
Description
It was early but Renz Navarro was still on the deck of the yacht he owned, tired and bored. From nowhere, he saw a ... woman climb on the railings of the yacht! His yacht was more than a thousand yards away from Manila Bay. To have an unexpected visitor from the dark ocean at such a time was just part of his amazement. What took his breath away was the fact that the woman who climbed up to his deck was wearing nothing but seawater dripping down her body!
Chapter 1
Feb 9, 2022
Prologue
New York
“H ERE she is!” ang sabay-sabay na wika ng mga tao.
Ang isang photographer na unang nagkaroon ng pagkakataong kunan siya ng larawan sa loob ng silid ay paatras na lumakad sa hallway habang walang tigil ang pag-click ng camera sa kanya.
She swayed. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Ross, her mother’s trusted friend. She felt dizzy as she gazed at the ocean of faces below.
“I–I don’t think I can make it to the stairs, Ross...” pagak niyang sabi.
“Of course, you can,” pagbibigay nito ng lakas ng loob. “Huwag mong intindihin ang mga paparazzi na iyan.”
Imposibleng hindi niya intindihin ang media people. Naroon ang mga ito at nakapaligid sa kanya, nagkikislapan ang mga flashbulb ng mga camera.
Nilingon niya ang pinanggalingang silid. Somehow, she wanted to stay behind kaysa harapin ang mga taong nasa ibaba.
Subalit imposible iyon. Sitting in the middle of the bed was handsome Jeffrey Moore, forty years old, at isang kilalang television producer and director. Nakayuko ito at isinusuklay ang kamay sa buhok. Shannon had no idea if he had something on underneath the white sheet that covered half of his body.
Naroon din si Steffanie Shultz, modelo ring tulad niya. And Jeffrey’s fiancee. She was crying hysterically while hurling names at him.
Bagaman hindi siya binibigyan ng pagkakataon ng mommy niya na makihalubilo sa mga kasamahan sa trabaho maliban sa mismong araw at oras ng show, naging kaibigan niya si Steffanie. Marahil dahil bagaman ipinanganak at lumaki ito sa Amerika, ang ina nito ay isang Fil-American at marunong ito ng Tagalog.
“Shannon, look this way!” sigaw ng isang reporter, sabay kislap ng camera.
The flashbulbs were blinding her. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hindi sa ilang security guards na humaharang, natitiyak niyang kanina pa siya dinumog ng mga paparazzi.
Shannon wished some miracle would happen. Na bigla na lang siyang maglalaho sa lugar na iyon. Subalit hindi nangyayari ang mga himala. Kailangan niyang harapin at lampasan ang mga taong nasa ibaba.
She felt like bursting into tears. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, ngayon niya nararamdamang kailangan niya ang ina. Kung narito lang si Antonia ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Her mother would take care of everything, her brilliant, smart, charming, and relentless mother.
Subalit kasalukuyang naka-confine sa Mayo Clinic ang ina may tatlong linggo na ngayon para sa panibagong serye ng mga pagsusuri. She was found out to have terminal illness. And earlier tonight, she didn’t even feel like attending this party. Gusto niyang alagaan na muna ang ina subalit ito mismo ang tumanggi.
“I don’t want you here, Shannon,” Antonia said sternly. “Ano ang ginagawa ng mga nurse sa napakamahal na ospital na ito?”
“Mommy...”
“Ross will take care of you—”
“Mom, puwede ko namang ipagpaliban ang show. Maiintindihan ako ng management dahil may sakit ka.” Hindi niya gustong sabihin sa ina na hindi niya gusto ang ginagawa ng kaibigan nito mula nang maratay ang ina. That Ross had been talking to a lot of people, wanting to find her another contract.
“You will not do such thing!” she barked. “Go home, Shannon. Magpahinga ka para maging magandang-maganda ka bukas sa gabi ng fashion show. Ross will videotape the show and I’ll watch it on TV.”
The protest died in her throat. Nakikita niyang nahihirapan itong magsalita nang mahaba. Gayunman, nasa tinig pa rin ng ina ang awtoridad at pag-uutos sa kabila ng kalagayan. At wala siyang magawa kundi ang sundin ang sinasabi nito... tulad din ng ibang mga pagkakataon sa buhay niya kung saan si Antonia ang nagpapalakad.
Sa nakalipas na tatlong linggo ay si Ross ang gumawa ng mga bagay na dapat ay si Antonia. He had become her temporary manager.
Ang party nang gabing iyon ay ginanap sa mansiyon ni Jeffrey Moore kung saan marami sa kanilang magkakasamang modelo ang imbitado. Nagtungo sila roon pagkatapos ng isang matagumpay na fashion show. At ayon kay Ross, isa sa mga bigwigs ng Alberta Ferretti ang nasa party at gustong makipag-usap sa kanya.
Shannon hated parties right after a show. Tuwina ay gusto na lang niyang umuwi at magpahinga. But tonight was different. Alberta Ferretti’s executive was in the party! She had been endorsing beauty products and some slimming machines for the past year. But Alberta Ferretti? Lord, she was so excited.
Nagsimula siya bilang commercial model sa Pilipinas sa edad na kinse. She modeled almost every product. From sanitary napkins, to colognes, to beauty soaps, and toothpastes, and etcetera. Tinagurian siyang commercial princess sa loob ng tatlong taon.
Sa pagpipilit ni Antonia, she became a ramp model at eighteen. Dalawampung taong gulang siya nang magkaroon ng patimpalak para sa Supermodel Philippines. Isinali siya ni Antonia. Hindi niya inaasahang mananalo siya. But she did win. Part of her prize was trip to New York at ang pagpirma ng isang taong kontrata sa International Model Group, isang kilalang modeling agency sa New York.
