passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Steamy
/
Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)
Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Steamy

dot
eye

6.7K

Description

"I don't want to live my life thinking you never found out how much you meant and still mean to me." Maristel firmly believes that the marriage she and Mark formed will last forever, even if they say they are still children when it comes to marriage. They have already passed many trials and they will be able to cope with whatever is yet to come. They just have to love and trust each other. But there are trials that are hard to overcome and temptations that are hard to avoid...

New Adult
Sexy
Steamy
Hot
Wild
Bad boy

Chapter 1

Apr 9, 2022

Prologue

 

Prologue

 

N ABIGLA si Maristel pagbukas ng kuwarto. Nakita niya ang six-year-old na anak na sinusulatan ang “bird” nito gamit ang pink na marker. Mukhang seryosong-seryoso ang bata sa ginagawa. Mabilis niya itong nilapitan.

“Ano ba ang ginagawa mo, Kiko?” Agad niyang kinuha ang marker, saka tiningnan ang “bird” ng anak. “Ilang ulit ko nang sinabi sa `yo, `wag mong paglaruan ang bird mo! Tingnan mo, naging kulay-violet na!”

“May eyes, Mama.” Hinila nito ang bird para ipakita ang dalawang tuldok sa ibabaw na natatakpan kanina ng foreskin. Hinawakan nito ang bird at pinaglaruan.

“Ano’ng ginagawa mo?!” Pinalo ni Maristel nang bahagya ang kamay ng anak.

“Kasi tumitigas, Mama. Look, o.” Namaywang si Kiko habang nakatingin sa ibaba, parang namamangha na tumigas ang kulay-violet nitong bird na ngayon ay kita na ang na-drawing na mga mata. “Dodrowingan ko siya ng pakpak dito, Mama.” Itinuro nito ang tagiliran ng bird. “Para lilipad, parang bird na totoo.” Inabot nito ang isang libro at ipinakita ang ibon doon na kulay-purple.

Sa isang banda, nakahinga nang maluwag si Maristel dahil wala palang malisya ang ginagawa ng anak. Pero nag-alala rin siya at naitanong sa sarili kung ano ang tamang gawin. Teacher siya, pero hindi naituro sa kanya ang tamang gawin sa ganoong sitwasyon. High school ang mga estuyanteng hawak niya. Kung may gumawa ng ganoon, malamang na ibang usapan na.

Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung paano na kapag nagbinata ang kanyang bunso. Hindi naman siguro magiging problema dahil ilang single mother na ba ang nakapagpalaki ng anak na lalaki nang maayos? Itatanong na lang niya sa kuya niya ang magandang gawin sa anak kapag hindi tumigil.

“Halika sa banyo. Anak, makinig ka sa akin. Hindi tama na kinukulayan mo ang bird mo, ha? Dapat palaging malinis ang bird mo.”

“Bakit po? Bakit kapag naglalaro naman ako, nadudumihan naman ang kamay ko? Saka bakit po `yong ibang tao, may drawing sa katawan?”

“Iba ang kamay, iba ang bird. Iba rin ang tattoo.”

“Bakit po?”

“Kasi ang bird, hindi siya kamay. Ang tattoo naman, parang design.”

“Hindi ko po naiintindihan, Mama. Ano po ang masama kung may design ang bird ko?”

“Anak, ang tattoo, hindi basta kinukulayan ang balat. Gumagamit sila ng karayom. Iyong parang nakakabit sa makina ko. `Tapos isasawsaw nila `yong karayom sa tinta, saka ibabaon sa balat para hindi nabubura. Gusto mo ba `yon?”

“Ayaw po. Pero bakit po nila ginagawa kung hindi nabubura? Itong akin mas maganda kasi nabubura. Kung gusto ko ibang color, puwede kong palitan.”

“Basta maniwala ka na lang sa akin, ha? Hindi nilalagyan ng color ang bird.”

Hindi umimik ang bata.

Si Kiko na ang pinagsabon ni Maristel sa bird nito, pero hindi natanggal ang mantsa ng marker. Puwede sigurong tanggalin, pero baka magkasugat kung iis-isin niya. Mas malaking problema kapag nagkataon.

