Chapter 3
"Ano na naman bang kahibangan ‘yan Zands? E’ hindi ka nga pinapansin ’nun! Tapos bibigyan mo naman ng cookies!" inis na sabi ni Ruru sa akin nang makita niya ang bitbit kong box ng cookies.
Inis akong napakamot sa kilay ko.
"Ibibigay ko lang naman ‘e."
"Ibibigay nga ‘e itatapon niya lang naman." She crossed her arms.Naglalakad kami ngayon sa hallway. Vacant namin ngayon. Hinihintay ko na lang si Damon.
Sana nga hindi niya na itapon. Ilang beses ko na siyang binigyan, tinatapon niya lang naman kung, minsan sa mga pinsan niya pinapakain. Pero imbes na mahinaan ng loob ay ginanahan pa ako.
"Malay mo? Kainin niya mamaya di’ba?" pang kumbinsi ko.
Nang mag alas tres na ng hapon at alam kung tapos na sila ni Damon sa kanilang training ng basketball ay pumunta na ako ng locker.
Dala-dala ko ang dalawang box ng cookies. Naglagay pa ako ng liptint at pulbo. Hinayaan ko lang ang mahaba kong buhok na lumugay.Umupo ako sa sementong bench sa harap ng locker ko ng hindi ko pa nakita si Damon.
Ilang minuto na ang nakalipas at tiningnan ang aking relo sa pulso.
"Three-forty five." I uttered.‘ Asan na kaya yon? Pumikit muna ako ng mata para hindi mainip.
"Well....well... nandito na naman ang stalker ni Damon?" isang babae na sarkastikong pumalakpak ang kamay ang napamulat sa aking mata. Nangunot ang noo ko ng tignan sila. Base sa ID nila ay fourth year college sila.
"Po?" Ang talim ng kanilang tatlong tingin ang nagpakabog sakin sa takot.
The girl on the middle scoffed.
"Freshmen ka palang at ang lakas na ng loob mong humabol habol kay Damon?" Nagmura siya kaya mas lalo akong kinabahan.Nangatog ang tuhod at nabigla ako ng hablutin ng babae ang aking necktie kaya napatayo ako.
"H-Hindi ako naghahabol....ano lang....ah bibigay ko lang ‘to.." Pinakita ang cookies kong dala.They smirked.
"Heto ba?" Sabay hablot ng babae sa aking box na cookies at tinapon sa sahig.Nabigla ako at napaluhod para pulutin habang nagtatawanan sila.
"Ang sama niyo!" Sigaw ko na umiiyak. Wala silang karapatang gawin ‘yon! Ako ang naghirap ‘non!
"Ack~" I cried in pain nang hilahin ng babae ang buhok ko.
"Malandi ka! Simula ngayon ayaw kong naghahabol ka kay Damon dahil akin siya!" Sigaw niya sakin na halos mabingi ako at napapikit.
Simula ‘nung nagustuhan ko si Damon ay araw araw na akong nakakarinig ng masasamang salita na sinasabi ng mga babae sa akin.
Pero ngayon bakit kailangan pa nilang manakit? Ganon’ ba sila ka obssess kay Damon?
Padarag niyang binitiwan ang buhok ko kaya walang pag alinlangan kong pinulot nag mga nagkalat na cookies. Kahit na alam kong hindi na maayos yun. Hindi ko na maibibigay ’yun. Nangingilid ang aking luha sa lungkot.
"Sinong nagsabing saktan niyo siya?" Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin at napatingala.
Halos tumindig ang balahibo ko sa uri ng titig ni Damon sa tatlong babaeng nanakit sa akin.Ang hirap basahin ng mata niya.Kumalabog ang dibdib ko sa kanyang presenya. Heto na naman ang puso ko sa ‘twing nakikita ko siya.....ang likot.
Nangatog at namutla ang tatlong babae na hindi ko alam ang pangalan.
