
Not In The Contract
Romance


7.0K
Description
Clarianette Honey is living the dream. She's happy until her parents dropped a bomb that destroyed her perfect world. She had to marry a man she doesn't even know exist. For her family, she accepted the marriage. The moment her feet touches the Philippine soil, Clarianette knew that she won't be living her dreams anymore. And when she met her unknown arrogant husband, she knew her life would be a living hell.
Chapter 1
Feb 9, 2022
Prologue
M ALUHA-LUHA si Clarianette Honey o Claria habang nakatingin sa malawak na dagat. Sa La Belle Resort—ang resort na pag-aari ng boyfriend—niya naisipang pumunta pagkatapos ng nalaman sa mga magulang. Hindi kasi siya nakapaniwala na magagawa iyon ng mga ito sa kanya.
I can’t believe they did that to me. I’m their only child!
Napalingon siya nang maramdamang may umakbay sa kanya. She smiled sadly when she saw Lance, her boyfriend of two years.
“Ayos ka lang ba, Claria?” tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha.
Umiling siya. “I can’t believe they did this to me. And for what? For a company merger? My God, Lance, ano ba ang tingin nila sa akin? I’m not a thing to be parceled.”
Hinagod ni Lance ang likod niya. “It’s okay. We’re going to talk to them. Sasabihin natin sa kanila na nagmamahalan tayo at hindi nila iyon puwedeng gawin. Kapag nalaman ng mga magulang mo na may boyfriend ka na, baka hindi nila ituloy `yon.”
She shook her head. “And you think everything is going to be fine after that? Lance, hindi mo kilala ang mga magulang ko. They’re going to disown me!”
“Claria, you’re being melodramatic. Walang magulang na idi-disown ang sariling anak. Lalo na at ikaw lang ang ka-isa-isa nilang anak.”
Hilam ng luha ang mga mata nang tumingin siya kay Lance. “Hindi mo kilala ang mga magulang ko. They’re strict as hell, lalo na si Mommy. Natatakot ako sa gagawin nila kapag umayaw ako sa gusto nila. I’m still in college. I can’t stand on my own and I still need their support.”
“`Yon lang ba ang kinakatakot mo? I will support you. Akin ka, Claria. Hindi kita ibibigay sa lalaking `yon, kung sino man siya! I don’t care if it’s your parents’ will. Mahal kita. Mahal na mahal kaya ipaglalaban kita.”
Umiling-iling siya. “Hindi ako puwedeng basta-basta na lang mag-alsa-balutan. Kahit ganoon ang ginawa nila sa akin, mahal ko pa rin sila. Hindi ko kayang mawala sila sa akin.”
“Claria, I love you. At kung ipagpapatuloy ng mga magulang mo ang kagustuhan nila, kung kailangang itanan ka, gagawin ko. Ipaglalaban kita, Claria.”
She looked at Lance softly. “I love you, too. Ipaglalaban din kita, promise. Hindi ko hahayaan na basta na lang nila gawin `yon sa akin.”
Tumango ang boyfriend at niyakap siya nang mahigpit. “I love you so much, Claria.”
She hugged him back. “I love you, too, Lance.”
PAGPASOK pa lang sa bahay, agad na sinalubong si Claria ng mga magulang. Her father looked calm but her mother looked furious. Masama ba siyang anak kung sasabihin niya na wala siyang pakialam kung magalit man ang mga ito sa kanya?
“Good evening, Mom, Dad,” bati niya sabay halik sa pisngi.
“Where have you been?” matigas ang boses na tanong ng mommy niya.
Walang emosyong tumingin siya rito. “Nakipagkita ako sa boyfriend ko. Masama ba `yon?”
“Do you know how worried we are?”
She glared at her mother. “Worried of me? Baka naman natatakot kayo na wala na kayong ipagbibili kapag nawala ako?”
Naningkit ang mga mata ng kanyang mommy. “That’s it! You’re grounded! Walang TV, walang cell phone, walang laptop at walang boyfriend. Since summer naman ngayon, hindi ka lalabas sa bahay na ito ng walang pahintulot namin. Understand?!”
Tumingin siya sa kanyang daddy para humingi ng tulong. Pero nag-iwas lang ito ng tingin. Umirap siya sa hangin at nagmamartsang pumunta sa kuwarto na hilam sa luha ang mga mata.
Ano ba ang magagawa ng isang tulad niya? Wala siyang masasabing masama sa mga magulang. Halos lahat ng luho niya ay naiibigay ng mga ito—from dress to car.
Lahat ng gusto ni Claria ay ibinigay ng mga magulang kaya hindi niya alam ang gagawin. Napakawalang kuwenta niyang anak kapag hindi pumayag sa gusto ng mga ito. Pero buhay niya ang masisira kapag pumayag siya.
For Christ’s sake! Hindi pa nga niya kilala kung sino ang lalaking iyon! Pagkatapos, ipapakasal sila.
I’m only nineteen years old! I don’t want to get married at a young age!
Naputol ang ano mang iniisip niya nang makarinig ng katok mula sa pinto ng kuwarto.
“It’s open!” sigaw niya.
After a second, the door opened. Pumasok ang daddy niya na parang nangungusap ang mga mata na patawarin niya.
“Hello, baby,” sabi nito at lumapit sa kanya.
“Hey, Dad,” walang buhay na bati ni Claria.
“I’m sorry if this ruined your summer,” sabi ng daddy niya at tumabi ng upo sa kama.
“I just don’t understand, Dad. Why are you doing this to me?”
Her father exhaled loudly. “Listen and listen very well. The moment Cleevan said that you’re very pretty and he wanted to marry you someday, napagkasunduan na namin at ng mga magulang ni Cleevan ang kasal n`yo. Supposedly, ikakasal kayo kapag twenty-five ka na, but something happened. Our company needs their company’s support. Hindi na kakayanin ng kompanya natin na tumayo sa sariling mga paa. Akala ko, magiging maayos ang lahat dahil kaibigan ko naman ang pakikiusapan ko. Pero nag-take over na pala si Cleevan. At ikaw ang gusto niyang kapalit sa tulong na ibibigay niya sa pamamagitan ng pagmi-merge ng kompanya natin sa kompanya nila. Bata ka pa. Ayokong masira ang mga pangarap mo nang dahil sa amin. Pero ang pamilya natin ang masisira kapag hindi ka pumayag.” Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Nasa `yo ang desisyon. You can accept it or reject it. I’m sorry, baby.” Tear fall down from her father’s eyes.
Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makita ang ama na umiiyak sa kanyang harap. Habang nakatingin sa kawalan, napaisip siya.
Ganoon ba talaga siya kawalang silbing anak? Matagal na palang nalulugi ang kanilang kompanya pero hindi man lang niya alam. Pabili lang siya nang pabili ng kung ano-ano sa mga ito. Kinakain tuloy ng konsiyensiya ang buo niyang pagkatao.
Partly, it was her fault, too. She lived in luxury since birth. Lahat ng gusto, ibinigay ng mga magulang. Pagkatapos ngayon, iiwan niya kung kailan kailangang-kailangan siya ng mga ito?
But… my life will be ruined! I heard this man… Cleevan… is a very ruthless man.
Makakaya ba niya na pakisamahan ang lalaki?
Ibinalik ni Claria ang tingin sa ama na nakatungo at hawak-hawak pa rin ang kamay niya. “Daddy, it will ruin my life and I don’t want that.”
Tumango-tango ang kanyang daddy. “I understand.”
Tumayo ito at pinisil ang kamay niya. Pagkatapos, lumabas na ng kuwarto na bagsak ang balikat.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at bumilang hanggang sampu. When she reached number ten, she hurriedly stood up and went to her parents’ bedroom. Kakatok sana siya nang marinig ang boses ng mommy niya. Nakaawang ang pinto ng kuwarto kaya narinig niya iyon.
“Napapayag mo ba?” tanong ng kanyang mommy.
“Cara, kilala mo ang anak natin. May isip na siya. Hindi siya pumayag,” sagot ng daddy niya.
“Alam kong hindi siya papayag at sa totoo lang, ayoko rin siyang pumayag. Pero paano ang kompanya natin? Paano ang utang natin sa bangko? Sa susunod na buwan, iilitin na ang bahay natin kapag hindi pa tayo nakabayad. Ano na lang ang gagawin natin kapag nangyari `yon? Saan tayo titira? Ayokong maghirap tayo. Paano na si Claria? Hindi na natin maiibigay ang gusto niya.”
Claria was stunned for a minute.
Oh, God! Ganoon ba kalaki ang problema ng mga magulang? At siya pa rin ang iniisip ng mommy niya sa kabila ng problema ng mga ito.
Wala sa sariling itinulak niya ang pinto ng kuwarto at pumasok siya.
“Wala na bang ibang solusyon?” tanong niya sa mga magulang na halatang nagulat sa kanyang presensiya.
Her mother was the one who answered her. “Wala na. I’m sorry, anak, kung pati ikaw dinamay namin dito.”
