, Emma at Tims. Kaya nang yayain ni Madz si Tims sa reunion ng boyfriend nila ay sinama nito si Claud. Hindi man close ni Claud ang mga makakasama ay nagpasya siyang sumama dahil hindi pa siya nakakarating sa isang private beach resort na balita niyang pagmamay-ari ng isa sa mga barkada ng boyfriend ni Madz.

“Hi girls! Anong pinag-uusapan ninyo?” tanong ni Joel Vendiola, ang boyfriend ni Emma.

Kasunod na dumating ni Joel si John Carlo “JC” Barrera ang boyfriend naman ni Madz. Saglit na tumingin ni JC kay Claud na katabi ni Madz. Hindi naman siya nabigo na saglit ng magsalubong ang mga tingin nila na kaagad nitong binawi.

“Eh ‘di ‘yung mga nakakadiring girlfriend ng mga kaibigan ninyo!” Emma rolled her eyes.

“Girl ano ka ba! You’re so mean, hindi naman sila masyadong nakakdiri ‘no. ‘Yung isa lang talaga ‘yung nakakadiri sa kanila,” ani ni Madz na muling kumagat ng malaki sa nangangalahati ng burger.

“Nakakadiring girlfriend nino?” tanong nang bago ring dating na si John Paolo “Juggy” Medrano. Kaagad itong naglabas ng panyo na ipinunas sa pawisang noo. Pinsan ito ni Emma na kaya Juggy ang palayaw dahil hawig na hawig ito ni Jugs ng bandang Itchyworms.

“Ha? Sino do’n?” tanong ni JC.

“The prostitute girl raw,” si Calud ang sumagot na kumuha ng frenchfries sa kaharap na platito.

“Ah, si Pheoebe. Penge ah!” paalam ni Jc at kumuha ng chicken nuggets sa kaharap na plato ni Emma. “Guys, wala rin naman kayong ibang choice kasi nakapag-confirm na ako kay Kiko na kumpleto tayo.”

“Unless gusto ninyong maging boring ang pagtatapos ng February ninyo,” singit ni Tims. Hindi siya kasama sa barkada nina JC na magrereunion pero dahil girlfriend nito ang pinsan niyang si Madz ay madalas na siyang nakakasama sa mga gimikan ng mga ito.

“Mukhang okey naman siya though hindi ko pa siya nakikita ng personal. I mean Phoebe, and you know what, nakita ko ang mga instapics niya. Hanep ang katawan mga pare!” sabi ni Joel sabay pabirong kumindat kay JC at Tims. “Oh mga pare, alam ninyo na!”

“Hoy! Ang manyakis mo ah! Idadamay mo pa ang papa bear ko!” saway ni Madz. Papa bear at mama bear ang tawagan nila sa isa’t-isa ng nobyo dahil pareho sila ng pangangatawan na sabi nga ng marami ay huggable. “Kahit ganito ako kalaki, at least confident ako na malinis ako mula ulo hanggang dulo ng mga kuko ko sa paa! Juggy, burger ko ‘yan!”

“Oooppps, sorry. Gutom lang ako eh,” nakangiting ani Juggy na patuloy sa pagkain nang hawak na burger.

“Mama bear, alam mo naman na kahit gaano kasexy ang babaeng iharap nila sa akin, iyong-iyo lang ako…”

“Ahhh… You’re so sweet!” ani Madz at niyakap ng mahigpit ang nobyo bago naiinis na hinampas si Juggy na nasa katabi ng nobyo.

“Whatever,” halos bulong ni Claud.

“Where are you going, bhie?” tanong ni Tims sa nobya.

“Magsi-C.R. lang bhie. Baka langgamin pa ako dito eh,” tugon niya at tumayo na sa kinauupuan bago tinungo ang daan patungong C.R. Kaagad niyang tinulak ang pinto ng unang cubicle na nakita niyang bukas.

“Ay sorry miss!” bulalas niya. Isang babaeng nakatayo at nakatalikod sa kanya ang tinamaan ng pintong tinulak niya. Nakasuot ito ng matingkad na kulay pulang bestida at nakaharap sa may toilet bowl. Mabilis siyang umalis doon at dumiretso sa pinakadulong cubicle kahit pa walang tao sa apat na cubicle na nadaanan niya. Hindi niya kasi nagugustuhan ang kakaibang lamig na nagsisimulang maramdaman lalo na nang mapansing nakapaa lamang ang babae sa unang cubicle na pinasok. Madungis at maiitim pa ang mga kuko niyon na tila galing sa putikan at ilang araw ng hindi nahuhugasan.

