PARANG nauupos na kandila na umupo si Anniza sa katapat na upuan ni Dark. Hiyang-hiya siya sa sarili at ipinagdarasal niya na bumuka sana ang lupa at nang mailibing niya ang sarili sa sobrang kahihiyan.
“Well?”
Hindi siya makatingin kay Dark. “A-anong ‘well?’”
Huminga ito nang malalim. “What are we going to do now?”
“Hindi ako buntis,” mabilis niyang sabi sa isiping makakatulong iyon para umalis na ang lalaki.
“At paano ka naman nakakasiguro?”
“Basta. Ano… kasi… basta. `Yon na `yon.”
Ilang segundong natahimik ang binata bago nagsalita uli. “Look at me, Anniza.”
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. “A-ano ba’ng kailangan mo sa akin?” Pinaghalong kaba at hiya ang nararamdaman niya. “Oo, may nangyari sa atin, pero kailangan bang gawing big deal `yon? One-night stand happens all the time, Mr. Montero.”
Tinitigan siyang mabuti ni Dark. Parang galit ang binata dahil nakatiim ang mga bagang nito, pero wala naman siyang mabasa sa mga mata nito. “Yeah. One-night stand does happen all the time,” sang-ayon nito na tumango pa. “Fine. I won’t make it a big deal.”
Pilit na nginitian ni Anniza ang binata. “Salamat. Nangyari lang naman `yon kasi lasing ako at lasing ka. I’m sure kung nasa matino akong pag-iisip, hinding-hindi ako makikipag-sex sa iyo at gano’n ka rin naman.”
A strange emotion crossed his eyes. “Oh, okay.” Inginuso ng binata ang mga pagkain na ini-recommend niya. “Eat up. Para sa iyo `yan.”
Napatingin siya sa paborito niyang pagkain. Naglalaway na siya pero kailangan niyang pumayat para makita ng Paul na iyon kung sino ang niloko nito. Umiling siya. “Ayoko.”
Kumunot ang noo ni Dark. “At bakit?”
“Kasi... d-diet ako,” nahihiya niyang pag-amin dahil wala namang nangyayari sa pagda-diet niya.
Natawa ito na parang hindi makapaniwala. “For real?”
Tumango si Anniza, pero ang gusto talaga niyang gawin ay irapan ang lalaki. Bakit ba nagdududa ito na on diet siya? Dahil ba hindi pa rin nababawasan ang timbang niya?
Tumayo ang binata sa kinauupuan at umupo sa katabi niyang silya. Halos mapugto ang hininga niya dahil sa sobrang lapit nito. She could smell his manly scent that seemed to be seducing her when she leaned closer to him. At hindi niya maiwasang maalala ang nangyari sa kanila kagabi na parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa isip niya.
Good God!
Stop it, Brain!
Itinulak ni Dark ang pinggan na may lamang pagkain palapit sa harap niya. “Eat up. I ordered that for you. Huwag mong sayangin. Maraming bata ngayon ang walang makain `tapos ikaw na may nagbibigay ng pagkain, on diet?”
She looked at him disapprovingly. “Ayoko nga. Nagda-diet ako at ayokong kainin `yan. Tataba ako lalo.”
He raked an appreciative look over her body. “Hindi ka naman mataba. Malaman ka lang. Ilan ba ang timbang mo?”
Napanganga si Anniza. She was horrified at that question. “A-anong... B-bakit ba pati `yan pinakikialaman mo? That’s personal!”
Amusement danced in his eyes. “Personal? We already got personal last night.”
Kasimpula ng ketchup ang mga pisngi niya dahil sa sinabi ng binata. She could perfectly remember how they got personal last night. “P-pati ba n-naman `yon?” Binato niya ito ng masamang tingin. “Kailangan mo ba talagang sabihin `yon?”
Tumango si Dark. “Oo. Totoo naman kasing nangyari `yon. I think we already passed the personal thing. Kaya sagutin mo ako, ilan ba ang timbang mo?”
Namumula na siya sa hiya. No! Nakakahiya! Pati ba naman ang timbang niya? He was a freaking stranger. Hindi por que may nangyari sa kanila, may karapatan na itong alamin ang timbang niya.
“Hindi ko sasabihin sa iyo,” pagmamatigas niya.
Nagkibit-balikat ang lalaki. “Okay. Pero hindi ka naman mataba. Wala ka namang bilbil, so hindi ka mataba.”
“At paano mo naman nasabi `yon?”
“I would know.” He raked a lustful stare over her voluptuous body. “Nakita ko na `yan kagabi. And I enjoyed your body last night. So soft. So creamy. So beautiful—”
Tinakpan ni Anniza ang bibig nito. “Stop. Huwag mo na akong bolahin. Wala man akong bilbil, mataba pa rin ako. So just stop.” Naiinis siya sa pambobola ni Dark dahil alam niya ang totoo kung katawan niya ang pag-uusapan.
Tumayo siya at naglakad papasok sa manager’s office. Hindi na siya kailanman maniniwala sa sasabihin ng mga lalaki. Paul already told her those things, but they were all lies. Ano ang ipinagkaiba ngayon ng Dark Montero na iyon?
Men would remain men. Pare-pareho lang silang lahat na manloloko!
Pagpasok ni Anniza sa manager’s office, inabala niya ang sarili sa pagkukuwenta ng sales nila nang araw na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng pagbibilang nang may kumatok sa pinto. “Pasok,” sabi niya sa malakas na boses. “Bukas `yan.” Nag-angat siya ng tingin nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isa sa mga waitress nilang si Jessa. May dala itong pagkain sa tray. “Wala akong pinalutong pagkain,” nakakunot-noong sabi niya.
Nginitian siya ni Jessa. “Pinapabigay po ng isa sa mga customer. Dark Montero daw ho, chef.”
Tumaas ang mga kilay niya sa gulat.
Inilapag ni Jessa ang tray sa mesa niya at umalis agad. Ibabalik sana niya ang tray na may lamang pagkain na ini-recommend niya kay Dark nang makita niya ang tissue na nandoon na may nakasulat. Binasa niya iyon.
Agápi mou,
Eat up. Maraming bata ang nagugutom ngayon. It’s for you. Kapag hindi mo `yan kinain, paparusahan kita. At malalaman ko kung kakainin mo `yan o hindi. Trust me.
-Dark
Ang lalaking iyon talaga! Sino ba ito para sabihin ang mga iyon sa kanya? At sinabi nang hindi siya kakain, eh!
Mabilis siyang tumayo at lumabas ng opisina, pagkatapos ay hinanap ng mga mata niya ang lalaki. Nang hindi niya makita si Dark, si Jessa ang tinanong niya. “Jessa, nasaan si Mr. Montero?”
Nangingiting itinuro nito ang pintuan ng restaurant. “Kalalabas lang ho, chef.”
Mabilis na tinungo ni Anniza ang pinto at lumabas. Naabutan niya si Dark na sumasakay sa... Wait. Was that a freaking Ducati? Kilala niya iyon dahil Ducati ang gustong bilhin na motor ng kapatid niya pero masyado iyong mahal. Palaging sinasabi ng kapatid niya na makakabili ito ng ganoong motor pero hanggang ngayon, wala pa rin itong Ducati.
“Dark!” malakas niyang tawag sa binata.
Bumaling ito sa kanya habang isinusuot ang leather jacket. “Yeah?”
Lumapit siya sa lalaki, tumigil lang siya nang abot-kamay na lang ang distansiya nila. “Sino ka ba sa tingin mo para sabihin ang mga `yon sa akin?” pagalit niyang tanong. “Sinabi nang ayokong kumain, `di ba? And who the hell are you to punish me?!”
Parang natigilan ang binata sa pagtataas niya ng boses. Mayamaya, naging mabilis ang sunod nitong galaw. Namalayan na lang niya na hawak na ng lalaki ang kamay niya at hinila siya palapit sa katawan nito. He snaked his arm around her waist and then he looked up at her. Nakaupo ito sa motor habang nakatayo naman siya kaya halos magkapantay lang ang taas nila. Halos nakadikit na ang ulo ni Dark sa malulusog niyang dibdib na lalong nagpakaba sa kanya. Sinubukan niyang kumawala sa lalaki pero hindi siya nito hinayaan. Mas malakas ito kaysa sa kanya.
“Ano ba, Dark!” Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap nito sa baywang niya. “Bitiwan mo ako—” Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang lumapit ang mukha ng binata sa mukha niya. Napigil niya ang kanyang hininga nang halos isang dangkal na lang ang layo ng mga labi nila.
“Hmm...” He brushed his lips against hers sexily as he looked deep into her eyes. “Sino ako? I’m the man who took your virginity last night. Ang pangalan ko lang naman ang paulit-ulit na inuungol mo kagabi. And I’m the man who made you a woman.” Pagkasabi niyon, inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya.
And she instantly melted in his arms. Hindi niya alam kung bakit pero nang maglapat ang mga labi nila, nang maramdaman niya ang malambot at masarap na labi ni Dark, parang nawala ang iritasyon niya.
Pero bago pa niya matugon ang halik ng binata, pinakawalan na nito ang mga labi niya, saka siya kinindatan na nagpakabog nang mabilis sa puso niya.
“Have a good night, Anniza.” Nginitian siya ni Dark. “I’ll be back tomorrow. And by the way, I wasn’t drunk when I had sex with you.”
Bago pa siya makapagsalita, pinaandar na ng binata ang motorsiklo at iniwan siya sa parking lot ng restaurant.
Hindi nawala sa isip ni Anniza ang sinabi nito bago umalis. Hindi ito lasing nang may mangyari sa kanila kagabi? What the hell?! Ano naman ang ibig sabihin ng lalaking iyon? Na hindi lang ito napipilitan noong makipagtalik sa kanya?
Parang wala sa sariling naglakad siya pabalik sa loob ng restaurant. Pumasok siya sa manager’s office at napatitig sa pagkaing nasa mesa.
Kakainin ba niya?
Maraming nagugutom na bata ngayon.
She groaned and then she sat on the swivel chair. Pagkatapos, inumpisahan niyang kainin ang mga pagkain. Napapikit siya nang malasahan ang sarap ng bolognese. Parang sumabog ang lasa niyon sa bibig niya at napapaungol siya sa sobrang sarap.
Bakit ba ang sarap kumain? Kaya tumataba siya lalo, eh. Simula nang mag-umpisa siyang mag-diet six months ago, hindi na siya kumain nang walang gulay. She forbid herself to eat burger, fries, rice, fried chicken, and pizza, ang mga paborito niyang pagkain.
Mabilis niyang naubos ang pagkain. At nang maubos niya iyon, napasandal siya sa likod ng swivel chair. Hinimas niya ang kanyang tiyan na puno ng gusto niyang mga pagkain, hindi iyong pagkaing sapilitan niyang kinakain dahil sa pagda-diet.
Thanks to Dark, the Greek.
Napabuntong-hininga si Anniza, saka bumalik sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa pinggan na sinimot niya ang laman at may kasiyahan siyang nararamdaman. Dark forced her to eat, unlike Paul who wanted her to not eat and lose weight. At sa hindi malamang kadahilanan, may saya siyang nararamdaman sa isiping iyon.
Pero kinakabahan siya tuwing naalala niya si Dark. Babalik daw ito bukas. Hindi niya alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing pumapasok sa isip niya ang binata.
God! Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?
Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho para makauwi siya nang maaga.
NANG makarating si Dark sa bahay niya sa Bachelor’s Village, nakatanggap siya ng tawag mula sa nanay niyang nasa Greece. Sinagot niya iyon agad.
“How are you, mitéra.”
Mitéra means mother.
“I’m good, son,” sagot ng mama niya. “Anyway, how is she? Did you already make a move? I told you to make it fast, my son. Always fight. Conquer!”
Natawa si Dark sa pinagsasasabi ng mama niya. “Mother, everything is going smoothly.”
“Oh, yeah? If you need my aid, just tell me. Okay?” she offered. “I will gladly offer our house jewelry—”
“Mom,” putol niya sa kanyang ina. “It’s fine. You don’t need to do that.”
“Well, you are the prince of the House of Stavros—”
“Mom. Stop it,” pigil ni Dark sa iba pang sasabihin ng mama niya. “I already turn my back on that title. I am not a prince of any house. I’m just plain me. I’m just Dark Montero—”
“No!” May talim sa boses ng mama niya. “You are Dark Nikolov Megalos Stavros Montero. You are a Greek, American, and Filipino combined. But that doesn’t stop you from being the prince of the Royal House of Stavros.”
He rolled his eyes. Kaya nga siya humiwalay sa poder ng kanyang ina dahil ayaw niya sa mga royalty-royalty na iyan. Ang Stavros Family ay kasali sa mga Royal Houses na nabubuhay at kilala pa rin hanggang ngayon sa Greece kahit wala na sa kapangyarihan.
The Royal House of Stavros, his family, was one of the oldest and richest Royal Houses in Greece.
Nang mag-divorce ang mga magulang ni Dark, siya ang unang nahirapan. His father never settled down in one country. Minsan, nasa America ito. Minsan naman ay nasa Pilipinas at pinapalaganap ang negosyo nitong State Trend Magazine. Kilala na ngayon ang nasabing magazine at nagdi-distribute sa buong Asya at Amerika. Siya na ang may hawak niyon dahil matanda na ang ama niya at nasa bahay na lang nila sa New Orleans at nagpapahinga.
He spent his teenage years in his mother’s care. Pero nang mag-eighteen na siya at mag-aral sa Stanford, doon na siya namalagi sa poder ng ama niya na tinuruan siyang mag-Tagalog.
“Mom, I’m good.”
“Are you sure?”
Malakas siyang napabuntong-hininga. “Yes. Very sure.”
“Okay. Call me when you need anything, my son,” sabi nito at nagpaalam na.
Parang na-drain ang lahat ng energy ni Dark dahil sa pakikipag-usap sa mama niya. She always wanted him to be proud of his title. Ilang ulit na niya iyong tinanggihan pero mapilit ang mama niya. Pero kahit ano pang pamimilit ang gawin ng kanyang ina, hindi na talaga siya babalik sa poder nito.
Tamang-tama naman na katatapos lang nilang mag-usap ng mama niya, tumawag ang secretary niya mula sa main office ng State Trend Magazine na nasa California.
Sinagot niya ang tawag. “Yes?”
“Boss, I just received an e-mail from LA Couture, one of the famous couture in California. They want the State Trend Fashion Magazine to feature their upcoming fashion gala. They know that the Chix Fashion, their main competitor is also contacting us so they are willing to pay triple just to be featured. And then Global Financial just contacted the office a while ago and they want ten pages on State Trend Business Magazine. They are big clients, Sir.”
Hinilot ni Dark ang kanyang sentido at napabuntong-hininga. “I’ll be there.”
“Okay, Boss. Should I invite them for a meeting?”
“Yes, please.”
“Copy.”
Nang mawala ang secretary sa kabilang linya, tinawagan agad niya si Valerian Volkzki, ang may-ari ng AirJem Airlines.
“Hey, Volkzki. Can you prepare my plane?”
“Ano’ng tingin mo sa akin? Assistant mo? Idiot.”
Natigilan si Dark nang biglang patayin ni Valerian ang tawag. Pero pagkalipas ng ilang segundo, nakatanggap siya ng text galing dito.
The plane is ready, Montero.
Napangiti siya at napailing. Si Valerian ang taong palaging itinatago ang nararamdaman sa personal man o tawag. Pero para sa kanya, si Valerina ang pinakamabait sa lahat ng kaibigan niya. Palagi lang talagang magkasalubong ang mga kilay nito at bilang lang kung ngumiti sa isang taon.
Mabilis siyang naligo, nagbihis, at lumabas ng bahay.







