
Description
Renesmee has already proved that she’s a total disaster. However, look how she has changed, being in love: the woman who once used to believe that everything will eventually come to an end is now considered an idiotic masochist who has been suffering for too long because of wanting Sol to finally learn to love her back. Is love for Sol really a battle that she has to win?
Chapter 1
Feb 4, 2022
“Nandito na tayo,” saad ni Ji ilang sandali nang maramdaman kong huminto na ang sinasakyan naming dalawa papunta sa lugar na wala akong idea kung saan.
Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan akong bumaba ng sasakyan. Pagkababa naming dalawa ay lumubog kaagad ang heels ng sapatos ko sa tinatapakan namin at naramdaman kaagad ng mga paa ko ang buhangin. Sinalubong rin ako ng malakas na hangin dahilan upang mahulaan ko kung saan niya ako dinala. Posible nga kayang nasa may tabing dagat kami? Pero ano namang dahilan upang dalhin niya ako sa tabing dagat?
“Dito ka lang.” Utos niya at naramdaman kong naglakad siya palayo.
Hindi pa man siya nakakalayo nang matagal sa akin ay may isang pamilyar na boses ang sumigaw.
“Okay! Kumpleto na pala kayo!” wika nito.
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Nasaan nga ba talaga ako ngayon?
“Pwede nyo nang alisin ang takip sa mga ulo nyo!” utos nito.
Agad kong inalis ang takip sa ulo ko at tama nga ang hinala ko kung kanino galing ang boses na iyon. Kay Mr. Park, ang president ng Music Department ng Tan Siu.
Tumingin ako sa paligid at tama rin ang hula ko…nasa may beach nga kami. Tiningnan ko ang mga taong kasama ko at nakita kong ang mga staff ng Music Department ay nandito rin at kumpleto. Napatingin ako sa may gilid ko at muntik na akong mapanganga nang makita si Sol habang katabi niya si Aliyah. Sa dinami-rami naman ng pwedeng magtabi, bakit sila pa?!
Balak ko sanang bigyan nang masamang tingin si Sol pero hindi ko na naituloy nang mapansin kongmagkasalubong ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa may tabi ko. Hindi ko napigilang mapatingin rin sa tabi ko at laking gulat ko nang makita ko si Kyo.
“Kyo? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ko.
Tumingin siya sa akin at saka sumulyap kay Sol.
“I have no idea what's going on, Renesmee. So better tell your boyfriend to take his goddamn eyes away from me ‘cause he’s pissing me off,” bulong niya.
Mas lalong napakunot ang noo ko. If he has no any idea of what’s going on, was he also dragged just to be here too? Ano ba talagang klaseng kalokohan ito? It’s seriously freaking me out dahil kasalukuyang magkatabi ngayon si Aliyah at Sol. Ugh!
“Okay, everybody, listen to me!” sigaw ni Mr. Park dahilan upang mapabalik ang tingin ko sa kanya. Nang mabalik ko ang tingin sa kanya ay napakunot ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko ang tatlong babaeng nakatayo sa tabi niya.
“Mean Girls?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Hi Ren Ren pot!” bati ni Ericka habang masaya pang kumakaway sa akin.
Hindi makapaniwalang napanganga na lang ako. Anong ginagawa nila dito? Huwag mong sabihin sa aking kasabwat sila sa kalokohang ‘to?
“I know everybody here is puzzled of what’s going on,” panimula ni Mr. Park.
So hindi lang pala ako ang naguguluhan sa nangyayare ngayon kundi lahat kami?
“To tell you honestly, this idea came from these three brilliant ladies. They suggested this whole thing,” pagpapaliwanag niya.
Wait, what? Did I hear him right? Kung idea ng Mean Girls ‘to, hindi na ako magtataka pa kung isa ‘tong malaking kalokohan.
“Then what the heck is this scheme all about?” tanong ni Sol.
Inilipat ko ang tingin sa kanya at nakita kong mukhang naiinis siya habang kunot noo siyang nakatingin kay Mr. Park pati na rin sa Mean Girls.
“Bakit parang badtrip ka ngayon, fafa Sol? Dahil ba hindi kayo team mates ni Renesmee?” tanong ni Khrystal.
Team mates? Napatingin ako sa mga kasama ko at mukha nga kaming isang grupo na nakahiwalay sa isa pang grupo. Tiningnan ko ang mga kasama ko at dun ko lang nalaman na kasama ko rin pala sina Ji, Kyo at ang iba pang staffs. Ang kabilang grupo naman ay sina Sol at Aliyah, kasama nila sina Dae, Victor at ang iba pang staffs. Napakagat ako sa labi ko habang tinitingnan ang lalaking walang kasiguraduhan kung boyfriend ko na ba talaga habang katabi nito ang ex-girlfriend niyang hindi ko alam kung nakalimutan na ba niya o hindi pa.
“Okay, i-eexplain ko na talaga kung anong meron ngayon,” wika ni M. “Actually, this is for your careers. Napansin kasi naming during practice nyo ay may mali na nagaganap sa performances nyo. Parang may ilangan. Eh malapit na ang concert nyo, right? September na,” saad nito.
“Kaya naman nagkaroon kami ng idea na pagsamahin kayo ngayon dito,” singit naman ni Khrystal. “Para rin 'tong outing. You'll be staying here for three days and two nights. May kanya-kanya kayong team dahil pinagsama namin ‘yung sa tingin namin ay nagkakaron ng ilangan sa Music Department. Gusto naming maging close kayo para naman maging maganda na ang samahan nyo at gumanda na ang performance nyo sa concert, di ba?”
Hindi makapaniwalang natawa na lang ako. Ang galing naman nilang magpatawa. Ano raw? Para maging close? Para maging close si Sol at Aliyah? They must be kidding!
“So ayun lang. And by the way, may kanya-kanya tayong rooms. Makikita nyo na lang ‘yung mga pangalan nyo na nakadikit sa may pintuan ng magiging kwarto nyo. Hanapin nyo na lang. So, see you guys tomorrow morning!” saad ni Ericka.
“Maybe that explains it all, so let's all have sweet dreams! Good byeeeee!” Paalam naman ni Mr. Park at saka naunang umalis at iniwan kaming lahat na hindi makapaniwala sa kalokohang nangyayari ngayon samin.
Masama akong tumingin sa Mean Girls nang lumapit sila sa akin.
“Ren Ren! Peace!” saad ni Ericka.
Napanganga ako in disbelief. Ibang klase.
“Ano ba 'tong ginagawa nyo? Akala nyo ba ay nakakatuwa ‘to?” Inis na tanong ko.
“Ikaw naman! Maganda nga ‘tong idea namin para makagala man lang tayo at saka makapagbakasyon!” sagot naman ni Khrystal.
“Bakasyon? Eh bakit kailangang may team-team pa? Tapos hindi ko pa ka-team si Sol!” reklamo ko.
“Ano ka ba, te?! Ang ganda kaya ng idea na ‘to! Sa ganitong paraan, malilinawan ka sa totoong nararamdaman mo…kung sino talagang mahal mo,” ika ni M.
Napakunot kaagad ang noo ko at naguguluhan akong tumingin sa kanya. “What do you mean?”
“Paano mo nga ba nasabing mahal mo si Sol? Dahil ba naawa ka sa kanya? Dahil ba iniwan siya ni Aliyah? Girl, alamin mo muna ang tunay na nararamdaman mo bago ka pumasok sa ganitong sitwasyon. Wag mong saktan ang sarili mo,” saad ni Ericka.
Pumagitna sa amin si M bago pa man ako nakasagot.
“Ren, isipin mong maiigi…mahal mo ba talaga si Sol o naawa ka lang sa kanya kaya pakiramdam mo ay mahal mo siya?” tanong nito.
“Ano ba kayo? Kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung anong nararamdaman ko.”
“Not really. Bakit sis, have you ever been in love? Di ba hindi pa? Plus, this is the first time. Paano pala kung nasasabi mo lang na mahal mo siya dahil lagi mo siyang kasama, di ba? What if akala mo lang ang lahat?” tanong ni Khrystal.
Tila nalunok ko ang sarili kong dila at hindi ko magawang makasagot sa mga sinasabi nila.
“Girl, wag mong isipin na sinasabi namin ‘tong mga ‘to para pigilan ‘yang kung ano mang nararamdaman mo. Sinasabi namin ‘to dahil kaibigan mo kami. At sinasabi namin ‘to para ibalik ang Renesmee na kilala namin. Yung war freak na hindi nagpapatalo,” saad ni Ericka.
“Isa ‘tong hamon para sayo, Ren Ren. Kung sa palagay mo ay mahal mo talaga siya, then let the battle begin!” wika naman ni Khrystal.
Saglit akong natigilan sa sinabi ni Khrystal. Is love for Sol really a battle that I have to win?
Sabay-sabay silang ngumuso sa pwesto nina Sol kaya lumingon ako sa direksyong iyon at sumalubong sa akin ang eksena kung saan nag-uusap silang dalawa ni Aliyah. Natawa ako nang mahina realizing that he’s really capable of hurting me effortlesly. Sa pakikipag-usap pa lang niya kay Aliyah ay nasasaktan na agad ako. I just can’t imagine how things can get any worse kung magtatagal pa kami rito.
☆☆☆
“Guys, maglaro tayo!” sigaw ni M, dahilan upang mapukaw niya ang atensyon ng mga tao na halatang kanina pa naiinip.
“Mukhang magandang idea ‘yan ah. Exciting!” saad ng isa sa mga staff at lumapit ito sa may bonfire kung saan nakatayo malapit si M. Sumunod rin ang ibang staff at lumapit rin sa kanya.
Nalipat ang tingin ko kay Aliyah, na kanina ko pa pinapanuod mula sa malayo, nang tumayo rin siya at sumunod sa mga staffs. Mukhang pati sina Dae, Victor at Ji na nakaupo rin di kalayuan sa bonfire ay naging interesado rin at sumunod kay Aliyah.
Nagulat na lang ako nang biglang may naupo sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino ito at agad na tumalbog ang puso ko na parang bola nang makita ko si Sol.
“Why? Can’t I sit beside you?” tanong niya nang mapansin ang gulat na reaksyon ko.
Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil ang buong akala ko ay hindi ko na siya makakausap pa hanggang sa matapos ang kalokohan ng Mean Girls at ni Mr. Park.
“Let’s join them,” saad niya at saka tumayo. Tumango naman ako at inalalayan niya akong tumayo at saka kami sumunod sa mga taong nakapalibot sa bonfire.
“Anong laro naman ‘yan?” narinig kong tanong ni Khrystal na mukhang naguluhan sa naiisip ni M nang makalapit na kami sa kanila ni Sol.
“This game is what you call ‘Copy Cat’,” sagot ni M.
“Copy cat?” sabay-sabay naming tanong.
“Yes. Ganito lang ‘yan, napakasimple. Gagayahin nyo lang ang sasabihin ko. Kung sinong magkamali ay may parusa,” pagpapaliwanag niya.
Sabay-sabay kaming tumango nang maintindihan namin ang procedure ng laro na pinauso niya.
“Pero bago tayo magsimula, mag-warm up muna tayo.”
“Okay,” sagot naman ng mga staffs sa kanya.
Hindi makapaniwalang napailing na lang ako. Mukhang interesado ang lahat sa kalokohan ni M. I’m pretty sure malaking kalokohan na naman ito. I know the Mean Girls very well.
“Ready na ba kayo?” tanong niya.
“Ready na!” sigaw naman nilang lahat.
Ugh. Ganito ba talaga kapag wala ka ng ibang choice? Mukhang desperado silang lahat para lang mawala ang pagka-bored. Being part of M’s game isn’t a good option to losen up our boredom.
“Okay, first word, ‘fish fillet’!” sigaw niya.
Okay, seriously? ‘Yun na ‘yun?
“Fish fillet,” walang ganang sigaw namin.
“Ugh! Ano ba yan! Dapat energetic!” sigaw niya.
“Ugh! Ano ba yan! Dapat energetic!” panggagaya namin sa sigaw niya.
Sabay-sabay kaming natawa.
“Ang corny nyo!” reklamo niya at saka ngumuso. “Okay, serious na! Next word, 'MAGANDA AKO!'”
Seroulsy, M? Can’t you please think of better words? This game is so lame.
“MAGANDA AKO!” Sabay-sabay na sigaw namin.
“That's gross,” reklamo ni Ji na hindi nakisabay sa pagsigaw.
Natawa kami dahil sa lahat ng lalaki, siya lang ang hindi nakisigaw.
“Hoy! Dapat sumunod talaga kayo,” reklamo ni M dahil sa hindi pagsunod ni Ji. Ngumuso naman si Ji dahil sa pagrereklamo ni M.
“Alright, maganda ako,” pagsunod niya. “Magandang lalaki ako.” Dagdag pa niya dahilan upang magtawanan ang lahat.
“Okay, next word na para sa warm-up,” saad ni M at saka umayos ng tayo at itinaas ang mga kamay niya. “I LOVE MYSELF!” sigaw niya.
“I LOVE MYSELF!” sigaw rin naming lahat.
Nagulat ako nang biglang inilapit ni Sol ang mukha niya sa akin.
“I love you too,” bulong niya.
Naramdaman ko na lang na uminit ang magkabilang pisngi ko at hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.
“I really do.” Dagdag pa niya na tila pagkukumpirma na rin niya na tama nga ang narinig ko.
Unti-unti ay napangiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-react sa ginawa niya. What he did was breathtaking.
“Same,” nakangiting sagot ko.
Nagpakawala siya ng matamis na ngiti at saka niya ibinalik ang tingin sa harapan namin. Nang ibalik ko rin ang tingin sa mga kasama namin ay bumungad sa akin ang nakatulalang reaksyon nila.
Biglang nagpapapadyak si Dae. “Yah Hyung! Why do you have to be so sweet to her in front of us? I'm jealous!” sigaw nito at saka biglang umalis.
“Yah, Dae!” sigaw naman ni Victor at saka nito sinundan ang kaibigan.
Nagkatinginan kami ng mga natira at awkward akong ngumiti sa kanila.
“Paano ba ‘yan, kulang na tayo. Wala na sina Victor at Dae. Masaya pa naman ‘to,” reklamo ni M.
Nakaramdam naman ako ng guilt dahil mukhang seryoso talaga siya sa game na pinauso niya.
“Then would you guys mind if I join here?”
Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking bigla na lang nagsalita. Pagtingin ko sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ay kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ng kakambal ko. Halata ang pagkagulat sa reaksyon ng lahat dahil sa pagdating niya lalong lalo na ang reaksyon ni Aliyah. Bigla na lang natahimik ang paligid at tila miski ang tunog mula sa paghinga nila ay hindi ko marinig.
“Oh, bakit ganyan ang mga hitsura nyo? Masama bang sumali sa laro nyo?” tanong ng kambal kong si Liloree.
Nagkatinginan kaming lahat at mukhang walang may balak na sumagot sa kakambal ko. Napatingin ako kay M at pinandilatan ko siya ng mata para sagutin ito.
“Syempre, pwede kang sumali! Ha-ha! The more the merrier nga eh! He-he!” saad ni M at halatang pilit na pilit ang tawa niya.
“Great. So shall we continue the game?” Tanong ng kambal ko habang naglalakad papalapit kay Aliyah.