Claria’s heart was wrenched from her chest as she looked at her mother wounded expression. “It’s okay. Naiintindihan ko. I’ll accept the marriage.”
Nanlaki ang mga mata ng kanyang mommy at daddy.
“Anak, ayokong masira ang buhay—”
“Daddy, kapag hindi ako nagpakasal sa kanya,lalong masisira ang buhay ko… ang buhay nating tatlo. Kung ako lang ang tanging solusyon para maging okay ang lahat, then okay. I accept it. With one condition.”
Natigilan ang mommy niya. “What condition?”
Claria looked at her mother’s eyes. “I’m going to finish my college in the US and I’m going to stay there for five years after I graduate. Tell that to that ruthless man, then after that, he can have me. Papayag ako sa lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Just please, let me experience how it feels like to achieve my goals in life.”
Nawalan ng imik ang mga magulang niya.
“Tell him that,” pinal na sabi niya at tinalikuran na ang mga ito, saka lumabas ng kuwarto.
Nagmamadaling pumunta si Claria sa kuwarto at humiga sa kama. She covered her face with the pillow and she let her tears flow.
This is for my family. I’m sorry, Lance. I’m really sorry.
KINAUMAGAHAN, habang nag-aagahan, lumapit ang kanyang mommy at daddy kay Claria. May kasamang lalaki ang mga naka-coat and tie at may dalang suitcase. Her father was holding a piece of paper.
Her forehead furrowed. “Ano’ng mayroon?”
Her father put the piece of paper on the table next to her plate. “This is your’s and Cleevan’s marriage contract. Sign it.”
Her mouth hung open. Her heartbeat quickened and fear seeped through her being as she looked at the piece of paper. “M-marriage contract?”
“Yes.” Her father sighed heavily. “Pumayag siya sa gusto mo. Pero kailangan mong pirmahan ito.”
Hindi kumilos si Claria. Nakatitig lang siya sa puting papel na nasa harap niya. A marriage contract? What the hell? This was absurd!
“Kailangan mong pirmahan `yan para makaalis ka ng bansa tulad ng gusto mo,” pagbibigay-alam ng momy niya na lumapit at may iniabot na ball pen sa kanya.
Kinuha niya ang ball pen at dahan-dahang inilapit ang kamay sa marriage contract na nasa kanyang harap. She squeezed her eyes shut then dropped her hand on her side. “Is this even legal?”
Tumango ang lalaking kasama ng mga magulang. “I’m Attorney Knight Velasquez, a friend of Mister Cleevan Sudalgo. This marriage contract is signed by Judge Ejercito. Kahit wala naman talagang kasalan na naganap, kasal pa rin kayo. Dahil pagkatapos mong pirmahan iyan, ipapasa ko na sa city hall. Then, you’ll be legally married to Cleevan.”
Huminga siya nang malalim at mabilis na pinirmahan ang kontrata. Ayaw niyang mag-isip dahil alam na hindi sang-ayon ang isip.
Claria exhaled then stood up. Mabilis siyang lumabas ng bahay para makasagap ng sariwang hangin. Pakiramdam kasi niya, biglang naninikip ang dibdib.
Hinagod niya ang dibdib at at pilit na kinalma ang sarili. She looked at her finger.
I’m freaking married.
God! She was freaking married! Tears fell down from her eyes but she quickly wiped it away when she heard footsteps.
It was Atty. Velasquez.
“Here,” sabi ng abogado sabay bigay ng isang brown envelop.
She looked at the envelope with a frown. “What is that?”
“It contains your passport and plane ticket. You may go to US tomorrow. Ayaw ni Mister Sudalgo na magtagal ka pa dito. Ayaw niya na makipagkita ka pa sa boyfriend mo. He said and I quote, ‘ I am the one who’s going to penetrate that hymen of yours’ end quote.”
Nag-iwas siya ng tingin para itago ang namumulang mukha.
Oh, God! I’m married to a pervert!
Mabilis na kinuha ni Claria ang envelop at iniwan si Atty. Velasquez sa labas ng bahay nila. Pumunta siya sa kuwarto at nag-isip ng paraan para makontak si Lance. Hindi niya hahayaan na ang lalaking pinakasalan ang makakuha sa pinakaiingatang pag-aari.
After she gave her virginity to Lance saka siya lilipad papunta sa US. To hell with Cleevan Sudalgo! Whoever he was, screw him! He could rot in hell for all she cares!

Not In The Contract
25 Chapters
25
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2025 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101