
Description
"One look at you and I was alive again." In the midst of Temarrie's adventure, she met Jubei. The young man seemed just to emerge from nowhere. Ironnically, it was the exact man her father wanted her to marry. And, what was the funniest thing ever, she heard and even saw how the young man proposed to another woman. Well, it seemed everything had become topsy-turvy...
Chapter 1
Nov 28, 2025
D inilaan ni Temarrie ang kanyang hintuturo, saka ipinagpatuloy ang pagbibilang ng kanyang salapi. Ngingisi-ngisi siya habang pabalik sa kanyang kotse. Nanalo na naman ang tinayaan niyang kabayo kanina sa horse race. Okay talagang pagkakitaan ang sugal na ito. Easy money. Sa susunod, mas lalakihan pa niya ang pusta. Kapag nagkataon, siguradong sa loob lang ng ilang taon, magiging milyonarya na siya.
“Ang galing ko talaga!” bati pa niya sa sarili. “Sa wakas ay makakapagpatayo na rin ako ng sarili kong negosyo. Makikita ninyo, Papa.” Tumingala pa siya sa langit. “Kikilalanin n’yo din ang kakayahan kong maging mayaman! Bwa-ha-ha-ha—”
“Holdap `to. Huwag kang kikilos nang masama.”
Nabitin ang tawa ni Temarrie nang maramdamdan ang matulis na bagay sa kanyang likuran. “Naku, m anong, huwag ho ninyo akong sasaktan. Hindi ho ako lalaban. Babae ho ako, mahina. Wala akong—”
“Tumahimik ka! Akin na ang lahat ng pera mo!”
“Lahat? Ng pera ko?” Hinigpitan ni Temarrie ang hawak sa pera, saka pasimpleng naghanap ng maaaring makatulong sa kanya. Kung bakit naman kasi naisipan pa niyang umuwi nang mas maaga kaysa sa talagang oras ng uwian ng mga tao sa horse racing track na iyon sa Sta. Ana, Manila.
“Eh… m anong, puwede ba nating madaan ito sa demokratikong usapan—”
“Ayoko na ng maraming satsat! Ibigay mo na sabi sa akin ang pera mo, kung hindi, papatayin kita!”
“Teka ho muna sandali. Ibibigay na.” Dahan-dahan pa niyang ibinaba ang kamay na nakahawak sa pera. She was not really ready to let it go. Aba, ilang linggo yata niyang hinintay na magkaroon ng panaginip na makakapagsabi kung anong numero ng kabayo ang dapat tayaan para manalo. Tapos, mawawala lang iyon agad nang ganoon? Paano na ang kanyang binabalak na negosyo?
She needed the damn money!
Nag-isip pa si Temarrie ng mabilis na solusyon kung paano makakawala sa holdaper, with her precious money still intact. Nang mula kung saan ay may narinig siyang boses ng isang lalaki.
“Hey, what’s going on out there?”
Isang matangkad na pigura ang nakita niyang papalapit sa kanila. Nang mapansin niyang na-distract ang holdaper, agad siyang lumayo. Pero mas mabilis ang holdaper dahil naagaw nito sa kamay niya ang pera, saka kumaripas ng takbo.
“Hoy! Ibalik mo sa akin iyan!” Nang tangkain niya itong habulin ay may kung anong pumigil sa kanyang baywang. Nagpumiglas siya. “Bitiwan mo ako! Ang pera ko!”
“Are you out of your mind? Bakit mo pa susundan ang lalaking iyon ngayong ligtas ka na?”
“Pero ang pera ko, hindi pa ligtas!” Pero hindi na siya nito pinakawalan pa. At ang pobre niyang salapi, tul uyan nang naglaho sa kanyang paningin. “Ang pera ko…”
“The guy has a knife. Mas importante pa ba ang perang iyon kaysa sa kaligtasan mo?”
Ngayong ni anino ng kanyang salapi ay hindi na niya maaninag pa, nabaling tuloy ang lahat ng atensyon ni Temarrie sa lalaki. Sa unang pagkakataon, she caught a glimpse of her unwanted hero. Lalo lang lumala ang kanyang mood.
“Oo! Mas importante ang perang iyon kaysa sa buhay ko! Dahil ang perang iyon ang buhay ko! Ngayon, ano na ang gagawin ko?!”
“So, this was my fault? Iniligtas na nga kita—”
“Sinabi ko bang iligtas mo ako? Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong!” Sa sobrang frustrations ay hinampas niya ito sa dibdib. Ngunit nasangga naman siya nito kaya lalo lang siyang nagngitngit. “Asar ka! Sinira mo ang kinabukasan ko! Kung hindi dahil sa iyo, may pera pa sana ako ngayon!”
Nanatiling nakatitig lang ang lalaki kay Temarrie. Siya naman ay hindi inurungan ang paninindak ng lalaki. Kasi naman, paano siyang masisindak, eh, mukhang anghel ang kaharap niya? Kung hindi nga lang dahil sa ginawa nitong pakikialam sa buhay niya kanina, baka nagustuhan niya ito. Pero mas importante sa kanya ang pera kaya wala siyang pakialam kung gaano pa ito kaguwapo.
“Kung gano’n kahalaga sa iyo ang pera na iyon, habulin mo `yong holdaper. Go ahead. Don’t worry, hinding-hindi na ako makikialam pa.”
“Go ahead? Paano ko pa siyang mahahabol, eh, nakatakas na nga?” Muli niyang tinapunan ng nanghihinayang na tingin ang direksyong tinungo ng holdaper. Napapadyak na lang siya sa inis bago muling hinarap ang lalaki. “Kasalanan mo `to! Talagang kasalan mo `to! Bayaran mo ang perang nawala sa akin!” Inilahad niya ang kamay. “One hundred fifty thousand, bilis!”
Marahan lang itong napailing. “I don’t believe this.”
Muli nang binalikan ng lalaki ang sasakyan nito. Pero mabilis din itong sinundan ni Temarrie at iniharang ang katawan bago nito buksan ang sasakyan.
“Hindi ka aalis hangga’t hindi mo nababayaran ang perang nawala sa akin dahil sa pakikialam mo.”
“Do you think I’ll fall for this? Hindi ako tanga, Miss.”
“Hindi ka nga tanga, pakialamero ka lang. Akin na ang pera.” Nasa itsura at pananamit ng lalaki na kaya nitong ibigay ang perang nawala sa kanya. Idagdag pa ang modelo ng kotse nitong alam ni Temarrie na talagang mayayaman lang ang mayroon. Her older siblings had this kind of car.
The guy heaved a frustrated sigh as he turned to her. Ang hindi lang inaasahan ni Temarrie ay nang ilapat nito sa katawan ng kotse ang magkabilang kamay sa pagitan niya. Naging instant prisoner tuloy siya nito.
Inilapit pa talaga nito ang mukha sa kanya. “Akala mo ba hindi ko alam ang ganitong klase ng mga modus operandi ng mga gaya mo? Alam kong kasabwat mo ang lalaki kanina. Kunwari na-holdup ka nang makita ninyo akong papalapit sa kotse ko. Nang makialam ako, hinayaan mong makawala ang kasama mo kasama ng ‘pera’ mo. Pagkatapos ay isisisi mo sa akin iyon para nga naman may instant money kayo nang walang kahirap-hirap. Pretty convenient, I must say. But you won’t get away with it.”
“Ano ba ang pinagsasasabi mo? Pera ko iyon—”
“Let me tell you something, Miss. Kung inaakala mong papatulan ko ang kalokohan mong ito, nagkakamali ka. I am Juan Bernardo IV.” Dinutdot nito ang noo niya. “You can’t make a fool out of me.”
“I’m not—”
“Sir, may problema ba rito?”
Dalawang patrol guards ng racing arena ang nakita ni Temarrie na papalapit sa kanila. “Meron. May problema nga rito, mga kuya—”
“Holdaper ang babaeng ito.” Itinuro siya ng lalaki. “Arestuhin ninyo iyan.”
“Ano—” Hindi na siya nakapalag nang mabilis siyang hawakan ng mga patrol guards. “Hindi ako holdaper! Bitiwan ninyo ako!”
“Sa presinto ka na magpaliwanag.”
“WALA ka na ba talagang ibibigay sa pamilya natin kundi kahihiyan, Temarrie? Ito na ang pangatlong beses mong nasangkot sa gulo! At ngayon, sa presinto ka pa namin nadampot!”
Nakasimangot na lang si Temarrie habang pilit na bina-blockout ang eksena sa kanyang harap. Ang kanyang ama at dalawang nakatatandang kapatid na lalaki ay tila mga buwitreng ano mang oras ay dadagitin na siya sa sobrang pagkabuwisit na nakikita niya sa mukha ng mga ito. She tried imagining their faces as those cartoon characters she always saw on television whenever she was not doing anything with her life. Kaya lang hindi effective, lalo pa nga at halos mabasag na ang lahat ng glass furniture nila sa sala sa lakas ng boses ng kanyang ama.
“Kung hindi pa nagawan ng paraan ng mga kuya mo na mapakiusapan ang mga pulis, baka nasampahan ka na talaga ng kaso. At attempted robbery pa ang kaso, of all cases! Napakayaman ng pamilya natin para makasuhan ka pa ng gano’ng klase ng kaso!”
“Sis, talaga bang bored ka na sa buhay mo at iyon na lang ang naiisip mong makakapagpa-excite sa iyo?” singit ng Kuya Anthony niya.
“Alam mo, sis, okay lang naman sana iyon,” wika naman ng Kuya Marlon niya. “Ang problema, hindi ka marunong pumili ng taong pagti-trip-an mo. Alam mo ba kung sino ang lalaking nagsampa sa iyo ng kaso? That’s Jubei Bernardo.”
“Si Juan Bernardo IV!” High blood na ang kanyang ama. Wala na yata talaga itong balak na huminahon. “A Bernardo! Ang kanilang angkan ang nagbigay sa pamilya natin ng pagkakataong magkaroon ng pangalan sa mundo ng negosyo, Temarrie. Kung hindi dahil sa kanila, hindi natin matatamasa ang lahat ng kaginhawahang ito. Kaya bakit mo nagawa iyon? Ano pa ba ang kulang sa mga bagay na ibinibigay namin sa iyo? Ha? Ano pa ba?”
“Wala.”
“Kung gano’n, bakit kailangan mo pang gawin iyon?” tanong ni Anthony.
Nagkibit lang siya ng balikat. “Wala lang din. Trip.”
Alam ni Temarrie na kahit magpaliwanag siya, pagagalitan pa rin siya. Ilang beses nang nangyari ang eksenang ito sa tuwing masasangkot siya sa isang gulo. Nagsasawa na lang siya sa pagpapaliwanag at pagtatanggol sa sarili. Hindi naman kasi siya pinakikinggan kaya hinahayaan na lang niya ang mga ito sa gusto nilang isipin.
Nagpatuloy sa salitan na pagsermon ang kanyang pamilya. Napabuntunghininga na lang si Temarrie at tumanaw sa labas ng bintana. Nagngitngit na naman siya nang maalala ang lalaking nagpahamak sa kanya. Buwisit talaga iyon! Kung hindi dahil sa isang iyon, may pera na sana siya ngayon na magagamit sa kahit na anong gustuhin niyang gawin. Gaya na lamang ng iniisip niyang itayong negosyo. Kaya naman ng kanyang pamilya na ibigay ang kakailanganin niyang puhunan. Ang problema, walang tiwala ang mga ito sa kakayahan niya sa kahit na anong bagay. Hanggang nang mga sandaling iyon, isang mahinang babae pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya.
Mula kasi nang mamatay ang kanyang ina ay naiwan na siya sa pangangalaga ng kanyang ama at mga nakatatandang kapatid na lalaki. Hindi naman masasamang tao ang mga ito. In fact, sunod lahat ng luho niya, sobra pa nga madalas. Kaya lang, since lalaki ang mga ito, hindi alam kung paano aalagaan ang nag-iisang prinsesa sa kanilang pamilya. They all treated her like a piece of crystal. Ang daming bawal. Hanggang sa magsawa siya at ginawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Walang restrictions. And it felt good. Naging rebelde nga lang ang tingin sa kanya ng pamilya.
Iyon ang unang pagkakataon na nakahinga nang maluwag si Temarrie mula nang mamatay ang kanyang ina na siyang nagturo sa kanya na huwag patatali sa mundo ng mga lalaki. Nang makawala siya, ginusto niyang may mapatunayan din sa pamilya. Na gaya ng mga ito, kaya rin niya ang malupit na buhay kahit isa lang siyang babae. `Yon nga lang, malas yata talaga siya dahil imbes na matuwa ang mga ito ay naging numero unong kunsumisyon pa siya sa dami ng kapalpakang nagagawa niya. But she never stopped trying. Sawa na siyang maging pabigat sa pamilya. t utal, kaya naman talaga niya kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon at suwerte.
Siguro mas magandang tumaya uli siya sa OTB o Off-Track Betting, baka makatsamba uli siya. Susubukan na rin niya ang lotto. Hay naku, asar talaga ang lalaking iyon. Malaki-laking pera din iyon… Bad trip talaga!
“Temarrie Icasiano!”
Nilingon niya ang ama. “Yes, `Pa?”
