passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Steamy
/
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)
Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Steamy

dot
eye

199

Description

Summer detached herself from everything and from everyone after exploitative people destroyed her name as chef. She chose to hide in the farm. So her first meeting with Banong, the sympathetic man who owned the most famous restaurant in town, was not good. And when the man found out who Summer was, he was eager to help.

Boss
Sexy
Steamy
Hot
Playboy
Wild

Chapter 1

May 7, 2025

S UMMER was wearing her chef’s uniform. Malinis na nakapusod ang kanyang buhok at nasa ilalim ng isang chef’s toque. Tulak-tulak niya ang isang trolley kung saan nakapatong ang malaking steak na isisilbi sa mga bisita. Ngumiti sa kanya ang assistant, isang matandang lalaki, saka binuksan ang pinto.

“Everyone is here, Chef,” nakangiting sabi nito, kita ang mga bulok na ngipin. He looked untidy, with matted hair.

Sinakmal ng kaba si Summer. Why was her assistant like this? Tumingin siya sa mga kamay ng matanda. Napakarumi ng mga iyon. Bumilis na ang kanyang paghinga at gustong tumigil sa pagtutulak ng trolley. But the show must go on.

“Good evening, Chef,” bati sa kanya ng isang waiter na naninigarilyo. Oh, God, why was he smoking inside her restaurant?! At bakit kulay-itim ang mga kuko nito? Who was he? Why was he wearing a goth outfit? Para itong pupunta sa kung saang goth concert!

And then there were the guests. Lahat ng mga ito, nakapormal na damit. Senator Ilagan was there, waving at her. His wife loved steaks. Sa mesa ng dalawa siya nagpunta. She sliced a thick portion for them. Nang maisilbi ang plato sa mesa, ganoong na lang ang pagkagulat ni Summer nang makitang may maggots ang karne.

“No…” sambit niya, nanghina.

Nagalit ang senador. “I will shut this place down, Chef!”

Nagtayuan lahat ng bisita at bigla, nakita ni Summer ang mga karumal-dumal na pagkain sa mesa ng mga guest. The whole place reeked of rotting meat, the floor was alive with crawling insects, she could hear squeaks from mice. May nakita siyang ilang malalaking daga na naglalakad sa beams ng restaurant.

“No…” Napaatras siya. “No…”

It was too late. Lahat ng tao, nag-aakusa ang tingin sa kanya.

Napaatras si Summer, nanginginig ang mga binti sa bawat hakbang. Napaigtad siya nang maramdaman ang mga kamay sa kanyang balikat. Lumingon siya at nakita ang ex-boyfriend, si Warren. He was immaculate in a suit.

“Where are you going, love?” tanong ng lalaki, bumaba ang kamay sa bulsa sa kanyang dibdib at mula roon ay hinila ang isang malaking daga. “Why don’t you run to your little kitchen and serve this one fresh?”

Umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw ni Summer habang nakasadlak sa sahig, nanginginig sa takot, habang unti-unting lumalapit sa kanya ang lahat ng mga peste at lahat ng bisita ay nag-aakusa ang tingin.

“OH, GOD…”

Napahawak si Summer sa ulo. Inabot niya ang baso ng tubig sa tabi ng kama at naubos ang laman niyon sa isang inuman. Pinakiramdaman niya ang puso. Mabilis pa rin ang tibok niyon. Ilang segundo bago nagbalik sa normal ang kanyang heartbeat. Tumingin siya sa wall clock. It was five in the morning. Bumangon siya at lumabas ng silid.

Tahimik ang kabahayan. Mag-isa lang siya roon. May isang taon na mula nang maging hideout niya ang farm. Walang nakakaalam kung nasaan siya, kahit may mga taong alam ang bago niyang phone number. Noong nakaraang linggo siya huling nakita sa sibilisasyon. Nasa Maynila siya noon, pumirma ng mga dokumento. Deed of sale, in particular. Ibinenta na niya ang shares sa kompanyang sinimulan at inilagay sa kaitaasan. She was no longer the face of the company and she was asked to leave, if she wanted to save it somehow. It was merely a formality since it had been in operation for a year without her.

Iligtas mula sa kanya mismo ang kompanyang itinayo niya, kahit pa nga nag-hire na ang mga ito ng bagong head noon pa. Obviously, she had to do it. Maraming maaapektuhan kapag nawala ang kompanya, maraming mawawalan ng trabaho. Since they had repackaged the company and their products, it did not feel like hers anymore. Wala na ang iconic signature ni Summer sa mga produkto, kahit pa ang kanyang cartoonized na mukha na logo ng mga iyon.

Ang pinagpaguran ni Summer sa loob ng mahigit sampung taon, nawala na nang tuluyan sa kanya noong nakaraang linggo. Dugo at pawis, wika nga. Sa isang iglap, nawala na. At ngayon, hindi na niya alam kung paano magsisimulang muli. Not that she needed any money. She had enough. Sa loob ng nakaraang taon, wala siyang naging trabaho. Lumipas ang isang taon na iyon nang hindi niya alam kung ano ang gagawin. Siguro, wala rin siyang naisip na paraan dahil madalas siyang natutulog o umiinom ng alak. Well, at least during the first three months. Tinigilan ni Summer ang alak nang isang araw ay magising sa sahig mula nang mag-blackout nang nagdaang gabi. Na-realize niyang ayaw pa pala niyang mamatay.

Ni hindi niya alam kung bakit. What was there to live for now? She had lost everything. Sure, she had money, but money was never the core of her driving force.

Bumaba na sa kabahayan si Summer at tumuloy sa kusina. It was an old-fashioned kitchen. Kahit ang bahay, old-fashioned. Gawa lahat sa narra ang mga muwebles. Vigan tiles ang sahig. It was a beautiful renovated home. Matagal nang inaalok sa kanya ang bahay at farm na iyon, pero noong nakaraang taon lang niya binili. In cash. Ang pinakaimportante sa kanya ay ang kitchen. She was, after all, a chef. Was. Pero hindi ibig sabihin na hindi na siya maglulutong muli. She still liked to cook. Now, it was always just for one.

Noon pa man, therapy na ni Summer ang pagluluto. Matagal na rin niyang pangarap ang magkaroon ng sariling restaurant. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagtapos ng Hotel and Restaurant Management, saka kumuha ng Culinary Arts. Matapos iyon, ginamit niya ang namanang pera mula sa ina para magpunta sa France at ipagpatuloy ang pag-aaral, na nauwi sa internship sa isang chef na may Michelin stars. Ipinapasa ng chef kay Summer ang bago nitong bukas na chain sa London, pero tumanggi siya. Gusto niyang umuwi sa Pilipinas nang mga panahong iyon.

She did. She started her own business, while consulting for different others—from hotels to catering companies. She was called the “busiest chef in Manila” for some time. And then, the TV shows came. Hindi lang siya ginawang celebrity chef ng isang lifestyle network, kasali siya sa production niyon. Kahit local channels, kinukuha rin siya sa mga cooking segment. She wrote cookbooks and food articles in different magazines. She traveled for her TV shows that ran for multiple seasons. She was always tired but happy. Iyon ang kanyang pangarap. The bonus was the money. All that money.

Kung minsan, naiisip ni Summer na sana hindi na lang dumating ang pera. Kung siguro hindi dumating iyon, wala sana siyang naging problema. Money was attractive to a lot of people, including those with bad intentions.

Sumilip siya sa drapes ng glass door. Madilim pa sa labas, pero alam niyang mayamaya lang, maliwanag na. She hated the light. Siguro dahil gusto niyang magtago. Ang gusto lang niya ay isang tahimik na buhay, malayo sa mga taong walang ibang gusto kundi ang sirain siya. Dahil sirang-sira na ang kanyang pangalan. She doubted if anyone would still hire her. Bago siya kumilos noon para depensahan ang sarili, huli na. Nasira na siya. Hindi pala tamang hayaan na lang ang mga taong gusto kang sirain. Hindi pala palaging kapag tahimik ka, tatahimik na rin ang lahat. Kahit nag-atrasan ang karamihan sa mga demanda dahil sa ebidensiya ni Summer, nasira naman ang kanyang reputasyon.

All those nasty videos did so much damage that it was hard to control anymore. She had been called different names in public forums. Pati kanyang timbang nilait, ang kanyang hitsura, ang buong pagkatao. Dahil lang sa testimonya ng mga taong gusto siyang ibagsak. Sino rin ang kakain sa mga restaurant niya kung naglabas pa ng video ng kanyang binahang kitchen at pinalabas na doon siya nagluluto? Of course, that kitchen was filthy—with big rats and roaches. Binaha iyon habang nire-renovate at nawasak ang plumbing. Pero kahit kailan, hindi nagluto roon si Summer habang nire-renovate dahil kahit siguro gustuhin niya, walang paraan. Obsessive din siya sa linis ng kanyang mga kusina. She operated above international standard of cleanliness.

Pero sino ang maniniwala sa isang akusado na bago sinira ang negosyo ay sinira muna ang pagkatao? Madali nang maniwala ang mga tao sa video tungkol sa diumanong ginagamit niyang kusina kung marami sa mga ito ang galit na sa isang “walang utang-na-loob na anak” na nagpabaya sa sariling ama. Idagdag pa roon ang pasundot-sundot na testimony tungkol sa kanya bilang isang “matapobre” at “ganid” na amo.

But she guessed it all started after a very bad review by a famous socialite. It was not really a review as much as it was a bash. May isang socialite na may malinis na social media account na nag-post ng pagkain sa restaurant ni Summer with a caption, I’m confident I can make this filth. And I don’t even know how to cook. I guess this is why there are rumors she got fired from her last job in Europe and came back home.

Walang nakalagay na pangalan ng restaurant, walang kahit na anong indikasyon kung saan kinain ang dish. Mula roon, nagsimula ang discussion sa thread. Walang nagbanggit ng pangalan ni Summer, pero obvious na obvious mula sa mga nag-comment na siya iyon. May nagsabi sa kanya tungkol sa post kaya tiningnan niya. Nakilala niya ang pagkain. It came from her restaurant. Nag-imbestiga siya at pinanood ang clip ng CCTV camera. Ang tinukoy na “filth” ng socialite ay naubos nito. Ibig sabihin, nagsasabi ang kanyang mga chef ng totoo—pasado sa standard niya ang pagkaing isinilbi.

Naisip niyang nagkataon lang siguro na wala sa mood ang socialite. Wala namang pangalan ng restaurant sa post, kaya hindi na siya nag-abalang pagtuunan iyon ng pansin, kahit medyo nainis dahil alam naman ng lahat na hindi siya nasisante. She was being offered a higher position back in the day.

Hindi inakala ni Summer na magtutuloy-tuloy ang paninira. It was one socialite right after the other. Apparently, there was a group of local celebrity A-listers who can gang up on people they disliked. It was one of her waitresses who told her about the mess. Stepbrother pala ng social media celebrity ang isang chef niya na nasisante. Ayon daw sa tsismis sa Internet, nagbabalak na maging celebrity chef ang stepbrother na ito. Pero dahil nasisante, hindi na malinis ang record. He did not get the TV segment deal because he got fired.

Hindi niya alam ang tungkol doon. Kung ganoon sana, binigyan niya ito ng pagkakataon. The simple fact of the matter was, the boy would not know how to cook a medium rare steak if his life depended on it. He always served overcooked fish as well, and his fresh pastas were always, always chewy. Ilang taon na sa kitchen, hindi pa rin alam ang basics.