“Kita mo, ayaw mabura.”

“Maganda naman, eh, Mama.”

“Hindi naman totoong bird `yan, anak.”

“Bakit bird po ang tawag?”

“Mamaya ko ie-explain. Papasok ka na sa school, ha? Naka-ready na ang ate mo.”

Tumango si Kiko. Tinulungan na ni Maristel ang bata na magsuot ng uniform at iginiya palabas kasama ang panganay na anak. Nasa labas na ang school service. Naligo na rin siya at nagbilin sa kasambahay na si Jing ng mga gagawin bago umalis.

Lumakad na siya pagkatapos. Tapos na ang flag ceremony nang makarating siya sa school na pinagtuturuan, pero hindi pa late para sa first class niya. Lumipas ang mga oras at pasado alas-dos na, hindi pa rin siya mapakali.

Hindi niya iyon madalas na maramdaman, pero kapag sumumpong, mahirap nang bale-walain. Kahit pa ilang ulit na niyang naramdaman ang ganoong tensiyon sa sistema, wala namang nangyaring kakaiba sa paligid, lalo na sa kanyang mga mahal sa buhay o kaibigan. Ilang ulit na niyang sinabi sa sarili na huwag pansinin ang ganoong pakiramdam. Para saan pa? Wala namang sense. Hindi niya kayang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon. Kung minsan, aligaga siya kahit walang dahilan at kapag hinanapan na niya ng dahilan, wala naman siyang makita.

Hindi komportable sa balat ang kabang nararamdaman ni Maristel. Kahit alam niyang hindi makatwiran, mahirap iyong bale-walain kaya tinawagan na niya ang mga anak. May cell phone ang dalawang bata, bigay ng ama ng mga ito. Ang panganay ang unang tinawagan ni Maristel, si Kate, eight years old. Hindi nito sinasagot ang tawag, malamang nasa labas na naman, kalaro ang best friend. Tinawagan niya si Kiko.

“Kiko, anak? Nasaan ang ate mo?” tanong niya agad.

“Nasa kuwarto niya, Mama.”

“Sigurado ka? I-check mo nga, anak.” Hindi siya matatahimik hangga’t hindi nalalaman kung nasaan ang dalawang anak.

“`Ayan na si Ate, Mama. Palabas na sa kuwarto niya.”

“At ikaw? Ano’ng ginawa mo?”

“Nandito sa sala, kausap si Papa.”

Napabuntong-hininga si Maristel. Sa nakaraang ilang buwan, madalas nang magkausap ang kanyang mga anak at ang ama ng mga ito na nasa Amerika. Mali ang desisyon niyang pumayag na magpakabit ng mabilis na Internet. At least noon, dahil walang Internet na madaling ma-access, hindi matagal na nag-uusap ang mag-aama. Pero mula nang pumayag siyang mapakabitan sila—isang bagay na ipinilit ng lola ng mga bata—hayun at hindi na matapos ang pag-uusap ng mga ito, lalo na kapag weekends at walang pasok ang mga bata.

Mahigpit siya sa mga anak. Kapag sinabi niyang hindi puwedeng mag-Internet, hindi puwedeng mag-Internet. Hindi rin siya ang tipo ng magulang na mas gustong nakaharap sa computer ang mga anak para tumahimik. Ayaw na ayaw niyang kausap ang mga batang busy kaharap ang tablet o phone. Sa mga klase nga niya, hindi puwede ang cell phone. Mahirap iyon dahil halos lahat ng estudyante ngayon, naka-tablet o cell phone na.

Hindi masasabing exclusive ang private school na pinagtuturuan ni Maristel. Hindi masasabing miyembro ng alta-sosyedad ang mga estudyante, kundi lower middle class. Pero maluho ang mga gamit. Mag-iisang taon pa lang siya sa trabaho at sa totoo lang, gusto na niyang mag-resign. Masyadong maliit ang suweldo. Gusto sana niyang mag-apply sa public school, pero mahirap makapasok doon, lalo na at sa Maynila siya nakabase. Lamang sa kanya ang mga kabarong teacher na may mabibigat na masteral.

Kung minsan, gusto niyang bumalik sa dating trabaho sa call center, kahit saglit lang siyang tumagal doon. Isang taon lang siyang nagtrabaho sa call center dahil na rin sa gabi ang schedule at mahirap para sa mga bata. Isa pa, ayaw niyang may masabi ang lola ng mga anak. Kung iyon nga lang paggasta niya sa perang ipinapadala ng mga ito, may nasasabi na. Bakit daw lumipat sila sa mas maliit na bahay kung may sustento naman, at iba pa. Nalalaman lang niya kay Jing, dahil dito sinasabi ng matanda tuwing ipinapasundo nito ang mga bata.

Hindi naging madali kay Maristel na makuha ang diploma. Iginapang niya ang sarili, kasama ang mga anak. May tulong man ang ama ng mga bata, kulang na kulang para sa pangangailangan ng dalawa. Masyadong maliit ang budget, pero paano siya makakapagreklamo kung kahit ang kakarampot na sustento, kailangan niya para buhayin ang mga anak?

“`Wag masyadong matagal sa Internet, Kiko,” sabi niya.

“Internet? Hindi, Mama. Nandito sa bahay si Papa.”

Parang sinuntok sa sikmura si Maristel. “Ha?”

“Nandito po si Papa sa bahay, Mama.”

Bago pa siya makapagsalita, naipasa na ni Kiko ang phone. Kasunod niyon, narinig niya ang boses na pamilyar na pamilyar sa kanya. Boses ni Mark. “Where are you?”

Walang “hello,” walang “hi.” May hindi nagustuhan si Maristel sa tono ng lalaki. “Nasa trabaho, saan pa? Ano’ng ginagawa mo diyan?” Kaya pala kakaiba ang pakiramdam niya kanina pa. Kaya pala may masama siyang kutob. Kung noon walang dahilan, sa araw na iyon, mayroon na.

Gaano katagal na ba niyang hindi nakikita si Mark? May limang taon na. Isang taon si Kiko nang umalis ito, bumalik sa ina, at nagpunta sa Amerika. Tuwing uuwi, ipinapasundo lang nito ang mga anak. Pinapasama ni Maristel si Jing, pero hindi siya humaharap. Kahit si Mark, hindi siya hinarap sa nakaraang ilang taon. Apat na ulit nang nakauwi ang lalaki, at ngayon ang panlima.

“Hindi ka nagsabing pupunta ka,” sabi niya.

“Hindi ko alam na kailangan kong magpaalam kapag gusto kong dalawin ang mga anak ko.”

“Natural.” Natagpuan ni Maristel ang tapang at inilakip iyon sa boses. “Hindi mo sila kasama sa bahay at ako ang nag-aalaga sa kanila kaya dapat na may pasabi ka.”

“That’s rich, coming from the mother who couldn’t even get my kids decent housing with all the money I send her!” Tumaas ang boses nito. “Where the hell do you take all the money I send you?”

Nabigla si Maristel sa emosyunal na tono ni Mark. Bahagyang nabasag ang boses ng lalaki kahit halatang galit pa rin. Nakadama rin ng galit si Maristel. Ano ba ang pinagsasasabi nitong pera? Sampung libo lang ang sustentong natatanggap niya kada buwan! Higit sa lahat, hindi siya puwedeng magrenta ng mas murang bahay dahil ang kapalit ng sampung libong iyon ay ang pagtira nilang mag-iina sa lugar na malapit sa lola ng mga bata! Sa Ayala Heights nakatira ang matandang babae kaya sa Tandang Sora ang bahay na kinuha niya. Mas mura pa rin doon kung tutuusin, kumpara sa ibang lugar sa Quezon City. Pero huwag asahan ni Mark na sa mansiyon sila titira!

Totoong maraming magandang paupahan sa area na iyon, pero karamihan kinse mil pataas ang renta. Hindi naman masasabing pangit ang bahay na inuupahan niya at nasa maayos-ayos na lugar naman, pero hindi iyon lugar ng mayayaman. Nasa loob sila ng village at itinayo lang ng may-ari ang bahay sa bakanteng lote; pitong libo ang renta kada buwan. Kailangan niyang ilaan ang tatlong libo para sa kuryente dahil may isa silang window-type aircon na bigay ng ina ni Mark. Hikain ang panganay niya, hindi puwedeng walang aircon.

Sagot ni Maristel ang pagkain ng mga bata, baon, service, yaya, tubig, at iba pa. Kapag enrollment, ipinapakuha ng nanay ni Mark ang resibo at ibinibigay sa kanya ang buong halaga, kasama ang mga gamit ng mga bata na ang matanda ang namili. Sosyal ang mga gamit ng mga bata. May laptop pa nga ang panganay ni Maristel, tablet naman sa bunso. May mga cell phone din. May buwanang padalang gamit din para sa mga ito. Pero kung magsalita si Mark, parang itinira niya sa squatter’s area ang mga anak. Kung iisipin, madali sana ritong tustusan ang lahat sa yaman nito pero hindi humihiling ng ganoon si Maristel dahil alam niyang hindi makatwiran. Hati sila sa gastos at pasensiyahan sila kung wala siyang panrenta sa malaking bahay. Magkano lang naman ang kanyang suweldo at ang tinatanggap na bayad sa mga patahi kapag weekend bukod sa suweldo at kita sa sideline, may natatanggap din siyang dos mil mula sa paupa ng bahay sa probinsiya. Ngayon ngang bakasyon, namomroblema siya dahil wala siyang magiging trabaho sa loob ng halos dalawang buwan. May kaunti siyang ipon at plano niyang mamuhunan sa mga punda at kurtina para ibenta habang bakasyon. Ang hirap. Napakahirap. Kaya huwag magsalita nang wala sa hulog si Mark.

“Kung nasa harap ka ng mga bata, ayusin mo ang pagsasalita sa akin. Hindi ko sila pinalaking bastos sa magulang.” Hindi siya dapat mahiya? Si Mark ang dapat na mahiya sa kanya. Ano ang akala ng lalaki, na kaya nitong umalis na lang basta at kapag bumalik at nakita ang kanilang bahay, babatuhin siya ng ganoong panunumbat? Hindi niya tatanggapin. Wala itong karapatan.

“Of course I’m far away—” Nawala na sa linya si Mark.

Halos mapasigaw si Maristel. Hindi niya magawang tawagan uli ang lalaki dahil wala na siyang load. Kapag nagbibiro nga naman ang tadhana. Napatingin siya sa mga kasamahan sa faculty room. Hinanap ng kanyang mga mata ang isang teacher na naglo-load. Lalapitan na niya ito para mangutang ng load nang mag-ring ang kanyang phone. Hindi niya kilala ang number, pero malamang na si Mark iyon.

“Hello?”

“We need to talk about the situation.”

“Sige.” Kung inaakala ng lalaki na aatras siya, puwes mag-isip muna ito nang mabuti. Magkuwentahan sila. Kung gusto ni Mark, puwede pa itong tumawag ng accountant para hagilapin ang sampung libong sustento buwan-buwan. Patas lang naman sila ng ibinibigay. Mas malaki pa nga ang kanyang gastos kung tutuusin. Pero kadalasang gipit siya.

“What time will you get home?” tanong ni Mark.

“Mga alas-sais y medya kung hindi heavy traffic.”

“Fine. I will be here.”

Tinapos na ni Maristel ang tawag. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Napatingin siya sa relo. Alas-kuwatro na. May huling klase pa siya hanggang alas-singko y medya. Kadalasang alas-sais na siya nakakaalis ng school. Malapit lang naman ang bahay at ginagabi lang siya kapag matindi ang traffic. Halos wala siya sa sarili sa huling klase. Bago mag-alas-sais, nakasakay na siya ng taxi. Nag-taxi na siya para hindi na mag-tricycle papasok sa subdivision.

Habang sakay ng taxi, parang sasabog ang kanyang dibdib. Inilabas niya ang isang salamin at tiningnan ang mukha. Mabilis siyang naglagay ng baby powder para mabawasan ang pangingintab niyon. Matagal na siyang hindi nakakapamili ng tamang makeup, palibhasa wala naman siyang pinupuntahang party. Tama na ang baby powder sa mukha, para lang hindi oily. May lipstick siya at isang eyebrow pencil na sampung piso lang sa palengke. Naglagay siya ng “makeup” at nagsuklay nang nagsuklay. Kung bakit naman kasi hindi na tumino kahit kailan ang kanyang buhok. Mula noon hanggang ngayon, wavy at mahirap i-manage kaya madalas na nakapusod. Ayaw niyang magmukhang manang sa harap ng dating asawa.

Kinasama , pagtatama ng isip ni Maristel. Kahit kailan, hindi sila nagpakasal kahit ilang ulit na nag-propose si Mark. Mahirap ang buhay noon, pero kinaya nila at naniwalang kakayanin nila sa kabila ng lahat. Pero nagkamali siya.

Naniniwala siyang hindi kasalanan ni Mark ang lahat. Malaki rin ang kanyang kasalanan. Ang totoo, parang hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon sa panig ni Maristel. Pero hindi na niya kontrolado ang naging desisyon ni Mark pagkatapos. Itinuring sila nito bilang pamilyang sinusustentuhan dala ng obligasyon. Kumbaga, para silang “hassle” sa buhay ng lalaki na kailangang asikasuhin. Kung minsan, ganoon ang dating sa kanya.

Tulad ng maraming kuwento sa mundo, darating din ang oras na mag-aasawa si Mark at baka dumating na rin ang oras na mawala na ang sustentong ibinibigay sa kanilang anak.

Malabo, magulo, at matagal nang tapos ang kanilang relasyon. Sabi nga, hindi meant to be kahit kailan. Hindi naman yata totoo ang mga ganoong romantic na bagay. Para lang iyon sa mga libro, sa mga hopeless romantic na umaasang magiging pang-telenovela ang love life, may happy ending, at nalulutas ang bawat problema. Hindi iyon totoo. Hayun siya, isang buhay na patunay ng isang pag-ibig na minsang inakalang kakayaning pataubin ang lahat ng love team sa mundo.

May kurot na nakapa sa dibdib si Maristel. Naalala niya ang mga nangyari sa kanila noon ni Mark. Hindi naman lahat ng eksena, masakit. Sa katunayan, maraming eksena na masaya at masarap balikan sa isip. Pero hanggang sa magtapos ang mundo, mananatiling alaala ang mga iyon at hindi na mauulit. May iba nang mundo si Mark.

Sa ngayon, hindi na mahalaga kay Maristel ang isang asawa. Hindi na mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng boyfriend kahit pa nga may masugid na nanliligaw sa kanya sa nakaraang isang taon at handang tanggapin ang kanyang mga anak—isa roon si Christopher. Nagkakilala sila sa bookstore. Nagbabasa siya ng libro sa aisle nang mag-comment ang lalaki na maganda raw ang kanyang binabasa. Ito pala ang author ng libro tungkol sa kung paano magpalago ng pera. Motivational speaker si Christopher, maraming kino-conduct na mga seminar.

Kung minsan, natutukso siyang sagutin na ang lalaki, lalo na sa mga sandaling malungkot siya. Why not try? Pero madalas niyang naiisip na hindi siya manggamit ng iba para lang sumaya. Isa pa, may bitterness sa kanyang puso kung minsan para sa nakaraan niya. Kabaligtaran niyon si Christopher.

Napabuntong-hininga si Maristel. Hangga’t hindi siya in love sa lalaki, hindi niya sasagutin. Kung minsan, naiisip niyang baka hindi na posibleng magmahal pa siya uli. Iyong kagaya ng pagmamahal na naramdaman niya noon para kay Mark. Pero naiisip din ni Maristel na gusto uli niyang maramdaman iyon. Iyong parang buhay na buhay siya at hindi mauubos ang energy sa katawan. Makita pa lang niya noon si Mark, sumisigla na siya. Pero parang nakakatakot din ang magmahal uli nang ganoon katindi.

