passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Steamy
/
Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)
Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Steamy

dot
eye

377

Description

Xeena returns home to follow her crush Silvanus Arellano. But instead she meets a man named “Vincent Noblejas” - cute but extremely bossy. A dangerous mixture. A rather dangerous man. And she finds out she can't just help but follow her instincts...

Moving On
Boss
Sexy
Playboy
Billionaire

Chapter 1

Nov 28, 2025

N AKAMASID lang si Xeena sa malawak at napakagandang tanawin sa kanyang harap mula sa breakfast pavillion ng Villa La Rossi, ang villa hotel na pag-aari niya. Madalas siyang tumambay doon tuwing umaga. She put her cup of coffee down and smiled to herself. Hindi na yata siya magsasawa sa luntiang tanawin ng tahimik na bayan ng Tuscany sa Italy. Sa mga magulang niya ang hotel villa na iyon na ipinamana sa kanya. Maliit lang iyon pero dahil sa ganda ng architectural design at kapaligiran, agad siyang naakit. At dahil natural na business-minded kahit wala pang experience sa pagtatrabaho, Xeena turned the villa into an exclusive villa hotel. Ngayon ay hindi lang tahanan ang meron siya kundi mapagkakakitaan na rin.

“Kayo na lang muna ang gumala, hon. Kukuha lang ako ng ilang shots dito.”

“Trabaho pa rin ba ang iniisip mo hanggang ngayon?”

“Of course not. Kukuha lang talaga ako ng ilang shots mula dito dahil talagang, wow, ang ganda dito. Sa galing ko bilang isang photographer, siguradong magkakamal ako ng salapi kapag ibinenta ko sa Hallmark at iba pang postcard companies ang mga kuha ko rito.”

Nilingon ni Xeena ang tila mag-asawang nagkukulitan. Isang napakaguwapo at matangkad na lalaki ang nakita niyang may kargang bata na sa tantiya niya ay nasa isang taong gulang pa lang. Kausap nito ang maliit pero napaka-cute na babaeng kung hindi siya nagkakamali ay ang asawa nito.

“Para kang miyembro ng sindikato kung magsalita.”

“Miyembro ng sindikato? Ang cheap, ha? Leader naman, hon, para sosyal kahit paano.”

The guy just smiled broadly. “Mamumuti talaga ang buhok ko sa kunsumisyon sa `yo.”

“Nagrereklamo ka na ba nang lagay na `yan?”

“No. I would have loved to grow old with you, Dunkey.” He lovingly kissed the woman. “Nandoon lang kami ni Alexis sa lake sa harap nitong hotel. Makikita mo kami mula dito kaya kapag nagsawa ka na dito, puntahan mo lang kami doon.”

Xeena smiled as the man and the little boy in his arms walked towards the lake.

“That’s so sweet,” sabi niya sa sarili. Pero masyado yatang napalakas dahil napalingon ang naiwang babae. “Sorry, I can’t help hearing your conversation.”

“ Noypi ka rin?”

“Pinoy? Ah, oo.” Niyaya niya ang babae sa kanyang table. “My name’s Xeena Salvacion. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng Filipino guests dito.”

“Kung gano’n, super sosyal itong lugar ninyo.” Naupo na rin ang babae sa bakanteng silya pagkatapos ilahad ang kamay. “I’m Dunkey Fontanilla. Donata for long. So, dito ka nagtatrabaho?”

“Not really. I own this villa hotel.”

“Talaga? Wow. I must say, ito na yata ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko dito sa Italy.”

“Thank you.”

“If you don’t mind, puwede ko bang i-feature itong villa hotel mo sa magazine namin sa `Pinas? I’m working as a writer kasi.”

“Really? Well, that would be nice.”

“Yeah. Magandang promotion ito sa inyo dahil mag-uumpisa na ang international distribution ng magazine namin. In fact, I have a copy here with me.”

Isang glossy magazine ang ibinagsak ni Dunkey sa table nila. Xeena’s eyes immediately caught the pictures of handsome men on the cover and its title.

“The Billionaire Boys Club?”

“Ha? Oh yeah. The new boys on the block.” Nakangiting tiningnan din ni Dunkey ang larawan. “Guwapo, `no? Mayaman din ang mga `yan.”

“Kilala mo sila?”

“I created them.” Hinipan pa nito ang mga daliri. Nakakatuwang tingnan ang babae na sa height na nasa limang talampakan lang siguro ay punong-puno ito ng confidence sa katawan. “Well, actually, I just write about them. The young billionaires of our beloved Philippines. My husband Ran, he was a former billionaire boy himself. `Yong lima pang iba, may mga asawa na rin. Pero sa dami ng mga nahumaling sa mga lalaking iyon, marami ang nag-request na magkaroon ng batch two.” Itinuro ni Dunkey ang magazine. “And, there you go.”

Binuklat ni Xeena ang magazine at sa bawat pahina niyon ay parang gusto niyang mapabuntong-hininga. Para kasing sa mga romance novel lang nag-e-exist ang mga lalaki sa larawan. Pero isa lang doon ang nakakuha ng atensiyon niya. Billionaire boy Silvanus Arellano.

“Vincent Noblejas,” sambit ni Dunkey na nakitingin na rin sa magazine. Isang blown up snapshot ng lalaki ang sinisipat nito. “The telecom magnate. Shares of his flagship wireless telecom outfit, AlphaCom, soared seventy-six percent during the year. His business empire also includes holdings in retail, banking and insurance, and auto parts manufacturing in Germany, owns more than a million acres of ranch land all over the world, and is now making his name in the world of oil production.” Saglit itong natigilan. “Aba, mas mayaman pa siya kay Ran ko?”

Kahit hindi interesado sa topic ay na-curious na rin si Xeena na malaman na may mga tao nga talagang may kakayahang magpatakbo ng ganoon karaming negosyo. Wala naman kasi siyang hilig magbasa ng mga business papers kaya ang makarinig ng mga kuwento gaya ng Billionaire Boys Club ay bago talaga sa kanya. Handsome, rich, and single. Sino ang hindi maku-curious?

Sa wakas ay pinansin ni Xeena ang larawan ng lalaking tinutukoy ni Dunkey. The man was handsome all right. Maybe the most handsome of the bunch. But there was also something in his eyes, that even though he wasn’t looking directly at the camera, he was silently commanding anyone to back off.

“Vincent is one hell of a businessman,” patuloy ni Dunkey. “But he’s also one heck of man. Kapag nakita mo siya, mas mabuting tingnan mo na lang at pangarapin sa malayo. You’ll be safer that way. Alam mo bang panakaw pa nang kunan ko siya ng picture? Masyado kasing pribado ang isang ito. Ayaw ng istorbo. Ayaw pang magpakuha ng picture samantalang pang-poster nga ang hitsura niya. `Di ba?”

“Okay lang. Paano mo nga pala nakuha ang mga impormasyong ito sa kanya?”

“He agreed for an interview. Importante kay Vincent ang privacy pero alam din niya kung ano ang mga bagay na makakatulong para mas mapalago pa ang business empire niya.”

“Oportunista,” Xeena said, flipping the page back to Silvanus’ smiling picture.

“Not really. Just a clever businessman.”

“With all his money, nakakatulog pa kaya siya nang mahimbing sa gabi?”

“Tanungin mo siya. May number ako ng opisina niya sa Maynila.”

“No, thanks. But I wouldn’t mind having Silvanus’ number, though.”

“Ohhh.”

“I’M IN love, Hevn,” sambit ni Xeena sa pinsan habang hindi nilulubayan ng tingin ang papalayong lalaki. “I’m in love with Silvanus Arellano!”

Katatapos lang niyang makilala ang naturang lalaki. Dalawang araw matapos umalis ng pamilya nina Dunkey sa Villa La Rossi ay dumating naman ang isa sa bagong miyembro ng prestihiyosong Billionaire Boys Club. Ayon sa pinsan niyang si Hevn na unang nakakilala kay Silvanus, nagkaroon daw ng business meeting ang lalaki sa Italy na na-cancel lang kaya ito naroon ngayon sa kanyang villa hotel. And the moment Xeena saw him, she almost fainted. Dahil mula nang araw na makita ang picture ni Silvanus sa magazine, hindi na niya ito nakalimutan pa.

“I’m in love with him!” ulit ni Xeena, saka hinila si Hevn paupo sa iniwang table. “Mamayang hapon pa ang flight niya, `di ba? I have got to know him better.”

“What the hell are you talking about? You’re not going to—”

“Ask him out on a date, yes!” Pagkatapos ay seryoso niyang binalingan ang pinsan. “Will you ask him out for me?”

“Ibuhos ko kaya sa `yo itong kape mo at nang matauhan ka?”

“Please, Hevn? Sinabi mo kanina na hinahanap mo ang purpose mo sa buhay, hindi ba? Well, baka ito na `yon.”

“My purpose in life is to be an idiot?”

“No. To make sure I’ll be happy with the man of my dreams.” Tuwing maiisip ni Xeena ang guwapong lalaki ay parang magha-hyperventilate siya. “Ask him out for me, Hevn.”

“What?! Nasisiraan ka na ba ng bait?”

“Siguro nga. Well, will you do it?”

“No! Kung gusto mo siyang maka-date, ikaw ang kumausap sa kanya. Leave me out of it.”

“Hindi ko siya kayang kausapin. Alam mo namang kapag masyado akong nauunahan ng emosyon ko, kung ano-anong kapalpakan ang nagagawa ko. Isa pa, ngayon lang ako hihiling sa iyo ng ganito.”

Hindi na malaman ni Hevn ang gagawin.

Parang gusto tuloy magtaka ni Xeena. Ang pinsan kasi niya ang tipo ng babaeng hindi na naaapektuhan ng ibang lalaki kapag may boyfriend na. Si Silvanus ba ang dahilan ng tila disorientation nito ngayon?

“May gusto ka ba kay Silvanus?”

“Ano bang klaseng tanong `yan, Xeena?” Diskumpiyado pa rin siya. “No, wala akong gusto kay Silvanus mo. At para matahimik ka na, fine, I’ll ask him out for you.”

Buong maghapon tuloy na nanatili lang si Xeena sa kanyang silid para magsukat ng damit para sa date nila ng binata. Gusto na niyang matawa habang sinisipat ang sarili sa salamin. It was really unusual for her to act this way. Kaya nga interesado rin siyang malaman kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya kay Silvanus. Was she attracted to him? Yes. Madali niyang tinanggap ang katotohanang iyon. Kaya ngayon, gagawin ni Xeena ang lahat para masunod ang nararamdaman. Inaamin niyang pihikan siya pagdating sa lalaki kaya nga hanggang ngayon, sa edad na beinte-otso, ay wala pa rin siyang boyfriend. Xeena was very idealistic when it came to the matters of the heart. Ang gusto niya, unang kita pa lang sa lalaki ay may ‘spark’ na agad. Hindi bale nang siya lang ang nakakaramdam niyon. Tutal naman, ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Kung hindi pareho ang damdamin nila ng lalaking nagustuhan, well, she would get to that later.

In the meantime, she would just entertain this wonderful feeling she was having.

Pero dala na nga yata ng natural na daloy ng buhay ang kabiguan. Dahil sa unang pagkakataon, mukhang mabibigo pa si Xeena nang wala sa oras. Nalaman niya sa pinsan na pumayag si Silvanus sa kanyang imbitasyon niya. Pero pagdating ng usapan nila, isang maliit na note lang sa kapirasong papel ang naabutan niya. Nakasaad doon ang pag-alis ni Silvanus nang walang paalam. Nagkaroon daw ito ng problema sa isa sa naiwang negosyo sa Pilipinas at kinailangan na talagang umalis agad.

“Ano’ng gagawin ko, Hevn? Hindi ako mapapakali nito.”

“Ano pa nga ba naman ang puwede mong gawin ngayon kundi ang tigilan na si Silvanus?”

“Hevn, you know I can’t do that. This is the first time I ever felt this way towards a guy. And I’ve been waiting for this feeling for such a long time. I can’t just ignore it.”

“Xeena, baka naman nabibigla ka lang. Na attracted ka lang sa kanya dahil, well, talaga namang guwapo siya.”

“No, Hevn. I have this strange feeling inside me that tells me I shouldn’t just let him go. Not yet.”

“Well, cousin, as you may know by now...” Itinaas ni Hevn ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang note ng binata. “Wala na siya. Nakaalis na.”

“And I know where to find him.” Desidido na siya nang harapin ito. “I’m going to the Philippines, Hevn. I’m getting him back.”

“Xeena, naloloka ka na ba?”

“Siguro nga.” She gave out a breathless laugh. “Sinabi ko na sa `yong ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito. At wala akong balak na bale-walain iyon.”

“You can’t do it!”

“You’re right. I can’t do it alone.” Binigyan niya si Hevn ng isang mahiwagang ngiti. “That’s why you’re going with me.”

Sa isang salita, silang dalawa ng pinsan ang bumalik sa bansang pinagmulan kinabukasan mismo at tumuloy sa isang hotel. Ayaw pa nga ni Hevn noong una dahil nasa Italy na nga naman ang buhay nila. And for the last couple of years, halos lahat na ng kamag-anak nila ay nakapag-migrate na rin sa iba’t ibang panig ng mundo dala ng kanilang mga napiling propesyon. Inakala nga ni Xeena na hindi na siya makakabalik pa sa Pilipinas kahit kailan dahil wala na nga naman siyang babalikan pa. Hindi pumasok sa isip niyang ang tanging makakapagpabalik sa kanya sa kinagisnang lupain ay isang lalaking ni hindi nga siya lubos na kilala.

“So, ano na ang gagawin mo ngayon, Xeena?” baling sa kanya ng pinsan na kanina pa sinisilip ang tanawin mula sa bintana ng hotel na tinutuluyan nila. “Sinamahan kita dito dahil nag-aalala ako sa `yo. Wala na tayong kamag-anak na mahihingan mo ng tulong sakaling malagay ka sa alanganin. Pero isang linggo lang ang ilalagi natin dito. Hindi puwedeng iwan natin ang mga trabaho natin sa Italy nang masyadong matagal.”

“Oo na, oo na.” Patuloy niyang hinalungkat ang luggage bag hanggang sa makita ang hinahanap. Ang kopya niya ng Philippine Stats . “Ah, here it is!”

“Ano’ng gagawin mo diyan?”

“I’m going to contact Dunkey.”

“What? You’re talking to animals now?”

“Silly! Dunkey is Donata Fontanilla’s nickname. Siya ang writer ng Billionaire Boys Club at siya rin ang nagbigay sa akin nitong magazine. Hindi ko nasabi sa `yo pero nagkita kami sa Villa La Rossi, two days before Silvanus arrived there. She was with her husband Ran, a former billionaire boy himself, with their first child.”

“Former billionaire boy? You mean there were other billionaires before?”

“I told you our beloved country now boasts of many rich people.” Hindi kasi naniniwala si Hevn na may kakayahan ang Pilipinas na makapag-produce ng mga bilyonaryo.

Tinawagan ni Xeena si Dunkey habang kinukutingting ng pinsan ang magazine. Mabuti naman at madali niyang na-contact ang babae at agad din siya nitong nakilala.

“Kanina lang kami dumating ng pinsan ko. Nang makausap kasi kita, parang bigla ko na lang na-miss ang Pilipinas kaya nandito kami ngayon.” Gumawa na lang siya ng alibi para hindi na ito magtanong pa. “Ahm, kaya nga rin pala ako tumawag ay para humingi sana ng kaunting pabor. Puwede ba?”

“Oo naman. Ilang milyon ba ang kailangan mo?”

“Ah, no. Hindi pera ang ibig kong sabihin.”

“Hmm, mayaman ka nga siguro talaga para tanggihan ang milyones ko.” Humagikgik pa si Dunkey patunay na nagbibiro lang ito. “Anyway, ano ba iyang pabor na tinutukoy mo?”

“Ahm…” Well, this is it. It’s now or never, Xeena . Huminga siya nang malalim. “Gusto ko sanang malaman kung saan ko puwedeng ma-contact si Silvanus.”

“I don’t have his private number, Xeena. Nasabi ko na sa iyo iyan nang magkita tayo sa Italy. Isa kasi si Silvanus sa mga taong masyadong pinahahalagahan ang privacy. Pumayag silang ma-feature sa magazine namin pero sa kondisyon na wala kaming ibibigay about their personal contact numbers, unless it has something to do with their business.”

Bagsak ang mga balikat niya. Kung ganoon, mauuwi lang sa wala ang pagpunta nila sa Pilipinas. Ngayon pa lang, parang nalulungkot na siya. Maybe it wasn’t destined that she would see Silvanus this time.

“Although…” Saglit pa itong tila nag-isip sa kabilang linya. “I can make an exception for you. Pakonsuwelo dahil binigyan mo kami ng discount nang mag-stay kami sa Villa La Rossi the last time we went there. I can give you an info or two. Mabait naman si Silva, lalo na sa mga babae.”

“At magkakilala na sila ng pinsan ko.”

“Ah, well, that’s better. Teka lang, ha?”

May narinig si Xeena na iyak ng bata sa kabilang linya. Mukhang nagmamaktol na ang anak ni Dunkey kaya hindi niya gaanong maintindihan ang mga address na sinasabi nito. Kinailangan pa niyang ipaulit iyon dahil sa malakas na atungal ng bata. Hindi naman nagtagal at nakuha na rin niya ang dalawang address na sinabi nito.

“Thank you very much, Dunkey.” She turned to her cousin after she put down the phone, grinning from ear to ear. “Got it! Silvanus Arellano is staying in his mansion at the posh Sun View Park Subdivision and at St. Claire’s.”

“St. Claire’s?”

“St. Claire’s Estate. Sa Aurora Province ito. Nakapunta na ako dito minsan dahil may isa akong kaklase noong high school na taga-Aurora at dinala niya kami sa St. Claire’s para ipasyal.” Muli niyang pinagmasdan ang nakasulat na address. “Hindi nga lang sigurado si Dunkey kung saan nag-i-stay ngayon si Silvanus so medyo may problema tayo.”

“Xeena, what if… what if he doesn’t feel the same way towards you?”

“Well, we wouldn’t know that, would we? Unless, magkaroon nga kami ng pagkakataong magkakilala nang husto.” Iyon lang naman ang gusto niya. Just a chance for them to know each other. “And I’m giving ourselves one week. Kung wala talagang chemistry sa amin, babalik agad tayo sa Italy. Promise.”

Halatang hindi pa rin kumbisido si Hevn sa balak niya, pero sa huli ay pumayag na rin. Ibinigay niya ang isang address.

“We’ll split up. Ikaw ang maghahanap sa Sun View Park, ako naman sa St. Claire’s. Kapag nagkita kayo, sabihin mong gusto ko siyang makausap at ibigay mo ang cell phone number ko sa kanya.”

“I hope you know what you’re doing, Xeena. I don’t want you to get hurt.”

“I’m not gonna get hurt. Besides, I’m really not that sure about my feelings for Silvanus. Kaya nga kailangan kong makasiguro, so I can move on easily. You know me. Ayoko ng laging tinatanong ang sarili ko kung puwede ko namang tanungin ang iba. In this case, si Silvanus nga.”

“Okay. You’re the man.”

Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

10 Chapters

close

book

10

Contents

add to library button

Save

Passion Exclusive

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

Read

New Adult

Never Just Friends

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

Read

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Read

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Read

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101