
Description
Someone is stalking her. She's in total danger. And she knows the man who offered his help can't be trusted. But he doesn't let her go, promising to take her away ... but there will be a price to pay. Diana doesn't even know his name, the man with eyes as black as night. Can she just simply believe him? Well, she can try.
Chapter 1
Apr 9, 2022
Prologue
T UMUNOG ang telepono sa front desk ng hotel-resort. Akmang dadamputin ng front clerk ang telepono nang lumapit si Zandro.
“Ako na...,” wika nito at muling bumalik sa kausap na guest ang empleyado. “Kristine h otel and resort, good evening...”
“Hello... this is Jewel Fortalejo, sino ito?”
“Jewel, si Zandro ito,” nakangiting sagot ng lalaki. “Where are you?”
“Nasa ere. Hey, may bago na bang telephone operator ngayon ang K-hotel?” natatawang sagot ng dalaga.
Natawa si Zandro. “May palagay akong hanggang dito na lang ang papel ko. Iyong hindi ba naman ako pamanahan ng Papa, eh, di, operator na lang...” ganting biro nito pero seryoso ang ibinabadya ng mga mata.
“Nasaan nga pala si Bernard?”
“Nasa bagong bahay nina Nathaniel at Jasmin. Ngayong araw kasi na ito lumipat ang mag-asawa. They started moving things this afternoon. How’s Emerald?”
“Oh, Zandro, she delivered her baby this morning! At tulad ng nasa ultrasound, it’s a twin. A boy and a girl...”
“And I am happy for her....”
“And don’t tell anyone yet, my dearest handsome uncle,” mabilis na pahabol ng dalaga. “Kanina ko pa inaawat ang Tiya Julia at si Marco na tumawag riyan. I wanted to be the one to bring the good news...”
“Of course. Saan ka tutuloy?”
“Sa villa muna. I’ll have to change at sosorpresahin ko na lang ang mga iyon...” p agkatapos ng pag-uusap ay ini-off na ng dalaga ang CP. Tiningnan ang relo sa braso, malapit na ang alas-otso ng gabi. Marahil ay matatagalan pa si Bernard sa bagong bahay nina Nathaniel. Tiyak na doon na rin ito naghapunan. In fifteen minutes ay nasa villa na siya. Makakahabol pa siya roon.
SA bahay ng mga Cervantes ay kasalukuyang nasa malaking sala ang mag-anak.
“This is a big house, Nathaniel.” s i Josef. “At mahusay ang arkitekto mo. Neo-classic. Pinaghalo mo ang Spanish at modern architecture...”
“Hindi ako ang may ideya nito, Papa, kundi ang kaibigan kong si Gabriel,” sagot ni Nat na tinanggap ang ibinigay na kopita ng alak mula kay Jasmin pero ang mga mata ay nakatuon kay Bernard na palakad-lakad sa may di-kalayuan. “Sa Villa Kristine ako lumaki at ipinanganak at hindi ko gustong alisin sa paningin ko ang mga bagay na nakasanayan ko and at the same time to enjoy the comfort na dala ng mga modernong kaayusan. Gabriel suggested neo-classic.”
Si Jasmin ay nagtuloy kay Bernard at inabot din dito ang isa pang kopita. Wala sa loob na tinanggap iyon ng binata.
“What’s the matter with you, Bernard?” tanong ni Nathaniel na dinala sa bibig ang kristal at bahagyang sumimsim. “Kanina ka pa hindi mapalagay...”
Nanukso si Jasmin. “Para dalawang araw pa lang kayong hindi nagkikita ni Jewel ganyan ka na. Bukas nasa Maynila ka na rin naman para asikasuhin ang kompanya...”
Nagkibit ng mga balikat ang binata. “Gusto ko nang umuwi muna, Nat, Jas...” wika nito na inilapag sa ibabaw ng piano ang kopita. “Para akong wala sa sarili. Hindi ko maintindihan...”
“Why not play chess with me, hijo...” suhestiyon ni Josef.
“Naku hindi na, Josef. Nakahain na ang hapunan. Pagod at gutom lang marahil si Bernard,” ani Margarita na lumabas mula sa dining room. “Vamos a comer...”
“I’m sorry. I don’t want to spoil this dinner sa unang pagkakataon dito sa bahay mo, Nat, pero gusto kong umuwi.” p agkasabi niyon ay lumakad ito patungo sa pinto sa pagtataka ng apat.
Si Nathaniel ay nagsasalubong ang mga kilay na sinundan ng tanaw ang binata.
“I’m bothered. Gusto ko siyang sundan...”
“C’mon, darling. Baka may problema iyong tao at gustong mapag-isa muna. Talk to him tomorrow about it…”
SA landing pad sa Villa ay niyaya ni Jewel si Mitch.
“Hindi mo ba gustong sumama sa bahay ni Nat at Jas, Mitch?”
“Some other time, love. May appointment ako sa Maynila ng alas-nueve y media,” sinulyapan ang relo sa braso. “Alam mo na, binata,” natatawang wika nito kasabay ng paglalagay muli ng headset. Nagkibit ng mga balikat si Jewel at bumaba ng chopper at patakbong lumayo. Pinanood muna niya ang unti-unting pagtaas ng higanteng tutubi bago mabilis na lumakad patungo sa villa.
Nasa portico na siya nang hindi sinasadyang madako ang pansin niya sa kanang bahagi ng villa. Tila may nahagip ang mga mata niya na parang kinawayan siya. Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at nagkibit ng balikat. Sino ba naman ang kakaway sa kanya roon, eh, napakadilim sa bahaging iyon. Kung katulong ay hindi gagawin iyon.
Kinuha niya ang sariling susi mula sa bag at ipinasok sa susian ng malaking pinto nang bumukas iyon. Hindi naka-lock. Nalimutan ng mga katulong na i-lock ang pinto. Hinugot niyang muli ang susi at akmang papasok nang tila may naulinigan siya.
No entres, Jewel, hija... huwag kang pumasok...
Napahinto sa paghakbang ang dalaga. “May tumatawag ba sa akin?” Nilingon niya ang pinanggalingan. Pulos kadiliman ang nakita niya. Ang tanging liwanag ay ang malamlam na ilaw sa portico. Huminga siya nang malalim. “Something’s wrong with my imagination today. Siguro ay excited lang talaga akong ibalita sa mga tao rito ang kambal ni Emerald,” nangingiti niyang sinabi at tuloy-tuloy sa loob at muling isinara ang pinto.
Tuloy-tuloy ang dalaga sa malaking hagdan. Sinulyapan ang grandfather’s clock bago pumanhik. Alas-otso y media ng gabi. Maaga pa naman pero baki t tila yata nasa kani-kanilang quarters na ang mga katulong? O, baka naman tumulong sa paglilipat ang mga ito?
Nasa itaas na siya nang mapunang bukas ang ilaw sa silid ni Don Leon Fortalejo. Nagtatakang humakbang patungo roon ang dalaga. Walang sinumang makapapasok sa silid dahil naka-lock iyon. Bukod tanging si Bernard ang may susi ng silid.
Narito ba si Bernard? Umiling ang dalaga. Kung narito si Bernard ay tiyak na lumabas na iyon sa ingay pa lang ng chopper kanina.
Binilisan niya ang lakad sa mahabang pasilyo. Bahagya lang gumawa ng ingay ang rubber shoes niya. Itinulak niya pabukas ang pintong bahagyang nakaawang. Nanlaki ang mga mata niya sa nabungaran.
“Ikaw!”
“Ako nga. Hindi ako nainip sa paghihintay sa iyo.”
“Ano ang ginagawa mo rito? Sa silid ng Lolo? Paano kang nakapasok?” sunod-sunod niyang tanong. Nagagalit siya. Walang karapatan ang kahit na sino na pumasok sa silid ni Leon Fortalejo maliban sa immediate members of the family. At iyon ay tangi lamang kung pinahihintulutan ni Bernard.
Inilahad ng lalaki ang dalawang kamay at nagkibit ng mga balikat. “Marami kang tanong. Pero sasagutin ko. Hindi mahirap na buksan ang silid na ito. Luma na ang lock, sinauna. Dito kita gustong hintayin dahil hindi ko alam kung alin sa mga silid dito ang silid mo.”
“Paano mong nalamang darating ako ngayon?” Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya. The nerve of this man! Prenteng nakasandal sa poste ng four-poster bed na para bang ito ang nagmamay-ari ng Villa Kristine.
“Hindi ba tumawag ka?” Nakakalokong ngumisi ang lalaki.
“Oh!” Napapikit siya. Pagkatapos ay nanlilisik ang mga matang muling ibinalik ang tingin sa lalaki. “Ano ang gusto mo? Sabihin mo at nagmamadali ako. `Pag nalaman ni Bernard na pumasok ka sa silid ng Lolo ay tinitiyak ko sa iyong hindi niya magugustuhan iyon.”
“Ikaw ang gusto ko, Jewel,” walang anumang wika nito. “Una pa lang kitang makita’y gusto na kita...” m ay panganib na ibinabadya ang mga mata nitong nakatitig sa dalaga. Kinabahan si Jewel.
“Kasintahan ako ni Bernard at...”
Lalong lumapad ang ngisi ng lalaki na inagapan ang sinasabi niya. “Bakit ba mukhang na kay Bernard na lang yata ang lahat? Isang magandang kasintahan... at ang kalahati ng kayamanan ni Leon Fortalejo at ang villa na ito. Hindi ba dapat na kabahagi sa kayamanang ito...”
“Legal na kinilala ni Senior Leon si Bernard bilang anak,” pagtatanggol niya. “Legal na ipinamana ni Senior Leon kay Bernard ang kayamanang sinasabi mo!” agap niya. “At kung gusto ninyong kuwestiyunin ang tungkol roon bakit hindi si Marco ang kausapin ninyo?”
Napalis ang ngiti sa mukha ng lalaki. Tumiim ito. “Si Marco? Mapapaikot niya ang batas at ang testamento. He is a shrewd lawyer at higit sa lahat, pamangkin niya si Bernard.”
“Kung ganoon ay lalong hindi mo dapat na ipakipag-usap sa akin ito,” aniya na sinabayan ng talikod upang lumabas subalit hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay nahawakan na siya ng lalaki sa braso.
“Saan ka pupunta sa akala mo?!”
“Bitiwan mo ako, ano ba!” hiyaw ng dalaga na tuluyan nang kinabahan. Pilit binabawi ang braso mula rito.
“I told you I want you, Jewel. At magiging akin ka sa oras na ito!” Mapanganib na ngumisi ang lalaki at marahas siyang niyakap.
“Papatayin ka ni Bernard sa ginagawa mong ito!”
“Kung malalaman niya. Sasabihin mo ba? Gusto mo bang makapatay ang kasintahan mo?” patuyang wika ng lalaki na yumuko at mariin siyang hinagkan. Bahagyang naibaling ng dalaga ang mukha at halos dumapo na sa mga labi niya ang mga labi nito.
Napatili siya. Malakas upang magising ang mga katulong.
“Walang makaririnig sa iyo. Dalawang katulong lang ang naiwan sa villa at tiniyak kong tulog sila at hindi magigising sa anumang ingay,” mapanganib nitong sinabi at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Pinagyayakap at pinaghahalikan ang dalaga. Nagpumiglas at nanlaban ang dalaga. Hindi sinasadyang may nahagip ang kamay niya sa katawan nito sa panlalaban niya. Hindi niya iyon binitiwan.
Itinaas ni Jewel ang kanang binti at tinuhod ito. At dahil nakayakap ang lalaki nang mahigpit sa kanya ay hindi gaanong mapuwersa ang ginawa niya. Ganoon pa man ay lumuwag ang hawak nito at nakawala siya.
Hindi niya natakbo ang pinto dahil naunahan siya nito roon. Umatras ang dalaga palabas ng veranda. Nahinto siya sa balustre.
“Hanggang diyan ka na lang, Jewel,” wika ng lalaki na nagtatagis ang mga bagang. “Wala ka nang tatakbuhan pa...”
Kitang-kita niya ang panganib sa mga mata nito. Alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki. Nilingon niya ang likod. Matarik at adobe ang babagsakan niya. Humarap siya. Mukha ng demonyo ang naroon. Alin ang pipiliin niya?
Itinaas niya ang mukha. “May matatakbuhan ako sa kahayupan mo!” Pagkasabi niyo’y itinaas niya ang binti pakabila sa balustre. Nanlaki ang mga mata ng lalaki.
“Don’t be a fool, Jewel! You’ll die!”
“Nanaisin ko pa kaysa mapunta sa mga kamay mo!” Mabilis siyang tinakbo ng lalaki subalit huli na.
Pumunit sa kadilimang iyon ang isang malakas na sigaw. Nabulabog ang mga panggabing hayop. Lumakas ang ihip ng malamig na hangin. Hinahampas niyon ang mga palapa ng mga puno ng niyog. Ganoon din ang mga dahon ng kung ano-anong matatandang puno sa paligid.
May isang nakakapanindig-balahibong daing ang tila sumanib sa malakas na hangin. Na kung narinig man ng lalaki ay walang nakatitiyak.
SA isang bahagi ng Maynila sa mga sandaling iyon.
Pumara ang taxi sa harap ng isang mansiyon. “Hintayin ninyo ako, mamang driver,” ani Diana rito.
Wala siyang pera sa clutch bag niya dahil hindi naman niya kinailangan kanina iyon nang sunduin siya ni Kenneth, ang boyfriend niya, upang dumalo sa isang party.
Subalit nagkagalit sila nang hindi naman sa party siya dinala ng binata kundi sa bachelor’s pad nito. Nagpupuyos ang dibdib niya habang naiisip ang balak nito.
“Umalis na tayo dito, Kenneth. Mahuhuli tayo sa party ni Chona,” na ang tinutukoy ay isang socialite ding kaibigan.
“C’mon, Diana, mas gugustuhin mo pa ba ang party kaysa sa pribadong lugar na ito kung saan makakapagsarilinan tayo,” nakangising wika ni Kenneth. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at ginawaran ng halik sa mga labi. Umiwas siya. Itinulak nang banayad ang boyfriend.
“Please, Ken. Wala sa usapan natin ito...”
“Hindi ka naman makuha sa magandang usapan, `di ba, Diana. Dalawang buwan na tayong magkasintahan pero napaka-old-fashioned mo pa rin. Nasusugatan mo na ang ego ko,” seryosong wika nito at mahigpit siyang niyakap. “You will be mine today, Diana. At pagkatapos ng gabing ito’y papayag ka na sigurong pakasal sa akin.” i dinako nito ang isang kamay sa likod niya at ibinaba ang zipper ng bareback niyang gown.
Nararamdaman ng dalagang hindi nagbibiro si Kenneth. Mabilis niyang itinulak ito at isang sampal ang ipinadako sa mukha ng kasintahan sa pagkabigla nito. Dinampot ang clutch bag sa may center table.
“Good-bye, Kenneth!”
“You sonofa...!” hiyaw ng binata subalit nakalabas na ang dalaga at mabilis na tumakbo patungo sa kalye.
Si Kenneth ay patakbong sinundan siya subalit nakapara na si Diana ng taxi. Pumasok ang lalaki sa kotse nang maalalang nasa loob ang susi. Nagmumurang sinuntok nito ang manibela.
“Well, I’m sorry, Charlie, mailap talaga ang pamangkin mo!” bulong nito. Susundan nito si Diana pero magpapalipas lang ito ng ilang minuto. Alam nitong sa mansiyon ng mga dela Cuesta tutuloy ang dalaga.
Nagmamadaling binuksan ni Diana ang malaking pinto ng mansiyon na nakabukas. Kung nagtaka man siya’y hindi na niya binigyan ng pansin. Kukuha siya ng pera dahil naghihintay ang taxi. Tinakbo niya ang malaking hagdan papanhik sa silid niya.
Nasa bungad na siya nang mapunang bukas ang silid ni Don Luis dela Cuesta, ang lolo niya. At may naririnig siyang nag-uusap. Nagagalit si Don Luis. Sino ang kagalit nito?
Mabilis siyang lumakad patungo roon. Nag-echo sa kabahayan ang tunog ng high heels niya. Kasabay niyon ay ang pagkarinig niya ng isang putok ng baril.
Napahinto sa paghakbang ang dalaga. Nanlaki ang mga mata. Ano ang nangyari?
“Kaladkarin na iyan!” narinig niyang nag-uutos ito.
Tinig ni Charlie ang narinig niyang iyon. At ilang sandali pa’y lumabas ito ng silid habang ang mga mata’y nakatuon sa katawang hinihila ng dalawang taong nakatakip ng itim ang mga mukha.
Itinuon ng nabiglang si Diana ang paningin sa kinakaladkad ng mga ito. Ang lolo niya!
“L-lolo...” h alos hindi lumabas sa bibig ng dalaga iyon subalit nakaabot sa pandinig ni Charlie at nakita siya.
“Diana!” bulalas ng lalaki. Sindak na napaatras nang marahan si Diana.
“Sunggaban siya!” utos ni Charlie sa dalawang lalaki.
Binitiwan ng mga ito ang duguang si Don Luis.
Hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Pinatay ni Charlie ang lolo niya! Sindak at tila manhid ang buong pagkatao niya. Pero nakadama siya ng panganib. Mabilis na umatras at tumakbo pababa ng hagdan habang naririnig niya ang sigaw ni Charlie.
“Huwag ninyong hayaang makalayo!”
May pagitan sa kanya at sa mga humahabol. Sa labas ay kinabig niya ang gate at mabilis na sumakay pabalik ng taxi.
“Ilayo ninyo ako ngayon din dito, mamang driver! Bilisan ninyo!” Ang driver na nataranta rin ay hindi malaman ang gagawin. Ini-start nito ang makina at hustong lumabas ng gate ang dalawang lalaking nakamaskara pa’y tumakbo ang sasakyan.
“Bilisan ninyo. Hahabol ang mga iyon!” Lumilingon pa siya. Sa subdivisiong iyon ng mga may sinasabi sa buhay ay mabuti kung may lumabas na kapitbahay. At gabi na. Isa pa, malaki ang mansiyon at aircon ang silid ng matanda. Hindi marahil narinig ang putok ng baril sa labas.
Hindi pa sila nakakalayo ay nakita niya ang kotse ni Kenneth na paparating. Napasandal siya nang madiin sa sandalan. Magkaibigan si Kenneth at Charlie. Si Charlie ang nagpilit na sagutin niya si Kenneth. Nilingon niya ang pinanggalingan at natanaw niya ang paglabas ni Charlie na mabilis na sumakay sa kotse ni Kenneth.
Nag-panic ang dalaga. Kilala niya si Charlie. Marahas at makapangyarihan. Kung anuman ang ginawa nito’y kayang-kaya nitong malusutan. Marami itong kilalang malalaking tao sa lipunan. Muli niyang hinarap ang driver ng taxi.
“Iligaw ninyo ang humahabol sa atin sa abot ng inyong makakaya, mamang driver,” aniya rito sa gumagaralgal na tinig. Hinubad mula sa braso ang mamahaling relo. “Wala akong pera pero ang halaga ng relo na iyan ay kita n’yo na sa isang buwan. Sa inyo na ito kung mailalayo ninyo ako...” i nilahad niya sa kamay ang mamahaling relo. Sukat doon ay bumilis ang takbo ng taxi.
“Sinungaling ako kung hindi ko kayo maililigaw sa kanila, Miss,” pagmamayabang ng driver na bahagyang nagmenor nang maparaan sa entrance ng subdivision. Pagkatapos ay tila car racer na binilisan ang takbo. Gabi na at hindi ma-traffic kaya madaling nakalayo ang taxi at lumiko sa bawat kantong makita at nagpasikot-sikot kung saan.
Nilingon ng dalaga ang pinanggalingan na kahit siya ay hindi matiyak kung nasaan na sila. Nakahinga siya nang maluwag. Sumandal at ipinikit ang mga mata. May luhang tumulo mula roon. Saan siya pupunta ngayon? Wala siyang pera pero may mga bank cards siya. At kailangan niyang magtungo sa alinmang ATM sa gabi ring iyon dahil kung aabutin pa ng umaga tiyak na maipapa-hold lahat ni Charlie ang mga bank accounts niya.
At hindi siya maaaring magtuloy sa kahit na sinong kaibigan dahil kilala lahat ni Charlie ang mga iyon.
Saan siya pupunta?

Villa Kristine (Kristine Series 5)
12 Chapters
12
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101