“Ma’am, saan po dito?” Kung hindi pa nagsalita ang taxi driver, hindi pa makikita ni Maristel na nakapasok na sila sa subdivision. Itinuro niya ang daan papunta sa bahay at agad na nakarating doon. Halos hindi na siya humihinga sa kaba. Parang mapupugto ang kanyang hininga. Noon, naisip niyang magiging kalmado lang sakaling magkita sila uli. Malayo siya sa pagiging kalmado ngayon. Kung may biglang hahawak sa kanyang braso, baka mapatalon siya sa nerbiyos.

“Diyan na lang.” Itinuro ni Maristel ang bahay sa driver, kahit parang gusto niyang paikutin muna ang taxi. Gusto niyang i-delay ang lahat, hindi pa siya handa. Pero kasabay niyon, parang gusto rin niyang malaman kung ano ang reaksiyon ng mga anak.

Nagbayad na siya at bumaba ng sasakyan. Humugot siya nang malalim na hininga at tumuloy na sa loob ng bahay. Pagbukas pa lang ng pinto, nagtama na ang mga mata nila ni Mark. Nagkagulo ang mga damdamin sa kanyang sistema. Isang bahagi niya ang gustong magwala, isang bahagi ang gustong umiyak. Hayun ang lalaking hindi niya magawang kalimutan, ang lalaking inakala niyang minahal siya nang wagas at walang hanggan minsan sa buhay nila. Nagkamali ba siya?

Hindi. Alam ni Maristel, minahal siya minsan ni Mark. Pero hindi iyon isang uri ng pagmamahal na walang hanggan. Nagtapos na ang lahat at naiwan siyang nagmamahal pa rin. Nasasaktan pa rin sa bawat alaala na nabuo noon na hindi na mauulit uli. Ang bawat luha nila, ang bawat ngiti, ang bawat halakhak, ang kanilang mga anak, ang kanilang munting mundong tinahi mula sa simpleng pangarap... lahat ng iyon wala na ngayon. Sama ng loob na lang ang naiwan.

Bahagyang tumango ang lalaki, seryoso ang ekspresyon. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip at kung ano ang gusto nitong sabihin. Gusto niyang malaman kung kumusta na ito. Gusto niyang malaman kung ano na ang itinakbo ng buhay nito sa mga taong hindi sila magkasama.

Sa mga taong iyon, sa kabila ng hirap at sakit, laman ng mga dasal ni Maristel si Mark. Dahil sa kabila ng lahat, nanatili sa kanyang puso ang lalaki. Mahirap siguro kung naiwang totoo sa pangako ang isang puso—na magmahal habang-buhay. Tanggap niya na magkaiba na ang kanilang mundo, pero paano niya pipilitin ang sariling magmahal ng iba kung kahit anong pilit niya, ayaw ng kanyang buong pagkatao?

“Kumusta?” sabi niya, halos hindi marinig ang sariling boses.

“We need to talk.” May diin ang boses nito, dumilim ang mukha.

Tumango lang si Maristel at tinanggap ang halik ng mga anak na lumapit sa kanya. Tumuloy siya sa kusina, sinabihan ang mga batang manatili sa sala.

“What have you done?” Tonong nag-aakusa si Mark.

“Saan?” balik ni Maristel, nakataas ang noo.

“You made my children live like paupers and you have the gall to act as if you didn’t do anything wrong? Look at this house. You made me believe they lived in a better environment.”

“Hindi kita pinaniwala sa kahit na ano.” Tumaas nang bahagya ang boses ni Maristel.

“Sure, you did. Palaging nasa iisang anggulo ang video call. Kung hindi ko pa napansin nang iikot ng bata ang camera, hindi ko makikita ang hitsura ng buong bahay. Kunsabagay, bakit ako magtataka? Noon pa, kailangan mo madalas ng pera para sa ibang tao. Naisip ko lang, magbabago ka kung mga anak mo na ang pinag-uusapan. Nagkamali ako. Pack your things. You will be moving tomorrow.”

