
Description
"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Bobbie almost died when her son Romano denied what he was carrying and accused her of having an affair with another man. She was given hope by Kendal Quidd, a businessman, and incorporated into La Crouix, an island in the Caribbean. When she thought she was almost over him, they faced Romano again, threatening to take her son away.
Chapter 1
Nov 28, 2025
“S A CARIBBEAN siya naglagi, Romano. Iyon ang dahilan kung bakit hindi agad nahanap ng mga taong inupahan mo—”
“Caribbean?” putol nito sa sinasabi ni Kurt. Salubong ang noong nilingon ni Romano ang bayaw na bale-walang itinaas ang mga binti sa visitor’s chair sa harap nito. “What the hell had she been doing in Caribbean for the last two and a half years? Tagaroon ba ang lover niya?”
Hindi agad kumibo si Kurt. Maliban sa kanya ay walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit biglang naghiwalay sina Romano at Bobbie. Kahit ang asawa niyang si Jade ay hindi alam ang tunay na dahilan. At hindi rin niya malalaman kung hindi niya ipinilit kay Romano na kailangang sabihin nito ang totoong detalye kung gusto nito ang tulong niya sa paghahanap sa asawa nito.
“Gusto kong malaman ang buong detalye, Romano,” sabi niya nang una siyang kausapin nito. Lahat ng binayaran ni Romano ay wala pa ring linaw sa paghahanap kay Bobbie.
“Dammit, Kurt,” singhal nito. “Bakit kailangang ipaalam ko sa iyo? Hindi ba maaaring gawin mo na lang ang ipinakikiusap ko?”
“I always ask details of my job, brother,” mariin niyang sagot. “I don’t work blindly. No details, no job.”
Nagliliyab ang mga mata ni Romano sa galit sa pagkakatitig sa kanya. Sinalubong niya ito ng determinadong tingin.
Sumandal si Kurt at muling sinulyapan ang bayaw. Hindi naging madali para kay Romano na sabihin sa kanya ang katotohanan kung bakit nito basta hiniwalayan si Bobbie matapos ang anim na buwang mahigit na pagsasama.
At naunawaan niya.
And if Romano had seen any flicker of emotions in his eyes, like pity, he would probably have killed him. But he remained expressionless. Willed himself to be so when he would have wanted to wince and utter explicits.
Dahil kilala niya ang pamilya ng asawa.
Proud. Tough. Arrogant. Dangerous.
But behind the veneer of masks were the softest of hearts. Iyon ay kung kayang abutin ng sinuman ang kailalimang bahagi ng puso ng mga De Silva at Fortalejo.
Besides, wala siyang karapatang magpakita ng emosyon dahil wala siyang alam maliban sa pahapyaw na kuwento sa bahagi ni Romano. And he maybe a ruthless bastard, but he wasn’t judgmental. Naniniwala siyang lagi nang may dalawang mukha ang barya. At nakikita niya sa mga mata ni Romano ang kapaitang paminsan-minsan ay hindi ito aware na napapakawalan.
Tumikhim si Kurt at tumingin kay Romano. “Your wife—”
“Ex-wife!” pagtutuwid ni Romano sa mariing tinig.
“Walang diborsiyo at annulment na namagitan kaya mag-asawa pa rin kayo hanggang ngayon, Romano.”
“Spare me the technicalities, Kurt,” he snapped.
Nagkibit ng mga balikat si Kurt. Sinulyapan ang brown envelope na nasa ibabaw ng desk ng bayaw.
“The details are all there. It was a freak coincidence that my men found her in La Crouix, Romano. Six months after she gave birth, she worked for Asia Developers Incorporated as interior designer. Nang magtayo ng hotel ang ADI sa La Crouix, si Bobbie ang namahala sa interior designing.
“At ang completion time ng hotel ay anim na buwan pa when it was supposed to be completed a month ago. But Bobbie’s here now on a one month vacation. May unit siya sa ADI Towers, ninth floor. Ang opisina ni Quidd ay ang kabilang tower facing north...”
“Asia Developers Incorporated…” Romano murmured. Sandaling nag-isip. “Is it owned by the Quidds?”
“Yup. Si Mr. Kendal Quidd pa rin ang namamahala ng ADI. Pero nitong nakalipas na dalawang taon ay unti-unting ipinapasa ni Kendal Quidd ang mas malaking obligasyon sa kaisa-isang anak nito.”
“Thank you, Kurt,” tahimik na sagot ni Romano at tahimik na tumayo sa tabi ng bintana.
Nakita ni Kurt na parang wala na sa loob ng silid si Romano. Tila may sarili na itong mundo. It was a cue for him to leave. Tumayo si Kurt at tahimik na lumabas. Naiwan si Romano na nakatanaw sa labas ng bintana ng Kristine Steel. Malawak na lupaing hindi pa rin nade-develop ng Kristine Group of Companies.
