Ymar Stroam (Possessive Series 7) - Chapter #2 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

MAGANDA ang gising ni Czarina nang umagang iyon. Iyon ang pangatlong araw na gigising siya sa bago niyang bahay kaya dapat masaya palagi. Hindi niya hinayaang may makapasok na kung ano-ano sa kanyang isip. She filled her mind with happy thoughts. Pagkatapos niyang maligo, agad siyang bumaba sa kusina para magluto.

She cooked herself pancake, bacon and egg while humming to herself.

Mabilis niyang naubos ang agahan. At dahil maaga pa para pumunta sa clinic, kumuha siya ng saging na nasa island counter saka binalatan iyon. Akmang kakagat na siya sa prutas nang tumuon ang kanyang tingin sa malapad na bukas na bintana na nakaharap sa malapad na bintana sa kanyang kusina. At mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang lalaking nagluluto ng agahan habang nakahubad-baro.

She could clearly see how his muscles flexed every time he moved. She could perfectly see his abs and was making her throat dry. And not to mention his v -line.

Why did his body look familiar?

Napalunok si Czarina saka wala sa sariling napatitig sa katawan ng lalaki. Ilang minuto niyang pinagmasdan ang katawan ng kanyang kapitbahay habang nakasubo sa bibig niya ang binalatang saging.

He was really a sight to behold. Hot and sexy. Damn.

And then slowly, her eyes moved up to his face. Pinagdarasal niyang sana, guwapo ang lalaki. Sayang naman kasi ang maganda nitong katawan. Gusto niyang guwapo ang kanyang kapitbahay para naman may maganda siyang makikita sa umaga.

Her eyes, then, settled on a very familiar handsome face. So familiar that her cheeks started to heat up and her heart started beating so fast.

Umawang ang kanyang mga labi sa gulat, nanlaki ang mga mata niya at parang nablangko ang kanyang isip. Mayamaya ay napaubo siya at bahagyang nabulunan ng saging na nakasubo pa rin sa kanyang bibig.

Ang guwapong mukhang iyon! Hindi siya puwedeng magkamali. That was him! That was the guy she kissed last night! The same guy who stripped naked in front of her and kissed her!

Tumibok nang mabilis ang puso niya.

Czarina was about to run and hide but it was already too late. He already saw her!

At habang nakatitig siya sa lalaki, na-realize niyang totoo nga ang sinabi ng lalaki kagabi bago ito umalis. Magkapitbahay nga sila.

Parang masusunog ang pisngi niya dahil sa init niyon. Oh, dear… ano ang gagawin niya ngayon?

Nagmamadali siyang umalis sa harap ng bintana saka sapo-sapo ang dibdib na nagpunta sa kanyang kuwarto.

“My God…” Humugot siya ng malalim na hininga. “Ang lalaking hinalikan ko at ang lalaking naghubad sa harap ko kagabi ay kapitbahay ko talaga? Walang biro?”

Bumuga siya ng marahas na hininga. Ano’ng gagawin ko? Magpapanggap na parang walang nangyari? Would that work?

Marahas na napailing si Czarina saka wala sa sariling hinubad ang damit niya para magbihis. Pambahay pa rin ang suot niyang damit at papasok na siya sa clinic. Gusto niyang mawala sa isip ang guwapong kapitbahay.

Pang-ibaba na sana ang huhubarin niya nang mapatingin si Czarina sa malapad na glass window ng kanyang kuwarto. Nakabukas iyon dahil pinatay niya ang aircon at gusto niyang sariwang hangin ang malanghap.

Natigilan siya nang makita ang kapitbahay niyang walang imik na nakamasid lang sa kanya mula sa terrace ng bahay nito na nakaharap sa kanyang kuwarto.

Mabilis na pinagkrus niya ang mga braso sa kanyang dibdib na natatakpan ng bra saka pinukol ng masamang tingin ang lalaki. “Binobosohan mo ba ako?” mataray niyang tanong.

Nagsalubong naman ang mga kilay ng lalaki, malayong-malayo sa ngiti nito kagabi nang maghubad ito sa kanyang harap. “Bakit naman kita bobosohan? For your information, narito ako sa paborito kong tambayan sa loob ng pamamahay ko. Hindi kita binobosohan dahil hindi ako gano’ng tao. You were the one who just stripped off your clothes like no one was looking.”

Tumaas ang isang kilay niya. Yep. Very different from the guy last night. Iba ito sa lalaking hinalikan niya at naghubad sa kanyang harap. Hindi ito ang lalaking nang-aakit ang ngiti kagabi… ibang lalaki ang nasa harap niya ngayon.

Huminga nang malalim si Czarina saka ito binigyan ng pekeng matamis na ngiti. “I’m proud of my body.”

Tumaas ang isang kilay nito. “You are? Strip off naked then,” nanghahamon nitong sabi.

Napaawang ang kanyang mga labi. “A-ano?”

Tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki saka itiniklop ang librong hawak. “I am one of the highest paid chemists in Asia. May bayad ang lahat ng salita na lalabas sa bibig ko.” Tumayo ito mula sa kinatatayuan at deretsong tumingin sa kanya. “Talking to you like this costs thousands and we’re talking nonsense so I won’t charge you. Para sa `yo, libre na lang.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya ng lalaki at pumasok sa loob ng bahay nito.

Napatanga si Czarina at napakurap-kurap. Libre para sa kanya? Tumaas ang dugo niya.

“Are you insulting me financially?” she scoffed. Wala na ang lalaki sa harap niya pero malakas pa rin ang kanyang boses habang nagtatanong. “How dare you! I’m a doctor, you…” Nagtagis ang kanyang mga bagang. “…handsome… blue-gray eyed… asshole!”

Bumuga siya ng marahas na hangin saka inis na isasara na sana ang bintana nang bumalik sa balkonahe ang lalaki. May dala itong dalawang saging.

“Catch,” sabi nito at inihagis sa kanya ang dalawang saging.

Mabilis namang nasalo ni Czarina ang inihagis nito at napatitig sa mga saging na nasa kanyang mga kamay.

Naguguluhang napatingin siya sa lalaki na papasok na naman sa loob ng bahay nito. “Ano’ng gagawin ko rito?”

He shrugged. “Kainin mo, malamang. Alangan namang ipagtirik mo `yan ng kandila.” Mayamaya ay napatigil ito sa paglalakad saka bahagyang bumaling sa kanya. “At huwag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil sa nangyari kagabi. It was just a dare. You’re not my type.” Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong umalis.

Nanliit ang mga mata ni Czarina sa iritasyon at napaawang ang kanyang mga labi. Ang pesteng lalaking iyon! Sino ang may sabing nag-iisip siya ng iba dahil sa nangyari kagabi?

It was no big deal. She just saw his big and long manhood. No big deal at all.

Nagtatagis ang mga bagang na isinara niya ang bintana saka nagmamadaling nagbihis. Medyo marami-rami rin ang appointment niya ngayong araw kaya naman dapat maaga siyang pumunta sa kanyang clinic.

IRITADO pa rin si Czarina sa kapitbahay niya hanggang sa makarating siya sa kanyang clinic. Bakit ba ito pa ang naging kapitbahay niya? Oo nga at napakaguwapo ng lalaki pero nakakaasar naman ang ugali. He was so different from the man she kissed in the club and from the man who stripped off naked in front of her with a seductive smile on his face.

Bumuga siya ng marahas na hangin saka binuksan ang clinic. Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo ay may nagdatingan agad na mga pasyente.

She was busy the whole day. Ni hindi nga niya namalayan ang paglipas ng oras. Nang tumingin siya sa wall clock, mag-aalas-singko na ng hapon.

Nag-inat siya ng mga braso, saka nagpaalam kay Shane na mauuna na siyang umuwi. Si Shane ang assistant niya sa clinic. Mapagkakatiwalaan niya ang babae dahil ilang taon na rin itong nagtatrabaho para sa kanya.

“Sige, Doc. Ingat kayo sa pag-uwi.”

Tumango si Czarina saka lumabas ng clinic at sumakay sa kanyang kotse. Akmang bubuhayin niya ang makina ng sasakyan nang tumunog ang alarm ng kanyang cell phone. Inilabas niya ang gadget mula sa bulsa ng doctor’s robe na suot na hindi pa pala nahuhubad saka tiningnan kung bakit iyon nag-a-alarm.

Grocery shopping.

“Oh,” mahina niyang sabi saka inilagay sa dashboard ang cell phone. “Muntik ko nang makalimutan.”

Naiiling na binuhay ni Czarina ang makina ng kotse saka nagmaneho papunta sa direksiyon ng bahay niya habang palinga-linga sa dinaraanan, umaasang may makikita siyang grocery store na malapit doon.

And God answered her prayer! Tatlong kanto mula sa bahay niya ay nakakita siya ng isang grocery store. Agad niyang ipinark ang sasakyan sa parking lot ng grocery saka malalaki ang hakbang na pumasok sa loob. Kumuha siya ng push cart at itinulak iyon papunta sa canned goods section.

Dalawang klase pa lang ng canned goods ang nailalagay niya sa cart nang may magsalita sa kanyang likuran.

“Look who’s here,” sabi ng maarte at matinis na boses.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka umikot ang mga mata. Ayaw niyang masira ang kanyang araw kaya naman itinulak niya paalis ang pushcart. Pero talagang nananadya ang babae dahil humarang ito sa kanyang daraanan.

You’re a civilized person, Czarina, pagkausap niya sa sarili. Kahit gusto mo siyang sagasaan, hindi puwede kasi sibilisado kang tao.

Huminga siya nang malalim saka tumingin kay Lyka at walang emosyong nagtanong. “May kailangan ka?”

Parang nangungutya ang ngiti nito sa kanya. “Malungkot ba’ng mag-grocery nang mag-isa?”

Pasimpleng nagtagis ang kanyang mga bagang. Talagang nag-uumpisa ito ng gulo. “Lyka, puwede ba? Nanahimik ako kaya tigilan mo na ako. Do you think talking to me will help your relationship?”

Lyka sneered at her. “Ano ba ang pakialam mo, ha?” Malakas ang boses nito kaya napapabaling sa kanila ang mga dumaraan. “Eh, sa totoo naman ang sinasabi ko, ah. Hindi mo man ipakita o aminin, alam kong apektado ka pa rin sa amin ni Roy.”

Calm down, Czarina. “Me? Yeah, right? Baka ikaw ang apektado. Bakit, Lyka?” Nang-uuyam ang nakaguhit na matamis na ngiti sa kanyang mga labi. “Minumulto ka ba ng relasyon namin noon ni Roy na sinira mo?” Ngumisi siya. “Well, you should be. I mean, look at you and look at me. Malaking-malaki ang pinagkaiba nating dalawa. I’m a doctor and you’re a bum.”

Nanlisik ang mga mata ni Lyka. “Kung gano’n naman pala kataas ang pagkatao mo, eh, bakit pinagpalit ka pa rin niya sa isang katulad ko?”

Naumid ang dila ni Czarina at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sinampal siya ng katotohanan na kahit ganoon ang katayuan niya sa buhay, pinagpalit pa rin siya at iniwan para sa isang babaeng wala yatang alam kundi ang ibuka ang mga hita.

Ngumisi si Lyka nang hindi siya makapagsalita. “See? Walang gamit `yang pagiging doktor mo pagdating sa isang relasyon. Hindi mo ba naisip na baka may mali sa `yo kaya ka pinagpalit?”

Czarina was about to retaliate when a deep baritone voice spoke behind her back.

“What’s taking you so long, baby?”

Natigilan siya saka napabaling sa nagsalita na ngayon ay nakaakbay na sa kanya. “Y-you…”

Her smiling neighbor was back again. “Kanina pa kita hinihintay doon sa fruit section. Sabi mo doon kita hintayin dahil bibili ka ng saging.”

Hindi pa rin niya maalis ang gulat na titig sa lalaki. “Saging?”

“Hmm-hmm.” Bumaba ang braso nitong nakaakbay papunta sa baywang niya. “Pinadala mo pa nga ako ng sarili kung pushcart para dito ilagay `yong prutas na gusto mong bilhin.”

Tumaas ang isang kilay ni Czarina. Hindi niya maalis ang titig sa nakangiti nitong mga labi.

Was he pretending?

“Ahm…” Tumikhim siya saka ibinaba ang tingin sa laman ng pushcart nito. “…bakit may mga shave ang cart mo? `Di ba, sabi ko prutas ang ilagay diyan?” Nakataas ang kilay na binalingan niya ang katabi. You like pretending, huh. “Ibalik mo ang mga `yan sa pinagkunan mo. Now.”

Hindi nagbago ang ngiti sa mga labi ng lalaki saka bahagyang inilapit ang mga labi sa kanyang tainga. “Don’t talk to me like that, baby. I might kiss you right here and now.”

Natigilan si Czarina saka mahinang natawa nang makitang nakamasid sa kanila si Lyka habang may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito.

“Baby…” pasimple niyang kinurot sa tagiliran ang lalaki. “Makinig ka na lang. At sino’ng tinakot mo na hahalikan?” Tinukso niya ang lalaki, nagpapanggap lang naman silang dalawa. “Sino’ng may sabing hindi ako tutugon?”

At last! His fake smile faltered. “Don’t tease me like that, baby, I might take you home and fuck you instead of kissing you.” Kinindatan siya ng lalaki saka humarap kay Lyka. “Next time you insult someone, make sure that your intellectual capacity is much higher than theirs. I just hate it when dumb people insult doctors ‘cause I’m a doctor myself. And the next time you insult my girlfriend , you’ll pay for it.” Pagkasabi niyon ay humigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang baywang saka siya iginiya palayo kay Lyka.

Nang nasa fruit section na sila, pareho silang tumigil sa paglalakad pero ang braso ng lalaki ay nasa baywang pa rin niya. She wanted to push his arm away, but the feeling of security washed over her as he held her waist.

“Gusto mo ng saging?” wala sa sariling tanong ni Czarina habang nakatitig sa saging na nasa harap nila.

Ang akala ni Czarina ay aalis na ito at iiwan siya pero ganoon na lang ang kanyang pagtataka nang kumuha ito ng saging saka inilagay sa cart nito.

“She’s still looking,” sabi ng lalaki na ang tinutukoy ay si Lyka saka nakangiting bumaling sa kanya. “Ayaw mo naman sigurong mapahiya ulit?”

Inirapan ni Czarina ang lalaki saka naglagay pa ng maraming saging sa pushcart nito. “Bayaran mo `yan lahat.”

“You owe me.”

Pasimple niyang pinukol ng masamang tingin ang lalaki. “I don’t know you so why would I owe you?”

Hinawakan nito ang kanyang kamay na parang holding hands ang dating saka pinisil iyon. “Ymar Stroam, Chemist.”

Oh. So that’s why he holds my hand. “Czarina Salem, Ob-gyn doctor.”

Tuluyan nitong pinagsalikop ang mga kamay nila. “She’s still looking.”

Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ang lalaki na pagsalikupin ang kamay nilang dalawa at maging sunod-sunuran dito. Ayaw niyang mapahiya ulit lalong-lalo na kung ang magpapahiya sa kanya ay si Lyka.

So if pretending was the only way not to be embarrassed by Lyka again, then so be it. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings