Dark Montero (Possessive Series 6) - Chapter #2 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

ANNIZA woke up with a massive headache. Sapo ang ulo na bumangon siya sa pagkakahiga at bumaba ng kama. Napakurap-kurap siya nang bumaba ang tingin niya sa katawan at nakitang wala siyang suot. Nagsalubong ang mga kilay niya.

Huh? Bakit wala akong damit? nagtatakang tanong niya sa sarili.

Naguguluhang ipinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan niya. Parang agos ng tubig na dumaloy ang alaala niya sa mga nangyari kahapon.

Naliligo siya sa sariling pawis habang mabilis na tumatakbo sa treadmill na nasa tabi ng swimming pool ng kanilang bahay. Desidido talaga siyang mabawasan ang timbang niya kahit kaunti lang bago ang kasal nila ni Paul. Alam niyang gusto ng fiancé niya ng mga skinny na babae at napakasuwerte niya dahil nagustuhan pa rin siya nito kahit medyo may-katabaan siya.

Ginagawa niya talaga ang lahat para naman maging proud sa kanya si Paul bilang bride nito.

“Balak mo bang magpakamatay, Any?” tanong ng kaibigan niyang si Haze.

“Any” ang tawag sa kanya ni Haze dahil may-kahabaan daw ang pangalan niyang “Anniza.” Para sa kanya hindi naman mahaba ang pangalang niya. Pero wala talagang tumatawag sa kanya sa buong pangalan. Kung hindi “Any”, “Iza” ang tawag ng kamag-anak at kaibigan niya sa kanya.

“Kailangang mabawasan ang timbang ko kahit ilang kilo lang,” sagot niya habang hinihingal na tumatakbo sa treadmill. “Paul wants me to be sexy on our wedding day.”

Sinabi talaga iyon sa kanya ni Paul at naiintindihan naman niya ito. Gusto raw nito na sa araw ng kasal nila, nabawasan na ang timbang niya.

“Any, kung mahal ka talaga ni Pau, hindi niya hihilingin na magpapayat ka,” sabi ni Haze, saka umirap. “Kung totoo ang pagmamahal niya, tatanggapin ka niya kahit ano ka pa.”

“Hayaan mo na ang babaeng `yan, Haze,” sabad ni Czarina na abala sa pagbabasa ng isang malapad at makapal na libro. “Obsessed `yang pumayat.”

Naiinis na inihinto ni Anniza ang treadmill at humarap sa mga kaibigan. “Ano ba naman kayo? Sa halip na i-motivate n’yo ako, inaaway n’yo pa ako.”

Malakas na bumuntong-hininga si Czarina, saka bumaling sa kanya. “Any, tama naman kasi si Haze, eh. Kung mahal ka ng lalaking `yon, hindi niya hihilingin na magbago ka.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng swimming pool at isinukbit ang shoulder bag sa balikat, saka naglakad paalis. “Mauna na ako. May manganganak akong pasyente ngayon, eh,” pahabol nitong sabi bago nawala sa paningin nila ni Haze. Czarina Salem was an ob-gyn. Pero sa edad na twenty-eight, hindi pa yata ito nakuntento sa natapos na course kaya nag-aaral ito ngayon para maging Psychiatrist.

“Tama si Czarina, Any,” sabi ni Haze nang sila na lang dalawa. “Stop changing yourself.”

Napabuntong-hininga siya. “Masama bang magbago para sa taong mahal mo?”

Si Haze naman ang bumuntong-hininga at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Any, kaibigan mo ako simula no’ng high school tayo. Alam na alam ko lahat ng pinaggagagawa mo para pumayat ka pero wala namang nangyari. Tanggapin mo na lang na hindi ka magiging payat na babae. Your body is called voluptuous. Hindi ba `yon ang sabi ng nutritionist mo no’ng nag-diet ka at dinala ka sa ospital dahil hindi na kinaya ng katawan mo? Just accept it. You’re not fat, okay? Malaman ka lang talaga.”

Nagbaba ng tingin si Anniza. Totoo ngang dinala siya noon sa ospital. Iyon ang panahon na nag-propose sa kanya si Paul at sinabihan siya nitong mag-diet para sa kasal nila. She wanted to be sexy for Paul. Gusto niyang sexy siya sa araw ng kanilang kasal. May tatlong buwan pa siya para pumayat bago ang kasal.

“I just want to be sexy, you know,” sabi niya sa malungkot na boses.

Huminga nang malalim si Haze. “Ewan ko sa iyo. Basta para sa akin, hindi mo dapat binabago ang sarili mo para sa iba.” Kinuha nito ang pouch sa recliner. “Aalis na ako. I have some business to take care of.” Hinalikan siya nito sa pisngi. “See yah, Any.”

“See yah.”

Naiwang mag-isa si Anniza sa gilid ng swimming pool. Walang tao ngayon sa bahay nila maliban sa kanya. Nagbakasyon kasi ang mga magulang niya sa Spain. Inilibre ito ng kapatid niyang nagtatrabaho sa Barcelona bilang manager ng Zapanta Hotel na pag-aari ng pinsan niyang si Tyron Zapanta. Sa susunod na buwan pa babalik ang mga ito. She was a chef at Zaired Restaurant. Pero ngayon habang wala ang kanyang mga magulang, pansamantalang siya ang manager sa nasabing restaurant at nagwe-waitress din kapag marami ang customer.

Huminga siya nang malalim at pumasok sa loob ng bahay habang nagtutuyo ng pawis. Nang makapasok sa kuwarto, kinuha niya ang cell phone na nasa bedside table at tinawagan si Paul. Nakakailang ring na pero walang sumasagot sa kabilang linya.

Oh, well. Susurpresahin niya na lang ito mamaya.

Pagkatapos maligo at magbihis, kinuha ni Anniza ang cake na ginawa niya para kay Paul. Pinuntahan niya ang lalaki sa condo unit nito para surpresahin. Nakangiti siya habang kumakatok sa pinto ng condo unit pero walang sumasagot. Naiinis na pinihit niya ang doorknob. Laking gulat niya nang bumukas nga iyon.

She went inside his condo. Nasa sala pa lang siya, naririnig na niya ang ungol na nanggagaling sa kuwarto ni Paul. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang dahilan ng mga ungol na naririnig niya. At habang naglalakad palapit sa kuwarto ni Paul, unti-unting nabibiyak ang puso niya. Para iyong pinipitas-pitas sa sobrang sakit.

“Oh! Yeah! Baby! Fuck me hard! Oh!” sigaw ng isang boses babae. “God. I love you, Paul.”

“I love you too, baby.” Boses naman iyon ni Paul. “Oh, yes! Ang sarap mo, baby. Fuck. Ah!”

“Oh! Isagad mo pa, Paul,” sigaw ng babae habang umuungol. “Ang sarap mo.”

“Masarap ka rin, baby. Masarap na masarap. Oh, god! Fuck. Oh!”

Dahan-dahang itinulak ni Anniza ang pinto at hindi na siya nagulat nang makita si Paul na hubo’t hubad, ganoon din ang babae na nasa ilalim nito. Her heart was shattered as she stood there watching her fiancé hump a woman. Parang ilang milyong patalim ang tumarak sa puso niya sa nasaksihan.

Tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Pero agad niyang tinuyo ang mga iyon. Hindi karapat-dapat iyakan si Paul. Wala itong kuwentang lalaki! Ginawa niya ang lahat para dito. Halos mahimatay siya sa gutom dahil sa pagda-diet. Binago niya ang sarili para kay Paul pero wala rin pala. Tama ang mga kaibigan niya. Kung mahal siya ni Paul, hindi siya nito babaguhin. Bulag lang siya kaya hindi niya iyon nakita.

Pero ngayon, sapat na ang nakikita niya para magising sa katotohanan. Sinayang niya ang dalawang taon ng buhay niya.

Mabilis na inayos ni Anniza ang sarili niya. Tumikhim siya dahilan para tumigil ang dalawa at mapatingin sa kanyang direksiyon.

Nanlaki ang mga mata ni Paul nang makita siya. “Anniza!”

Nagtagis ang mga bagang niya. “Hi, Paul. Masarap ba ang malandi mong secretary?”

Tinakpan ni Paul ang pagkalalaki nito gamit ang unan at lumapit sa kanya. “Anniza, let me explain—”

Her tears betrayed the braveness in her face. “Ano’ng ipapaliwanag mo, Paul? Nakita ko na. Wala na. Sapat na `yon sa akin.” Nahilam ng luha ang mga mata niya. “Ano ba’ng mali sa akin at ginawa mo `to?”

Hinawakan siya ng binata sa kamay. “Anniza—”

“Huwag mo akong hawakan!” singhal niya kay Paul na inakala niyang makakasama niyang haharap sa altar. “Hayup ka. Mga hayup kayo—”

“Sino’ng hayop?” sabad ng babae na walang pakialam kung hubad ang katawan. “Ikaw ang hayop kasi baboy ka.” Dinuro siya nito. “Ang taba-taba mo kasi. Baboy. Kaya sa akin nakikipag-sex ang fiancé mo kasi masarap ako. Ikaw, nakakaumay ang taba mo.”

Sobrang sakit na ng puso ni Anniza. Hindi lang ang puso niya ang napira-piraso, pati rin ang ego niya bilang isang babae. She was so insecure when it came to her weight. At nasasaktan siya sa mga sinasabi ng babae ni Paul.

“Clare, please! Tama na!” saway ni Paul sa babae. “This is between me and my fiancée.”

“Anong tama na? Totoo naman ang sinasabi ko.” Nang-iinsultong ngumisi sa kanya ang babae. “You’re an ugly fat duckling!”

That’s it. She lost it. Her anger got the better of her.

Puno ng galit na isinampal ni Anniza sa mukha ng babae ang cake na ginawa niya para kay Paul, saka niya binigyan ng mag-asawang sampal ang binata. “The wedding is off,” sabi niya at lumabas ng condo na pira-piraso ang puso sa sobrang sakit na nararamdaman.

Nang makasakay sa elevator, doon lang niya hinayaan ang sarili na magmukhang kawawa. Humagulhol siya habang yakap ang sarili. Awang-awa siya sa sarili niya. Kailan pa siya niloloko ni Paul? Kailan pa siya nito ginagawang tanga?

Bakit ba nangyayari sa akin `to? Nagmahal lang naman ako? Bakit ako nasasaktan nang ganito?

PAGKATAPOS niyon, pinilit ni Anniza ang sarili na pumasok sa restaurant nila at doon na nga siya biglang hinalikan ng lalaking nakasama niya kagabi sa club. Dahil sa naalala, nasapo niya ang nakaawang na bibig.

At unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang hubad na lalaki na nakahiga sa kama. She could perfectly see the face of the man. “Oh, my God…” pabulong na sabi niya nang makita ang nakatayo nitong pagkalalaki. “Oh, God… Oh, my God… Ano’ng ginawa ko? Ano’ng nangyari? Oh, God… Oh, shit.”

Parang nag-palpitate ang puso niya habang nakatingin sa lalaking nakahiga sa kama.

This man… his name was…

Mariing ipinikit ni Anniza ang mga mata at inalala ang nangyari nang nagdaang gabi sa club pagkatapos niyang uminom. Paunti-unti, bumabalik ang alaala niya.

At ganoon na lang ang lakas ng singhap niya nang maalala ang buong pangyayari kagabi: ang paglalasing niya at ang halik na pinagsaluhan nila ni Dark na nagpainit sa katawan niya at nauwi sa mainit nilang pagtatalik sa kuwartong iyon.

“Oh, no…” Sinapo niya ang ulo. Gulong-gulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.

Napatitig si Anniza sa lalaki na natutulog pa rin. “Oh, God…” sambit na naman niya. “No… hindi ko ginawa `yon kagabi.”

Pinakiramdaman niya ang kanyang pagkababae. Bahagya iyong masakit.

Oh, shit! Oh, no! I really did it! No! Hell, no!

Dahil sa pinaghalong nerbiyos at takot na nararamdaman, ginawa niya ang sa tingin niya ay pinakaligtas gawin. Mabilis niyang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig at isinuot iyon, pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo palabas ng hotel room na saksi sa pagkawala ng virginity niyang pinakaingatan niya sa loob ng twenty-eight years.

NANG marinig ni Dark na bumukas at sumara ang pinto ng hotel room, idinilat na niya ang kanyang mga mata na kanina pa niya pilit na ipinipikit. Bumuga siya ng hangin bago umalis sa pagkakahiga sa kama.

He could still remember clearly why he approached the woman in the club.

Malakas siyang napabuntong-hininga habang nakikinig sa nakakairitang matinis na boses ng ka-date niya. Ang pinakaayaw pa naman niya sa babae ay iyong maarte at panay ang salita na wala namang sense. Bakit nga ba niya kasama ang babae na nagngangalang Sarah? Oo nga pala, isa ito sa mga kliyente niya at para tumigil na ito sa kakasunod at kakakulit sa kanya, tinanggap niya ang imbitasyon nitong kumain sa labas.

Ang pagkakamali niya, doon sa favorite restaurant niya dinala ang babae.

He was thankful when the server arrived with their food.

Lihim na tinitigan ni Dark ang babaeng abala sa pagse-serve ng pagkain sa kanilang mesa. Her name was Anniza Gonzales. Ang alam niya, chef si Anniza sa restaurant na iyon kaya minsan lang ito lumabas ng kusina. Lumabas man ang dalaga, palagi itong sinusundo ng boyfriend nito na fiancé na nito ngayon.

Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa chef at nakuha nito ang atensiyon niya mula nang una niyang makita.

As he stared at her, he saw that she had swollen red eyes. Halatang umiyak ito. But even though her eyes were swollen, she still looked beautiful. Maganda ang kulay tsokolate nitong mga mata. Matangos ang ilong nito at manipis ang mapupulang labi. Napalunok siya nang makaramdam ng kagustuhang matikman ang mga labing iyon. Her red lips looked so sexy. The woman rocked the red lipstick like nobody’s business. Maputi ang dalaga kaya bagay na bagay rito ang kulay na iyon. She stood five foot eight, at maganda rin ang tindig nito. She wasn’t skinny, thank God. May mga babae pa rin palang hindi alam ang salitang “diet.”

He was pulled out from his reverie when he heard the irritating voice of his date.

“Bobo ka ba?” bulyaw ng ka-date niya sa waitress na parang wala sa sarili. “I said I want ice! Pero wala namang ice `to!” Napakatinis ng boses ni Sarah na mas nagpairita sa kanya. Mayamaya, bumulong ito. “Baboy na nga, bobo pa.”

Dumilim ang mukha ng babaeng nag-serve ng pagkain nila. Mukhang narinig nito ang ibinulong ng ka-date niya.

Hinilot ni Dark ang kanyang sentido at naglabas ng limang libo, saka inilagay iyon sa mesa. “Let’s go, Sarah,” sabi niya at hinawakan ang babae sa pulsuhan. “Huwag kang gumawa ng eksena rito. Nakakahiya.”

Nagsalita uli siya nang magpantay ang mga mukha nila ng chef. “Sa susunod, mag-focus ka sa trabaho mo. Hindi `yong para kang wala sa sarili. Tingnan mo tuloy, nainsulto ka. Next time, do your job properly.”

He could smell the sweet scent of the woman. Nanunuot iyon sa ilong niya kaya agad siyang dumistansiya rito.

Maglalakad na sana sila ni Sarah palabas ng restaurant nang may tumama sa likod niya. Napaigtad siya dahil nasaktan siya sa kung ano man iyon.

Nakatiim-bagang na lumingon si Dark at tiningnan kung ano ang tumama sa kanya. Isa iyong sapatos. At biglang nagdilim ang paningin niya nang makitang walang sapatos ang chef na nasa likuran niya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang patalikod siyang inaatake.

Binitiwan niya si Sarah at inilang-hakbang ang pagitan nila ng chef.

Walang sere-seremonyang kinuyumos niya ng halik ang babae para ipahiya at bigyan ng leksiyon. Naramdaman niyang nanigas ito sa kinatatayuan. Pero habang hinahalikan niya ang babae, napapikit siya nang maramdaman ang malambot nitong mga labi na ilang segundong nagpawala sa huwisyo niya. And he couldn’t stop himself from snaking his tongue inside her mouth. Imahinasyon niya lang siguro na narinig niyang dumaing ang babae. Pero imahinasyon man o hindi, sapat na iyon para mabuhay ang pagkalalaki niya.

And he had to pull away really quick to compose himself.

Inilayo ni Dark ang mga labi sa mga labi ng babae. “Take that as your punishment, agápi mou,” sabi niya at mabilis na tinalikuran ang babae at naglakad palayo.

“Dark!” tawag sa kanya ni Sarah na iniwan niya sa loob ng restaurant. “Wait up, Dark!”

He just rolled his eyes and hurriedly went to where he parked his Ducati Motorcycle.

“Dark! Ano ba!”

Marahas siyang bumuga ng hangin at hinarap si Sarah. He didn’t like to be harsh but this woman left him with no choice.

“I don’t want to date someone like you,” walang gatol na sabi niya sa babae. “Hindi kita type. Napakatinis ng boses mo at ayoko n’on. Napakakapal ng makeup mo sa mukha at ayoko sa clown. At isa pa, sino ka ba para mang-insulto ng kapwa mo? Are you perfect? Last time I checked, marami kang kapintasan.”

Bumukas ang bibig ng babae pero wala namang lumabas na salita mula roon.

Dark straddled his Ducati and then the engine roared to life. Isinuot niya ang leather jacket at isinunod ang helmet. Pagkatapos, ibinalanse niya ang motorsiklo bago iyon pinaharurot palayo ng restaurant.

Hmm... Mukhang mas madadagdagan pa ang kagustuhan niyang magpabalik-balik sa Zaired Restaurant.

MALALIM na bumuntong-hininga si Dark, saka itinapat ang hubad na katawan sa malamig na shower. Ilang minuto rin siyang naligo bago isinuot uli ang damit niya kagabi, saka lumabas ng hotel. Naka-park pa rin ang Ducati niya sa parking lot ng Bachelor’s Bar.

He straddled his Ducati and drove off towards the house of one of his good friends, Tyron Zapanta.

Nang makarating siya sa bahay ni Tyron, nag-doorbell siya at bumukas naman agad ang pinto.

Ngumiti siya nang makita si Raine. Dati itong Journalist sa State Trend Magazine na pag-aari ng pamilya niya pero nag-resign para maging plain housewife ni Tyron. Masayang-masaya naman dahil doon ang kaibigan niya.

“Well, hello there, beautiful,” he said in a husky, teasing voice.

Hindi na siya nagtaka nang biglang sumulpot si Tyron sa likuran ni Raine.

“Ano na naman ang ginagawa mo rito, Montero?” pasikmat na tanong sa kanya ni Tyron na halata ang disgusto sa mukha habang nakatingin sa kanya.

Walong taon na mula nang ikasal ang dalawa pero nagseselos pa rin sa kanya si Tyron.

Bumaling si Dark sa kaibigan. “I need an advice from you.”

Naguguluhang tumingin sa kanya si Tyron. “And since when did you need an advice from me?”

“Ngayon lang.” Pumasok siya sa loob ng bahay kahit hindi naman siya inimbitahang pumasok. “I just need it.”

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Tyron. “What happened, Montero?”

Malakas na napabuntong-hininga si Dark, saka sinalubong ang hindi makapaniwalang tingin ng kaibigan. “Nahanap ko na siya, Zapanta. What now?”

MATAMLAY na umuwi si Anniza sa bahay nila. Wala siya sa sarili at muntik pang mabunggo habang nagmamaneho pauwi dahil sa samu’t saring laman ng isip niya.

Kung kahapon, ang laman ng isip niya ay ang panloloko ni Paul, ngayon naman ay ang nangyari sa kanila ni Dark “the Greek” Montero. Habang patagal nang patagal, mas lumilinaw sa memorya niya ang nangyari kagabi at lalong hindi siya mapakali.

Nakakahiya ang ginawa niya! Her voluptuous body was in full show last night. Hindi man lang siya nahiya. At talagang sa harap pa ng isang mala-Adonis ang kaguwapuhan na lalaki siya naghubad! Goodness!

Ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng bahay, saka siya bumaba ng kotse. Napatigil siya sa paglalakad nang makita si Paul na nasa labas ng kanilang bahay. Bumalik ang sakit at ang galit na naramdaman ni Anniza kahapon nang makita ang manloloko niyang ex-fiancé. Naniningkit ang mata sa galit na nilapitan niya ang lalaki.

“Ano’ng ginagawa mo ritong hayup ka?!” tanong niya habang binabayo ang dibdib ng binata. “Hayup ka! Paano mo nagawa sa `kin `yon! Kailan mo pa ako niloloko, ha?!”

Hinuli ni Paul ang mga kamay niya, saka siya tinitigan. Noon, nakakapagpahina ng mga tuhod niya ang titig na iyon. Bumibilis din noon ang tibok ng puso niya. Pero ngayon, disgusto ang nararamdaman niya at mukhang nakita iyon ng binata sa mga mata niya nang salubungin niya ng matalim na tingin ang titig nito.

“Let me explain, Any,” sabi ni Paul sa malambing na boses. “We can start over again. Hindi ka na makakahanap ng lalaking katulad ko na guwapo at mayaman. Ako lang ang papatol sa iyo kaya dapat mo akong tanggapin uli. I mean, look at you. You’re fat. At kahit ano’ng gawin mo, hindi ka na papayat kagaya ni Clare. Kapag hindi mo ako tinanggap uli, alam mong mapapahiya ang pamilya mo. Naipamigay na ang invitation sa kasal natin. Siguradong malalaman ng mga bisita natin na `yang pagiging mataba mo ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal. Kasalanan mo naman lahat, eh. Hindi ako magloloko kung nagpapayat ka lang.”

Hindi makapaniwala si Anniza na pinatulan niya ang isang kagaya ni Paul na ganoon pala ang iniisip tungkol sa kanya. Ang akala pa naman niya noon, mahal siya nito. Kalokohan. Isa lang pala iyong kasinungalingan at pagpapanggap. At talagang siya pa ang may kasalanan?

Mapait siyang napangiti. “Sa tingin mo, tatanggapin uli kita o kaya magmamakaawa ako na bumalik sa iyo pagkatapos ng nakita ko?” Ngumisi sya. “Oo nga at mataba ako pero hindi naman ako tanga. Magsama kayo ng malandi mong secretary. Isaksak mo sa baga mo `yang ka-sexy-han niya. At kung `yong kasal ang inaalala mo, huwag kang mag-alala, ako mismo ang magsasabi sa kanila ng dahilan kung bakit hindi ko itinuloy ang kasal.”

Pahablot niyang binawi ang kamay niyang hawak ni Paul.

Tumawa ang lalaki na parang hindi naniniwala sa sinabi niya. “No. Hindi mo kayang gawin `yon. Mahal mo ako kaya tatanggapin mo ako uli. Twenty-eight ka na at malapit ka nang mamaalam sa kalendaryo. Wala nang papatol sa `yo kundi ako lang.”

Biglang pumasok sa isip ni Anniza si Dark Montero, ang lalaking pumatol sa kanya kagabi. Ang lalaking umangkin sa kanya at kumuha sa pagkababae niya na matagal nang hinihingi ni Paul. She was reluctant to give in into Paul’s sexual demands. At tama lang pala ang ginawa niyang hindi pagpayag na magtalik silang dalawa. Manloloko pala ito. Hayop!

Umiling-iling siya. “Siguro nga walang papatol sa akin dahil sa size ko. Pero hindi ako magpapakatanga sa iyo. Hindi naman ako kikita nang isang milyon kung magtatanga-tangahan ako, eh.” Taas-noo niyang tinitigan ang lalaki. “Oo nga at mataba ako pero hindi ako tanga. Gago!”

Malakas niyang sinuntok sa mukha si Paul, saka mabilis na pumasok sa bahay at ini-lock ang pinto.

“Any! Any!” sigaw nito habang sinisipa ang pinto.

“Umalis ka na, Paul!” kinakabahang sabi niya mula sa loob. “Kapag hindi ka umalis, tatawag ako ng pulis.”

“Luluhod ka rin sa harap ko, Any,” sabi ni Paul na may pagmamalaki at pagbabanta sa boses. “Hindi mo ako kayang kalimutan kasi mahal mo ako at baliw na baliw ka sa akin. Ako lang ang lalaking magtitiyaga sa iyo. At kapag nalaman ito ng mga magulang mo, ano na lang ang sasabihin nila? Babalik ka rin sa akin at sisiguruhin kong maghihirap ka muna bago kita tanggapin uli!”

Nang makarinig siya ng papalayong mga yabag, napadausdos siya ng upo sa sahig at niyakap ang sarili.

Iyon ba talaga ang tingin sa kanya ni Paul? At ano ang sasabihin ng mga magulang niya? Magagalit kaya ang mga ito dahil naloko siya ng lalaking pakakasalan niya?

Ang totoo, hindi na niya alam ang gagawin. Nasisiguro niyang ayaw na niyang balikan pa si Paul. Hindi siya tanga at martir. At ngayong nalaman niyang ganoon pala ang tingin sa kanya ng lalaki, hindi pa siya nasisiraan ng bait para balikan ang hinayupak na iyon.

Pilit na tumayo si Anniza at nagpunta sa kuwarto niya. Kailangan niyang maligo at magbihis. Kahit nananakit ang pagkababae niya at wala siya sa mood magtrabaho, kailangan niyang pumasok sa restaurant.

GABI na at abala pa rin si Anniza sa pagse-serve ng mga pagkain sa customers ng restaurant nang may mahagip ang mga mata niya. Maraming tao ngayon sa restaurant pero hindi nakalampas sa mga mata niya ang guwapong lalaking kapapasok lang.

It was him!

Para siyang ipinako sa kinatatayuan nang makilalang si Dark Montero nga iyon. Mag-isa lang ito at mukhang ang direksiyon niya ang tinatahak.

Oh, my God!

Magtatago ba siya? Makikilala ba siya ng lalaki?!

Shit! Nakakahiya talaga! Oh, God… Ano’ng gagawin ko? Magtago kaya ako sa kusina?

Huli na para makapagtago siya sa kusina dahil nakalapit na sa kanya si Dark.

His deep granite eyes captivated her chocolate ones. Hindi niya maibaba ang tingin niya. Parang may kakaiba sa mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Para siyang nahihipnotismo.

“Table for two,” sabi ng lalaki.

Nang marinig ni Anniza ang baritono nitong boses, napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. “A-ano?”

Nakakahiya!

His lips curved into a sexy smile. “I said, table for two.”

Tiningnan niya ang likod ni Dark na para bang may itinatago itong kasama.

“Uhm...” Nagsalubong ang mga kilay niya. “May kasama ka?”

Tumango ang lalaki. “Oo. Busy pa siya. Susunod na lang `yon.”

See! Ang mga guwapong lalaki, paniguradong may girlfriend na pang-FHM ang katawan. Kung ano man ang nangyari sa kanila kagabi, malamang, hindi na nito naaalala iyon. Siguradong lasing ito habang nagtatalik sila. Sino ba naman ang lalaking gugustuhing makipagtalik sa kanya nang hindi lasing?

“Okay.” Iminuwestra ni Anniza ang kamay papunta sa isang bakanteng mesa. “This way, Sir.”

Nang makaupo si Dark, hindi nito binasa ang menu. Um-order ito agad at mukhang memorized na ang nakasulat sa kanilang menu.

Suki ba ng restaurant namin ang lalaking `to?

“I want a steak with gourmet onion, mushroom gravy and then, uhm...” He frowned as if he was thinking. “Do you serve burger?”

Tumango si Anniza. “Yes. We serve monster juicy burger and crunchy juicy and cheesy burger. This is an American restaurant after all.”

He chuckled.

So handsome.

“Sorry. I’ve been eating here but I haven’t ordered a burger and I think I have a bad habit of not reading the menu before I order.” He smiled making him more gorgeous that he already was. “So, uhm, one monster juicy burger and just water.” Then he gave her a questioning look. “May maire-recommend ka bang masarap sa menu n’yo?”

Tumango agad siya. “Yes. Bolognese Trevelle Pasta and fettuccini with garlic bread.” Dalawa iyon sa mga paborito niya sa kanilang restaurant. Kaya lang, ilang buwan na rin siyang deprived sa pagkain dahil nagda-diet siya.

“Okay,” sabi ni Dark mayamaya. “Isang order sa recommended menu mo at `yong mga in-order ko. `Yon lang.” Nginitian na naman siya ng binata.

Nag-iwas ng tingin si Anniza dahil hindi tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya nang mga oras na iyon. “Okay. Just a minute, Sir.”

Pumasok siya sa kusina at ipinaluto ang order ng lalaki. At habang hinihintay na maluto ang order nito, ang ibang customer muna ang inasikaso niya. Nasa kusina sana siya ngayon at nagluluto kung hindi nagkasakit ang isa nilang waitress. May lagnat daw ito kaya siya na muna ang pumalit para hindi naman masyadong mapagod ang ibang waitress. Saka may ibang chef naman sa loob ng kusina na mapagkakatiwalaan niya.

Habang inaasikaso ang ibang customer, hindi maiwasan ni Anniza ang hindi mapatingin sa gawi ni Dark. Relaxed na relaxed itong nakaupo habang nakahilig sa sandalan ng upuan. At tuwing nagagawi ang tingin sa kanya ng lalaki, palagi siya nitong nahuhuling nakatingin at nginingitian siya.

Siguradong imahinasyon niya lang iyon. Why would a handsome man like Dark “the Greek” Montero smile at someone like her?

Ipinilig ni Anniza ang ulo at ibinaling na lang ang buong atensiyon sa ginagawa. Nang pumasok uli siya sa kusina, luto na ang order ni Dark kaya naman inilagay niya ang mga iyon sa tray at lumabas ng kusina.

Habang naglalakad palapit sa mesa na inookupa ng lalaki, parang nanlalambot ang mga tuhod niya. Nakatitig kasi ito sa kanya at pakiramdam niya, hindi niya kaya ang titig na iyon. Her heart was palpitating, for goodness’ sake!

Binilisan niya ang paglapit sa binata at mabilis na inilapag sa mesa ang mga in-order nito. “`Yong recommended menu ko, niluluto pa ho. It will take a couple of minutes.”

“Okay lang. Busy pa naman ang hinihintay ko,” sagot ni Dark. “How about you? Hanggang kailan ka magiging busy?”

Nahihiwagaan si Anniza sa tanong ng lalaki pero sinagot pa rin niya dahil nga naniniwala siya na customers were always right. “Hindi naman na masyadong marami ang kumakain. It’s past dinner na rin kasi so baka ang order n’yo na ang last na ise-serve ko.”

Tumango-tango ito. “Okay. Salamat sa pagsagot.”

Nagtataka man, pilit siyang ngumiti at iniwan ang lalaki. Pumasok siya sa kusina para kunin ang kanyang shoulder bag. Nagpunta siya sa employee’s restroom para mag-retouch.

Pagkatapos ng order ni Dark, aasikasuhin na niya ang sales nila ngayong araw, pagkatapos ay uuwi na siya. At bukas, bagong pakikibaka na naman.

Paglabas ni Anniza ng restroom, tamang-tama naman na tapos nang iluto ang recommended dish niya kay Dark. Inilagay niya iyon sa tray at dinala sa lalaki na hindi pa masyadong nagagalaw ang mga nauna nang i-serve na order nito.

“Hindi n’yo ho ba nagustuhan ang lasa?” nag-aalala niyang tanong. Baka hindi maganda ang pagkakaluto ng order ng binata.

But, no. All chefs in their restaurant were competent and skilled in their fields.

Nakahinga siya nang maluwag nang umiling si Dark. “May hinihintay lang ako.”

Maybe his girlfriend.

Inilapag ni Anniza sa mesa ang iba pang order ng lalaki. “Busy pa rin ba ang hinihintay n’yo?” hindi niya napigilang itanong.

“I don’t know.” Nagkibit-balikat ito. “Are you busy?”

“Uhm...” Biglang nag-isang linya ang mga kilay niya. “Hindi na—”

“Good. Have a seat.”

Naguguluhang tiningnan ni Anniza ang lalaki. “A-ano?”

Ngumiti uli ito. “Ikaw ang busy na hinihintay ko at kasasabi mo pa lang na hindi ka busy so...” Iminuwetra ng binata ang kamay sa katapat nitong upuan. “Have a seat.”

“At bakit ko naman gagawin `yon?”

“Kasi pag-uusapan natin ang nangyari sa atin kagabi.”

Halos lumuwa ang mga mata ni Anniza sa gulat at kaba.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. “Akala mo nakalimutan ko, `no?”

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings