
Description
Emerald arrived in Paso de Blas to meet Leon Fortalejo, her grandfather, for the first time. However, on the first day she suddenly met the enemy, Marco de Silva. But what if Marco had the most beautiful smile she had ever seen? And what if it appeared to be the most delightful feeling to kiss him?
Chapter 1
Apr 9, 2022
1993
S A MAKASANGANG daan na nasa unahan niya ay pinili ng dalaga ang makipot at mabatong daan upang doon lumiko.
The road less travelled... iyon ang pumasok sa isip niya.
Sino nga ba ang sumulat niyon?
Mas maluwang at malapad ang daan sa kanan, so probably, mas mataong lugar ang patutunguhan niyon.
Sa bayan kaya ang Paso de Blas? At ang kaliwang daang tinatahak niya’y patungo sa Hacienda Kristine?
Gusto niyang matawa.
Villa Kristine, Hacienda Kristine.
How odd! Hindi nagha-harmonize ang tila modernong pangalan sa Spanish na katawagang ‘villa’ o ‘hacienda.’ Bakit hindi na lang kaya Villa Esmeralda o di kaya ay Hacienda Esmeralda?
Mas angkop, tutal ay Kristine Esmeralda ang pangalan ng lola niya na pinagkunan ng mga pangalan ng villa at hacienda.
And very funny. Ang kanyang Daddy ay binigyan din siya ng ganoong pangalan, mas moderno nga lamang or mas English sounding.
Kristine Emerald. Except that while her grandmother opted to be called Kristine , siya naman ay mas type ang Emerald.
Maraming babae ngayon ang may gayong pangalan... Kristine. And she’s thankful that her parents called her Emerald.
Sunod-sunod na tunog ang narinig niya sa loob ng kanyang 1983 model Toyota Corona. Pagkatapos ay umusok ang harap at makalipas lamang ang ilang segundo ay huminto siya!
“Oh, damn!” Marahan niyang napukpok ang manibela. “Dad used to say you’re a reliable old car. Hmp, some reliable old car!” bulong niya nang lumabas ng kotse at buksan ang hood.
Maliban sa umuusok ang loob ng makina ng kotse ay wala na siyang alam na iba pa. Hindi niya alam kung ano ang problema.
Nakapamaywang na nilinga niya ang paligid. At sa buong buhay niya’y ngayon lamang siya nakakita ng walang katapusang gubat.
Tiningnan niya ang kanyang relo sa braso. Almost three o’clock! At sa tantiya niya, sa travel time na kanyang ginawa, she must be inside the hacienda.
Pero bakit ni isang bahay at tao ay wala siyang natanaw?
Tama ba ang daang pinasok niya? Ngayon niya gustong magsisi kung bakit hindi ang malapad na daan ang kanyang pinili, baka sakali, sa kabilang daan ay may tao, dito, wala tuloy siyang mapagtanungan.
She could always identify herself bilang apo ni Leon Fortalejo. Ang sabi ng Mommy niya ay walang taong hindi nakakikilala kay Leon Fortalejo sa Paso de Blas.
Hindi tuloy niya maiwasang hindi kabahan. Nasa ilang na lugar siya at walang alam sa pag-aayos ng sasakyan.
Muli siyang bumalik sa loob ng kotse. Parang ngayon niya gustong pagsisihan kung bakit nagdala pa siya ng sasakyan. Sinabi na nga ng mommy niya na hindi praktikal ang kanyang gagawin.
Naalala niya ang pagtatalo nilang mag-ina apat na araw na ang nakalilipas.
“Damn!” anas niya, halos bumaon ang daliri sa pagkakapindot ng delete sa computer dahil sa inis.
liling-iling si Anna habang ibinababa ang mug ng mainit na tsokolate sa mesa.
“You missed lunch, Emerald. Inumin mo muna `tong tsokolate mo,” wika nito sa motherly tone.“Ano ba ang problema mo?”
“Mom, nauubusan na ako ng setting para sa mga novels ko. Nagamit ko na yatang lahat ang mga lugar na familiar sa akin at pati na rin iyong mga lugar na narating ko na. And I’ve been using one place twice already. And I just can’t create a certain place.”
“Isn’t it always safe to use Metro Manila and neighboring cities?”
“Gasgas na masyado. Besides, ang kuwentong nasa isip ko ay `yong malayo sa siyudad. I’ve been to Lucban, Batangas, Nueva Ecija and some places in Mindanao. Ganoon din sa Mindoro at nagamit ko na rin ito ng dalawang beses.”
“Use your imagination, Emerald. You can create a certain place. Para ano’t naging writer ka? Kumuha ka pa ng Journalism, `tapos pang-pocketbook naTagalog ka lang pala.”
Ngumiti ang dalaga. “Kailan ka pa naging snob, Mommy?”
Hindi sinagot ni Anna ang anak. Kung sabagay ay natutuwa na ito at sa bahay lamang ang trabaho ng anak. Umaalis lamang ang dalaga kung pupunta sa publishing company kung saan nakaugnay at maganda naman ang ibinabayad kay Emerald.
Ang bunso nitong si Jewel ay kasalukuyang nasa huling taon sa kolehiyo. Bata lamang ito nang tatlong taon kay Emerald na twenty-two years old.
Puro babae ang naging anak nina Anna at ng namayapang asawa, si Romano.
Sina Kristine Emerald at Kristine Jewel. At parehong magaganda sa magkaibang paraan.
Mestiza si Emerald, nagmana sa lolang may lahing Kastila.
Samantalang morena si Jewel na sa ina nagmana ng kulay.
Marahang humakbang papalabas ng silid si Anna upang iwan ang anak subalit tinawag ito ni Emerald. Nilingon nito ang dalagang hawak na ang mug ng tsokolate.
“Mom... what about Paso de Blas?” she asked it very softly. Alam niyang hindi pinag-uusapan sa bahay na iyon ang bayang pinanggalingan ng ama.
Nagsalubong ang mga kilay ni Anna na napako sa pagkakatayo. “Ano ang ibig mong sabihin, Emerald?” may warning sa tinig nito.
“Bakit hindi ninyo sabihin sa akin ang dahilan kung bakit mula nang magkaisip kami ni Jewel ay hindi man lang natin nadadalaw ang papa ni Daddy? Ano ba ang misteryo? At bakit kahit noong mamatay ang Daddy three years ago ay hindi rin dumating ang lolo? Maliban sa sulat ng pakikiramay mula sa kapatid ng Daddy ay wala na.”
“So, alibi lang ang reklamo mong nauubusan ka ng setting just to bring this out?”
“Totoong nangangailangan ako ng bagong lugar, Mommy. Kasabay rin niyon ang pagtutumining sa isip ko na maaaring sa probinsiya ng Daddy ay makagawa ako ng isang kuwentong kakaiba sa dati nang naisusulat.”
Malungkot na nagbuntong-hininga si Anna. Humakbang pabalik sa kama at naupo sa gilid nito. “Haiika, hija. Siguro nga’y panahon na para malaman mo ang istorya namin ng daddy mo. Kung bakit kahit minsan, sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ay hindi siya umuwi sa Paso de Blas.”
Naupo sa rug ang dalaga at sumandal sa kama.
“Dalawang magkapatid sina Romano at Margarita, anak. Panganay ang daddy mo. Ang lola mo, si Kristine Esmeralda ay namatay sa panganganak kay Margarita. Sa daddy mo nabuhos ang atensiyon ni Leon Fortalejo dahil siya ang magpapatuloy ng kanilang pangalan... ng kanilang angkan. Pagkatapos ng high school ay ipinadala ni Leon si Romano sa Maynila upang mag-aral ng abogasya.” Sandaling huminto si Anna, sinisikap alalahanin ang kahapon nang hindi nagpapatangay sa emosyon.
“Come on, Mommy. Pinapatay n’yo ako sa suspense.”
“Nasa huling taon sa kolehiyo si Romano nang magkakilala kami. We fell in love at once...”
“Wow! Ngayon mo pa lang ikinukuwento ang love story ninyo ng Daddy. Baka novel material iyan, ah.”
Malungkot na ngumiti si Anna. “Lingid sa kaalaman ni Romano ay naipagkasundo na siya sa anak ng kaibigan ni Leon Fortalejo. Isa ring kababata ng daddy mo. Pagkatapos ng graduation ay umuwi si Romano upang magsabi kay Leon ng tungkol sa amin subalit sinabi nito na ipakakasal na nga ang daddy mo kay Alicia. Nagpakatanggi-tanggi si Romano dahil sa akin, dahil nagmamahalan kami at ako ang gusto niyang pakasalan.”
“Tapos, Mommy?” Napukaw na ang pananabik ng dalaga.
“They had a terrible row. Ang daddy at ang lolo mo. Kumalat na sa buong Paso de Blas ang tungkol sa kasalang magaganap sa sandaling makatapos si Romano. Kahit ano ang gawin at sabihin ng daddy mo ay hindi matinag si Leon. Inilapit ang araw ng kasal at hindi na pinabalik sa Maynila si Romano. Subalit dalawang araw bago ang takdang araw ng kasal ay tumakas si Romano at bumalik sa Maynila. He married me instead.” m ay namuong luha sa mga mata ni Anna na pilit ibinabalik.
“Hindi roon natapos ang kuwento, Emerald. Inaasahan ni Leon na muli nitong mababawi si Romano at mapapauwi kaya hindi nito sinabing walang kasalang magaganap subalit by that time ay kasal na kami. Hindi ko kayang alalahaning muli ang galit ng lolo mo sa amin nang araw na iyon. He could have killed us both. Sa kahihiyan, dahil hindi dumating si Romano sa araw ng kasal ay sinugod ni Ernesto, ang ama ni Alicia, ang lolo mo. Nagdilim ang paningin ni Ernesto at tinangkang tagain ang lolo mo na naisangga ang kanyang kamay.”
“Pagkatapos, Mommy?”
“Mabilis na kumilos ang isang tauhan ng lolo mo at binaril si Ernesto.” Tiningnan ni Anna ang anak na napa-‘oh!’ “Hindi nakasuhan ang tauhan ni Leon dahil nagtanggol lamang ito maliban pa sa kilalang pamilya ang lolo mo sa bayang iyon at makapangyarihan. Subalit hindi nito nailigtas sa pagkaputol ang kanang kamay na tinamaan ng itak. Samantalang si Ernesto ay namatay noon din.”
“Oh.. !”
“Hindi pa halos nakakaraos sa dalamhati sa pagkamatay ni Ernesto ang pamilya nito ay kumalat ang balitang nagdalang-tao si Alicia ”
“Mommy...?”
“Namatay si Alicia sa panganganak. Dahil marahil sa sobrang pamimighati at kahihiyan ay hindi ito naglalabas ng bahay noong panahong nagdadalang-tao ito. At marahil ay hindi na rin nito gustong mabuhay dahil ayon sa balita ay tinanggal nitong lahat ang mga pantawid-buhay na nakakabit sa kanya sa ospital.” g inagap ni Anna ang kamay ng anak. “Your father was an honorable man, Emerald. Isinumpa niyang hindi kailanman pinakialaman si Alicia. He was sorry that she died but never felt guilty. He was glad na sinuway niya ang lolo mo at ipinakipaglaban ang pag-ibig namin. Dahil kung hindi ay napakasal siya sa babaeng nagdalang-tao sa ibang lalaki!”
“Ganoon pala, bakit hindi na bumalik ang Daddy sa Paso de Blas?”
“Ang mga tagaroon, ang pamilya ni Alicia, at ang lolo mo ay naniwalang si Romano ang ama ng ipinanganak ni Alicia…”
“Mom... but that’s unfair!”
“Anumang pagnanais ng mga panig ni Alicia na maghiganti ay walang nangyari. Makapangyarihan si Leon at maraming mga tauhang tapat. Pero hindi rin nito pinatawad ang daddy mo. Dahil sa ginawa ni Romano ay naging masama ang tingin ng mga taga-Paso de Blas kay Leon. Hindi man mayaman ay marangal na pamilya ang pinagmulan ni Alicia at malaki ang naging epekto nito sa lolo mo. Maraming mga dating kaibigan at kakilala ang tumalikod at nakisimpatya sa kabilang panig. At lahat ng iyon ay kay Romano nabunton ang sisi.”
“Pero bakit ganoon, Mommy? Hindi ba nagpilit magpaliwanag si Daddy?”
“Sa maraming pagkakataon ay ginawa `yon ng ama mo, Emerald, subalit hindi nakinig si Leon. Nang maipanganak ko kayo ay muling lumapit si Romano. Tatanggapin kayo ni Leon bilang mga apo subalit hindi kasama ang daddy mo at ako. Sa paglipas ng mga taon ay sumusulat si Margarita na pinahihintulutan ni Leon na dalawin siya ng kanyang mga apo. Naging matigas na si Romano noong mga panahon na iyon. Kung hindi tayong lahat bilang pamilya niya ay huwag na lang.”
“Bakit ganoon, Mommy? Ano ang dahilan ng lolo at kami ang gusto niyang makita?”
“Taglay ninyo ni Jewel ang pangalang Fortalejo, Emerald. Si Nathaniel, ang anak ni Margarita ay pangalan ng asawa nito ang taglay.”
I lang sandaling katahimikan ang lumipas bago tumayo si Emerald.
‘‘Gusto kong magpunta ng Paso de Blas, Mommy,” determinadong wika niya.
“Emerald...?”
“Hindi ko alam, Mommy, pero ngayong nasabi ninyo sa akin ay parang hindi ko kayang tanggapin na namatay ang Daddy na taglay ang maling bintang sa kanya. Gusto kong patunayan sa lolo na hindi totoo iyon... na ang anak nito’y marangal hanggang kamatayan—”
“Kalimutan mo na ang binabalak mo, Emerald. That was all in the past. Wala akong pakialam anuman ang naging palagay nila kay Romano. Para sa akin ay mabuting tao ang asawa ko hanggang sa kamatayan nito. Papayagan kita kahit saan huwag lang sa Paso de Blas,” matigas na tugon ni Anna.
“Please, Mommy. Kung gusto kaming makita ni Lolo, di pupunta ako roon. Sa mga panahong ito, hindi ba dapat ay magkasundo na tayo? Kung wala man ang Daddy ay tayo bilang pamilya niya,” pagsusumamo niya.
Hindi agad sumagot si Anna.
“I’ll go there on double purpose, Mommy,” agad na sinabi ni Emerald sa nakikitang pananahimik ng ina. “Trabaho at para makita si Lolo.”
“Hindi ko gustong alisin sa inyo ni Jewel ang karapatang iyon, Emerald. But I don’t like this. Sana’y nanatili na lang tayo sa Amerika.”
“Huwag kang mag-alala, Mom. I can take care of myself. Dadalhin ko ang aking lumang typewriter pati na ang kotse ni Daddy.”
“Hindi praktikal ang gagawin mo, hija. Ikakarga mo sa barko at magbabayad ka. Samantalang kung magpapasundo ka ay—”
“Okey lang `yon, Mommy. Sabi mo nga, mula sa Pantalan ay halos tatlong oras patungo sa Paso de Blas. I need Daddy’s car dahil ayokong pasundo. At para anytime na gusto kong umalis doon ay walang sagabal. Parang security blanket kung baga,” sinamahan niya iyon ng tawa.
Hindi kumibo si Anna na nakatitig lamang sa anak.
Nakuha ni Emerald ang isang ugali ng mga Fortalejo.
Kapag naisip ay gagawin at walang makapipigil.

The Devil's Kiss (Kristine Series 1)
10 Chapters
10
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101