MAAGANG pumasok sa restaurant si Anniza. Natuwa siya nang makitang kompleto na ang mga waitress nila. Hindi na niya kailangang mag-waitress ngayong araw.
Palabas-labas siya ng manager’s office sa buong oras ng trabaho. Ang alam ng lahat ay nag-o-obserba siya pero ang totoo, hinahanap palagi ng mga mata niya si Dark. Pero hanggang sumapit ang hapunan, ni anino ni Dark Montero ay hindi niya nakita. Why did she even expect that he would come today? Sabi na nga ba niya. Pare-pareho lang ang mga lalaki sa mundo—walang isang salita at puro mga sinungaling.