Sa loob ng isang taon ay nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang mga naggagandahang modelo para sa ilang fashion shows. After a year, to her surprise, the agency gave her a new contract. She wondered about that when she didn’t think herself beautiful. She wasn’t even very tall. An inch or two short of five-seven. But she was too slender, at nakadagdag iyon upang magmukha siyang matangkad.
Kahit si Antonia ay sinasabing hindi siya ganoon kaganda. Her mother had said that what she had was a trick face—one that photographed well. Iyon lang iyon, wika nito. At kung tungkol sa height niya ang pag-uusapan, she was even taller than Kate Moss, was only five feet and six inches tall.
At hindi miminsang sinabi sa kanya ng ina na: “illusion is the name of the game.”
Gayunman ay iba ang sinasabi ng mga kritikong unti-unting nakakapuna sa kanya. They said she had an arresting beauty. One that cannot be easily categorized. A well-known photographer rhapsodized that her eyes were of darkest innocence. And yet, she had a plushy and sensuous mouth. Such contradictions.
Sa taglay niyang inosenteng mga mata subalit may mga labing tila nagbabadya ng kamunduhan, nagtatanong ang mga kritiko—Sino siya? At ano siya?
Was she an innocent or a temptress?
She was young, almost twenty-two when she signed her second contract. Tinagurian siyang susunod sa yapak ng mga kinikilalang mukha sa fashion world. At sa sumunod na taon ay namayagpag siya sa runway kabilang ang mga kilala at sikat na mga supermodel. Ang larawan niya ay unti-unting gumawa ng daan patungo sa pabalat ng ilan sa mga kilalang babasahin sa buong daigdig. She was branded as The Temptress With Innocent Eyes.
What had been a fantasy from the beginning had became a reality.
Until that one morning two weeks ago when Antonia collapsed in their rented apartment in New York. Biglang-bigla at pareho nilang hindi inaasahang mag-ina ang naging resulta ng mga pagsusuri—cervical cancer at nasa late stage. Hindi niya ipinaalam sa ina ang prognosis subalit may hinala siyang alam iyon ni Antonia.
“If she were here,” usal ni Shannon nang akayin siya ni Ross patungo sa hagdanan, ang tinutukoy niya ay ang ina, “this wouldn’t happen...”
“But that’s the point, Shannon,” matabang na sabi ni Ross. “Toni’s not here. She’s terribly ill,” he added cruelly.
She choked her sob. Alam nilang pareho iyon. Sinabi ng doktor na walang lunas ang sakit ng ina. She had to undergo chemotherapy at kung ano-ano pang gamot upang madugtungan pa ang buhay nito.
At ang eskandalong kinasangkutan niya sa oras na iyon ay hindi mangyayari kung naroon ang ina.
But she would rather die than give in to emotions. She raised her chin proudly. Wala siyang dapat ikahiya. She didn’t know what happened. How it happened. She was the innocent party here... the victim. Pero sa nangyayari ay siya ang lumalabas na may kasalanan.
Bukas ay laman ng mga peryodiko ang mukha niya. Kahit ang salapi ni Jeffrey Moore ay hindi kayang tapalan ang mga paparazzi.
Why would he bother in the first place? Hindi miminsang nasangkot sa ganitong uri ng eskandalo si Jeffrey Moore. He was a divorcee. At si Steffanie lang ang dapat na ipagsanggalang sa nangyari. Subalit si Steffanie mismo ang unang nakakita sa kanila ni Jeffrey sa loob ng silid. Nakakulong siya sa mga bisig nito. And they were both half-naked.
And before she had the time to explain, Steffanie screamed hysterically. At isang reporter na marahil ay nasa puno lamang ng hagdanan ang nakarinig at agad na tumakbo papanhik. At bago pa siya makahuma, nakuhanan na sila nito ng larawan.
Gusto niyang manlumo. Hours ago, kausap na niya ang representative ng Alberta Ferretti, he invited her and Ross to see him in his office the day after tomorrow. Natitiyak niyang hindi na mangyayari iyon.
Her career was over in one night.
Sigaw ng isang reporter ang nagpaangat ng paningin niya.
“Give us a statement, Shannon!” he yielded at her, his camera flashing. “You and Steffanie are friends, aren’t you? How could you have done this to her?”
“Matutuloy pa ba ang balak na pagpapakasal nina Jeffrey at Steffanie ngayong nahuli niya kayong dalawa ni Jeffrey sa loob ng silid sa isang mahalay na tagpo?” sigaw ng isa sa mga reporter sa wikang English.
Shannon winced. Ano ba ang maaari niyang sabihin upang ipagtanggol ang sarili? She was halfway down the stairs when she looked up. Nag-aakusang mga mata ni Steffanie ang nakatunghay sa kanya. Punong-puno ng hinanakit.
Mabilis siyang nagbawi ng tingin at sinikap na pigilin ang hikbing gustong kumawala mula sa kanya. With blurred vision, nagsimula siyang humakbang pababa habang hawak ni Ross ang braso niya.
Nang mula sa grupo ng mga tao sa ibaba ay isang lalaki ang humawi sa dalawang security na nasa puno ng hagdanan. At sa pagkamangha niya ay hinayaan ng mga itong pumanhik ang lalaki.
Ni hindi ito huminto nang matapat sa kanya. Tuloy-tuloy ito sa pagpanhik. Subalit saglit siyang sinulyapan nito. And the contempt she saw in his eyes was enough to make her tremble.
She bit her lip painfully. Kung hindi sa mariing pagkakahawak niya sa banister ng hagdan, hindi siya kakayanin ng mga tuhod niya.
Kung paano siyang nailabas ni Ross sa mansiyon na iyon sa gitna ng mga tao ay hindi niya alam.

The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)
23 Chapters
23
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101