Hahawakan na sana niya ang flush nang mapapitlag dahil sa malakas na ingay sa may pinto ng cubicle kung nasaan siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa ilalim at makita ang pares ng maduduming paa. “Holy sh*t!” bulalas niya ng makarinig muli ng ingay na tila inuumpog ng babae ang ulo nito sa may pinto upang mabuksan iyon. Nagsimula na siyang makaramdam ng matinding takot sa mas malakas na pag-umpog na ginawa ng babae sa may pinto na tila agresibong agresibo na pasukin siya.

“Stop it! You crazy b*tch!” ang lakas na nang kabog ng dibdib niya na tila sasabog anumang oras. “Help! Help! May baliw dito sa CR! Tulungan ninyo ako, please!!!” Napatigil siya sa pagsigaw nang tumigil sa ginagawa ang babae. Hindi na niya inalintana ang halos pagkakadikit ng katawan sa basurahan nang isiksik ang sarili sa sulok ng cubicle. Muli siyang nalukob ng takot nang makita ang dugong tumutulo sa sahig mula sa labas ng cubicle na palapit sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali, dugo iyon galing sa ulo ng babae na muling nagsimulang ihampas sa pinto. Ngunit sa oras na iyon ay mas malakas na halos naririnig na niya ang pagkabasag ng bungo nito. “Kung sino man ang nasa labas, tulungan ninyo ako, please!!!”

Malapit nang masira ang lock ng pintuan at malapit na ring makapasok ang babaeng alam niyang basag na basag na ang mukha. Nagsimula na siyang maiyak sa takot. Napaupo na siya ng tuluyan sa may tabi ng basurahan at nagsimulang sumigaw ng tulong habang umiiyak. “Please help me. Guys! JC! Tims! Help me! Help me please!!!!”

Tuluyan nang nasira ang bakal na lock ng pintong tumalsik pa sa may ulo niya. Nanginginig niyang itinago ang mukha sa niyakap na mga hita. Hindi niya kayang tingnan ang babae na ngayon pa lang ay naiimagine na niya ang hitsura. Lalo siyang nagsisigaw sa takot nang maramdaman ang mga kamay na humawak sa braso niya. “H’wag mo akong hawakan! H’wag mo akong sasaktan, parang awa mo na!!!”

“Ma’am! Ma’am! Okey lang po kayo?”

Mukha ng isang lalaking nakasuot ng unipormeng pang-janitor ang nakita niya nang imulat ang mga mata. Marami ring mga hindi pamilyar na mukha ng babae ang nasa labas ng cubicle niya at nakatingin sa kanya.

“Bhie?” mabilis na nilapitan ni Tims nang makilalang si Claud ang babaeng nagsumiksik sa sulok ng cubicle at inalalayan itong makatayo. Narinig niya kasing nagkakagulo raw sa C.R. kaya mabilis siyang pumunta doon nang maalalang nagpaalam ang nobya na magsi-C.R. kanina. “What happened?”

Lumabas naman na ang janitor na kanina pa binubunggo ang pinto ng cubicle upang mabuksan iyon dahil sa sigaw na ginagawa ni Claud.

“B-bhie, m-may babae!” mabilis niyang niyakap nang mahigpit si Tims nang makatayo. Ramdam niyang nanlalagkit na ang mukha niya dahil sa mga luha at nasirang make-up.

“G-girl, sinong tinutukoy mo? Sinong babae?” nag-aalalang tanong ni Madz na katabi si Emma.

Lumabas naman ng cubicle si Claud sa pagbabakasakaling makita pa ang babaeng nananakot sa kanya kanina. Nagsilayuan ang mga tao sa loob ng C.R. na nanunuod sa kanya. Inisa-isa niya ang cubicle pero wala ang babaeng hinahanap niya. “N-nandito lang siya! Nandito lang ‘yung babaeng inuumpog ang ulo niya sa pinto ng cubicle!”

“Bhie, tama na… Baka pagod ka lang,” ani Tims.

“H-hindi bhie. Sigurado ako! Nandito lang ‘yung babae. May babaeng nakapula kanina dito.. Madumi yung mga paa niya. Tapos… Inuumpog niya ‘yung ulo niya dyan sa pinto kanina para pasukin ako. May dugo pa nga -” hindi na naituloy ni Claud ang sasabihin nang mapatingin sa pinagmulang cubicle. Walang kahit na anong bakas ng dugo sa pinto o sahig. “M-may dugo dyan k-kanina…”

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings