
Description
"In the mind of a loving person everything is chaotic and complicated. All they really have to do is listen to their hearts." Zech leaned closer to Karin. His chocolate-like eyes pierced her with mysterious glance. His clear skin and reddish cheeks, arrogant nose, and very sensuous lips made her legs tremble. "What are you doing?" she whispered, looking him in the eyes. Hypnotizing and outstanding eyes. "Nothing," he replied. "What is 'nothing'?" He smiled. "I see it won't be difficult to attract you and make you fall in love with me." "You can't make me fall in love with you, Mr. Zech Marquez. Everything in my life is already planned, and you are not a part of my plan." "But I'm here now." He stepped closer. "Whether you like it or not, you'll have to make some changes in your plan for me because I'm not going to leave you, Karin."
Chapter 1
Apr 9, 2022
TAHIMIK na pinagmasdan ni Zech ang mga kapwa miyembro ng Marina Yacht Club.
Umugong ang hiyawan nang nakangising bilugan ni Denniz ng pulang puso ang sariling litrato. “Thank you, my fellow gentle creatures,” sabi pa nito. “Kung hindi dahil sa kabaliwan ninyo, hindi ko siguro mapapasagot ang pinakamamahal kong si Sofia.”
“Ano ba `yan, papuri o insulto?” tanong ni Yeoji.
“Para sa `yo, pare, papuri `yon. Minsan ka lang mabigyan n’on kaya tanggapin mo na lang,” sagot ni Denniz.
“Tama na `yan,” saway ni Treize at sinenyasan ang mga nakaantabay na tauhan sa yate. “Let’s celebrate.”
Kahit bumabaha na ng alak at pagkain, hindi pa rin matigil ang kasiyahan at kantiyawan. Zech sighed and looked out at the wide expanse of the big blue sea in front of him. Parang kailan lang, nagpapakalunod pa silang anim sa alak kasama ang ilang mga babaeng game din na makipaglaro sa kanila.
Sa kanilang anim na tinawag na “billionaire boys,” ang buhay, negosyo, at pag-ibig ay walang ipinagkaiba sa isa’t isa. Ang biro nga sa kanila ng mga pamilyadong miyembro ng Marina Yacht Club—noong hindi pa nag-aasawa sina Treize, Ran, at Yeoji—ay para daw silang mga ipis kung magsitakas kapag may mga nagbabanta na ng seryosong relasyon sa kanila. Sagot naman nila lagi noon, wala silang balak na magaya sa mga pamilyadong miyembro na bukod sa mga may curfew na, eh, lagi pang walang pera dahil sa mga asawa napupunta ang sahod. Ang ganti naman ng mga ito, darating din daw ang oras nila.
Ngayong nakapag-asawa na sina Treize, Ran, at Yeoji habang si Denniz ay naghahanda naman sa nalalapit na kasal, mukhang nagkakatotoo na nga ang hula ng mga kasamahan nilang pamilyado na. Pero para kay Zech, malabong dumating ang oras na iyon sa kanya.
Retired Admiral Dan Rosales tapped on Zech’s shoulder. “So, what do you think of your friends getting married one by one?”
“I congratulated them already.”
“How about you, Marquez? Wala ka pang balak na lumagay din sa tahimik? Ikaw na lang ang nag-iisang binata sa listahan ng BBC.”
Gustong sisihin ni Zech ang Billionaire Boys Club kung bakit naging iba na ang tingin sa kanya ng lahat ng kakilala mula nang maisapubliko ang nalalapit na pagpapakasal ni Denniz. Hindi lang siya makahirit dahil ang editor in chief ng Stats magazine, kung saan na-publish ang BBC, ay si Pamela Rosales. Ang nag-iisang anak ng admiral at ngayon ay asawa na ng kaibigan niyang si Yeoji na isa rin sa mga tinawag na “billionaire boy.”
“I like my solitude, Admiral Dan. Tahimik. Walang istorbo.” Zech adjusted his sunglasses. “I’m happy for my friends’ decision to get married, though.”
“Let me guess. You haven’t found the woman who would mess up your life, but will love you just the same?”
“Hindi rin ako naghahanap.”
“You’ll be missing a lot in your life, son.”
“I’m doing just fine, Admiral. I don’t really miss anything. Or anyone.”
Napapailing na lang ang matanda. “Hindi na rin kita kukumbinsihing mag-asawa. Ayokong ma-imagine ang magiging role ng asawa sa buhay mo kung sakali.”
“Then it’s a good thing na hindi maganda ang reputasyon ko pagdating sa mga babae.”
“Ah, yes. The elusive billionaire boy.”
“Unfortunately, imbes na umiwas ang mga babae dahil sa reputasyon ko, parang naging magnet pa `yon sa mga babae. This world is really something.”
“Ganyan talaga ang mga babae. Kung sino `yong mukhang untouchable, `yon ang gustong-gusto nilang abutin. `Guess they just love the challenge of taming an elusive beast.”
“I am no beast. I just want them to leave me alone. I’ll find the woman I want to spend the rest of my life with… on my own.”
“You’re good-looking, you’re single, and you’re a billionaire boy. Who could resist you?” natatawang biro ng admiral.
“Right.” Lumagok ng inumin si Zech bago nagpatuloy. “It’s not that I don’t like women. I do. Ang hindi ko gusto ay `yong magpupumilit sila sa buhay ko sa mga panahon na gusto kong mapag-isa.”
“Ano ba ang dapat itawag sa `yo? Elusive o recluse?”
“A little bit of both.”
Tumawa lang uli ang admiral. “You’re a complicated man, Zech Marquez. To the woman who would capture your heart, I wish her all the best.”
“I wish her that as well.”
Napansin ni Zech na nabaling na sa kanya ang atensiyon ng mga kasamahan nila sa yate, salamat kay Denniz.
“Huwag kang magtago diyan, Zech. Come here and let us take a good look at the next member of the Married Billionaire Boys Club.”
“I’m good here. Just go ahead and take all the attention for yourself.”
“Tapos na siya. Ikaw naman ang pag-iinitan namin ngayon since ikaw na lang ang nag-iisang single sa billionaire boys,” sabi ni Bernard, isa ring member ng Marina Yacht Club na may asawa na.
“Single pa rin si Lantis Nakago,” sagot ni Zech.
“Wala rito si Lantis,” sabi ni Ran. “Hindi talaga mahagilap ang taong `yon tuwing may ganitong kasiyahan. He’s even worse than you, Zech.”
“Gusto ko siyang makausap,” sabi ni Zech. “Makahingi nga ng tips kung paano makakaiwas sa mga ganitong okasyon nang walang nakakahalata.”
“Speaking of Lantis, nasaan na nga pala ang taong `yon?” tanong ni Treize. “Nakausap ko naman siya noong nakaraang araw at nasabihan ko tungkol sa celebration ngayon.”
“No wonder nakatakas si Lantis. Ikaw pala ang salarin,” sabi ni Denniz.
“What a very lucky guy,” sabi ni Zech.
“Ah, well. Since wala si Lantis, ito na lang si Zech ang pagtripan natin ang love life— Hey, saan ka pupunta?”
Nilingon ni Zech si Denniz. “Sa CR. Gusto mong sumama?”
Nagtawanan lang ang mga kasamahan nila.
“Kahit ano’ng gawin mo, Zech Marquez, hindi ka na makakatakas sa kaway ni Kupido.” Nilapitan ni Denniz ang nakadikit na litrato ni Zech sa isang bahagi ng yate, saka minarkahan ng korteng puso gamit ang pulang marker.
“Effective talaga `yan, Serrano,” walang ganang sabi ni Zech.
“Wait for it…” Naglabas ng papel si Denniz mula sa back pocket ng pantalon. “Hah!”
“What’s that?”
“Application forms para maging future Mrs. Zech Marquez.”
“You sent out those application forms? At may pumatol talaga?”
“Of course,” sagot ni Dexter, isa ring may asawa na. “Hindi mo ba alam kung gaano kasikat ang Billionaire Boys Club these days? Lalo na sa mga babae?”
Kinuha ni Zech ang mga papel at tiningnan ang mga nakasulat doon. Application form nga ang mga iyon. “Sino’ng may gawa nito?”
“Kaming lahat.”
“Ang dami n’yong oras, ah.”
“Ayaw namin na maging masungit ka sa pagtanda mo dahil lang sa walang babaeng nagtagumpay na masungkit ang puso mo.”
“I will find one when I need to. If I need to. I’m pretty sure na may makukuha ako kapag gusto ko nang lumagay sa tahimik.”
“Don’t tell me, basta ka na lang kukuha ng babaeng pakakasalan mo kapag tinopak ka nang magpakasal.”
“Hindi naman ako mapili, Ran.”
Biglang natahimik ang mga kasamahan nila, para bang hindi inaasahan ang magiging sagot ni Zech.
“What about... love?”
Zech wanted to laugh, but he just chose to walk towards the comfort room. “Hindi uso sa `kin `yon.”
BASANG-BASA na ang tissue paper na hawak ni Karina. Pagpasok pa lang kasi niya sa shop ng Weddings Incorporated, ang wedding company na mina-manage niya, panay na ang ngawa niya.
“Hayup na Basty `yon! Hayup talaga siya!”
“O, Karin, ano na naman bang drama `yan?” tanong ni Tammy, her friend and co-owner of their business. “Bakit mukha ka na namang praning diyan?”
“Walanghiyang Sebastian `yon! Pagkatapos niyang sabihing mahal niya ako and everything, bigla na lang niya akong babanatan ng ‘I need some space.’ Space niya mukha niya! Doon siya sa outer space kung gusto niya ng space!”
“Hay, naku. Bakit kaya hindi na ako nagtataka na magkakaroon ka ng ganyang drama ngayon?” Tammy was five months pregnant with her third child with her husband of five years.
Lalo lang tuloy sumama ang mood ni Karina. Nakatatlo na ang kaibigan niya samantalang siya, ni walang matatawag na “matinong boyfriend.”
“Kampihan mo na lang ako, Tammy. Dahil gusto kong hunting-in ang Sebastian na `yon at durugin nang pinong-pino.”
“Ilang beses na ba kitang kinampihan sa mga ganitong drama mo?”
“Seven.” Napabuntong-hininga nang malakas si Karina kasunod ang impit na pagdadalamhati. “Seven times na akong nabibigo sa pag-ibig sa loob lang ng tatlong taon! Seven times! Magkasing-edad lang tayo pero ikaw, anak ang binibilang samantalang ako, mga walanghiyang ex-boyfriend!”
“Sinusuwerte lang ako sa love life,” nakangising sabi ni Tammy.
“Kaya nga, eh. Bakit ikaw, suwerte? Bakit ako sobrang malas? Mabait naman ako. Mapagmahal, maganda, successful, matalino, at higit sa lahat, loyal.” Karina walked towards her display of wedding veils and array of decorated flowers. “Ano ba’ng problema sa `kin ni Kupido? Bakit niya ako pinag-iinitan nang ganito? May masama ba akong ginawa sa kanya? Ni hindi ko nga siya nakikita!”
“Alam mo ang problema mo, Karin? Masyado kang atat na magka-love life at makapag-asawa. Tuloy, natatakot na sa `yo ang mga lalaki.”
Hinarap niya si Tammy. “Hindi ba’t `yon naman ang ultimate purpose kung bakit tayo nakikipagrelasyon? Ang magkaroon ng ka-partner in life? Kung hindi naman pala pag-aasawa ang ultimate goal ng mga tao, ano’ng silbi ng makipagrelasyon? Pagsasayang lang `yon ng panahon.”
“Malay mo naman, mas gusto nila ng steady kalandian at wala pa silang balak mag-asawa talaga. In short, hindi pa sila sawang maging single. Ikaw lang naman diyan ang laging parang nagmamadaling makapag-asawa.”
“Well, I’m twenty-eight. Kahit sinong babae ang nasa edad ko, magmamadali na ring mag-asawa. Lalo na `yong tulad kong walang naging steady boyfriend sa mahabang panahon. Ayokong maging matandang dalaga!”
At parang maghi-hysterical na si Karina tuwing maaalala na dalawang taon na lang, papalo na sa treinta ang edad niya. Naturingan pa naman siyang may negosyo na may kinalaman sa kasal, wala man lang siyang maiprisintang magandang love story sa mga client niya. It was bad for the business.
“Tammy! Tulungan mo naman ako! Gawin mo na ang obligasyon mo bilang kaibigan ko.”
“Obligasyon?”
“Ihanap mo ako ng mapapangasawa!”
“Hay.” Hinarap na siya ng kaibigan. “Alam mo, Karina Licaros, kahit ano’ng gawin mong paglulupasay diyan, kung talagang hindi pa dumarating ang lalaking para sa `yo, wala kang magagawa.”
“Hindi ko kailangan ng lalaking para sa `kin. Ang gusto ko lang, `yong makakasundo ko sa buhay. Kaya ko na siyang gawing para sa `kin kapag naikasal na kami.”
“See that? `Yang attitude mo na `yan ang isa sa mga dahilan kung bakit sa halip na lapitan ka ng mga lalaki, nagtatakbuhan sila palayo sa `yo. You always boss them around. Men are egoistic, Karin. If you’re gonna act like someone who owns them, naku, magpaalam ka na sa pangarap mong makapag-asawa!”
“Ang babagal naman kasi nilang magsikilos. Hindi na kami teenagers para magpa-cute. Kailangang straight to the point agad at nang wala nang oras at panahon na nasasayang.”
Hindi naniniwala si Karina na nilalayuan siya ng mga lalaki dahil lang sa paborito niyang topic ang pagpapamilya. After all, she was a perfect wife-material. Sino ang hindi gugustuhin na mapangasawa siya? Siguradong may mabigat na dahilan si Kupido kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakikita ang lalaking para sa kanya. Napaka-unusual naman kasi talaga na lagi na lang siyang iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya nang wala namang mabigat na dahilan.
“Huwag mo na ngang intindihin `yan, Karin. Baka naman kasi hindi talaga si Sebastian ang lalaking para sa `yo. Kunsabagay, mabuti na ring hindi kayo nagkatuluyan dahil ayoko sa isang `yon. Masyadong mayabang.”
“Wala ka naman talagang inaprubahan sa mga naging boyfriend ko.”
“Eh, kapintas-pintas naman talaga ang mga naging lalaki sa buhay mo. Hindi ko lang pinapansin dahil nabubulag ka sa pangarap mong makapag-asawa na.”
Napabuntong-hininga na lang si Karina. May tama ang kaibigan. Nakikita lang niya ang flaws ng mga nakakarelasyon niya pagkatapos nilang mag-break. Lumapit siya sa desk ng kaibigan.
“Pero, Tammy… hindi ko talaga matanggap na walang lalaking gustong makasama ako sa buhay. Imposibleng hindi gumawa ang Diyos ng lalaking para sa `kin.”
“I agree. Kaso, kung hindi pa nga dumarating ang lalaking `yon, ano’ng magagawa mo? Mabuti nga at inilalayo ka ni Lord sa mga walang kuwentang lalaki kaya magpasalamat ka na lang. Okay?” Binalikan na ni Tammy ang pagbabasa sa magazine na nakalatag sa table.
Isang napakaguwapong mukha ang nabungaran ni Karina sa magazine, with piercing clear brown eyes, prominent nose, sensuous lips, brownish black wavy hair long enough to curl at the base of his neck, and a body fit to be a model. Napatitig siya sa litrato. Parang may munting alaalang nagbabalik kung saan mukha ng isang taong punong-puno ng galit ang nakatingin sa kanya.
“Guwapo, `no?” sabi ni Tammy. “That’s Zech Marquez. He’s the sole owner of Marquise Shipping Lines, the biggest shipping line in the country. Siya rin ang may-ari ng isang top land development firm sa bansa, at TMQ Jewelry. Higit sa lahat, isa rin siya sa dalawang natitirang bachelors ng BBC. Ngayong nalalapit na ang kasal ni Denniz Serrano sa restaurant owner na si Sofia Feliciano, inaasahan na ng lahat na si Zech ang susunod na mag-aasawa.”
Susunod na mag-aasawa… susunod na mag-aasawa… susunod na mag-aasawa…
Napatili si Karina. “That’s it! That’s why I’m having trouble getting married! Dahil hindi pa nag-aasawa si Zech!”
“Kilala mo si Zech Marquez?”
“Tammy!” Karina couldn’t contain her excitement. “Si Zech! Si Zech ang sagot sa pangarap kong makapag-asawa na!”
“Eh… okay ka lang ba, friend? Mukhang tuluyan nang lumuwag ang turnilyo mo, ah.” Tiningnan nito ang picture ng lalaki sa magazine. “Well, maganda ka naman. Sexy, matalino, at may kaya sa buhay. Medyo desperada lang nang kaunti pagdating sa usaping pampuso pero keri lang. Hindi na lugi si Zech sa `yo. Pero kung nagkataong wala pang Norberto sa buhay ko, mas bagay kami ni Zech.”
“Tammy, listen.” Kinuha ni Karina ang magazine. “Hindi kami bagay ng lalaking `to. He’s an arrogant bastard and a total jerk.”
“And you’re the epitome of good manners and right conduct?”
“Teka nga, Tammy. Sino ba ang kaibigan mo, ako o si Zech?”
“Ikaw.”
“Kung gano’n, sa akin ka kumampi. Kapag sinabi kong mayabang at sira-ulo ang Zech Marquez na `yan, oo ka lang.”
“Nahihirapan ako, friend. Ang guwapo-guwapo ni Zech Marquez, eh.”
Hindi na lang pinansin ni Karina ang kaibigan at tinitigan ang litrato sa magazine. “Ang buwisit na `to ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa ako nag-aasawa.” Naningkit ang mga mata niya. “Bakit ba ngayon ko lang `to naisip…?”
Kunsabagay, matagal na rin mula nang mangyari iyon.
Thirteen years ago, to be exact.

Zech Marquez (The Billionaire Boys Club 5)
10 Chapters
10
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101