
Description
Train Wolkzbin has eluded marriage for eight years. The world would turn into ashes before he decides to get married and chain himself to one person. He’s enjoying his bachelorhood. But that’s where he and Krisz Romero differ. It's been 8 years but she's still trying to convince him to get married. But Train is proving to be a tough nut to crack at won't just let his desires affect his decision. But when his father suffers a heart attack, he has no choice but to succumb to his father’s wish. And that is to marry Krisz Romero. As a good son, Train grants the wish of his dad. He married Krisz and as the days passed, he began asking himself: did he marry Krisz because it was the wish of his father or was it because he so desired her for every night?
Chapter 1
Feb 9, 2022
MARIING ipinikit ni Train ang mga mata habang kausap ang ina sa telepono. Sa sobrang bilis ng pagsasalita nito, ang tanging naintindihan lang niya ay “kasal,” “Krisz” at “soon.” Kahit iyon lang ang narinig sa napakahabang speech ng mommy niya ay alam na ni Train ang sinasabi nito.
His family wanted him to marry the heiress of Romero’s chain of hospitals. Alam niyang matagal nang gusto ng kanyang ama na mapasakamay nito ang chain of hospitals ng mga Romero at gusto rin naman ng mga Romero na makapasok sa Wolkzbin Industries. Pero mangyayari lamang ang gusto ng bawat pamilya kung magpapakasal sila ng nag-iisang anak ni Mr. Kalem Romero na si Krisz Romero, ang makulit na babae na sunod nang sunod sa kanya.
Mabuti na lang at palagi itong natatakasan ni Train at hindi siya nahuhuli. Masyadong makulit ang babae at pursigidong magpakasal silang dalawa. Masasabi niyang maganda naman si Krisz pero ayaw pa talaga niyang magpakasal. Napakabata pa niya. Marami pa siyang dapat gawin at patunayan.
Kung kailangan magtago ay gagawin ni Train para hindi makasal sa babaeng iyon. Pero kailangan niyang umuwi sa Russia sa susunod na buwan kundi ay mapapagalitan na naman siya ng ama.
“Mommy, stop talking and take a deep breath,” putol niya sa speech ng ina. “Kahit ano pa’ng sabihin n’yo, hinding-hindi po ako magpapakasal sa babaeng `yon. Okay po?”
“Hindi! Pinag-usapan na namin ito ng daddy mo. Ito lang ang tanging paraan—”
“Mommy, kung ayaw n’yo akong lumayas at mawala na parang bula, tigilan n’yo po ako sa kasal na iyan. Ayoko pa dahil marami pa akong gagawin sa buhay ko at wala roon ang mag-asawa nang maaga.” Alam niyang bastos pero binabaan niya ng telepono ang ina.
Naiinis na kasi talaga si Train. Malapit nang masagad ang pagtitimpi niyang huwag bulyawan ang mga magulang. Paulit-ulit na lang ang diskusyon nila tungkol sa pagpapakasal niya kay Krisz.
Itinapon niya ang cell phone sa ibabaw ng kama at lumabas ng kanyang penthouse. May business meeting sila ngayon ni Lash Coleman. Gusto nitong pasukin ang business world sa Europe at magiging magkasosyo sila sa itatayo nilang condominium at apartment buildings sa London.
Pagkatapos i-lock ang pinto ng penthouse, akmang maglalakad si Train patungo sa elevator nang may magsalita sa kanyang likuran.
“Nahuli rin kita,” anang boses ng babae.
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Shit!
Hanggang dito ba naman, sinundan siya nito? Akala niya ay natakasan na niya ang babae sa Baguio.
“Ano’ng kailangan mo?” tanong ni Train habang nakatalikod pa rin.
“Nandito ako para pag-usapan ang kasal natin. I want it soon—”
“Wala ka bang hiya sa sarili mo?” Humarap siya sa babae at natigilan nang makita ang napakaganda at napakaamo nitong mga mata.
Pero hindi magpaapekto si Train sa atraksiyon na naramdaman sa dalaga. Pinatigas niya ang puso at inilabas ang halimaw na lumalabas lang kapag nakikipag-business meeting siya.
At the moment, as he looked at Krisz Romero’s beautiful face, he was cold and heartless. He forced himself not to feel anything.
“Look, woman,” panimula ni Train. “Huwag ka na lang mahiya sa akin pero please lang, mahiya ka naman sa sarili mo. Ikaw pa talaga ang namimilit sa akin na magpakasal tayo? Women should stay and wait for men to ask for their hand in marriage. Desperado ka na ba o talagang gustong-gusto mo ako para ipilit mo ang sarili mo sa akin? Well, news flash, Miss Romero, hindi ako magpapakasal sa `yo kahit pa mamatay ang mga kaibigan ko. And mind you, mahalaga sa `kin ang mga kaibigan ko. So please, itigil na natin ito dahil wala kang mapapala sa `kin.”
His stone-hard heart cracked a little when he saw her eyes watered. Pero walang nahulog na luha sa mga pisngi nito. Nakita ni Train na nagtagis ang mga bagang ng dalaga at tumalim ang mga mata.
“Mister Wolkzbin, for your information, wala akong gusto sa `yo. Hinahabol-habol kita kasi kailangan ng pamilya namin ang pamilya n’yo. At dahil mabait akong anak, sinusunod ko lang ang kagustuhan ng pamilya ko dahil iyon ang makabubuti sa amin. Pero kung `yan naman pala ang tingin mo sa `kin, mas gugustuhin ko pang magpakasal sa hayop kaysa sa isang katulad mo.” Isang malakas na sampal ang iginawad ni Krisz sa kanyang pisngi.
“Fuck you—”
“Fuck you ka rin!” sigaw nito, puno ng galit ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Para iyan sa pang-iinsulto mo sa pagkababae ko. For your information, marami akong manliligaw at hinding-hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa walang pusong katulad mo! Letse ka!” Pagkasabi niyon ay nagmamartsang naglakad ito patungo sa elevator.
Hanggang sa sumara ang elevator ay nakatingin lang si Train doon.
“Sana naman hindi na niya ako guluhin,” aniya sa sarili at hinintay na bumukas muli ang elevator.

Train Wolkzbin (Possessive Series 3)
24 Chapters
24
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101