
Description
All love stories in the world have only two possible consequences: people love each other and will be together till death do them apart; or they break up and go on living separately. Honestly, there is nothing different about the story of two people who are the protagonists in this story: the famous but rambunctious man has met a normal but aloof woman. Rome is a bad boy. His life is nothing but trouble but he's completely satisfied. Even if he is already hurting others. But his chaotic life will return to disaster when he meets HER. Aster is from a poor family and has to combine study and work to support her mother and two younger siblings. She has no friends. A playful destiny has brought their lives closer. Their quiet world suddenly has fallen apart and ended unforgettably... "Goodnight, Rome."
Chapter 1
Apr 9, 2022
Prologue
F IFTEEN years ago, I was a complete asshole.
Ewan ko ba kung iyon ang tamang termino para sa taong kagaya ko noon.
Pero alam ko sa sarili ko at aminado rin ako na sobra kong g*g* no’ng kabataan ko.
Gano’n naman talaga, `di ba? Kapag bata ka pa, gagawin mo ang lahat ng gusto mo. Hindi mo iisipin kung makakaapekto ba ang mga iyon sa kapwa mo. Kung makakasakit ka ba o kung magiging sanhi ba ang mga gagawin mo para maging miserable ang buhay ng iba. As long as napapasaya ka ng ginagawa mo, gagawin mo ang lang without thinking that it might affect other’s life.
No. Hindi ako nagda-drugs noon. Hindi rin ako lulong sa kahit anong masamang bisyo. Hindi rin ako kasali sa isang sindikato o pumapatay ng tao. Hindi ganoon ang tinutukoy ko.
Ang tinutukoy kong mga katarantaduhan ay `yong naging isa ako sa mga “sakit” ng paaralang pinapasukan ko. Palagi kasi akong sanhi ng kaguluhan. O kung hindi naman, palagi akong may inaalipusta at pinagtatawanang kaeskuwela. Ginagawa ko silang laruan, katulong o kahit ano pang makakapagpasaya sa akin.
Salot nga raw ako katulad ng sabi niya .
Halos lahat kasi sila, kilala ako. Hindi dahil sobrang talino ko o ano. Kilalang-kilala nila ako dahil isa nga akong tarantado. `Yong iba sa kanila, alam kong hinihiling na sana, hindi na lang ako pumasok. O lumipat na lang ako ng paaralan o ng ibang planeta para tumahimik na ang buhay nila. Nagiging impiyerno raw kasi ang buhay ng karamihan sa kanila nang dahil sa akin.
Alam na alam ko `yon.
Hindi ako naki-kick out sa school dahil isa ang mga magulang ko sa nagbibigay ng pinakamalaking donasyon doon. Kaya nga malakas ang loob kong mantarantado kasi alam kong hinding-hindi ako mapapahamak. Kahit nga hindi ako pumasok sa mga subject ko, okay lang. Madalas, nasa labas lang ako kahit may klase. Nang-aalipusta ng mga kawawang kaeskuwela.
Sobrang g*g* ko, `di ba? Aminado naman ako.
At `yon ang bagay na pinagsisisihan ko ngayong matanda na ako. Sana naging mabuting tao na lang ako noon. Naging mabuting estudyante, anak, o kapwa sa ibang tao. Kung naging mabuting tao siguro ako, mag-iiba ang takbo ng buhay ko.
Eh, di sana…
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang naisip ang bagay na `to. Eh, wala rin namang kasiguruhan. Hindi rin naman ako sigurado na magbabago ang takbo ng buhay ko kung naging mabuti akong tao noon, hindi ba?
Sabi nga niya, nakaukit na sa palad ng isang tao ang tadhana niya. Kaya kahit ano ang gawin natin, hinding-hindi na iyon magbabago. Mangyayari ang mangyayari. Mawawala ang mawawala . At kailangan na lang natin `y ong tanggapin. Accept and move on. But never forget the lessons.
Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa terminal ng bus. Nagtayuan na `yong mga pasahero pero nanatili akong nakaupo. Papaunahin ko na silang bumaba. Ayokong makipagsiksikan. Nang maubos na ang mga bumaba, isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko.
Napasinghot ako at nilanghap ang hangin nang makababa ako ng bus. Ganito pa rin ang amoy ng lugar na kinalakhan ko. Hindi pa rin nagbabago ang simoy ng hangin. Ewan ko ba kung paano ko ito nasasabi. Siguro kasi, kakaunti ang polusyon dito, hindi tulad sa Manila.
Tumawag na ako ng tricycle. Nang makasakay, sinabi ko agad sa driver kung saan ako pupunta.
Nang mapadaan kami sa flower shop kung saan palagi akong bumibili ng bulaklak noon, ipinahinto ko saglit ang tricycle. Matagal na ang flower shop na ito. Teenager pa lang ako, on business na ito. Dito ako bumili ng kauna-unahang bulaklak na ibinigay ko sa kanya . Ang alam ko nga, namayapa na ang may-ari nito.Kaya naipasa na ang pamamahala ng flower shop sa anak niya.
Hindi talaga natin masasabi kung hanggang saan lang ang buhay ng isang tao, `no?
Agad akong bumili ng isang dosenang puting mga rosas — katulad ng paborito niya. Nahuli nga ako ng ilang araw sa pagbisita sa kanya dahil sa trabaho ko. Pero alam kong maiintindihan naman niya dahil gano’n naman siyang klase ng tao. Masyadong maintindihin. Palaging naniniwala na may dahilan ang bawat bagay na nangyayari. She always looked at the brighter side.
Muli akong sumakay ng tricycle at mayamaya pa, nakarating na ako sa pupuntahan ko. Bumungad sa akin ang malaking kulay-puting gate. Bagong pintura iyon at amoy na amoy pa ang kemikal.
Parang kailan lang noong una akong pumunta rito. Ang bilis talaga ng panahon, ano. Noong unang punta ko, hindi ko kayang pumasok. Masyado kasing mabigat sa pakiramdam. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa tuwing aapak ako sa lugar na ito. Masyadong masakit.
Pero ngayon, hindi na gano’n. May kirot pa rin pero hindi na katulad ng dati.
Siguro kasi, tanggap ko na. Pero kahit tanggap ko na sa sarili ko, hindi pa rin nawawala ang lungkot at pighati sa puso ko. Alam kong habang nabubuhay ako, patuloy ko iyong mararamdaman. Dala-dala kahit saan mang lupalop ako ng mundo mapunta.
Mangilan-ngilan lang ang mga tao sa loob. Malawak ang lugar at masyadong payapa. Lumakad na ako papunta kung nasaan siya. Dala-dala ko ang mga bulaklak na paborito niya. Alam kong matutuwa siya.
Napangiti ako nang makita ko na kung nasaan siya. Masaya na may halong pangungulila ang naramdaman ko.
D*mn. Parang kailan lang talaga nangyari ang lahat.
Agad akong naupo at inilapag `yong mga bulaklak sa tabi niya. Nag-iinat at malungkot akong ngumiti.
Mayamaya, bahagyang humangin nang malakas. Ipinikit ko ang mga mata ko. Bigla ko tuloy naalala `yong mga pangyayari noong kabataan ko.
`Yong kuwento naming dalawa.
Sa totoo lang, walang espesyal sa kuwento naming dalawa. Pero sigurado akong makakaramdam ka ng iba’t ibang emosyon kapag nalaman mo iyon.
Mapapangiti ka, matatawa, malulungkot, at sa higit sa lahat, mapapaluha. After all, ganoon naman ang buhay ng isang tao. Lahat ng emosyon, mararamdaman mo.
Muling humangin nang malakas.
At kasunod n’on, nag-flashback sa isip ko `yong mga alaala naming dalawa.

The Day She Said Goodnight
19 Chapters
19
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101