Sa tantiya niya, halatang napundi na nang tuluyan ang kanyang ama dahil sa hindi niya pagbibigay-atensyon sa mga sinasabi nito. Oh, well. Kailan nga ba naman ito natuwa sa kanya?
“I don’t know what to do with you anymore, Temarrie.” Hinawakan nito ang dibdib at malalim na huminga. Nag-iba na rin ang tono ng boses, mas mababa na ngayon. Senyales na suko na ito sa kanya. “Hindi ko na sana itutuloy pa ang plano namin ng kaibigan ko, but you’re giving me no other choice. You’re going to marry Juan Bernardo’s son, just as we planned.”
Ang mga nakatatanda niyang kapatid ang unang nag-react.
“`Pa, huwag namang ganyan. May-katigasan ang ulo ni Temarrie pero kaya pa naman natin siyang rendahan, without resorting to that.”
“Nabibigla lang kayo, `Pa. At dala lang iyan ng galit. Hindi iyan ang tamang paraan upang maresolba ang problema natin.”
Nawalan lang siya ng imik. Nagtatampo na talaga siya. Dahil isang problema lang pala ang tingin ng mga ito sa kanya. Isang sakit ng ulo. Excess baggage.
“Matagal ko nang kilala ang anak ni Juan Bernardo,” patuloy ng kanyang ama. “He’s a good man. Kahit paano ay nasubaybayan ko ang kanyang paglaki. Magiging mabuti rin siya sa iyo, Temarrie. Maaalagaan ka niya nang higit sa kaya naming ibigay sa iyo.”
“Pero, `Pa, hindi ba’t unfair naman iyan para kay Temarrie?”
“Like I’ve said, she gives me no choice. Pareho na kayong may sariling pamilya ni Anthony, Marlon. Masyado na rin akong matanda para masubaybayan pa ang lahat ng kilos ng inyong kapatid.”
“`Pa…”
She had heard enough. Tumayo na siya at iniwan ang mga ito. Pero lalo lang niyang pinag-init ang ulo ng kanyang mga kapatid.
“Temarrie, sit down!” galit na utos ni Anthony.
“I’m through listening,” sagot niya. “Marami pa akong gagawin. Tataya pa ako sa lotto.” She saw her father touch his temple.
“Wala ka na talagang pag-asa pang magbago. Siguro nga mas mabuting ipakasal ka na lang kay Jubei para maambunan ka naman ng kabutihan niya kahit paano.”
“You’re going to marry Jubei Bernardo whether you like or not!”
Nagkibit lang siya ng balikat. “Fine.”
Patungo na sa pinto si Temarrie nang muli niyang marinig ang tinig ng ama. “Binago ko na ang last will and testament ko. As for you, young lady, wala kang makukuha kahit isang kusing hangga’t hindi ka nagpapakasal kay Jubei kaya kung ako sa iyo, seryosohin mo ang mga sinasabi ko.”
“What?!” Ang pamanang makukuha niya sa kanyang ikatatlumpung kaarawan, ang pamanang pinakahihintay niya, maglalaho lang nang gano’n-gano’n na lang? “Hindi n’yo puwedeng gawin iyon, Papa!”
“Nagawa ko na. Sa akin ibinilin ng iyong ina ang pamamahala ng perang iyon. Kaya ngayon, hangga’t hindi mo sinusunod ang gusto ko, wala kang makukuha—”
“Kay Mama ang perang iyon na ibinigay sa akin kaya wala kayong karapatang pakialaman iyon!”
“Temarrie! Huwag mong pagtaasan ng boses si Papa!”
“Masyado kayong pakialamero! Lahat na lang sa buhay ko pinakikialaman ninyo! I’m sick and tired of it!”
“Temarrie!”
“I’m twenty-eight already so just get off my back! Geez!”
Tuluyan na siyang lumabas ng bahay nang hindi na nililingon pa ang kanyang pamilya. Kaya lang naman siya gumagawa ng kung ano-ano ay pang magkaroon sana ng paunang puhunan para makapagsimula nang maayos habang hindi pa niya maaaring magalaw sa bangko ang perang iniwan sa kanya ng ina. Ngayon, imbes na dalawang taon na lang ang bubunuin niya bago iyon tuluyang makuha, nabulilyaso pa.
“Hindi ninyo ako mapipilit sa gusto ninyong mangyari,” bulong niya nang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon palayo. “This is my life. I’ll decide what I will do with it.”

Jubei Bernardo (Stallion Series 1)
10 Chapters
10
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101