
Description
"I fell in love with you the moment I saw you because you were the one I was waiting for my whole life." Winry was life is boring. She had no longer a social life, she was no longer beloved. And she was not getting any younger. Everything had changed in her life when she saw Neiji Villaraza one morning in a cafe bar...
Chapter 1
Nov 28, 2025
1
“ F ifty-seven minutes before three in the morning…”
Hindi na alam ni Winry kung ilang beses na niyang tinitigan ang wall clock na nakasabit sa likuran ng pinto ng kanyang silid. Madaling-araw na pero heto pa rin siya at dilat na dilat. Lahat na yata ng posisyon sa pagtulog ay nagawa na niya. Sa kakabaling-baling niya sa kama, parang may katatapos pa lang tuloy na session ng orgy roon sa sobrang gulo niyon. Ang dami na nga rin niyang nai-imagine mula sa pagbibilang ng mga tupa sa isip hanggang sa kung paano niya iti-trigger ang susunod na Ice Age. Pero wala pa rin. Hindi pa rin siya makatulog. Parang nakadroga ang isip niya at ayaw dalawin ng pagod.
Isa lang naman talaga ang alam niyang dahilan ng lahat ng iyon. Ang pagkamatay ng kanyang tiyahin. Subalit hindi dahil sa kamatayan mismo nito nabuburyong ang utak niya kundi sa katotohanang single ito nang mamatay. As in matandang dalaga. Ayon kasi sa isa nilang kamag-anak na nag-asikaso sa burol nito, natagpuan na lang daw ang tiyahin nilang iyon na wala nang buhay habang nakaupo sa paborito nitong rocking chair at nakaharap sa telebisyon. Magdamag na itong patay bago pa natuklasan ang nangyari. Palibhasa ay matandang dalaga nga at nag-iisa lang sa bahay kaya hindi agad napansin na may nangyaring masama na pala rito. Malinis ang kamatayan nito, walang foul play ayon sa autopsy ng mga pulis. Pinaimbestigahan pa kasi ng angkan nila ang nangyari para matahimik ang lahat.
Her aunt died alone.
Natatandaan pa ni Winry ang pang-aalaska sa kanya ng mga pinsan niyang sina Budong, Arnold at Miguel nang mapag-trip-an nilang mag-inuman sa back garden ng bahay nina Budong kung saan ibinurol ang mga labi ng tiyahin nila.
“Ikaw, Winry, ilang taon ka na?”
“Gusto mong masaktan, Arnold?”
“Nag-aalala lang naman kami sa iyo, Win. Alam mo na, baka magaya ka kay Tita Luisa. Namatay nang hindi man lang napapakinabangan ang kanyang matris.”
Binatukan niya si Miguel. “Gago ka talaga, ano? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at baka bumangon sa kabaong niya si Tita at sakalin tayo. Tumakas na nga lang tayo rito, eh.”
“Tama naman si Miguel. Tumatanda ka na, Winry. Pero ni minsan ay wala kaming nabalitaan na nagka-boyfriend ka.”
“Eh, pakialam mo ba?” angil niya kay Budong. “Sa wala akong magustuhan. Alangan namang pilitin ko ang sarili kong magka-boyfriend just for the sake of it. Ayoko ng gano’n. Gusto ko kapag sinagot ko ang isang lalaki, kasi gusto ko siya. At hindi lang dahil naasar lang ako sa inyo kaya pinatulan ko siya.”
“Ang dami mo pa kasing arte. Kung sixteen ka lang, Win, may karapatan ka pang mag-inarte. Pero kung ganyang magte-treinta ka na, aba, mag-isip-isip ka na, `insan. Sayang, guwapo ka pa naman.”
“Oo nga. At iyang si Tita Luisa ang sign na dapat ay kumilos ka na, Winry. Dahil kung hindi, mamamatay ka ring mag-isa.”
“At hindi nakakatikim ng biyaya ng Diyos sa kababaihan.”
“Ano na lang ang sasabihin mo kay Lord kapag nagkausap kayo? Nasayang lang ang buhay mo dahil wala ka man lang nai-contribute na buhay sa mundo.”
“Kayo kaya ang patayin ko na ngayon pa lang?”
Hindi na maipinta ang mukha ni Winry nang gabing iyon. Sobra ang pagkaasar niya sa walang patumanggang pang-aalaska ng mga pinsan sa nonexistent niyang love life. Kulang na nga lang ay itulak niya ang mga ito sa hukay kasama ng tiyahin nila nang ilibing ito. But their words struck home.
Wala siyang love life. At mag-isa na lang siya sa buhay dahil yumao na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, tatlong taon pagkatapos niyang maka-graduate sa college. Wala rin siyang social life dahil mula nang maulila, ibinuhos na niya sa pagtatrabaho ang kanyang buong atensyon upang makalimutan nga ang masakit na pangyayaring iyon sa buhay niya. Ngayon lang naungkat ang tungkol sa bahaging iyon ng buhay niya kaya ngayon lang din niya iyon napagtuunan ng pansin.
“Balewala nga lang ba sa akin ang mamatay nang virgin?” tanong ni Winry sa sarili habang pinapanood ang mga naglalambingang butiki sa kisame. “Mabuti pa ang mga butiking ito. May love life na, may sex life pa.”
Gusto niyang tirahin ng goma ang mga imoral na hayop. Ngunit habang patuloy na pinagmamasdan ang mga ito ay unti-unti na ring luminaw sa isipan niya ang isang katotohanan.
“Ayokong mamatay na virgin!” Kaya nagpasya na siyang tumayo mula sa kama.
Still in pajamas, she took her denim jacket and went to the twenty-four hour coffee shop near her apartment building. Puwede sana siya sa kanyang restaurant na ilang metro lang ang layo sa tinutuluyan niyang apartment. Pero sarado na iyon at ayaw na niyang ma-hassle na buksan ang gate at entrance door ng restaurant para lang makapasok at makakuha ng maiinom na kape. Kaya doon na lang siya sa coffee shop, na nag-iisa lang yata sa buong bansa na bukas sa buong magdamag.
“Good morning, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ng nasa counter. “Ano po ang order nila?”
“Isang medium café Americano.” Nakakunot pa rin ang noo niya habang nagbabayad.
Matagal nang napapansin ni Winry na tila hindi normal na ganito ang itsura ng cashier at barista ng café na iyon. They were all very good-looking. Even the one who was tinkering with the music box while holding a mop. Kaya nga ang mga tauhan ni Winry sa sariling restaurant ay hindi mapakali sa tuwing makikita ang mga lalaking empleyado ng naturang coffee shop. Katapat lang kasi ng restaurant nila ang establishment na iyon.
Kunsabagay, sa hirap nga naman ng buhay ngayon, hindi na dapat namimili pa ng trabaho ang mga tao. Tulad ng mga empleyadong ito. Well, good for them .
Lima lamang ang mga customer nang mga oras na iyon. Ang apat, pareho pang magka-partner na halatang nagpapalipas lang din ng oras doon. Si Winry ang panlima. Nag-iisa.
Hanggang dito ba naman, eh, inaasar ako ng tadhana? Tadhana, hoy! Puwede bang tigilan mo ako? Por pabor lang po.
Pero bakit nga kaya hindi niya magawang magkainteres sa mga lalaki, guwapo man o macho? Ganito na ba talaga ka-boring ang buhay niya? Siguro nga. Dahil imbes na pag-aksayahan pa ng panahon ang mga guwapong lalaki roon ay ang mga magazines, newspapers at makakapal na paperbacks sa estanteng malapit sa kanya ang pinagkaabalahan niya. Dumampot siya ng makapal na English pocketbook at doon na lang ibinuhos ang kanyang atensyon. Hanggang sa dumating ang in-order niya at sa kape na lang niya itinuon ang atensyon dahil hindi naman makuha ng binabasa niya ang kanyang interes. Sabi kasi sa mga naririnig niya, makakatulong ang pagbabasa ng mga boring na libro para ma-induce ang antok. Pero imbes na antukin ay nabuwisit lang siyang lalo.
“Ang tanga-tanga naman ng babaeng ito,” sambit ni Winry na ang tinutukoy ay ang bidang babae sa nobelang binabasa. “Sinabi na ngang ayaw sa kanya n’ong lalaki, habol pa rin nang habol. Nagpapakamartir para sa isang gago. Kung ako ang writer nito, ipinabaril ko na ang babaeng ito.”
“Gusto ninyo ng baril, Ma’am?” nakangiting tanong ng nagdala sa kanya ng order niya. “Wala kami n’on dito. Karate-hin n’yo na lang, Ma’am. Mas effective iyon.”
“Marunong ka sa martial arts?”
“Hindi ho. Nagsa-suggest lang ako. Is there anything else you want, Ma’am? Bukod sa baril, siyempre.”
Hinarap ni Winry ang naghatid ng order niya. She saw that his name was Kristoff based on the nameplate pinned on his shirt.
“Nice name,” bati niya. “May girlfriend ka na?”
“Meron. Ako,” sagot ng isang babae na sumulpot sa tabi nito, saka umangkla sa braso ni Kristoff. “Hi, baby. Kumusta? Pa-kiss nga.”
Sa malamig na tray lang na dala ng waiter nag-landing ang nguso ng babae. Pagkatapos ay tinalikuran na sila ng lalaki.
“Kristoff, my labs, wait up!” habol ng babae.
“Rachelle Lou, kung hindi mo lang kapangalan ang nanay ko, iginiling na kita at ginawang longganisa.”
“You’re so genius talaga, Kristoff my labs!”
“You’re not my girlfriend so don’t—”
“Huuu! In denial ka pa rin ba hanggang ngayon? Ikaw talaga. Kaya mahal na mahal kita, eh.”
Napailing na lang si Winry. And here’s another girl chasing after a guy…and I just asked that guy if he’s still single. Ano ang problema ko?
Hindi naman siya interesado sa lalaking iyon. What has gotten into her? Hmm, my biological clock must be ticking. Pero… Nilingon niya ang lalaki at ang babae na nangungulit pa rin sa tabi nito. Hindi niya trip ang mga babaeng habol nang habol sa mga lalak. But that girl…she actually looked cute as she clung to the frustrated guy who kept on brushing her away.
She must really be in love with that guy. Dahil kung hindi gano’n katindi ang nararamdaman nito, hindi pagtutuunan ng pansin ng babaeng iyon ang naturang lalaki, lalo na at mukhang matino naman `yong babae. Winry would not actually say it out loud, but she was quite fascinated by that woman who was in love that way.
Ako kaya, kailan makikisali sa bandwagon ng mga babaeng nasisiraan ng bait sa pag-ibig? It looks kind of interesting.
Would her own love story be as boring as the book she was reading? Or would it also be as chaotic as Rachelle Lou and Kristoff’s?
Pumailanlang ang makabagbag-damdaming “Puff the Magic Dragon” na kanta sa sound system ng coffee shop. Bumalik ang asar niya sa mundo. Lalo na nang makisawsaw sa kanta ang sintunadong crew na nakita niyang kinakalikot ang speaker kanina, na nagma-mop na uli ngayon.
“ Puff the magic dragon, lived by the sea, frolicked in the autumn mist, in a land called Hana Lee… !”
Parang gusto na rin ni Winry na mag-a la dragon nang mga sandaling iyon para mabugahan na ng apoy ang sintunadong crew. Suko na sana siya sa buhay nang magpasya siyang bumalik na sa kanyang apartment, tutal naman ay medyo inaantok na siya. Wala rin naman siyang mapapala kung patuloy niyang iisipin ang miserableng estado ng kanyang love life. Eh, sa ayaw talaga ng katauhan niyang ma-in love, wala na siyang magagawa. Pero hindi pa man siya nakakakilos sa kinauupuan nang mapadako ang tingin niya sa matangkad na lalaki na kapapasok pa lang sa coffee shop. May kausap ito sa cellphone at napatingin din sa kanya bago dumiretso sa counter. Daig pa ni Winry ang uminom ng isang drum na kape dahil damang-dama niya ang pagkabuhay ng kanyang interes sa bagong dating.
“Jacob, could you please stop singing?” pakiusap nito sa crew na nagma-mop. “Nasisira ang pag-uusap namin ng kliyente ko.”
“Bakit ba pinag-iinitan ninyo ang boses ko?” iritadong baling dito ni Jacob. “Kung ayaw ninyong marinig ang boses ko, huwag kayo rito.”
“Puwede ka namang kumanta. Huwag nga lang ngayon— hello? Yes, Mr. Shirota. I’m still here. I’ll just turned off the annoying radio. Yes, yes, I’m still interested in our business venture…”
Nakamasid lang si Winry sa lalaki. Bawat galaw nito, hindi nakakaligtas sa mga mata niya. Bawat salita, bawat kibot ng mga labi, napapansin niya. Kaya naman nang maka-order ang lalaki at mabaling sa kanya ang paningin nito, marahil sa paghahanap ng mauupuan, mabilis na ibinaling ni Winry sa ibang direksyon ang kanyang mukha. Baka kasi mahalata nitong sinusundan niya ito ng tingin, kung ano pa ang isipin nito sa kanya. Kaya naman laking tuwa niya nang makita sa sulok ng kanyang mga mata na pumuwesto ang lalaki sa katabi niyang table. Now, she could see him up close.
So maybe I could stay here for a little while…
“I don’t know about that. I’ll check it as soon as I get the documents. Thanks again, Mr. Shirota. It’s nice doing business with you, as well. Arigatou gozaimasu .”
`Ganda ng boses, `ganda pa ng face.
Napangiti si Winry nang mangalumbaba habang patuloy na pinagmamasdan ang lalaki. Malakas na ang loob niyang pagmasdan ito nang husto dahil abala ito sa pakikipag-usap sa kung sino-sino sa cellphone. Na base sa naririnig niya ay puro mga kliyente. Even at this time of the day, may business transaction pa ito? Naghahabol ba ito sa Guinness b ook of w orld r ecords bilang pinakamasipag na negosyante sa buong mundo? Wala ba itong girlfriend na naghihintay? O asawa?
Sinulyapan ni Winry ang kamay ng lalaki na nakahawak sa cellphone nito. Walang wedding ring. Single.
Available?
Nasagi niya ang librong hindi na niya pinapansin at bumagsak iyon sa sahig. Nakita niyang napabaling sa kanya ang lalaki at nagulat siya nang kumilos ito para damputin ang aklat. At nakangiting iabot sa kanya. Hindi inaasahan ni Winry ang ngiting iyon, na tila saglit na nakapagpaalog sa puso niyang tigang.
“Ah…thanks.”
Tumango lang ang lalaki. “You’re welcome.”
Mas naging guwapo ito sa paningin ni Winry ngayong nasa kanya na ang buong atensyon nito. She never knew she would actually take notice of a guy, at this time of the day. And, what do you know? He was looking better and better as she continued to watch that face.
“How is the book?”
“Ha?”
Saglit na ikinaway ng lalaki ang librong hawak pa rin nito. “This book. Maganda ba?”
Napatingin siya sa hawak nitong libro. Tungkol saan na nga ba ang kuwento niyon? Anak ng patis! Hindi na niya matandaan!
“Mukhang naistorbo ko ang pagbabasa mo.” Kumilos uli ang lalaki at ito na mismo ang naglapag ng aklat sa mesa ni Winry. “Sige. Enjoy reading.”
Tumayo na ang lalaki pagkatapos at sinalubong ang crew na papalapit sa kanila. Kinuha ng lalaki ang order nitong kape, saka naglakad na palabas ng coffee shop habang may kausap na naman sa cellphone.
“Teka muna…” mahinang sambit ni Winry. Nagmamakaawa. “Hindi ko pa alam ang pangalan mo. Hindi mo pa alam ang pangalan ko.” Tuluyan nang nakalabas ng establishment ang lalaki. Patuloy naman siya sa kanyang kalunos-lunos na pagmo-monologue. “Puwede ba tayong lumabas minsan? Kung okay lang sa parents mo. Friends lang. Malling…”
She never felt this pathetic in her entire life that she could only laugh at herself in secret. But, she would forgive herself. Tutal naman, ngayon lang nangyari na may isang kalahi ni Adan na nakakuha ng atensyon niya. Isa pa, alas-tres na ng madaling-araw. Oras ng mga baliw. Kaya tanggap niya ang saglit na kabaliwang iyon, lalo na at hindi naman nakakapanghinayang ang naging kabaliwan niya.
The guy was nice. At hindi madamot sa ngiti.
“Babalik pa kaya siya?” She slouched in her seat, loosely holding the book in her hand. Handa na siyang ihulog uli ang pobreng libro kapag nakita niyang nagbalik ang lalaki.
Pero limang minuto lang ang lumipas, tinamaan na siya ng antok. Kaya bumalik na siya sa kanyang apartment building. Hindi niya kayang ipagpalit ang hatak ng kama para sa pag-ibig.
Pag-ibig talaga?!

Neiji Villaraza (Stallion Series 6)
10 Chapters
10
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101