"D-Damon." the girl stuttered. "Binibigyan lang namin siya ng leksyon.Malandi siya hi--"
"Alis." Damon lazily rolled his eyes.
Mariin na sabi nito at bahagyang lumapit na ang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa.
Wearing his faded pants and white t-shirt.He's so handsome.
"Pero-"
"Alis!" Sigaw ni Damon na kumulog sa buong locker room.
Mangiyak ngiyak na tumakbo paalis ang tatlong babae.Hindi ko alam kung maawa ba ako o tatawa.
Walang ibang tao dito dahil alas tres palang ay uwian na ng lahat.Ngayon kasi ay mag aalas kuwatro na.
Agaran kong pinunasan ang aking luha at yumuko para pulutin ang cookies.Hindi ko alam kung nakita ba niya ang buong eksena kanina. Nagulat ako ng lumuhod din siya at tinulungan akong magpulot.
"Uh, ako na." Nahihiiya akong tumingin sa kanya.Hanggang sa napulot na lahat at tumayo ako.
Wala na. Pinagmasdan ko ang box na yukot at cookies na durog. Suminghap ako.
"G-Gawa nalang ako u-ulit." Yumuko ako para makaalis . Pero pinigilan niya ang aking braso.
"Akin na.." He said softly.
"Huh?" His forehead creased.
"Akin na." He was cold.
Mas lalong guwapo siya sa malapitan at napakatangkad. Sobrang bango ,lalo na nasa harapan ko siya. Binigay ko sa kanya ang cookies na nasira.
Pinasadahan niya ako ng tingin hanggang sa dumapo ang mata niya sa tuhod ko.His jaw clenched.
"May sugat ka." Mariin niyang sabi.
Napayuko ako at nakita ang tumutulong dugo doon.Hindi ko man lang namalayan. Siguro dahil sa padarag kong pagluhod kanina.Bago pa ako makasagot ay nauna na siya.
"Follow me." He said coldly. And again, my heart bumped wildy. Dammit!
Sobrang saya ko! Sa six months na halos ganito ang ginawa ko ay kinausap niya ako! Wala sa loob ko na sumunod sa kanya na pumasok sa locker room ng mga lalaki. Walang ibang tao kundi , kami lang.
"Sit." He demanded kaya agaran ang pag upo ko at may kinuha siya sa locker.
Umupo ako sa upuan doon at halos malagutan ng hininga ng lumuhod siya sa harapan ko at may pinunas na mahapdi galing sa cotton.
Nang natapos na ay kumalabog ang puso ko ng pagmasdan niya ang mukha ko habang nakaluhod siya sa aking harapan.
"Give me your cookies." Mahilig siyang magdemand. Binuksan ko ang box at halos mahiya ng wala na sa porma ito.
Pero kinuha ko parin ang isa at binigay gamit ang nanginginig ko’ng kamay.My God! Sana magustuhan niya. Ngayon niya lang kakainin ito.
Habang tinikman niya iyon hindi niya inaalis sa akin ang tingin.
"M-Masarap?" tanong ko.
Napasinghap ako ng mabilis pa sa pag bilang ng tatlo niyang hinablot ang batok ko at inangkin ang aking labi.Napamulagat ako sa bigla!
‘Ramdam ko ang bawat pag galaw ng labi niya.Oh my god! Napapakit ako sa sari-saring emosyon.
Kung nakatayo lang ako ay nakabulagta na ako. ‘Ramdam ko ang pangangatog ng katawan ko. Ang ibang cookies ay parang nakain ko na ‘rin nang mapusok na pumasok ang dila niya sa aking bibig. Tumagilid ang ulo niya para halikan ako ng madiin.
I gasped when he suckled my lips.Mapupungay ang mata niya na nakatingin sa akin.Napakurap kurap ako.Ano nga ba ang magiging reaksyon kapag nakuha ang unang halik?
"Masarap nga." Mapaglaro na ngisi ang pinakawalan niya bago ako hinalikan ulit ng isa pa.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock