
Kiss Me
Romance


7.3K
Description
Fixed marriage. Does it really work? How well do you know the person you married? Can you accept everything from him? Even his imperfections?
Chapter 1
Apr 9, 2022
Alex's POV
5 YEARS.
Limang taon na din mula ng malaman ko na hindi ako tunay na Santillan. Napakabilis ng panahon.
"Cheska??" tawag ko sa babaeng nakita ko dito sa mall. Siya nga kaya yun? Bakit parang nagmatured siya? Tsaka parang mas pumayat?
Lumingon sa akin ang babaeng tinawag ko.
Bakit parang nagulat siya ng makita ako. Nilapitan ko siya. "Cheska?" ulit ko sa pangalan niya ng malapitan ko siya. "A-lex?" nauutal niyang tanong. "Ikaw na nga ba yan?"
"Kamusta ka na?" tanong ko. Siya nga si Cheska, isa sa mga ex ni Gian. Sa lahat ng ex ni Gian, si Cheska ang pinakamalapit sa akin. Model siya dati, ewan ko lang ngayon. Malaki ang pinagbago ng katawan niya pero hindi maitatanggi na maganda pa rin siya.
"Ok lang ako. Ikaw, kamusta ka na? Ang tagal kong walang balita sayo. Ang tagal kitang hinanap."
Hinanap?
"Hinahanap mo ako? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
"Ah.. Eh.. Wala naman. Eh kasi nga wala na kaming naging balita sayo. Bigla ka naman kasing nawala," sagot niya.
Bigla ko ng nakuha ang ibig niyang sabihin kaya iniba ko na lang ang usapan. "Doon pa rin ba kayo nakatira?" tanong ko.
"Oo, doon pa din. Sige I have to go," paalam niya.
"Ah wait, I have my car, if you want ihahatid na kita," alok ko sa kanya. Isa sa napakaliit na pabor na kaya kong ibigay sa kanya.
"Nakakaabala naman yata sayo."
"Hindi. Honestly, natutuwa ako na nagkita ulit tayo," sabi ko. Ngumiti siya. She has dimples at lumabas yun.
"Mas natutuwa ako na nakita kita," sagot niya. "Let's go?"
"Sure, pero hindi ako sa bahay papunta eh, pero don't worry on the way din naman yun," sabi niya habang naglalakad kami sa parking lot ng mall.
I started driving.
"San ba kita ihahatid?"
"Sa Little Angels Montessori School," sagot niya.
Nagtaka ako. Hindi naman siya mukhang teacher doon. Bakit siya pupunta doon? Malapit lang yung school kaya mabilis kaming nakarating.
"Salamat Alex ha. Its really nice seeing you again," paalam niya. Pababa na siya ng kotse ng tanungin ko siya.
"Cheska, sino nga pala ang pupuntahan mo dyan?" Ngumiti muna siya bago sumagot.
"Anak ko," tipid niyang sagot nang hindi man lang ako nililingon. Huh?
"Nag-asawa ka na pala?" Umiling siya.
"No. Wala akong asawa," sagot niya. "Kung ganon..??" nalilito kong tanong. "Anak ko siya.. kay Gian."

Kiss Me
23 Chapters
23
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2025 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101