She let that slide. Naisip ni Summer na lalo lang lalaki ang issue. Pero parang naging trend iyon. May isa siyang restaurant na naging paboritong i-review sa social media dahil iyon ang pinaka-affordable. Nag-trend ang hashtag na #lousysummer. Pero may mga taong naniniwala sa kanya at patuloy na nakasuporta. She did not mind.

Nag-landslide na mula roon ang buhay niya. Her boyfriend left her for another man. Her father worked hard to destroy her, just to get the money her mother left her decades ago—with interest. Dahil kasal daw ang mga ito. Nagpa-interview pa nga ang kanyang ama sa isang talk show, lumuluha, akala mo inapi ng matabang anak. There he was, an old and frail but dignified-looking man, telling the whole world all he wanted was his own money that she apparently took from him. Na concerned daw ito sa kanya, sa paglipad niya nang napakataas, na nakita nito kung paano niya sinisira ang sarili para sa pera, at para sa boyfriend na ginagamit lang siya.

Bigla, ang image ni Summer na lighthearted and funny chef, naging isang mukhang perang chef na bumibili ng lalaki habang pinagdadamutan ang sariling ama. And then all the videos came out—her kitchen, her ex-employees’ testimonies, her interaction with her security guard. Aminado siya, hindi magandang tingnan ang huling video. Talagang sinisigawan niya ang isang security guard sa kuha na iyon. She should not have. Hindi siya tipikal na naninigaw. She screamed at him, “Hindi kita sinusuwelduhan para matulog!” Sobra ang galit ni Summer nang araw na iyon na dahil sa duty ng guwardiya, may nakapagpuslit ng mga gamit na nagkakahalaga ng daang libong piso. Tao lang siya at galit na galit. To be completely honest, she did not regret yelling at that guard. Kasi isa rin ito sa nagdemanda sa kanya para makahingi ng danyos. Her father convinced all of those people to ruin her.

Sinabi ng kanyang ama na kailangan niyang magbigay, kung hindi, masisira ang kanyang pangalan. She never gave him a single centavo. And so he ruined her. Hindi niya inakala na magtatagumpay ang ama sa pagsira sa kanya. Pero hindi pa rin ito nagtatagumpay sa demanda. Ang claim ng matanda, kasal ito sa kanyang ina nang mamatay ang babae kaya conjugal ang perang ginamit ni Summer sa pagnenegosyo.

Lahat ng lumalabas sa bibig ng matandang iyon, puro kasinungalingan. He was a bloodsucking vermin. Yes, he was married to her mother, but everything her mother had she named after a sister, who then gave it to Summer. Iyon ang kanyang mana. Isa pa, bakit ngayon lang naghahabol ang kanyang ama? Bakit kailangan siya nitong i-threaten? Kung may ebidensiya lang sana siya tungkol sa pinagsasabi nito, sana nagdemanda siya ng extortion. Pero walang sound ang CCTV footage sa loob ng kanyang opisina. Makikita lang doon na nagtatalo sila. Makikita roon na naibato niya ang isang mug sa pader sa sobrang galit. Nagwawala si Summer nang gabing iyon. Wala nang tao sa restaurant maliban sa isang guwardiya sa labas. Makikita sa footage ang paggalaw ng kanyang mga kamay, halatang sumisigaw siya, habang kalmado lang ang kanyang ama. Kung sana may sound ang footage, malalaman ng mga nakapanood niyon sa YouTube na piniperahan siya ng ama, habang nilalait ang alaala ng tanging taong lubos na nagmahal kay Summer—ang kanyang ina. The vermin was asking for fifty million pesos, plus thirty percent shares from her companies. He must be out of his fucking mind. Kinuha nito ang clip ng CCTV mula sa sinuhulang office assistant niya at inilabas sa publiko. She did not even know it was taken until she saw the footage herself.

Kung hindi ginawa ng kanyang ama ang lahat ng iyon, bibigyan naman niya talaga ito. Nakaplano na iyon dahil noong unang bumalik sa buhay niya ang matanda, mabait ito, nagso-sorry na hindi raw siya nasamahan sa paglipas ng panahon. Masipag ito, mapagkakatiwalaan. She gave him a handsome salary. Because he was still her father. Kinalimutan niya lahat ng hinanakit dito. Naisip niya, bata pa ang kanyang ama nang iwan silang mag-ina, hindi pa matured sa edad na beinte-tres.

Plano ni Summer na bigyan ang ama ng sariling restaurant, ibili ng sariling bahay. Salamat at naging busy siya at na-delay ang lahat. Mukhang nainip ang matanda, palibhasa may iba nang pamilya at mga anak. Hinubad nito ang maskara at winasak siya. Kaya hinding-hindi siya magbibigay ni piso. She was willing to spend on lawyers’ fees. Kahit abutin siya ng dekada. At kung sakaling mamatay siya, nasa isang safety deposit box sa Switzerland ang lahat ng kanyang detalye. Hinding-hindi makukuha ng kanyang ama ang authorization at susi niyon dahil nasa tiyahin niya. The same aunt her mother trusted.

She made herself some coffee. Nagkape siya sa kusina, nakatulala sa kawalan. Nakarinig siya ng ingay sa labas at agad na napatayo. Boses ng isang lalaki ang kanyang narinig. May kailangan ba si Mang Eli, ang katiwala sa farm? Araw-araw itong nagpupunta sa bahay para maglinis ng paligid, pero bihira siyang katukin dahil iyon ang mahigpit niyang bilin. Tuwing suweldo lang ito nagpupunta, kung hindi man ay kapag may vale. Malaki ang suweldo ng matanda at ang hiling lang niya ay huwag ipaalam sa iba ang tungkol sa kanya. Siguro, kilala rin naman siya nito, kahit pa nga hindi sinasabi, kaya hindi na naghinala ng kung ano. Ang gusto niya kay Mang Eli, tahimik ang matanda, masipag, at matalino. Kapag may kailangan para sa farm, nag-iipit ito ng note sa glass door. Kapag nakita niya iyon, mag-iipit siya ng sobreng may pera. Kapag nabili na nito ang mga kailangan, iiwan naman ang mga resibo at sukli, kung mayroon man.

Summer did not want to talk to anyone. So who was making all the noise this early? May mga kaluskos sa puno. Nakiramdam siya matapos kunin ang baril sa ilalim ng lababo. She had three guns in that house—one in her room, one in the kitchen, and one in the living area. May CCTV din sa halos lahat ng parte ng bahay. Ang mga pintuan at bintana, kahit sinauna ang style, automatic ang lock at may alarm. Marunong din siyang gumamit ng baril.

Sumilip siya sa bintana ng kusina. Mukhang nanggagaling sa manggahan ang ingay. Ngayon, nakarinig din siya ng tawanan. Mukhang dalawang lalaki ang nandoon. Madilim pa kaya minabuti niyang tawagan si Mang Eli. Ang sabi ng matanda, papunta na raw ito sa bahay. Doon din ito nakatira sa farm, kasama ang asawa. May mga anak ang matanda, pero may mga pamilya na rin kaya hindi doon nakatira.

Mayamaya, nakita na ni Summer ang matanda na papalapit sa bahay. Pinatuloy niya ito.

“Magandang umaga, Ma’am. Ano po ang nangyari?”

“Pakinggan n’yo po,” sabi niya, saka tumahimik. Hayun na naman ang ingay. May mga kaluskos at may nag-uusap.

“Dito po muna kayo, Ma’am, at i-lock n’yo ang pinto. Titingnan ko.” Lumabas na ang matanda, may nakasukbit na itak sa baywang.

Nakiramdam lang si Summer, alerto. Mayamaya, natanawan niya si Mang Eli na may kasamang dalawang lalaki—isang malaki, at isang maliit. Nang makalapit na ang mga ito, saka niya nakitang teenager ang dalawa. Payat, maputi at may salamin sa mga mata ang maliit na lalaki. Ang malaki naman, maskulado at guwapo. Pero kahit matangkad at malaking lalaki, hindi puwedeng ikaila ang kabataan sa hitsura nito.

“Hala, magpaliwanag kayo,” sabi ni Mang Eli sa maliit na teenager.

“Sorry, Ma’am. Naghihintay lang po kaming mag-umaga,” sabi ng teenager, halatang kabado at itinaas ang salamin sa ilong.

“Pasensiya na po, Ma’am. Apo ko po ang isang ito.” Piningot ni Mang Eli ang maliit na binatilyo. “Naglayas na naman. Sa bayan po ito nakatira, sa ama. Gawa nang iyong anak kong babaeng ina nito, eh, nasa Saudi. Ito namang isang ito…” Binatukan ni Mang Eli ang malaking teenager. “Imbes na pauwiin ang kaibigan, sinamahan pa. Naglayas din po.”

“Sorry po, Ma’am,” sabi ng mas matangkad na teenager.

“Hayaan n’yo at iuuwi ko rin ang dalawang ito. Pasensiya na po, Ma’am. Ang aga-aga kayong naistorbo,” sabi ni Mang Eli.

“Walang anuman po,” sabi ni Summer.

Umalis na ang tatlo. Nagkantiyawan ang dalawang teenager, habang si Mang Eli ay pinagbabatukan ang mga ito. Summer had always wanted something like that, a father or a grandfather. She never had one. Kaya nga siguro mabilis niyang natanggap ang ama, naging masaya na binalikan siya nito. Sa lahat ng nangyari, iyon siguro ang pinakamasakit—na mismong ama niya ang gumawa ng lahat ng iyon.

She was alone now. Oo, nandoon ang tiyahin niya at alam ni Summer na mahal siya nito, pero wala siyang kasama, kung tutuusin. Her boyfriend left her, and she never really had any chance to cry about him. Mas lamang ang sakit na dinala ng kanyang ama. Besides, she understood her ex. He never used her, like what her father claimed. She never gave Warren money, although she offered to help him with his art. He declined every offer. He was always there to listen to her, always supported her like she supported him. He was her best friend. But he fell in love with a man. Head over heels in love. Umiiyak si Warren nang ikuwento ang lahat sa kanya.

She was heartbroken. Buong gabi siyang umiyak. But that was it. Hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na makaiyak para sa nawalang boyfriend dahil nagkasunod-sunod na ang mga problema.

Now she was in hiding. She wanted to learn more about herself. She needed time for herself. Akala ni Summer, mas makakabuti iyon, pero parang hindi. Ganoon pa rin ang kanyang pakiramdam, tulad pa rin noon—na parang wala na siyang gana. Lahat ng itinayo niya, nasa iba na. Wala na rin ang kanyang pangalan. She just could not find any energy to start again.

Minsan ay naiisip niyang kung susulatan ang dating boss, malamang na tanggapin siya nito sa trabaho. Pero hindi niya matagpuan ang gana. Siguro, malaking dagok din sa kanya ang realization na lahat pala ng taong nakasalamuha niya, lahat ng taong natulungan, lahat ng inakalang kaibigan, iiwan din siya at iiwan nang ganoon kabilis.

Her network did not bother renewing her contract. Nawala ang mga project na naka-line up. Ang sabi, kailangan daw muna niyang magpahinga. Hayun na nga siya, nagpapahinga. Sawa na siya, pero ayaw pa ring umalis sa apat na sulok ng farm. At least doon, ligtas siya. Walang magsasamantala sa kanya, walang mang-iintriga. She knew she couldn’t hide forever, but she probably would stay there as long as she could. Or at least as long as she needed to heal her soul.

Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

Banong Cardinal (Cardinal Bastards Series 9)

26 Chapters

close

book

26

Contents

add to library button

Save

Passion Exclusive

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

Read

New Adult

Never Just Friends

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

Read

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Read

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Read

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101