“Wala kang karapatang manduhan ako.”

“Meron. Mula nang ilagay mo sa ganitong sitwasyon ang mga bata, inilipat mo na sa akin ang lahat ng karapatan. Don’t make me take them away from you because we both know I can do it.”

 

Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

26 Chapters

close

book

26

Contents

Passion Exclusive

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Love, Lies and Redemption

Vincent Austin's perfect life crumbles after a drunken mistake leaves his fiancee, Abigail Jones, betrayed and heartbroken. When another woman one day confronts him claiming to be carrying his child, Vincent is forced into a marriage of obligation, sacrificing the love of his life. Abigail finds solace in the arms of Nate, a kind and supportive doctor offering her the happiness she deserves. But Vincent, consumed by guilt and longing, refuses to let go, determined to win her back. As lies are exposed and shocking truths come to light, Abigail must navigate a whirlwind of emotions and choices. Will she trust the man who shattered her heart or embrace a future with someone new?

Romance

Love, Lies and Redemption

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Her Husband's Secret Affair

Sophie's suspicions about her husband Adam's infidelity grow when she learns he's been taking his secretary to the family doctor.  After hearing the doctor confirm that his secretary lost the baby, Sophie confronts him and demands a divorce. Adam desperately tries to convince her to stay, but Sophie's mind is made up, and she packs her bags to leave.  In a heated argument, passion takes over, leading to a night of unexpected intimacy.  The next day, Adam leaves work early to make things right, only to return home to find Sophie gone without a trace.

Romance

Her Husband's Secret Affair

The Pharaoh's Favorite

Neferet is the daughter of the High Priest of Amun, dreaming to become a priestess herself in temple of Isis. Her marriage to beloved Sahety, a rising military commander, would unite two powerful families beneath the Pharaoh. However, her world shatters when she discovers Sahety cheated with her younger sister near the sacred waters of the Nile.

Romance

The Pharaoh's Favorite

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia finds herself trapped in a loveless marriage to the cold and domineering Alpha Damien.  Despite her hopes that a child might soften his heart, her world shatters when she discovers his passionate affection for another woman.  Heartbroken yet determined, Felicia demands a divorce. Five years after leaving her powerful Alpha husband, Felicia is living a quiet life with her twin sons, hiding from the past.  But when the Full Moon Festival brings her face-to-face with Damien, the father of her children, everything changes.

Romance

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Barren Ex-Wife Gave Birth to Twins

When Amelia discovered she was pregnant with her billionaire husband Ryan's child, after three long years of longing and heartbreak, she was happy. She couldn't wait to share the joyous news with him and finally bring a piece of their love into the world.  When she got home, her excitement turned to icy dread when she saw the divorce papers Ryan had prepared for her to sign, unaware of the miracle blossoming inside her. Five years later, the past haunted both of them. Ryan's world shatters when he learned the son he had dutifully raised with Brenda, for the last five years, wasn't his flesh and blood and that Amelia was with twins five years ago.  Ryan unexpectedly shows up at Amelia's door, driven by desperation and a tormented desire to reclaim his lost family. Will Amelia allow the man who shattered her world back into their lives? And how will their children react to the father they barely know?

Romance

The Barren Ex-Wife Gave Birth to Twins

The President's Secret Daughter

Zorina thought marrying Kael Veridan, heir to the powerful Veridan family, would bring her love and respect. Instead, it turned her into an invisible servant in her own home. When Kael announces his engagement to the glamorous governor's daughter, Liora, Zorina's world crumbles. Betrayed and humiliated, she demands a divorce, ready to reveal her true identity-the secret daughter of the president and the hidden force behind the Veridan family's success. But as Kael realizes the powerful, independent woman he's underestimated, will his love for Liora hold, or will he come running back to the wife who was always his greatest ally?

New Adult

The President's Secret Daughter

Luna Vengeance

"I, Tyler Xander, the future leader of the silver moon pack, hereby reject you, Aurora Watson, as my mate and Luna of the Silver moon pack," The guy whom I've loved since the first year in school, said with a smirk as his beta pinned me against the wall. My already weak heart shattered into a thousand pieces, and I felt a physical ache in my body as pain penetrated through me. My legs wobbled under me, as I held on to them to keep my body in place. "There is no competition here, girl. You should leave, Tyler is mine!" Debbie piped up as she wrapped herself around my fated mate. That's me - Aurora. And welcome to my life...

Romance

Luna Vengeance

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

New Adult

Never Just Friends

The Rebirth of My Dead Billionaire Wife

When Tori Kane awakens in the hospital after a suspicious accident, she discovers she's been given a second chance at life - with all her memories intact. A several weeks ago, she was betrayed and almost killed by her husband, billionaire CEO Damian Blackwood and his mistress - her adopted sister Selena, who orchestrated her downfall and seized control of her family's company. Now, with new allies and shocking information left by her late grandmother, Tori crafts an intricate plan for revenge. But as she infiltrates her old life under a new identity, she uncovers darker secrets that challenge everything she thought she knew about her family's legacy and her own past.

Romance

The Rebirth of My Dead Billionaire Wife

Love by the Contract

A pragmatic executive assistant agrees to a temporary marriage with her billionaire boss to help him secure his inheritance. Two years into their convenient arrangement, she discovers she's pregnant - just as his former flame returns to reclaim him. Now she must navigate office politics, pregnancy, and her own heart while dealing with a husband who's ready to end their marriage for his first love.

Romance

Love by the Contract

The Queen of Hearts

The Blackthorn Academy is a private boarding college for the children of high society-heirs of corporate giants, European aristocratic families, politicians, and celebrities. Despite growing up in a single-parent household, Andrea Riley worked tirelessly to secure a coveted scholarship, earning her place at the academy with hopes of a brighter future. The academy's mission is to prepare its students for admission to the world's most prestigious universities, but the social environment among its students trains them for the harsh realities of life-realities the academy's leadership remains blissfully unaware of. At Blackthorn, a student's social rank isn't determined by their family's influence or the number of zeroes in their bank account but by a high-stakes card game held at the start of every semester. Andrea has no choice but to participate, as refusal means being automatically assigned the role of the class scapegoat. When she receives her role, however, she unintentionally captures the attention of the Sinclair brothers - heirs to a powerful arms manufacturing empire with operations frequently linked to the mafia. Andrea didn't plan to let romance distract her from her studies and dreams of success, but everyone at The Blackthorn Academy knows damn good at least this one thing: when one of the "kings" wants something, he always gets it.

New Adult

The Queen of Hearts

Dear Diary, The Cross Brothers are After Me

"Dear Diary...The Cross Brothers Are After Me" is about Lila, a girl who moves to a new town and becomes the focus of the Cross brothers-Aiden, Asher, and Grayson. They start by bullying her, but their behavior turns obsessive and manipulative, dragging her into their twisted games. Through her diary, Lila reveals her struggle to endure their torment, navigate their dangerous intentions, and figure out how to take control of her own life.

New Adult

Dear Diary, The Cross Brothers are After Me

Luna Aurora

Aurora, the devoted Luna of the Shadow Pack, has spent years by Alpha Fenrir's side, supporting him and nurturing their pack as his fated mate. But when his first love, Arianna, returns, Fenrir's heart falters. In a moment of weakness, he dismisses Aurora and demands a divorce, shattering her world. Unknown to him, Aurora carries his child-a secret she vows to protect as she retreats to her family, heartbroken but resilient. As Fenrir embraces his rekindled relationship with Arianna, he soon realizes that she's not the woman he once loved. Her cruelty toward the pack and unfaithful ways become impossible to ignore, while memories of Aurora's warmth haunt him. When Fenrir discovers the truth about Aurora's pregnancy, it's almost too late. Determined to reunite his family, Fenrir sets out on a journey to find Aurora, hoping she will forgive him and let him back into her life. But can he mend the wounds he caused? Or will he lose his fated mate and child forever?

Paranormal urban

Luna Aurora

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2025 Passion

XOLY LIMITED with the registered office at Las Vegas, NV, USA, 89101