Lalong dumilim ang mukha ni Romano. Si Kendal Quidd ay isang British-Filipino. Nasa singkuwenta ang edad at nabiyudo may limang taon na ngayon ang nakalilipas. Naggalawan ang mga muscle sa mukha niya at sinulyapan ang envelope sa ibabaw ng chrome desk niya. Nilapitan iyon at iniladlad ang laman.
Dinampot ang telepono at dumayal. Makaraan ang ilang sandali ay may sumagot sa kabilang linya.
“Uncle Nick... Romano here.”
“What brought this call, Romano?” tanong ni Nick Gascon sa kabilang linya.
Tumikhim muna si Romano bago sumagot. “Gusto kong humingi ng pabor...”
Nag-angat ng mga kilay si Nick. “Anytime, Romano. Though this really surprises me. Wala akong natatandaang humingi ka ng pabor sa kahit na kaninong tao.”
“There’s always a first time,” matabang na sabi ni Romano at saka sumandal. “Kaya naman umaasa akong hindi mo ako bibiguin, Uncle Nick.”
“YOU NEED me, Ken?” bungad ni Bobbie pagkapasok na pagkapasok sa malaki at magandang opisina ni Kendal Quidd sa ibaba ng ADI Towers. At fifty-two, still trim and handsome.
“Yes, hija,” nakangiting sagot nito. Itinuro ang couch. Naupo roon si Bobbie. “How’s Troy?”
Pagkabanggit sa tatlong taong anak ay agad ang pagkislap ng mga mata ni Bobbie. “Oh, he’s fine, Ken. Medyo nagkaroon lang ng kaunting rashes dahil siguro sa masyadong mainit dito sa Pilipinas. He’s temporary enrolled in montessori.”
“Good. Para hindi mainip ang bata,” wika ng matandang lalaki. Tumikhim at saka tinitigan ang magandang babaeng nasa harap. A sophisticated, talented, and beautiful twenty-five-year-old career woman. “I have good news and I couldn’t say it over the phone.” He smiled at her. Puno ng excitement ang mukha kaya naman nangingiting nagsalubong ang mga kilay ni Bobbie.
“Spill it out, then.”
Tumikhim muna ang matandang lalaki. “Hopefully, in a month’s time we will resume operation...”
“Oh!”
“At hindi aabutin ng six months ang completion time ng hotel sa La Crouix, darling. We will meet the deadline. Almost. At matutuloy na sa La Crouix Hotel gaganapin ang Miss Universe Pageant. I won’t be forced to sell my shares.”
Napatayo bigla si Bobbie at humakbang patungo sa matandang lalaki at niyakap ito. “Oh, Ken, I’m so happy!”
“Hindi mo mapapantayan ang nararamdaman kong kaligayahan at relief, darling,” natatawang sagot ng matandang lalaki.
Kumawala si Bobbie at tumingala rito. Ang asul na mga mata ni Kendal Quidd ay kumikislap sa katuwaan. Ang laughlines ay naging prominente sa nakapirming ngiti. Tila nabawasan nang maraming mga taon ang edad nito.
“At puwede ko bang malaman kung paano mo nagawan ng paraan ang financial crisis ng ADI?” nag-aalangang tanong niya.
More than five years ago, Steven Quidd, ang anak ni Kendal, ang namamahala sa negosyo ng pamilya sa La Crouix. Nanganib ang financial status ng ADI sa sama-samang mga dahilan. Ang pagbagsak ng ekonomiya sa Asia... mismanagement on the part of Kendal’s son. Pagloloko ng mga top executive on the assumption na hindi agad mapupuna iyon ng management dahil laging nasa jetsetting si Steven.
Iyon din ang panahong nagkakilala sila ni Kendal. He gave her a job and took her family to the island. Sila ng mother niya at ang kambal. Nakita ni Kendal ang mga katiwalian and took over. Isa iyong h irap na paggapang upang maka-recover. The company had to sell some assets. Some executives were laid off at dinala sa korte ang kaso. Unti-unting nakabangon ang ADI. Banks extended loans na ang collateral ay ang ibang mga pag-aaring lupain ng ADI.
And Bobbie found out that Steven wasn’t as bad as she had first thought. Natangay lang ng masasamang kaibigan. Labis nitong pinagsisihan ang naging kinahinatnan ng ADI. Nagpakita ito ng kasipagan sa ama at pagnanais na muling makabangon ang kompanya. Hindi man gusto ni Kendal ay ginamit nito ang kalahati ng trust fund nito mula sa lola nito. Isa iyong malaking tulong upang makabangon ang ADI.
Naging malapit sa isa’t isa sina Steven at Bobbie. For Steven, she was the sister he never had. Lalo nang mas naging malapit si Troy dito dahil habang lumalaki si Troy ay ang mag-ama ang kasa-kasama ng anak niya.
Isang sugal ang pagtatayo ng hotel sa La Crouix more than a year ago. Sugal na medyo kinakakitaan ng panalo nang ianunsiyo na sa isla gaganapin ang Miss Universe Pageant sa susunod na taon at sa hotel tutuloy. It would bring a lot of money for the company. Subalit sa pagpapatuloy ng construction ay unti-unting naapektuhan ang kompanya dala na rin ng halos kaka-recover pa lang na katayuan. Ang mga materyales ay nagdoble ang halaga.
Kendal refused his son’s offer to use half of Steven’s trust fund ano mang giit ng huli.
Niyuko ng matandang lalaki si Bobbie. “Isa iyan sa mga sasabihin ko sa iyo, Bobbie,” putol ni Kendal sa daloy ng isip niya. “Have you heard of Gascon Hotels International?”
Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya. Pilit pinagagana ang isip. Naupo sa visitor’s chair and crossed her legs.
“Competitors definitely?”
Biglang nahalinhan ng pagkadismaya ang ngiti sa mukha ni Kendal. “O, Bobbie. How could you have not known the company?”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Bobbie. Her musical laugh echoed around the four walls of the room. “Hindi ka na mabiro, Ken. All right, ang Gascon Hotels ay isa sa kilalang hotel entrepreneurs. They owned the Monique chain of hotels all over the world. At affiliate ng FNC, isang kilalang canning company. So what about them? Are they going to buy the hotel?”
Mabilis na umiling ang matandang lalaki. “Nilinaw ko sa kanilang negosyo ito ng pamilya at wala akong balak ipagbili. That my son will handle all the negotiations. When you’re somewhat down, mahirap magpakipot, Bobbie. Pero nakita ko na gagawin ni Steven ang lahat makabangon lang ang kompanya. And I don’t want to fail him. They offered to buy fifteen percent shares,” mabilis nitong impormasyon. “Can you imagine na halos ipagduldulan ko na sa market ang shares na iyan pero walang gustong bumili dahil hindi naman nga gaanong nailihim ang kondisyones ng kompanya...”
“At nakita marahil ng mga big boss ng Gascon Hotels ang posibilidad na kikita nang malaki ang proyekto?”
“Precisely. And here’s where you come in, darling.” m edyo tumikhim pa ito at tinitigan sandali si Bobbie bago nagpatuloy. “Gusto kong samahan mo si Steven sa pakikipag-usap niya bukas ng gabi sa big boss ng Gascon Hotel. Binata pa ang presidente at chairman of the board ng Gascon Hotels... oh, well, not really that young... thirty-nine.” n agkibit ito ng mga balikat. “Or maybe in his forties but what ever, the man is as handsome as the devil and—”
“At gusto mong ako ang makipag-usap sa kanya?” Bahagyang nahaluan ng sarkasmo ang tinig niya.
Ang mapulang kutis ng matandang lalaki ay higit pang namula sa sinabi ni Bobbie. Umiwas ito ng tingin. “Oh, well... I just thought that a pretty woman always help closing the deal.” n agkibit ito ng mga balikat. “This meeting with Mr. Gascon is very crucial. Ayokong tanggihan si Steven sa pagnanais niyang siya ang makipag-usap. And you being there with him can add to his confidence. Pero kung hindi mo gusto ang ideya ko’y… okay lang. Wala akong ibig sabihin. I am not trying to—”
“Sasamahan ko si Steven,” agap niya sa sasabihin nito.
“Really?”
“Really. At siyempre ay hindi mo ginagawa ito para paglapitin kami ni Steven, Kendal. Alam mo ang ibig kong sabihin…” Tinatiya niya ito.
Kendal laughed. “I know you and my son are like brother and sister, Bobbie. Hindi ko gustong sirain ang ugnayang iyon. And Steven loves your mother…”
“Mabuti na iyong malinaw.” She smiled at him.
Umaliwalas ang mukha ni Kendal. “Thank you, Bobbie. Thank you very much. Nick Gascon is a very respected man. You will like him. Bagaman medyo may kasungitan and straight to the point, he’s amiable and charming if he chooses to be.”
“Have you met him?”
“In the past. Sa chamber of commerce... sa ibang business affairs. A ruthless businessman. Very rich. And I wonder why he remained bachelor when women are crawling at his feet?”
“Kendal...” saway niya nang mapuna ang makahulugang tinging ibinibigay ng matandang lalaki sa kanya.
“Okay... okay, no matchmaking,” wika ng matandang lalaki. “For all we know, behind the macho mask lies Eve...”
Humagalpak ng tawa si Bobbie sa sinabi nito.
“I’ll treat you to dinner,” ani Kendal. “Doon mismo sa hotel. Gusto kong i-acquaint ka sa meeting place bukas. It’s not really far from here.”
“Well, it’s almost six o’clock.” She shrugged. Lumakad patungo sa mesa at kinuha ang purse.

Romano 2 (Kristine Series 15)
11 Chapters
11
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101