
Description
"Not everyone who gets married is in love, Diana. I loved a woman once, perhaps still love her. But I broke to pieces when she died. I don't want to experience that event again. I will marry you because I desire you and because I need a wife, "Bernard said without emotion. Bernard never denied that until those moments he loved Jewel. But he offered Diana marriage only because of their physical attraction to each other. No emotional attachment. What will Diana do?
Chapter 1
Nov 28, 2025
Chapter One
D APITHAPON at nasa dagat si Diana. Nakahiga sa lounging chair na laan ng resort. Inilabas siya ng hospital kaninang umaga pero hindi si Bernard ang kasama niya kundi ang mag-asawang Nathaniel at Jasmin. May importanteng tawag mula sa Kristine Cement si Bernard kahapon ng tanghali.
She was very disappointed subalit hindi siya nagpahalata sa mag-asawa. Wala siyang karapatan sa panahon ni Bernard. Wala itong ipinangakong anuman sa kanya. Ang tanging sinabi ni Bernard sa kanya ay ang huwag umalis ng Paso de Blas, ng Kristine Hotel.
...don’t leave me, Diana. Please bear with me...
...huwag mong iwan ang anak ng lawin, Diana, anuman ang mangyari...
Ipinikit ng dalaga ang mga mata at marahang nagpakawala ng paghinga. Ang mga alaalang iyon ang pinakagabay niya sa susunod na mga araw. Mga walang-katiyakang pampalakas-loob.
Ang sinabi ng matandang nagdala sa kanya sa basement ay nakagulo sa isip niya nang husto. Bakit siya pinagbilinan ng matandang iyon nang ganoon? Nangako si Bernard na ipakikilala siya sa matanda. At talagang nakatanaw siya sa sandaling makatagpo niya ito.
Kaninang paglabas ng ospital ay tinanong niya kina Nathaniel at Jasmin kung maaari niyang makita ang matandang iyon.
“Gusto ko sana, Nat, Jas, na makilala ang matandang tumulong sa akin sa villa...” aniya habang nasa pickup sila pabalik sa Kristine Hotel.
Nagkatinginan ang mag-asawang nasa unahan ng Pajero. Both with worried eyes.
“T-talaga bang nakausap mo ang... matanda, Diana?” alanganing tanong ni Jasmin. Sinulyapan ang asawang nagda-drive na bagaman nakatingin sa unahan ng daan ay alam niyang nag-iisip.
“Tiniyak ko sa inyo kahapon, `di ba? Isa pa, kilala ninyo ang matandang iyon. How would I know about this figurative name na lawin kung hindi ko siya talaga nakausap?” Nang hindi sumagot ang alinman sa mag-asawa ay kunot-noo siyang nagpatuloy kasabay ng pagbangon ng bahagyang iritasyon sa dibdib dahil hindi na naman gustong maniwala ng mga ito. “What is so strange about this old man at kahapon pa hindi ko kayo maintindihang tatlo ni Bernard?”
Nag-alis ng bara ng lalamunan si Nathaniel. “Sana ay masabi at maipaliwanag namin sa iyo, Diana. Pero karapatan ni Bernard iyon. Hayaan mong siya ang magpakilala sa iyo.”
“Anyway, how about accepting our invitations na sa bahay na tumuloy sa halip na sa hotel?” Iniba ni Jasmin ang usapan.
Umiling siya at ngumiti. “Thank you, guys. Pero hayaan n’yo na munang sa hotel na lang ako manuluyan. I promised Bernard to stay there. He demanded obedience, you know.” m ay bahid ng sarcasm ang tinig niya sa huling sinabi.
Nagtawanan ang mag-asawa.
“Oh, don’t laugh.” b ahagya siyang nainis. “Natitiyak kong I will suffer from his hands kung hindi ako susunod.”
“I’d rather call it sweet persecution, darling,” panunukso ni Jasmin. Binalingan ito ni Nathaniel at binigyan ng warning look.
“It’s alright, Nathaniel,” ani Diana nang makita ang ginawa ni Nathaniel sa asawa. “Friends do tease each other, don’t they? And you are my friends, really.” Totoo sa loob ni Diana ang sinabi. Sa loob ng maraming panahon, sa piling ng mga estrangherong ito ay nakadarama siya ng kapanatagan... and safety.
“Salamat, Diana, iyan ang gusto naming iparating sa iyo. Mga kaibigan mo kami,” sagot ni Nathaniel na bahagya siyang nilingon. May dobleng kahulugan ang sinabi dahil sinabi na ni Bernard na wala itong alam tungkol sa buong pagkatao ni Diana. At na hindi gustong magsalita ng dalaga.
Tumingin sa labas ng sasakyan ang dalaga. Nakadama ng kaunting guilt pero hindi niya gustong magsalita. Not yet. Hindi pa niya alam kung paano. At natitiyak niyang nagiging inconsistent siya. Nakadarama siya ng safety sa mga ito, sa katauhan ni Bernard, pero hindi siya makapagtiwalang magsabi ng totoo.
In her own good times perhaps.
ISANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana at muling ibinaling ang paningin sa karagatan. Silver ang kulay ng tubig sa dagat. Glowing softly dahil sa haplos ng malamlam na sinag ng papalubog na araw.
Slowly, she inhaled the soft breeze. The whole place is paradise. Ang puting buhangin, ang asul na dagat. Ang nagtatayugang mga puno ng niyog. Ang wilderness ng Paso de Blas na natatanaw lang niya mula sa bintana ng hotel. Ayon sa pagkakakuwento ni Jasmin ay hindi pinahihintulutan ng mga Fortalejo na galawin ang gubat. Kasama ito sa attraction ng Paso de Blas bagaman walang maaaring magtungo roon nang walang mga mahuhusay na giya. Tahimik pero nagbabadya ng panganib dahil sa mga naglipanang hayop.
Tulad din ni Bernard ang gubat. He is as wild and natural as the forest he owned.
Nagulat pa si Diana sa magaspang na pagdantay sa mga balikat niya ng mga kamay. Mabilis siyang lumingon dahil bumabaon halos sa mga balikat niya ang mga kamay na iyon.
“Clarita!”
Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nakatunghay sa kanya. “Ikaw ang dahilan ng kamatayan ng anak ko, babae! Dinala mo siya roon... inakit... pero pinatay ninyo siya! Kayo ng mga Fortalejo ang sanhi ng kamatayan ng anak ko!”
Walang tinig na lumabas sa bibig ni Diana sa pagkabigla. Nanlilisik ang mga mata ng babae at bahagya siyang nakadama ng takot. Nilinga ang paligid. Malayo siya sa karamihan ng mga naglalangoy bukod pa sa ang mga iyon ay nasa tubig at iilan lang ang nasa baybayin.
“Hindi siya nahulog sa balon! Sadya ninyong itinulak si King! Kayong lahat!” At sinugod siya nito at ipinagsalikop sa leeg niya ang mga kamay. “Papatayin din kita!”
“C-Clar... Clarita, huwag...!” Humihigpit ang mga kamay nito sa leeg niya. Tuluyan siyang nasindak. Nanlaban at malakas na balya ang ibinigay sa babae. Subalit malakas ito at tila wala na sa katinuan ng isip. Halos hindi indahin ang balya niya. Patuloy ito sa pagsakal na hindi niya matinag ang mga kamay. Hanggang sa matumba sila sa buhangin pero hindi bumibitaw ang babae.
Nasasakal na siya at hindi na halos makahinga. Ginamit niya ang mga binti at tinuhod ang sikmura ng babae. Nahulog sa tagiliran niya si Clarita at bahagya siyang nakawala rito. Paatras siyang lumayo rito pero bago pa siya makatayo ay naroon na uli ito at nahawakan siya sa binti. Pasigaw na muling bumagsak sa buhangin si Diana.
“Mamamatay ka din, babae! Pagkatapos ay isusunod ko ang dalawang Fortalejo na iyon!”
Mula sa likod ni Clarita ay dalawang mga bisig ang mahigpit na yumapos dito.
“Mama, tumigil kayo!” s i Zandro na mahigpit na ikinulong sa mga bisig ang ina.
“Bitiwan mo ako! Isa ka pa! Sadya mong ipinain ang anak ko sa mga mamamatay-tao dito sa Paso de Blas upang ikaw lang ang makinabang sa mamanahin mo! Hayup ka! Walang utang-na-loob! Tulad ka rin ng ama mo!” Nagpumiglas nang husto ang babae subalit hindi ito makakawala sa mga brasong pumipigil.
Isang nagpapaunawa at pagpapaumanhin ang tinging ibinigay ni Zandro kay Diana na nakaupo pa rin sa buhangin at hindi pa nakakabawi sa sindak.
Nakita ni Diana ang parating na si Nathaniel kasama si Rolly.
“Diana, are you alright?” nag-aalalang hiyaw ni Nathaniel ilang dipa mula sa kanya.
Isang alanganing tango ang ibinigay ni Diana. Hawak ng isang kamay ang leeg. Nadarama pa niya mula roon ang puwersa ng babae.
Itinayo siya ni Nathaniel mula sa buhangin.
“Hindi ka ba niya nasaktan?” tanong nito.
“I’m... alright, Nat.” b ahagyang tumaas ang dibdib niya. Sinundan ng tingin si Clarita na tinutulungan na ng dalawang lalaking ibalik sa hotel. “N-nawawala siya sa sariling katinuan dahil sa pagkamatay ng anak. Oh, Nat, I can’t blame her...”
“Goodness, Diana! Muntik ka nang mapatay ng mag-ina. Don’t symphatize with her!” galit na sagot ni Nathaniel na inakay siya pabalik sa hotel.
Si Clarita ay hindi ibinalik ng hotel ayon na rin sa kagustuhan ni Zandro. Kasama si Rolly ay dinala nila ito sa pagamutan sa bayan. Si Diana ay dinala ni Nathaniel hanggang sa suite sa third floor.
“Magpahinga ka, Diana. You have had enough...” bilin ni Nathaniel.
Umiling siya. “No, I’ll be fine, Nat. Gusto kong...”
“That is an order, Diana.” i t was spoken quitely pero hindi ikinaila noon ang awtoridad.
“Oh!” Nanlumong bumalik sa main suite ang dalaga at isinara ang pinto. “These damned stereotyped machos! Male chauvinist pigs!” nagpupuyos niyang sinabi at ibinagsak ang sarili sa kama. Pagkatapos ay muli ring napangiwi dahil sariwa pa ang sugat sa noo. Nalimutan niya halos na kumikirot iyon kaninang sinasalakay siya ni Clarita.
Nagpakawala ng mahabang paghinga ang dalaga. She really have to rest bago pa talagang magdugo ang sugat niya. Ipinikit niya ang mga mata at bago pa niya namalayan ay tuluyan siyang naidlip.
Isang marahang katok ang nagpagising sa diwa ng dalaga. Bumangon siya. Madilim na sa labas ng bintana. She must have slept for hours. Sinulyapan ang relo sa may night table. Alas-sais y media na ng gabi. Lumabas ng sitting room at binuksan ang pinto roon.
“Miss Montero?” s i Zandro.
“I-ikaw iyong...”
“Ako si Zandro. Zandro Fortalejo. Kapatid ko si Bernard...”
“Oh... please come in...” u matras siya upang makatuloy ang binata. “Maupo ka...”
“Salamat,” anang binata na naupo sa pang-isahang settee.
Si Diana ay naupo sa katapat nito at napagtuunan nang husto ang anyo ng lalaki. And she could only gasped silently. Both brothers are very attractive in a very different way. Parehong malaki at mataas. Both men are dark. Isang prominenteng trait ng mga Fortalejo. Ang kaibahan, Bernard had the darkest eyes she had ever seen. This one is light brown. Ang nasa mga mata ni Zandro ay bitterness while Bernard’s are pain. Parehong nagbabadya ng cruelty and hardness ang mga mukha.
Bahagya siyang kinilabutan. Narinig niya mula kay Andre noong dalawin siya nito sa hotel kahapon pagkaalis ni Bernard, na kung hindi nito at ni Nathaniel naawat si Bernard ay baka sa mga kamay ng binata namatay si King. At ang lalaking nasa harap niya’y nasa pagitan ng cruelty and gentleness ang ibinabadya ng mukha.
Tumikhim si Zandro. “At kapatid ko rin si... King.”
“Oh!” naibulalas niya nang marahan. Nakita niya ang paggalawan ng muscles sa mukha nito at ang pagtatagis ng mga bagang. “I—am sorry...” idinagdag ng dalaga.
“Don’t!” marahas nitong sinabi. “Walang kapatawaran ang ginawa ni King kay Jewel. At sa iyo kung hindi ka nakatakas.”
“Thanks to that... oh!” Noon biglang nag-flashback sa isip niya ang anyo ng matandang lalaki na ang mukha’y sandali niyang nasilip sa liwanag ng buwan. Pero hindi niya masabi kay Zandro iyon. It’s too familiar.
“He was on drugs, Miss Montero,” patuloy ni Zandro. “Hindi iilang beses kong binawalan si King doon. Malumanay at... marahas na paraan. Pero laging nakapamagitan ang Mama.” n agpakawala ito ng buntong-hininga. Naging prominente ang pait sa mga mata. “Anuman ang diperensiya ng Mama, she’s still my mother.”
Wala sa loob siyang napatango. “D-Diana na lang, Zandro. At kumusta na si CIarita?”
“Iniwan ko siya sa ospital sa bayan, Diana. Nagkaroon siya ng nervous breakdown. Hindi niya matanggap ang nangyari kay King.” m apait ang tinig na lumabas mula rito. Buong buhay nito’y si King lang ang pinahahalagahan ni Clarita. Ang dahilan kung bakit nanatili itong nasa poder ng ina ay dahil hindi ito gustong pakawalan ni Clarita dahil sa mamanahin kay Leon. “Iminungkahi ng mga doktor sa bayan na dalhin sa National Center of Mental Health ang Mama dahil higit itong matitingnan doon. Si King ay pina-cremate ko na sa morgue sa bayan. Bukas ay iuuwi ko sa Maynila ang Mama. Ipinagagamit ni Bernard ang private plane ng Kristine Cement at kasama na rin ang dalawang attendant mula sa center.”
“I am really very sorry, Zandro.” Naroon ang simpatya sa tinig niya.
“Ako ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo, Diana. At kay Bernard at sa lahat dahil kapatid ko si King. Nakita ko kung ano ang naging epekto kay Bernard nang pagkamatay ni Jewel. He loved her so much. Loved her for years. At ayon sa pagkakaalam ko, hindi biro ang dinaanan ng dalawa upang mapagtagumpayan ang pag-ibig sa isa’t isa.”
She swallowed hard. Marahang tumango dahil walang lumabas na salita sa bibig. Parang may dumakot na malaking kamay sa puso niya at pinisil iyon nang mahigpit.
“Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan mo kay Bernard, Diana,” patuloy ni Zandro. “Pero nagpapasalamat ako sa presensiya mo alang-alang sa kapatid ko. Kung masasabi mang pagbabago ang pagtutuon niya ng interes sa iyo ay nagagalak ako.”
“We... are friends, Zandro.” o h, dear! Didn’t she sound like a showbiz personality? Napaka- cliche na ng salitang iyon.
Nagkibit ng mga balikat si Zandro. Tumayo. “Muli akong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nangyari, Diana.” i nilahad nito ang kanang kamay. “Nice meeting you, Diana Montero.”
Tinanggap ni Diana ang pakikipagkamay at ngumiti. Nang mahagip ng mga mata niya na may nakatayo sa pintuan.
Si Bernard.
Lumingon din si Zandro. Si Diana ay halos pigilin ang paghinga. Still in his office suit, light blue long sleeves and necktie. Ang coat ay nakasabit sa mga balikat. Sa mukha ng binata’y nakabakas ang kapaguran. Marahil sa mahabang meeting at biyahe pauwi rito sa Paso de Blas.
And how she missed this wretched man!
Dumaan lang sa mukha niya ang mga mata ni Bernard at dumiretso kay Zandro. “Hindi ko alam na narito ka,” walang emosyong wika nito.
“Inihingi ko ng paumanhin ang mga nangyari kay Diana, Bernard. At narito ka na rin lang ay tanggapin mo na rin ang paghingi ko ng paumanhin sa mga ginawa ni King. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ko sila dinala dito noong una’y...”
“Hindi mo ginusto ang nangyari,” agap ni Bernard. Wala pa ring nagbago sa tono. “Isa pa’y natitiyak kong hindi ka darating ng Paso de Blas kung hindi dahil sa pamimilit ni Clarita. Mas ginusto mong magkaroon ng asosasyon sa mga Tiyo Rafael...” k ung anuman ang ipinahihiwatig ng tinig nito’y hindi maunawaan ni Diana.
Maliban sa bahagyang pagkibit ng mga balikat ay hindi nagsalita na si Zandro. Nagpatuloy si Bernard. Bahagyang lumambot ang mukha.
“Losiento,” nakapaloob sa simpleng paghingi ng paumanhin ang maraming kahulugan.
Itinaas ni Zandro ang kanang kamay at mahigpit na ibinaba sa balikat ng nakababatang kapatid.
“Naihingi ko na ng paumanhin ang mga ginawa nina King at Mama. Gusto kong ihingi ng paumanhin ang iniisip kong gawin noong nagtungo ako sa opisina mo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Iniisip mong gawin?”
“Dahil muntik ka nang tamaan ng kamao ko noong nasa opisina mo ako at pagbintangang siyang pumatay kay Jewel. You’re a breath away from being mauled.”
“Tinitiyak ko sa iyo, Zandro, hindi mo ako kaya. Lumaki ako sa piling ng mga baka at toro. I have broken countless horses.”
Malakas na tawa ang isinagot ni Zandro. “Bernard Fortalejo, wait till you hear what I have been through all my life at saka mo sabihin iyan.”
“Zandro Fortalejo, hinahamon kita sa isang one-on-one fight at patunayan mo sa akin ang sinasabi mo,” nakatawa na ring sagot ni Bernard.
“Tama. Ako ang referee.” si Nathaniel mula sa likuran ni Bernard. Nagtawanan ang lahat pero si Bernard ay sa mukha ni Diana nakatingin with black penetrating eyes.
“Bago magkalimutan, ipinaabot ng Mama ang imbitasyon sa kanyang mga pamangkin na doon maghapunan sa bahay.” s inulyapan nito si Diana. “With you as special guest, Diana.”
“Siyanga pala, Nathaniel,” baling ni Zandro kay Nathaniel. “May gusto akong ipakipag-usap sa iyo.”
“Sure. Tara sa opisina. O, maiwan na muna kayong dalawa.”
Isinara ni Bernard ang pinto pagkalabas ng dalawang lalaki. Nawala ang ngiting hinarap si Diana. His dark eyes penetrating.
“Two in a row, Diana,” wika nito sa pormal na tinig. “Itinawag sa akin ni Nathaniel ang ginawa ni Clarita. I was in the middle of an important meeting at kailangan kong umuwi dito. Mukhang hindi ako matatalikod nang hindi ka mabibingit sa kapahamakan. Why I’m saddled with women who were disaster areas, I don’t know,” he added dryly.
Nagkibit siya ng mga balikat. “You shouldn’t have bothered. Dumating sa oras si Zandro.”
“In other words, you are a Fortalejo dependent,” matabang nitong sinabi.
“Yes.” m ay bahagyang iritasyon sa tinig niya dahil sa tono ni Bernard. “Napapaligiran ako ng mga lalaking ang tingin sa sarili’y they’re god’s gift to women.”
Natawa roon si Bernard. “Now where did I hear that before?” Pagkatapos bumalik sa pagiging pormal ang mukha. Hinawakan sa baba ang dalaga. “Responsibilidad kita, Diana, dahil dinala kita rito. Mag-ayos ka at karaniwan na ay semi-formal ang suot `pag nag-anyaya ang Ate Margarita ng dinner. Ipapanhik dito ng hotel boy ang mga pinamili ko. Bumaba ka pagkabihis mo. Sa lobby na kita hihintayin.
“Ano’ng pinamili mo?” nagsasalubong ang mga kilay na tanong ng dalaga.
“Clothing.”
Naningkit ang mga mata niya. “Hindi mo kailangang ibili ako ng mga gamit!”
Bored na tumingin sa kisame si Bernard. “Napapagod ako, Diana. Please don’t let us argue. Hindi sapat ang supply ng mga damit sa shop sa ibaba bukod pa sa mga malalaki ang sizes ng mga iyon dahil karaniwan nang foreigners ang mga nagsa-shop doon. And you’re small.” s andaling hinagod siya nito ng tingin.
“And of course, you have chosen well the right size for me?” sarkastikong sabi niya.
“I have measured your body already, `di ba? Every delicate inch,” nakangiting sagot ni Bernard.
Bago pa may nasabi si Diana ay nasa tapat na ng pinto ang isang hotel employee. May bitbit na dalawang malalaking plastic bag na may logo ng Rustan’s.
“Hihintayin kita sa ibaba,” ani Bernard matapos ilagay sa sofa ang dalawang plastic bags. Pagkatapos ay tuluyang lumabas.

Amore (Kristine Series 6)
10 Chapters
10
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101