Mistakes - Chapter #4 - Free To Read

Chapter 4

select arrow

Chapter 4

Ang simpleng araw ko 'non ay tila naging espesyal. Ang simpleng kulay ng paligid lalong gumanda sa paningin ko.

Ang ganda ng gising ko. Kahit sa panaginip ko ay ang ganda ng panaginip ko.

"Ganda ng gising ng anak ko ah." Puna ni Mama sa akin ng ilagay niya sa mesa ang omelet at cheesedog.

I smiled and bit my lip.

"Syempre naman po..Araw araw naman ah."

"Dalaga kana, baka kung may boyfriend kana. Naku sabihin--"

"Ma.." I cut her. "Wala po akong boyfriend. Wala pa sa isip ko yan.." Sabi ko at kumuha ng gatas sa ref at binuhos sa baso.

"Sige sabi mo e."

Nang matapos ay sa taxi ako sumakay patungong School.

Habang papalapit ng papalapit sa School mas lalong lumalalas ang tibok ng puso ko.

May dala akong dalawang box ulit ng cookies. Ginawa ko kagabi habang tulog si mama.

Sana naman hindi magsawa si Damon nito.Gusto kong malaman ang ibang gusto niya. Tulad ng pagkain,para ako na ang makakapag luto sa kanya.

Ang saya ko. Isa na yata ito sa maliligayang araw ko. Kahit kagabi ay ramdam ko parin ang dampi ng labi ni Damon sa akin.

Tiyak na ,magugulat si Ruru sa sasabihin ko!

"Ru!" Tawag ko kay Ru na busy sa cellphone niya na nakaupo sa tabi ko.

Nilagay ko ang bag sa silya ko at hinarap siya. Inayos ko din ang palda ko para hindi masilipan.

Sinulyapan niya ako.

"Ang saya mo yata?" Napasulyap siya sa box ng cookies sa armchair ko.

She rolled her eyes.

b"Cookies na naman? Seriously Zand? Ginayuma kaba 'non?!" Singhal sa akin ni Ruru.

Umismid agad ako. "Ikaw naman.. May sasabihin ako." I smiled.

"Ano?" Aniya sabay inom sa kanyang mineral water.

"Damon Kissed me.." I whispered on her para hindi marinig ng iba..

Pero hindi niya narinig dahil sa ingay ng kaklase namin.Nangunot ang noo niya.

"Ano? Hindi ko narinig." Aniya.

Lumapit ako lalo at binulong sa kanya.

"Damon kissed me ,kahapo--".

Naputol ang sinabi ko ng nabuga niya ang tubig na ininom.

What?

"Hinalikan ka ni Damon?!" Sigaw niya sa gulat ng makabawi.

Holy Cow.. Please hangin liparin mo ako ngayon sa kahihiyan.

Napapikit ako ng mariin ng napatigil ang lahat sa ginagawa at sinasabi.

"Fuck.. Sorry.." Nag-peace sign sa akin si Ruru. Inirapan ko lang siya.

Bakit pa siya napasigaw? Ang exagge niya naman mag react.

Sari saring bulong bulongan agad ang nadinig ko.

"Ang landi talaga.. Si Damon pa talaga ang pinangarap e. Kawawa."

"Nagmumukhang tanga na nga sa kakahabol kay Damon e. Maganda sana."

"Nahalikan daw ni Damon? Hindi kontento sa halik lang iyon. Fuckboy yun e."

Uminit ang pisngi ko sa huling narinig na sinabi ng kaklase ko.

"Mamaya tayo mag-usap." Sabi ni Ruru. Nang dumating ang aming prof.

Nag announce ang aming guro na may gaganaping Wet Party raw.

Naghiyawan silang lahat.

"Kaya dapat maka pass na kayo ng inyong chart. No chart.. No party! ".

Naghiyawan ulit sila.

"You can wear anything that can make you comfortable. But let me remind you students. Hindi porke basaan ito, ay ang girls ay allowed na mag bikinis? It's a Big No!"

Damn, bikinis talaga? Nakakahiya iyon.

Sabi nila ay may banda daw iyan dito. Sa Gym daw gaganapin yon.Habang nagsasayaw daw ay nababasa ka ng bubbles or tubig. Hindi ko maexplain basta basaan.

"Gosh, Zands. Really? Hinalikan ka?'" Tanong ni Ruru ng magtambay kami sa starbucks matapos ang dismissal.

I nodded.

"Oo"

"Fuck! Si Damon ang first kiss mo!"

Kinikilig ako.

"Exactly.." Napa tingin ako sa wristwatch ko.

" Kailangan ko ng pumunta ng locker baka nandun na si Damon." Paalam ko at tumayo na.

Binitbit ko ang dalawang box.

Umirap lamang si Ruru.

"Hala sige, kung iyan ang ikaliligaya mo."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis nalang ako.Tama siya eto nga ang kaligayahan ko.

Pagdating ko sa locker room ay ang bilis na ng kabog ng dibdib ko.May dumaan na nakajersey na suot galing yata sa gym kaya pumunta na ako doon.Baka kung nagpa practice pa? Gusto kong manood.

Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng Gatorade para ibigay sa kanya.

Hindi paman nakakalapit ng husto sa gym ay naririnig ko na ang lagapak ng bola sa sahig at mga yapak ng sapatos sa sahig.

Meron ding nagtatawanan.

Malapit na ako sa gate at paikot na sana para maka upo sa bleachers ay may narinig na ako. Pero hindi ko kita nag mukha. Boses lang ang naririnig ko.

"Hinalikan mo dude? Baka umaasa iyon!"

Napatigil ako sa pag apak sa ikatlong baitang ng hagdan papuntang bleachers.

I heared a chuckled na ikinalikot ng puso ko.

"Hindi ko sinabing umasa siya." Isang malamig na boses ang galing kay Damon na halos nagpalamig sa buong katawan ko.

What?

Nagtawanan ang iba.

"Damn,bro! Ang ganda 'non! Fresh na fresh! Halatang virgin pa." Aniya ng isa.

Halos napapigil ako sa aking hininga para hindi lang nila ako marinig.

"She's still young and I dont like her." He heave a sighed.

b"Bahala na siya kung bibigyan niya iyon ng kahulugan. It's just a kiss."

Huh? Just a kiss? It's my fucking first kiss at yan ang sasabihin niya?

Bumuhos ang aking luha ko. Kung kanina ay sobrang saya ko pero ngayon ay naglahong parang bula.

Kumalampag sa sahig ang dalawang box ng cookies na dala ko dahil nanghina ang sistema ko.

I run away.

Hanggang kailan ako masasaktan? Alam ko naman na iba ang mahal mo eh. Kasalanan ko naman dahil mahal mo nga siya pinipilit ko parin.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings