passion

My Passion

Library
searchsearch

Lander Storm (Possessive Series 4)

/

Chapter 5

Chapter 4

Feb 9, 2022

NAGTAAS ng tingin si Lander nang marinig na bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Nang makitang pumasok si Kathie na nakangiti, kinunutan niya ito ng noo. “Ano’ng ginagawa mo dito?”

Kaagad na lumapit sa kanya ang babae at hinalikan siya sa mga labi. Wala siyang maramdaman sa halik nito. Parang isang patay ang humalik sa kanya, hindi man lang siya naapektuhan. His body didn’t even react like it usually did.

Nang hindi siya sumagot sa halik, pinakawalan ni Kathie ang mga labi niya.

“What’s with you? Kiss me back.”

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Lander. “What are you doing here? Akala ko hiwalay na tayo.”

Nakasimangot na tinampal nito ang braso niya. “I was just kidding that day. Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka sa `kin.”

Malamig niyang tiningnan ang babae. “Umalis ka na.”

Napamulagat ito. “What?”

“Umalis ka na. Wala ako sa mood na i-entertain ka.”

Napatigagal si Kathie sa sinabi niya. “Please tell me you’re just kidding. Kailan mo pa ako tinanggihan?”

“Hindi ako nagbibiro.” Malamig pa sa yelo ang emosyon sa mga mata ni Lander. “Umalis ka na.”

Hindi makapaniwala si Kathie habang nakatingin sa kanya. “Ano ba’ng nangyayari sa `yo?”

Vienna is back, sabi ng isang bahagi ng kanyang isip na ikinatigil niya.

“What?” tanong ni Lander sa sarili.

“Anong ‘what?’” Pinandilatan siya ng babae. “Huwag mo akong what-what-in, Lander. I am not just an ordinary woman. I am a senator’s daughter—”

“Kung hindi ka aalis, ako ang aalis,” putol niya sa pagsasalita nito.

Pinukol siya ng masamang tingin ni Kathie. “How dare you?!”

Naiiritang tumayo si Lander at lumabas ng opisina niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa mesa ng kanyang sekretarya. “Nasaan ang list of cars na order ni Mr. Anderson?”

Mabilis na kinuha ni Stephanie ang listahan at ibinigay sa kanya. “Heto po, Sir Lander. At siyanga po pala, Sir, tumawag si Mr. Cali Sudalga. Pinapasabi po niya na nasa auto shop n’yo po `yong sasakyan niya at ikaw daw po ang gusto niyang mag-ayos.”

Napabuntong-hininga si Lander. Napakaarte talaga ni Cali kahit kailan. “Thanks.”

Naglakad siya patungo sa elevator at malalaki ang hakbang na sumakay roon. Nakahinga siya nang maluwag nang sumara ang pinto bago pa man makasakay si Kathie.

PAGKALIPAS ng isang oras, ipinark ni Lander ang sasakyan sa labas ng auto shop niya at pumasok doon. Napatigil siya sa paglalakad papasok nang makita si Vienna na nakaupo sa hood ng sasakyan ni Cali. And that bastard was nowhere to be found!

Where the hell is that guy?!

Mataman niyang tinitigan ang babae na tumayo at nanalamin sa side mirror. Tinitingnan nito ang pisngi na namamaga pa rin. And then something inside her sling bag started ringing. Sa hula niya ay cell phone nito ang nag-iingay.

And he was right.

Kinuha ni Vienna ang cell phone sa sling bag nito, saka sinagot ang tawa. At dahil hindi naman siya malayo, narinig ni Lander ang sinasabi nito sa kausap.

“Hello?” mataray na sabi ng babae. “Akala ko ba may dalawang buwan akong bakasyon? Why the hell are you calling me now?” Madilim ang mukha ni Vienna habang nagsasalita. “Come on! This is my freaking vacation!” galit na sabi nito.

Na-curious siya sa kung sino ang kausap ng babae para sumigaw ito nang ganoon. Mayamaya pa ay nakita niya kung paano bumagsak ang mga balikat nito.

“Okay,” sabi ni Vienna sa mahinang boses. “Tinatanggap ko. Send the files to my e-mail and I’ll take it from there.” Nakasimangot ito. “Okay. Walang problema.” Tinapos ng babae ang tawag at wala sa sariling napatitig sa kawalan at napailing-iling.

Ipinilig ni Lander ang ulo at lumapit dito. “Bakit ikaw at hindi si Cali ang nandito?”

Napaigtad si Vienna nang marinig ang boses niya at mabilis na lumingon sa gawi niya. “Lander…” Tinitigan siya nito nang ilang segundo, saka tumikhim. “Ahm, bigla kasing nagkaroon ng board meeting si Cali kaya ako na lang ang pinapunta niya dito.”

KITANG-KITA ni Vienna na ayaw ni Lander na makita siya pero wala itong magagawa dahil naroon na siya. Ayaw sa kanya ng lalaki at ramdam na ramdam niya iyon. Kaya naman nagulat siya nang lumapat ang kamay nito sa pisngi niyang namamaga at masuyong hinaplos iyon.

“Saan mo ba nakuha `to?” tanong ni Lander habang hinahaplos pa rin ang kanyang pisngi.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa simpleng paghaplos lang nito. She missed this. She missed him.

Kinailangan munang huminga nang malalim ni Vienna bago nakapagsalita. “May nakaaway nga ako. `Di ba, sinabi ko na `yon sa `yo sa ospital nang magkita tayo?”

Mas lumapit sa kanya ang lalaki at napalunok siya nang maramdaman ang init na nanggagaling sa katawan nito.

Inilapit ni Lander ang mukha sa kanyang mukha. Sinusuri ng mga mata nito ang pasa niya sa pisngi. “Kung sino man ang nakaaway mo, mukhang galit na galit sa `yo para gawin niya ito.” Hinuli ng lalaki ang mailap niyang mga mata. “Iniwan mo rin ba siya tulad ko?”

Inirapan niya ito at tinabig ang kamay. “Puwede ba, Lander, tigilan mo ako.”

He chuckled coolly. “Bakit? Mali ba ako?”

“Maling-mali.” Bumalik si Vienna sa pagkakaupo sa hood ng sasakyan ni Cali. “Sige na, ayusin mo na. Gagamitin yata `to ni Cali mamaya, eh, kaya minamadali.” Pagkatapos ay ngumiti siya nang may maisip. “Alam ko na, tutulungan na lang kita para mabilis mong matapos.”

Kinunutan siya ng noo ni Lander. “Ano naman ang alam mo sa pag-aayos ng sasakyan?”

Nagkibit-balikat siya. “Try me and I might shock you.”

Mataman siyang tiningnan ng lalaki, pagkatapos ay pumayag din. “Kapag hindi ka nakatulong at lalong bumagal ang pag-aayos ko ng sasakyan ni Cali, magbabayad ka.”

“Ano naman?”

“Kahit ano,” kibit-balikat nitong sagot. “Ikaw, ano’ng gusto mong pambayad?”

“Ipagluluto na lang kita.” Please say yes!

Bumakas ang gulat sa mukha ni Lander. “Marunong ka nang magluto?”

Tumango si Vienna. “Oo naman. Marami kang hindi alam tugkol sa `kin at isa na `yon do’n.”

“Yeah.” Nawala na naman ang emosyon sa mukha nito. “Paano ko naman malalaman ang mga bagay na iyon tungkol sa `yo? Iniwan mo ako, remember?”

She gave him an apologetic look. “Sorry.”

“Wala nang magagawa ang sorry mo.” Biglang hinubad ni Lander ang pang-itaas nitong damit dahilan para manlalaki ang kanyang mga mata at mapatingin sa matitipuno nitong dibdib. Mayamaya ay bumaba na rin ang tingin niya sa mga “pandesal” nito sa tiyan. Shit! Temptation, please stay away from me!

“Eyes up here, Vienna. Don’t eye-rape my abs, please.”

Nag-iinit ang mga pisngi na nagtaas si Vienna ng tingin. “A-ahm, I am not eye-raping you,” kaila niya. “I’m just looking and appreciating.”

“Appreciating?” Tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki. “That’s a big word. Appreciating, huh?”

Lalong nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. “T-tigilan mo nga ako.”

Lander’s eyes danced in amusement and it made her happy.

“You’re enjoying this,” komento niya.

Biglang naging blangko ang mga mata ng lalaki at nawala ang kislap niyon. “I’m not. Bakit naman ako mag-e-enjoy na kausapin ka? I hate you, don’t you know that?”

Malungkot na ngumiti si Vienna. Parang may kumurot sa puso niya. “Alam ko `yon. Nararamdaman ko, actually.”

“Good.” He flexed his arms. “Let’s start.”

Binuksan ni Lander ang hood ng sasakyan at itinuro nito ang tools na nasa gilid. “Kailangan ko ng ratcheting box wrenches, voltmeter, non-contact IR thermometer, at ball driver.”

Mabilis niyang kinuha ang mga kailangan ng lalaki at iniabot dito.

Gulat na napatitig si Lander sa kanya. “You really know these things, huh?”

Tumango siya. “Tinuruan ako ni Denver.”

Tumaas ang dalawang kilay nito. “Denver?”

“Denver” ang code name ng partner ni Vienna sa mga misyon na naging matalik na kaibigan na rin niya.

Tumango siya. “Oo. ‘Denver’ ang pangalan ng kaibigan ko.”

Tumalim ang mga mata ni Lander. “Denver, huh? Just a friend?”

“Yeah.”

“Liar.” Kinuha nito ang tools sa kamay niya at nag-umpisa nang kalikutin ang sasakyan ni Cali. Panay ang buntong-hininga ng lalaki. Pagkalipas ng ilang segundo, nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Kaibigan mo lang talaga ang Denver na `yon?”

“Oo nga. Malapit ko siyang kaibigan. Saka hindi kami talo, babae siya, eh.”

Biglang nawala ang pagdilim ng mukha ni Lander at hindi makapaniwalang napailing-iling. “Fuck this,” mahinang mura nito pero narinig pa rin niya.

“Bakit ka naman nagmumura d’yan?” usisa ni Vienna.

“Wala.” Nagpatuloy ang lalaki sa pag-aayos ng sasakyan at hindi na nagsalitang muli.

Tinitigan ni Vienna si Lander habang nag-aayos ng sasakyan. Pinakiramdaman niya ang kanyang puso. Hindi nawala ang pagmamahal niya para sa binata. Lumipas man ang walong taon, naroon pa rin ang pagmamahal na iyon at hinding-hindi na mawawala pa.

“Staring is rude, Vienna.”

“I know.”

“Then stop staring.” Nang manatili siyang nakatitig kay Lander, nagsalita na naman ito. “Seriously, stop staring. Kapag hindi ka tumigil, palalayasin kita sa auto shop ko.”

Umikot ang mga mata ni Vienna, saka niya binuksan ang pinto ng passenger seat at umupo doon habang nakalabas ang mga paa. “Lander?” mayamaya ay tawag niya sa pangalan nito.

“Yes?”

“Galit ka ba sa `kin?”

“Ano sa tingin mo?”

“Sa tingin ko, galit ka.”

“`Buti alam mo.”

Parang may tumusok na karayom sa puso niya. “May puwang pa ba ako d’yan sa puso mo? Tulad noon? No’ng bago ako umalis.”

Lander used to love her and trust her so damn much.

Hindi siya sinagot ng binata. Akmang magtatanong uli siya nang pumasok si Cali sa auto shop na may dalang tatlong Starbucks coffee.

“Hello, people,” nakangiting sabi nito, saka ibinigay ang isang coffee kay Lander at inabot sa kanya ang isa. “How are you, little sis?”

Bumuga si Vienna ng malalim na hininga. “I’m good,” sagot niya. “Hanggang sa dumating ka.”

Nagsalubong ang mga kilay ng kapatid at pinukol siya ng masamang tingin. “Ano na naman ang ginawa ko?”

“Hey, Sudalga,” tawag ni Lander sa atensiyon ni Cali. “Can you get that?” sabi nito, sabay turo sa isang bagay na medyo malayo sa kanila. Nang sumunod ang kapatid niya ay muling nagsalita si Lander. “We’ll talk some other time. Maybe in my office. May tanong ako na kailangan ng kasagutan.”

Napangiti si Vienna sa sinabi ng lalaki. “Okay.”

“Don’t be happy. I just want closure and nothing else.”

Parang may pumiga sa puso niya dahilan para mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Talagang galit si Lander kahit ano pa ang gawin niya.

Lander Storm (Possessive Series 4)

Lander Storm (Possessive Series 4)

0 Chapters

close

Settings

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en
book

26

Contents

settings