Tiningnan ko si Aliyah at nahalata kong pilit niyang iniiwasan ang maka-eye-to-eye si Lilo. Tumingin sa akin si M at binigyan niya ako ng tingin na para bang ayaw niyang nandito ang kambal ko. Nagkibit balikat ako sa kanya upang iparating na wala akong alam sa nangyayari at wala akong magagawa.
“Ah… Ano…siguro tama na ang warm up. Oras na para sa totoong game, di ba? So let's proceed na,” saad ni M upang maibalik ang atensyon ng lahat sa kanya.
Umasta ang lahat na para bang walang eksena ang nangyari at naghandang muli para sa game. Tiningnan ko si Sol na nasa tabi ko at nakatingin lang din siya kay M. I wonder what he is thinking at this moment ngayong biglang dumating ang kambal ko na kasalukuyang boyfriend ng ex-girlfriend niya. Tiningnan ko rin ang iba pang natira at nakita kong nakatingin lang din silang lahat kay M. Mukhang interesado talaga sila sa game na 'to ah?
“Okay, first word,” panimula ni M. “CRISPS!”
“Crisps. Crishps. Crips. Crispsi.” Sunod-sunod na saad nila.
May ibang staffs kasi na nahirapan i-pronounce ang first word ni M dahil ang iba ay mga Japanese at Korean na nabubulol sa 'R' at 'S'. Dahil doon ay anim agad ang nagkamali.
Hinarap ni M ang anim na staff na nagkamali at tinawanan niya ang mga ito nang napakalakas. Sa tawa pa lang niya ay alam ko nang hindi maganda ang naiisip niya.
“So ang consequence nyong anim ay…”
Inilagay niya ang kamay niya sa may baba niya na tila pinag-iisipan niyang maigi ang magiging consequences ng anim na nagkamali. Nang mukhang nakapag-isip na siya ng magiging parusa ay ibinalik na niya ang tingin sa mga ito at binigyan niya sila ng isang makahulugang ngiti.
“Pumunta kayo doon sa dagat at maligo kayo. Sakto, malamig ang tubig. Mangisay kayo sa lamig! Wahaha!” utos niya.
Sabay-sabay kaming napanganga nang marinig ang consequences niya.
“That's absurd!” reklamo nila.
Hindi makapaniwalang napailing na lang ako. Kung ako ang nasa kalagayan nila ay baka binatukan ko na si M sa consequence na naisip niya. Aba! Ang hirap kaya nun!
“You need to comply with the consequences. Baka nakakalimutan niyong sumang-ayon kayo sa larong ito?” puno ng awtoridad na wika ni M.
Wala nang nagawa ang anim na staff at sabay-sabay silang napilitan na naglakad papalapit sa dagat dahil sa sinabi ni M. Pagkasawsaw pa lang ng paa nila sa tubig ay napasigaw na agad sila.
“It's damn too cold!” reklamo nila.
Tawa naman nang tawa si M lalo na nang tuluyan nang nababad ang anim sa dagat.
“Gah! My phone!” sigaw pa ng isa.
Napailing na lang ako. I really feel sorry for them. Dapat ay galingan ko pa sa susunod na word. I don’t wanna be part of M’s victims. Poor kids.
“Okay… So let's continue the game!” saad ni M at saka ngumiti nang nakakatakot sa amin.
Nagkatinginan kaming mga natira. Mukhang natatakot na rin sila kay M.
“Inaantok na pala ako! He-he! Good night, guys. See yah later ha? He-he!” saad ng isang staff at saka ito tumakbo papunta sa hotel kung nasaan ang mga magiging kwarto namin.
“Ugh? Ako rin pala matutulog na kasi madami akong gagawin bukas!”
“Ako rin! Good night!”
“Ay! Sama ako! Teka lang!”
Sabay-sabay na nagpaalam ang mga staff. Nag-uunahan silang tumakbo papunta sa hotel at maging ang mga nagpakababad sa malamig na dagat kanina ay nakisabay sa pagtakas nila.
“Hoy, teka! Wag kayong umalis!” sigaw ni M.
Napasimangot siya at masamang tumingin sa lugar kung saan nagsitakbuhan ang mga staff.
“Nakakainis naman sila! Ang k-kj!” pagmamaktol niya.
Nagkatinginan kaming mga natira. Kami-kami na lang pala nina Sol, Ji, Mean Girls, Aliyah at Lilo ang naiwan.
“Game na ulit! Dali na! Exciting ‘to noh!” Pagpupumilit ni M.
“Exciting o scary?” tanong ni Khrystal.
“Dali na!” pagpupumilit niya. “Okay, next word…”
Huminga ako ng malalim. Ugh! Bakit parang kinakabahan ako?
“I saw Susie sitting in a shoe shine shop. Where she sits she shines, and where she shines she sits,” saad niya.
Sabay-sabay kaming natulala kay M matapos naming marinig iyon. At kailan pa siya natutong mag-tongue twister?!
Nagkatinginan kaming lahat nang walang sumunod kay M. Magsasalita na sana ako para magreklamo pero natigilan ako nang biglang… “I saw Susie sitting in a shoe shine shop. Where she sits she shines, and where she shines she sits.”
Napatulala ako sa gulat nang sabay na sinabi iyon ni Aliyah at Sol. Hindi makapaniwalang inilipat ko ang tingin kay Aliyah at halatang gulat rin ang rekasyon niya habang nakatitig siya kay Sol. Tiningnan ko rin si Sol at ganoon rin ang reaksyong meron siya. Wow. Just wow. Pinilit kong umasta na para bang wala lang sa akin ang nangyari.
“Ang galing naman, bakit parehas nyong alam ang tongue twister na ‘yun?” puri ko sa kanila.
Iniwas ni Sol ang tingin sa akin at mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Inilipat ko ang tingin kay Aliyah at pilit siyang ngumiti sa akin.
“Actually, during our elementary years, sabay naming minemorize ni Sol ‘yun for a graded recitation in our English class. Alam din ni Ji ‘yun pero mukhang nakalimutan na niya,” paliwanag niya at saka inilipat ang tingin sa boyfriend ko. “And I'm glad you still remember it, Sol,” dagdag niya.
Tiningnan siya ni Sol at saka ito ngumiti.
“There are really things that we can't just leave behind, Liyah, especially those things that we’ve shared. You've been a big part of my life and I keep memories like that.”
Nagulat ako sa isinagot ni Sol at agad akong napatingin sa kanya. Nakatitig lang siya kay Aliyah habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko. How could he say that in front of me at habang hawak pa niya ang kamay ko?!
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at binigyan ko siya ng masamang tingin bago ako naglakad paalis. Naramdaman ko naman na sumunod siya kaagad sa akin at nang tuluyan na kaming nakalayo sa lahat ay humarang siya sa harapan ko.
“Alien,” tawag niya.
“How insensitive, Sol,” saad ko.
“I’m sorry.”
Sinubukan niya akong hawakan pero umatras ako.
“You still love her, don’t you?” Nanghihinang tanong ko.
Halatang nabigla siya sa tanong ko at hindi siya nakasagot. Napayuko siya at hinawakan niya ang kamay ko.
“I don’t know. I don’t know, Renesmee.”
Natawa ako ng pilit sa naging sagot niya.
“You still do,” saad ko.
Tumingin siya sa mga mata ko at agad niyang pinunasan ang tumulong likido na siyang bumasa sa pisngi ko.
“I don’t wanna hurt you,” saad niya.
“Eh nasasaktan na nga ako eh. May bago pa ba dun?” nakangiting tanong ko.
“Renesme—”
“Just admit it. She will always be the one.” Putol ko sa kanya.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa napabuntong hininga siya at malungkot na tumingin sa mga mata ko.
“We both know what this event is all about, right? This event is for us to know and to be sure of what we truly feel—for us to realize what we really wanted, right?”
Saglit akong natulala sa kanya. Kahit na sinasabi ng lahat na napaka-slow kong mag-isip ay nauunawaan ko ang nais niyang iparating.
“Hindi ka pa rin sure? Hindi ka pa rin sure sa totoong nararamdaman mo para sa akin? ‘Yun ba ‘yung gusto mong sabihin?”
Hinawakan niya nang napakahigpit ang kamay ko bago niya ito unti-unting binitawan. Wow. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at tumingin ako sa langit. Just wow.
“So kung tatanungin pala kita kung totoo bang mahal mo na ako, would you answer me too by saying you don’t know, Sol?” puno ng pait na tanong ko.
Hindi siya umimik kung kaya’t natawa na lang ako ng pilit.
“So ano pala ‘yung I love you mo? ‘Yung I’m sure with that mo, ha?”
Muli siyang napabuntong hininga.
“I'm sorry, Renesmee. I’m sorry,” bulong niya.
Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at kasabay nang pagpikit ko ay ang pagpatak ng luhang pilit na pinipigilan ko.
“Hope this event would clear everything that we feel. Hope this would help us see what we don't see right now. This would help us, Renesmee. And I'm very….sorry.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay wala na kong narinig pang salita mula sa kanya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sa muling pagmulat ng mga ito ay wala na si Sol sa harapan ko.
☆☆☆
Isang malakas na pito ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng hotel. Inikot ko ang tingin sa paligid at napansin ko kaagad ang kagandahan ng beach kung nasaan kami. Ngayong umaga ko lamang ito naappreciate dahil na rin siguro madilim na ang paligid nang makarating kami dito kahapon.
Pinanuod ko ang mga taong naglalaro ng volleyball di kalayuan sa akin. Pumito si Ericka na siyang kasalukuyang gumaganap na referee ng laro.
“Out!” sigaw niya at saka sumenyas na puntos ng kabilang grupo.
Napatingin ako kina M at Khrystal at nakita kong sila naman ang nagsisilbing taga score ng mga naglalaro. Inikot ko pa ang tingin sa paligid at nakita ko ang Four Kings sa di kalayuan habang tinatabunan si Victor ng buhangin. Naguusap-usap sila gamit ang lenggwahe nila na hindi ko maintindihan. Kulang sila. Wala si Sol.
“Rennnn!”
Balak ko sanang lumingon sa taong tumawag sa pangalan ko pero hindi ko na natuloy pa nang tumama sa ulo ko ang isang bola. Agad akong napaupo dahil sa lakas ng pagkaka-impact nito. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang sakit na dulot nang pagtama ng bola sa akin.
“Ren!”
Narinig kong nag-uunahan silang tumakbo papunta sa akin pero may isang tao ang agad na tumulong sa akin upang makatayo.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito.
Tila natahimik ang buong paligid at nabalutan ng kakaibang atmosphere nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko upang tingnan ang tumulong sa akin at bumungad sa akin ang mala-anghel na mukha ni Aliyah.
“Ayos lang ako. Salamat.” Naiilang na sagot ko.
Ngumiti siya at saka dahan-dahan akong binitiwan.
“Be careful, next time.” Wika niya at saka nagsimulang naglakad paalis.
Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa lugar kung saan siya nakatayo kanina habang kausap ako. Damn. Bakit ang sakit ng dibdib ko? Sinundan ko siya ng tingin at pinagmasdan ko kung gaano siya kaperpekto. Nakasuot siya ng two piece na kulay violet na pinapakita kung gaano siya kakinis at kung gaano kaganda ang katawan niya. Hindi ko maiwasan ang humanga sa kanya. Kahit sinong lalaki siguro ay magkakagusto sa kanya. Hindi ko masisisi si Sol kung bakit minahal niya ng sobra-sobra ang babaeng gaya niya. Walang wala ako kumpara sa kanya. Naawa ako sa sarili ko.
“Hey girl.”
Naramdaman kong nasa likuran ko na ang mga kaibigan ko, ang Mean Girls. Humarap ako sa kanila suot ang pekeng ngiti.
“Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Don't tell us, suko kana agad eh first day pa lang natin dito,” saad ni M.
“Tingnan mo naman kasi ‘yun. Anong laban ko dun? Hinaharap pa nga lang walang wala na ko,” sagot ko.
Nagulat ako nang batukan ako ni Khrystal.
“Ang pag-ibig te, parang Quiapo! Madaming snatcher! Maaagawan ka!” saad niya.
“H-Ha?!” Naguguluhang sagot ko.
“Ilabas mo na ang Gretchen Baretto dyan sa katauhan mo!” biglang singit naman ni Ericka.
“Gretchen Baretto?!”
“Sagot ko na ang red stil— este red two piece mo!” saad naman ni M.
“T-two piece?!” hindi makapaniwalang tanong ko at saka ako napalunok.
“It's time..” sabi ni Ericka.
“It's Renesmee Marie Clarkson versus Aliyah Gilbert!” dugtong naman ni Khrystal at sabay-sabay silang naghalakhakan.
Napahawak ako sa noo ko at napailing. Nagulat na lang ako nang hawakan nila ako sa kamay at paa at saka sabay-sabay akong kinaladkad papasok ng hotel papunta sa kwarto namin. Habang kinakaladkad nila ako ay nagpupumiglas ako pero wala ring silbi dahil tuluyan na nila akong naipasok sa loob ng kwarto kung saan kami nakacheck-in
“Ano bang ginagawa niyo?” tanong ko nang bitiwan na nila ako.
Nagulat ako nang imbis sagutin ay pinagtulungan nila akong inayusan at pinagsuot ng swimsuit. Sinubukan kong pumiglas pero mukhang wala silang balak magpaawat. Ilang sandali pa ang lumipas bago sila nakuntento sa makeover na pinaggagagawa nila sa akin. Sabay-sabay nila akong hinila at itinapat sa malaking salamin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya mabilis na inagaw ko ang twalyang hawak-hawak ni M.
“Gorgeous,” saad ni M habang tinitingnan ako.
“Sexy.” Puri naman ni Ericka.
“Sizzling hot!” wika naman ni Khrystal.
“Nagpapatawa ba kayo? Hindi ko kayang magsuot ng ganito noh!” reklamo ko at saka ko itinakip sa katawan ko ang twalya.
“Tingnan mo nga ang sarili mo, Ren! Si Aliyah nga itong walang panama sa iyo eh!” saad ni Ericka.
Napahawak ako sa noo ko. Ano bang iniisip nila? Ugh!
“No! Ayoko! Hindi ako lalabas ng ganito ang ayos ko,” pagtanggi ko.
“Ang sexy mo kaya! Tara na't lumabas. Baka magsimula na ang mga challenges,” saad naman ni Khrystal.
“Teka, ano?! Challenges?!” hindi makapaniwalang sigaw ko.
Hindi na ako sinagot pa ni Khrystal at kinaladkad na lang nila akong muli palabas ng kwarto. Sinubukan kong pumalag pero wala na akong nagawa nang makalabas na kami nang tuluyan sa hotel. Pagkalabas namin ay busy pa rin ang ibang staff na naglalaro ng volleyball. Ang iba naman ay busy at may kung anong ginagawa sa dagat. Sa tingin ko ay naghahanda na sila sa mga challenges na tinutukoy ng tatlong ito.
“Ayun sila!” sigaw si M.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kung saan nakatingin si M at sumalubong sa paningin ko ang Four Kings na nakaupo sa may buhanginan habang nakaharap sa may dagat. Kung kanina ay si Dae, Victor at Ji lang ang naroon, ngayon ay kasama na rin nila si Sol. Nagulat na lang ako nang kaladkarin akong muli ng tatlo papalapit sa kanila.
“T-Teka!” pigil ko, pero ayaw nilang magpaawat.
Ayoko munang mapalapit kay Sol sa ngayon. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap kahapon. Hindi ko alam kung kami pa ba at kung nakipaghiwalay na ba siya sa akin. Basta sa ngayon, ayoko munang magkrus ang landas namin kung maari. Pero paano ko siya maiiwasan sa ginagawa sa akin ng Mean Girls ngayon? Ugh!
Sinubukan kong magpupumiglas pero mukhang hindi na talaga ako makakapiglas pa dahil ilang hakbang na lang ay makakalapit na kami sa kanila. Nang lilimang hakbang na lang kami para makalapit sa Four Kings ay saka lang ako binitiwan ng tatlo pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay bigla na lang akong na-out of balance dahilan para matumba ako. Sa dinami-rami naman ng pagkakataon na pwedeng maging lampa, bakit ngayon pa?!
“Ren ayos—” natigilan si Ericka sa itatanong niya nang maramdaman kong may humawak sa akin at tinulungan akong makatayo.
Hindi ko na kailangang tingnan pa kung sino ang nagtayo sa akin dahil amoy pa lang ng pabango niya ay kilalang kilala ko na siya.
“Are you okay?” tanong niya nang makatayo na ako ng maayos.
Binigyan ko siya ng mapang-insultong ngiti bago ko siya sagutin.
“Nakakatawang ikaw pa mismo ang nagtatanong sa akin niyan samantalang ikaw itong dahilan kung bakit hindi ako okay,” matabang na sagot ko.
Napabuntong hininga siya sa isinagot ko at nagulat ako nang hubarin niya ang puting t-shirt niya at iniabot niya iyon sa akin.
“Isuot mo ito. Ayokong mabastos ka dahil pinapakita mo ang buong katawan mo. At isa pa, masyadong malamig. I’m afraid you might get colds.”
Natawa ako nang pilit dahil sa sinabi niya dahilan para mainsulto siya.
“As if you really care. Kailan ka ba nagkaroon ng care sa akin? Kailan mo ba inisip ang nararamdaman ko? Diba’y parati mo lang naman akong sinasaktan?”
Hindi niya ako inimikan. Tahimik niyang kinuha ang kamay ko at inilagay niya roon ang t-shirt na hinubad niya kanina. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago siya muling nagsalita.
“Since when?” Tanong niya habang patuloy siyang seryosong nakatingin sa mga mata ko. “Since the day I chose to fall in love with you, Alien,” saad niya at saka siya umalis sa harapan ko at iniwan akong nakatulala dahil sa sinabi niya.
☆☆☆
“Wooooohhhh! This is so exciting!”
“Yeah! This would be great!”
Lahat ay maingay, nagsasaya at pawang mga excited at hindi mapakali maliban sa akin.
“Sis, ayos ka lang ba? Bakit parang kanina ka pa tulala dyan?” tanong ni Khrystal na nakatayo sa tabi ko.
“Ayos lang ako,” sagot ko at saka ako naglakad papunta sa mga ka-grupo ko.
Nakapila ang dalawang grupo at nakaharap sa dagat. Ito ang unang challenge namin sa kalokohang plinano ng Mean Girls at ni Mr. Park. Hindi ko alam kung anong klaseng challenge ito dahil pagdating ko ay nakapila na ang lahat. Tanging ako na lang at si Sol ang hinihintay.
“Noona, are you sure you're going to do this?”
Napatingin ako sa kabilang grupo na nakapila na rin. Tulad ko, si Aliyah din ang nakapila sa dulo ng grupo nila. Kausap siya nina Dae at Victor at parang hindi maganda ang timpla ng mukha nilang dalawa.
“You don't have to do this. You don't have to risk anything,” saad ni Dae.
Ngumiti sa kanya si Aliyah at hinawakan ang pisngi niya.
“I missed you so much. I missed you, guys. And I'm thankful this event is giving you back to me,” saad niya.
Nang marinig ko iyon ay agad na kumunot ang noo ko. Pabor na pabor ang event na ito para sa kanya dahil ka-grupo niya ang Four Kings. Pabor na pabor ito sa kanya dahil naibabalik na niya ang friendship nila nina Victor at Dae. Pero wag naman pati si Sol, please?
“Noona, you don't have to take the risk.” Naiiyak na saad ni Victor.
Napangiti siya sa sinabi ni Victor.
“You don't know how much I missed you calling me Noona, Victor. Don't worry, I'm not going to risk anything,” saad niya.
Nakaramdam na lang ako ng inis habang pinapanuod ko silang tatlo. Bakit feeling ko inaagaw niya sa akin sina Victor at Dae? At ano bang pinag-uusapan nila?
Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan ng pila nang pumito si Mr. Park, hudyat na magsisimula na ang challenge.
“So, are you guys ready?” tanong niya.
“READY!” Excited na sigawan nila.
“So ang mechanics ng challenge na ito ay napakasimple lang. Paunahang makalangoy ang bawat member ng group papunta sa bangka sa may dagat. Naghihintay doon ang isang tao na may hawak-hawak na flags. Kukuha kayo ng flags doon at saka lalangoy pabalik ng pampang. Ang unang group na makaubos ng flags ang panalo. Easy, di ba?”
Tumango-tango ako nang malaman ko na kung ano ang gagawin sa challenge. Mukhang hindi ako mahihirapan dahil mabilis at magaling akong lumangoy. Tumingin ulit ako sa kabilang grupo at tiningnan ko si Sol na siyang nagunguna sa pila ng grupo nila habang ang sa amin naman ay si Ji.
“Okay! On your mark!” sigaw ni Mr. Park.
Umayos sina Sol at Ji ng pwesto. Mukhangparehas silang seryoso sa challenge.
“Ready….set….GO!”
Sabay na sabay na tumakbo si Sol at Ji papunta sa dagat. Magkasing bilis din silang lumangoy at nakarating sa may bangka kung saan nandun ang mga flags na dapat ay kunin. Sabay nilang nakuha ang flag at sabay na sabay rin silang lumangoy pabalik at dumating sa pampang. Sunod-sunod lang ang prosesong iyon hanggang sa umabot na sa amin pareho ni Aliyah ang laban.
Nagkatinginan muna kaming dalawa bago kami tumakbo papunta sa dagat. Agad-agad akong lumangoy at madali akong nakarating sa may bangka. Madali ko ring nakuha ang flag. Pagkakuha ko sa flag ay lumangoy ako kaagad pabalik sa pampang. Ramdam kong mananalo ako laban kay Aliyah dahil nang pabalik na ako ay hindi pa siya nakakalapit sa bangka kung nasaan ang flag na kukunin niya. Nang makarating ako sa pampang ay narinig ko kaagad ang hiyawan ng mga ka-grupo ko.
“Congrats Ren!” sigawan ng Mean Girls.
Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil it's a victory against Aliyah. Napatingin kaagad ako sa Mean Girls at naka-thumbs up pa silang tatlo sa akin. Nang maitapak ko na ang paa ko sa buhangin mula sa dagat ay nagulat ako nang biglang sumigaw si Sol.
“Aliyah!” sigaw niya at dali-dali siyang tumakbo papunta sa dagat.
Sa sobrang pagmamadali niya ay nabangga niya ako sa may balikat dahilan upang mapaupo ako sa buhangin at mapatulala. A-anong nangyare?! Nilingon ko siya at nakita kong nagmamadali siyang lumangoy papunta kay Aliyah.
“Sht! I knew it! We shouldn't have let her do this!”
“Fcuk! This is our fault!”
Nanatili akong nakaupo sa buhanginan habang pinapanood ko ang sobrang inis at pag-aalala ng mga member ng Four Kings kay Aliyah. Nagmamadali silang lumapit kay Sol nang lumangoy na ito pabalik sa pampang kasama si Aliyah na mukhang nawalan ng malay. Buhat-buhat niya itong dinala papalapit sa amin at nagmamadali niya itong inihiga sa buhanginan.
“Sht! Aliyah! Wake up!” sigaw niya.
“CPR! Give her CPR, Sol!” sigaw ni Mr. Park.
Wala akong ibang maramdaman kundi kirot sa dibdib ko habang pinapanuod siyang nag-aalala kay Aliyah, sa harapan ko pa mismo. Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumingon sa kinaroroonan ko kaya’t lahat din sila ay napatingin sa akin.
“Renesmee, Sol needs to give Aliyah a CPR. Renesmee, please!” sigaw ni Mr. Park na tila pinagmamadali akong sumagot.
Hindi ko alam kung bakit hinihintay pa nila ang permiso ko para bigyan ni Sol si Aliyah ng CPR pero marahil ay dahil girlfriend nga pala niya ako at ex-girlfriend niya ang bibigyan niya ng CPR. Pero bakit? Bakit si Sol pa? Bakit siya pa?
Isinara ko ang kamao ko at pilit na pinigilan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka nagpasyang sumagot.
“Yeah, Sol. Give her CPR,” saad ko at walang pagdadalawang isip ayagad-agad niyang binigyan si Aliyah ng hangin mula sa kanyang bibig.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Paulit-ulit sa isipan ko kung bakit si Sol pa? Bakit hindi na lang ang iba?
Namalayan ko na lang na may mainit na luha na pala ang tumutulo sa magkabilang pisngi ko. Damn eyes.
May isang lalaki ang huminto at tumayo sa harapan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at tiningnan siya. Natawa ako ng pilit at agad kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko.
“Sabi ko naman sa’yo diba?”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Not now, Kyo.” Pigil ko sa sasabihin niya.
Lumapit siya lalo sa akin at tinulungan niya akong tumayo. Pagkatayo ko ay binalutan niya ako ng twalya na dala-dala niya.
“Just bear it. He has to save her,” bulong niya.
Ngumiti ako ng pilit at saka tumingin sa direksyon nina Sol at Aliyah. Hindi ko na sila makita dahil nakapalibot na sa kanila ang lahat.
“Nauunawaan ko,” saad ko at pagkatapos kong sabihin iyon ay narinig ko na ang pag-ubo ni Aliyah. Senyales na nailigtas siya...
Nailigtas siya ni Sol.

Let me be the One 2
9 Chapters
9
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101